Ibig sabihin, ang lalaking nasa likod ni Ling Luoyin ay si.... Gu Lichen? "Sige. Ibibigay ko nalang sayo ang reseta at yung hindi ko makukuhang sahod, pakibayaran nalang." Pagkatapos niyang magsalita, tumingin si Ling Yiran kay Gu Lichen, "Maraming Salamat po, Mr. Gu. Mauna na po ako." At naglakad na nga si Ling Yiran palabas ng tent kaya sina Gu Lichen at Ling Luoyin nalang ang naiwan sa loob. Walang emosyong nakatitig si Gu Lichen kay Ling Luoyin.... Sobrang nakakatakot... Pero pinilit ni Ling Luoyin na kumalma at ngumiti. "Lichen, bakit naman ganyan ka makatingin sakin? Oo nga pala... kayo ng ate ko.... magkakilala ba kayo?" "Bakit mo siya pinagmukhang tanga?" Tanong ni Gu Lichen, na halatang walang balak na sagutin ang tanong ni Ling Luoyin. "A....hindi ko maintindihan... Yun ba ang sinabi sayo ng ate ko?" "Sinabi? Yan ang tingin mo? Nakatira yung ate mo sa napaka liit na apartment, nagtatrabaho bilang sanitation worker, at ngayon gusto niya lang maging extra para kum
Hindi makapaniwala si Ling Luoyin sa mga sinabi ni Gu Lichen. "Alam mo kung bakit hindi ako nagsasalita noon? Kasi wala naman talaga akong pakielam. Ang akin lang, ginagawa mo ang lahat para magpasikat sakin kaya binabayaran lang kita. Sa puntong 'to, sobrang pula na ng mukha niya na para bang sinampal siya ng paulit-ulit. Sobrang... nasaktan at napahiya siya.... "Pero alam mo kung ano ang ayaw ko sa lahat? Yung mga taong nasobrahan na sa pasikat at ang taas taas na ng tingin sa sarili." Galit na galit na hinila ni Gu Lichen ang dalawang milyong yuan na relo na nakasuot sa kamay ni Ling Luoyin at nilaro-laro ito. "Oo, pwede kitang gawing super star, pero hindi ibig sabihin 'nun ay pwede mo ng gawin ang lahat ng gusto mong gawin. Tandaan mo 'to. Kung gaano kataas kita kayang dalhin, ganun din kataas din kita kayang itulak." Pagkapatpos niyang magsalita, biglang binitawan ni Lichen ang relo kaya nagkanda basag-basag ito sa sahig. Hindi makagalaw si Ling Luoyin sa sobrang takot.
Kahit na puro super star ang mga dadalo sa party, hindi naman masasabing walang laban si Yi Jinli dahil sa totoo lang a siya pa nga ang pinaka angat sa lahat. Kaya nang makita ng mga reporters kung gaano siya kagwapo, manghang mangha ang mga ito. Sa sobrang gwapo niya, hindi lang mga babae ang mahuhumaling, dahil pati mga lalaki ay napapanganga. Pero kapag nagtagpo ang mata nito sa mga mata nila, hindi nila maintindihan pero nanginginig sila sa takot. Naka all-black siya mula sa kayang coat hanggang sakanyang sapatos, na lalo pang nagpaangat ng kagwapuhan niya. Hindi rin siya masyadong maaninag ng mga tao dahil napapalibutan siya ng sobrang daming body guards. Kilala si Yi Jinli bilang magaling magdala ng damit, at kahit sinong reporter ay yun ang sasabihin. Pero, bukod tangi ngayong araw.... Bagay naman ang lahat, pero.... ang suot nitong beige na scarf, na pinaresan pa ng gloves nito, ay hindi bagay sa damit nito. "Bakit parang hindi naman bagay sa style ni Yi Jinli yan
Inikutan lang ng tingin ni Yi Jinli si Ye Chongwei, tapos narinig ni Ye Chongwei ang mga babae sa paligid nila na kinikilig na nagkkwentuhan, "Oh my Gid, ang gwapo niya kahit noong umikot yung mata niya!" "..." Para tuloy biglang gustong sumuka ng dugo ni Ye Chongwei. Umikot lang ang mata ni Yi Jinli, nababaliw na kayo? Lahat nalang ba ng galaw niya?!' Nang tanggalin ni Yi Jinli ang gloves na suot nito, may napansin si Ye Chongwei kaya bigla niyang kinuha ang gloves sa kamay ni Yi Jinli. "Mukhang tahi ng kamay. Ang ganda ng pagkakatahi, bro ah. Pero bakit mukha ng luma yung tela. Naloko ka ata nung pinagbilhan mo ah!" "Sino bang ngsabing binili ko yan?" Halos malaglag ang panga ni Ye Chongwei sa sobrang gulat. Kung hindi binili.... "Ibig sabihin, may nagtahi nito para sayo?" Hindi sumagot si Yi Jinli, pero base sa kilos niya ay hindi siya tumanggi. Mahihimatay ata si Ye Chongwei... 'So, may nagbigay nga talaga sakanya? Sa pagkakakilala ko kay Jinli, hindi siya nagsusuot n
Biro ni Ye Chongwei para lang maputol ang tensyon. Para sakanilang magkakaibigan, biruan nalang ang tungkol sa pagpapalit palit ni Gu Lichen ng girlfriend dahil totoo naman at pinatunayan naman nito. Nakakatawa lang kasi kung totoo mang nakipaghiwalay na ang kaibigan nila sa starlet nitong girlfriend, nabreak na nito ang record ng pinaka maikling naging girlfriend sa lahat. "Oo." Sagot ni Gu Lichen habang nakatitig ulit sa mga mata ni Yi Jinli. Hindi alam ni Ye Chongwei kung anong nangyayari pero parang balak na atang kainin ni Yi Jinli si Gu Lichen. "Huy, Jinli, ano bang problema mo? Bakit sobrang seryoso mo naman?" Tanong ni Ye Chongwei, na walang kaalam alam kung bakit nagkakainitan ang dalawa. Pero parang walang narinig si Yi Jinli at lalo niya lang titigan ng masama si Gu Lichen, at ngumisi. "Yung tinutukoy ba nilang extra ay kapatid ng girlfriend mo?" "Oo, grabeng pagkakataon nga naman no?" Sagot ni Gu Lichen. Lalo pang ngumisi si Yi Jinli, "Oo, pagkakataon nga na
Habang papalapit ng papalapit ang lalaki, palinaw rin ng palinaw ang mukha nito sa camera. Nang makita ni Ling Yiran kung sino ang nahagip ng camera, bigla niyang nailuwa ang kinakain niyang kanin. Si.... Yi Jinli! Ang Yi Jinli na nakita niya sa camera ay nakasuot ng itim na suit at bagay na bagay rito ang damit nito, pero bukod tanging nangingibabaw ay ang scarf at gloves nito na sobrang layo ng kulay sa damit nito. Masasabi niyang.... hindi talaga bagay sa suit nito. Samantalang sa livestream naman ng influencer, nagdagsaan ang mga comments ng mga netizen. "Sino yang lalaking yan?" "Parang hindi naman siya artista pero sobrang gwapo niya. Diyos ko! Inlove na ata ako sakanya!" "Diyos ko, hindi ba talaga siya artista? Magtatayo talaga ako ng fans club niya kapag nag debut siya!" "Bilisan mo na at interviewhin mo siya! Gusto namin siyang makilala!" Pagpilit ng mga netizen. Kaya dali daling tumakbo ang influencer papunta sa lalaki. "Tara, interviewhin natin siya. Sana
May iba pa na nagsasbaing baka daw may nakaaway si Yi Jinli sa loob o di naman kaya baka daw ay dinumog ito ng mga babae kaya hindi na nito natiis at umalis kaagad. Sa madaling salita, napaka raming sabi-sabi. Habang binabasa ni Ling Yiran ang mga comment, hindi niya rin napigilang mapaisip kung ano ba talagang nangyari kay Yi Jinli at bigla nalang itong umalis ng venue. Hanggang sa.... may kumatok sa pintuan niya. Dali-dali siyang tumayo at laking gulat niya kung sino ang nakita niya nang buksan niya ang pinto. Sigulo dahil sobrang nagulat siya, bigla nalang siyang naubo kaya pulang pula ang buong mukha niya. Sino ba namang kasing magaakala na ang kaninang pinagkakaguluhan sa social media ay biglang magpapakita sakanya ngayon. Kumunot ang noo ni Yi Jinli at hinimas ang likod ni Ling Yiran para makahinga ito ulit ng maayos. "Bakit? Bakit ka inuubo? May sakit ka ba?" Umiling si Ling Yiran habang umuubo pa rin. Wala siyang sakit, nagulat lang talaga siya sa biglaang pagpapa
Kanina, iniisip niya palang na binully si Ling Yiran sa set kanina, sobrang nagagalit siya. Pero ngayon na nakita niya na kung ano talagang nangyari, lalo siyang nagalit! Muli niyang kinapa ang pasa sa noo ni Ling Yiran. "Aray." Hindi mapigilan ni Ling Yiran na uminda. "Masakit?" Naiinis na tanong ni Yi Jinli. 'Malamang, hindi naman ako bato at bakit mo kasi hinahawakan?!' Tinignan ni Ling Yiran ng masama si Yi Jinli. Samantalang si Yi Jinli naman ay natawa pero halatang galit na galit. "Ang galing, Ang galing galing mo Ling YIran! Sinabi ko ng sumama ka nalang sakin pero ayaw mo. Akala ko ba may dignidad ka? Anong nangyari ngayon? Masaya bang maging extra at paulit-ulit na lumuhod at gumapang sa harapan ng kapatid mo?" Napaatras si Ling Yiran at hindi nakasagot. Pero umabante rin si Yi Jinli. Kaya muli siyang umatras ng umtras hanggang sa makarating siya sa pader kaya wala na siyang pwedeng atrasan. Nilapit ni Yi Jinli ng sobra ang sarili niya kay Ling YIran, na