Sobrang lapit ng mga mukha nila kaya pagkatapos magsalita ni Yi Jinli ay tuluyan niya ng hinalikan si Ling Yiran. Kaya biglang namula ang mukha ni Ling Yiran. "Wag...." Tumigil si Yi Jinli at tinitigan si Ling Yiran ng diretso sa mga mata. "Kung ganun, sabihin mo sakin ate kung paano kayo nagkakilala." "May nagnakaw kasi ng bracelet niya at yung magnanakaw, nilagay sa bulsa ko. Desidido siyang mahanap ang bracelet niya, kaya nakilala ko siya." Natatarantang paliwanag ni Ling Yiran. "Ah... ganun ba... ilang beses na kayong nagkita?" 'Ilang beses?' Hindi naman niya binibilang kung ilang beses na silang nagkita ni Gu Lichen! Pero dahil papalapit ng papalapit sakanya si Yi Jinli, natataranta niyang sinabi. "Apat... apat na beses. Una, yung pinuntahan niya ako para sabihing ililibre niya ako ng dinner bilang pasasalamat, pangalawa nakasalubong ko lang siya, pangatlo, nakita ko siya sa ospital kung saan naka confine ang lola ko, at yung pinaka huli ay yung kanina... sa set...." S
"Hmm..." Sinubukan ni Ling Yiran na pumalag pero lumalaban si Yi Jinli. Hanggang sa aksidente nitong natamaan ang kaliwang kamay niya, kaya hindi niya napigilang mapasigaw sa sakit. "Aray!" Pero imbes na makinig ay lalo lang siyang hinalikan ni Yi Jinli. Halos hindi na siya makahinga sa halik nito. Medyo matagal din silang naghalikan, at dun lang din binitawan ni Yi Jinli ang kamay niya. Namanhid ang paa ni Ling Yiran kaya muntik na siyang matumba. Kaya ng makita ito ni Yi Jinli, maingat siyang binuhat nito. "Nasaktan ba kita, ate?" Pero imbes na sagutin ang tanong nito, nanlilisik ang mga mata ni Ling Yiran at naiinis na sinabi, "Bakit mo ginawa yun?" "Kasi ayokong marinig ang ate ko na nagsasabi ng mga bagay na hindi ko gusto." Nakangiting sagot ni Yi Jinli. "Kaya kapag narinig ko ulit yun sayo, humanda ka kasi hahalikan ulit kita." "..." Hindi na sumagot si Ling Yiran sa takot na baka nga seryosohin ni Yi Jinli ang sinabi nito. Tinignan ni Yi Jinli ang kamay ni Lin
Siya ay nag-iimpake ng ilang mga damit. Para naman sa mga toiletries, sinabi naman na meron na nito sa Yi residences kaya di na niya kailangan magdala. Ayaw rin ni Yi Jinli na dalhin niya ang kanyang mga damit pero sinabi niya, “Sanay na ako sa mga ganitong damit. Komportable ang mga ito.” Wala na masabi si Yi Jinli at pinayagan na niyang dalhin nito ang kanyang mga damit. Pagkatapos niya mag-impake, dadalhin na sana ni Lin Yiran ang duffel bag niya pero kinuha kaagad ito ni Yi Jinli at sinabing, “Ako na bahala rito.” Lumabas si Yi Jinli sa paupahan at nakasunod sa kanya si Lin Yiran. Minsan, pakiramdam ni Ling Yiran ay hindi niya matantsa ito. Minsan ay mahinahon ito pero sa susunod ay parang kaya ka niyang dalhin sa impyerno sa kahit anong oras. Ngayong babalik siya sa Yi residence kasama siya, mukhang mas magiging magulo ang kanilang relasyon. Kailan kaya siya makakawala sa kanya? Kailangan pa ba niya maghintay hanggang sa mapagod ito sa kanya? Habang iniisip niya ang
Maamong tumingin si Uncle Kwan kay Ling Yiran. Makikita ang bahagyang pagkagulat sa titig nito. Si Ling Yiran ang unang bumati sa kanya. “Hello, Uncle Kwan.” “Miss Ling, kung may kailangan ka na kahit na ano, ipaalam mo lang sa akin.” Ngumiti si Uncle Kwan. “Pwede mo nalang akong tawaging Yiran,” sabi niya, hindi siya komportable sa tawag nito sa kanya. “Ikaw ay bisita ng Young Master, syempre, kailangan kita tawaging Miss Ling,” sabi ni Uncle kwan, mukha itong walang pagsisisi at magalang na sumagot. Hindi na ito ipinagpilitan si Ling Yiran dahil hindi naman siya titira dito ng matagal. “Uncle Kwan, maari bang ipakita mo sa kanya ang mga kwarto at papiliin mo siya,” utos ni Yi Jinli. “Bigyan mo nalang ako ng kahit anong kwarto,” kaagad sinabi ni Ling Yiran. “Tungkol dito...” Tumingin si Uncle Kwan kay Yi Jinli. “Doon nalang sa annex sa may third floor,” sabi ni Yi JInli. “Opo,” sagot ni Uncle Kwan. Medyo naguluhan si Ling Yiran. Ano ang annex? Pero, dinala siya n
Ito ang nasa isip ni Ling Yiran habang papunta sa bedside table, pero bigla siyang nagulat dahil nakita niya ang litrato na nakapatong sa lamesa. Tiningnan niya ito at nanlaki ang mata niya dahil hindi siya makapaniwala. Ito ay litrato niya! Ang problema pa rito ay wala siyang maalala na nagpakuha siya ng ganitong litrato, at kung titingnan ang kanyang mga mata sa litrato hindi ito nakaharap sa camera. Sino ang kumuha ng litratong ito? Bakit nandito ito? Kaninong kwarto ito… Click. May nagbukas ng pinto sa kwarto at napatingala si Ling Yiran. Ito ay si Yi Jinli. “Mukhang alam mo na magkakonekta ang dalawang kwarto kahit hindi ko pa sinasabi sayo.” Nakangting naglakad papalapit si Yi Jinli. Nakatingin ito sa litratong hawak ni Ling Yiran sa kanyang kamay. “Ano ang tingin mo sa litratong ito?” “Paano ako nagkaroon ng litrato dito?” tanong niya. “Ako ang kumuha niyan, syempre,” sabi niya, kinuha niya ang litrato sa kamay nito at inilagay ito ulit sa lamesa. “Masyado kitan
Siya ay dapat matakot sa kanya, tama? Madali lang para Yi Jinli ang saktan siya at pahiyain. Kaya rin nitong dalhin siya sa impyerno gamit ang mga salita nito.Pero, bakit nawala siya sa sarili noong sobrang lapit nito sa kanya at hinihingahan nito ang kanyang tenga?Simple lang naman dahilan, ang lalaking ito ay labis para sa kanya. Kahit na tinatawag siya nitong ‘ate’, sa huli, siya ay isang pawn lang sa kamay nito. Siya ay isang chess piece para magpasaya rito sa sobrang oras nito.Si Yi Jinli, sa kabilang banda, ay yumuko at kinuha ang litrato sa lamesa. Tiningnan niya ang taong nasa litrato. Malayo ang tingin ng mga mata nito habang ang dulo ng mga labi nito ay nakataas at maamong nakangiti.May mararamdaman kang kapayapaan at elegance sa magandang mukha nito.Para bang may nakuha siyang bagay na kailanman ay hindi niya naisip dati.“Ate,” mahinang sabi ni Yi Jinli habang hinahawakan ang mga labi ni Ling Yiran sa litrato. Pagkatapos, para bang hindi niya mapigilan ang kanyan
Ilang minuto palang ang nakakalipas pagsapit ng ala singko. Walang pamilya ang kakain nang ganito kaaga.“Simula ngayon, nakahanda na ang agahan depende sa oras ng trabaho mo. Kailangan kumain muna si ate ng agahan bago pumasok sa trabaho,” sabi ni Yi Jinli. Dinala niya si Ling Yiran sa lamesa at pinaupo.Sumunod naman si Ling Yiran at tiningnan ang pagkain sa lamesa. Maraming magkakaibang putahe ng Chinese at Western. Sa huli, uminom lang siya ng isang baso ng gatas, kumain ng lugaw at kaunting mga pastries.Masyadong magarbo ang agahan na ito kung ikukumpara mo sa dalawang dolyar na siopao na lagi niyang binibili sa umaga.Narealize niya rin na talagang naninirahan siya ngayon Yi residence kaysa sa maliit niyang inuupahan.“Sasabihan ko ang aking driver na ipagmaneho ka sa Sanitation Service Center mamaya,” sabi ni Yi Jinli.“Ayos lang. Sasakay lang naman ako ng bus,” mabilis na sabi ni Ling Yiran.“Malayo ito masyado mula sa Sanitation Service Center, Kung sasakay ka ng bus,
“Wala pang nakakahanap ng brand ng suot niyang scarf at gloves. Sabi ng iba ay handmade customized ang mga ito mula sa isang malaking brand.”Pinaguusapan ito ng ibang katrabaho ni Ling Yiran, at ang tanging magagawa niya lang ay pakinggan ang mga ito. Hindi niya alam ang mararamdaman ng mga ito kapag nalaman nilang siya ang gumawa ng mga ito.Pero, pagkatapos makita ni Xu ang scarf at glove ni Yi Jinli, hindi niya mapigilang sabihin na, “Kamukha ng ginagawa ni Ling Yiran dati yung gloves.”Lagi kasi pinapanuod ni Xu si Ling Yiran noong ginagantsilyo nito yung gloves. Nagpatulong pa nga ito sa kanya nung di na ito makausad. Sigurado si Xu sa naalala niya.Pero, pagasabi niya nito, pinagtawanan siya.“Ate Xu, marunong nga si Lin Yiran maggantsilyo ng gloves, pero mapapasuot niya ba ito kay Yi Jinli?”“Ang sinusuot lang ni Yi Jinli ay mga ginantsilyo ng mga master designers. Paanong magsusuot ito ng isang galing sa sanitarian service worker?”“Hoy, may sinasabing biro si Xu!”Pag