Sobrang nakakatawa lang.... Hindi na sumagot si Ling Yiran, at yumuko nalang siya para kunin ang gloves na tinahi niya sa drawer. "Ito na yung gloves na pinangako ko sayo." Mabusising tinignan at sinukat ni Yi Jinli ang gloves. "Ang ganda, Ate. Parang yung scarf din na tinahi mo. Ang sarap suotin." "Hindi mo kailangang suotin yan. Tatawanan ka lang ng mga tao kapag nakita nilang suot mo yan." Pagpapakatotoo ni Ling Yiran. Naisip niya lang na kung ipapares sa maganda nitong damit, magmumukha lang katatawanan ang scarf na ginawa niya. "Hindi ba bagay sakin?" Natatawang sagot ni Yi Jinli. "Ate, para sakin, wala akong pakielam kung anong sabihin ng iba sa damit ko, ang mahalaga sakin ay sa komportable ako at bagay sakin. Kagaya nitong scarf na 'to, pag sinabi kong bagay to sakin, bagay to sakin!" "Isa pa, ate ko kaya ang nagtahi nito. Kaya.... bagay to sa lahat ng damit na isusot ko!" Nang marinig yun ni Ling Yiran, biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Kung ibang tao siguro
Ang role na naibigay kay Ling Yiran ay isa sa mga katulong. Wala siyang ibang gagawin kundi ang tatayo at yuyuko sa kung saan siya gustong papwestuhin ng direktor. Marami silang mga katulong at sa script nila, hihintayin nila ang mga bida na dumaan, pagkatapos luluhod sila sa harap ng mga ito at magalang na sasabihin. 'Hinihiling po namin ang kaligayahan at kapayapaan ninyo, Master at Madam." At dahil luluhod sila, may dagdag silang bayad na 50 yuan kaya ang 80 yuan nila ay magiging 130 yuan. 'Luluhod lang ako, tapos okay na. Kahit naman siguro mga sikat na artista lumuluhod din diba? Isa pa, para sa isang taong mahirap na kagaya ko, hindi na malaking bagay ang pagluhod.' Malaki ang dressing room ng mga extra at lahat sila ay naghihintay na malagyan ng make up ng mga makeup artist. Mabilisan ang kilos ng mga makeup artist at kaya nilang tapusin ng lima hanggang anim na minuto bawat tao. Medyo natagalan bago sumagot si Ling Yiran. Nasa may bandang anit niya na ang peklat na ti
At bakit naman siya mahihiya? Legal naman ang ginagawa niya para kumita ng pera. "Kung gusto mo maging extra, bakit hindi mo sinabi sakin? Edi sana nabigyan ka nila ng role na medyo mas mahabang linya at hindi lang yun, mas malaki pa ang kikitain mo kumpara sa pagiging extra." Habang nagsasalita si Ling Luoyin ay hinihimas niya ang buhok ng ate niya, para ipakita nag mamahaling relo na suot niya. Natawa nalang si Ling Yiran sa ginagawa ni Ling Luoyin. "Basta ako, hindi ko ibebenta ang kapatid ko para lang magkaroon ng mas mahabang linya." "Ikaw..." Ang kaninang abot tengang ngiti ni Ling Luoyin ay biglang napalitan ng pagkairita dahil alam niya na inuungkat ni Ling Yiran ang ginawa niya noon dito nang minsan niya itong sinubukang ibenta sa assistant director. Pero may biglang pumasok sa isip niya kaya muli nanaman siyang nagtanong. "Kinakapos ka ba? Bakit kailangan mong maging extra? Wala bang nagbibigay sayo ng pera? Ganun ka na ba kahirap ngayon?" "Wala akong tungkuling sagut
Kapag naiisip ni Ling Luoyin si Gu Lichen, hindi niya mapigilang mag'alala na baka parating na ang kinatatakutan niyang araw, na magsawa ito sakanya, lalo na at wala pang nangyayari sakanila hanggang ngayon. Pero dibale... Ang mahalaga naman ay siya nag kinikilalang girlfriend ni Lichen ngayon. Para naman kay Ling Yiran, gusto niyang ipaintindi sa ate niya na bilog ang mundo. Noong nanghingi siya ng tulong dati, tinanggihan siya nito, at ngayon ipaparamdam niya rito kung ano ang pakiramdam ng higanti ng isang api. - Dalawang beses na nirehearse ng direktor ang mga extra bago sila isabak sa totoong scene. Habang nagrerehearse, hindi pa nakita ni Hao Yimeng si Ling Yiran dahil gumamit ito ng doubles. Samantalang si Ling Luoyin naman ay pinagpilitang siya talaga mismo at kahit rehearsal palang, sobrang pinanindihan niya na ang role niya. Si Ling Luoyin ang second female lead sa pelikulang ito. Ang role niya rito ay kabit siya ng bidang lalaki kaya maraming scene na magkasma
Alam niya na hindi naman siya sisingilin ni Lianyi, pero hindi niya naman masikmura na hindi siya nagbabayad sa dami na ng naitulong nito sakanya. Paulit-ulit na lumunod si Ling Yiran at gumapang papunta kay Ling Luoyin... Hanggang sa nagumpisa ng magalit ang iba pang mga extra dahil paulit-ulit nalang sila. May ilan pa ngang sumisigaw ng dagdag na bayad at dapat hindi sila pinagtitripan ng ganun. Nang makita ng direktor na naiinis na ang mga extra, tinawag na niya ang assistant direktor para kausapin si Ling Luoyin. Nakaramdam naman si Ling Luoyin na siya na ang pinaguusapan kaya nagpanggap nalang siya na kunwari nagiisip, "Eh ito? Sa tingin ko okay na. Ang ganda ng posture niya at tamang tama ang timing niya. Bakit kaya hindi mo idemo Miss para makita ng ibang extra kung ano ang dapat nilang gawin." Si Ling Yiran ang tinutukoy niya. "Pero yun ay kung gugustuhin ng extra na 'to na idemonstrate sa lahat. Kasi kung mangyayari yun, mas mapapagod siya kumpara sa iba."
Habang pinapanuod ang video ni Ling Yiran na nakaluhod, hindi napigilan ni Hao Yimeng na matawa. "May ibang tao gustong gusto magpakamatay." "Oo nga no? Pakiramdam ko pinagiinitan talaga ni Ling Luoyin yung babae kaya nangyari yan. Kaya nga natatakot ang lahat na kalabanin yang si Ling Luoyin eh..." Habang nagsasalita ang assistant, napansin niya na may nasabi niyang hindi dapat... Nang marealize ng assistant kung anu man yun, bigla siyang namutla at agad-agad na binawi ang sinabi nito. "Miss Hao, sorry po. Mali yung sinabi ko. Hindi naman po talaga nakakatakot yan si Ling Luoyin, sabihin nalang natin na masyadong mataas lang talaga ang tingin niya sa sarili niya dahil siya ang girlfriend ngayon ni Young Master Gu. Kapag nagsawa na sakanya si Young Master Gu, baka kahit fifth female lead hindi siya umabot! "Okay lang, hindi mo naman kailangang magpaliwanag." Kalmadong sagot ni Hao Yimeng. Mula noong pumasok si Ling Luoyin sa crew, hindi na bago ang mga balitang may nakakaaway i
Dali-dali namang sumunod ang assistant sa labas. Sobrang lamig ng panahon dahil kasagsagan pa rin ng winter kaya ang mga lalaking extra ay patong patong ang mga damit para hindi sila ginawin. Samantalang ang mga babae naman ay hindi pinayagang magpatanong ng damit dahil magmumukha silang mataba. Kaya siyempre, nanginginig na sa lamig ang mga babae, at habang wala hindi pa naguumpisa ang aktwal na filming, kumuha muna sila ng kanya-kanyang jacket para hindi sila ginawin. At tanging si Ling Yiran lang ang namumukod tangi na walang patong na damit. Paulit-ulit siyang lumuluhod at gumagapang, na parang hindi nararamdaman ang lamig. Para naman kay Ling Luoyin, dahil hindi pa naman naguumpisa rehearsal palang naman, hindi pa nito tinatanggal ang makapal nitong coat na kanina pa nito suot. "Ano ba yan, parang hindi naman nila nakita ng maayos. Okay lang ba na lumuhod ka ulit ng dahan-dahan para makita nila ng mas maayos." Sabi ni Ling Luoyin kay Ling Yiran, hindi pa man din ito n
Noong oras na yun, nagkagulo ang lahat at napatingin nalang kay Ling Luoyin. May ilan na sanay na sa galawan ni Gu Lichen ay alam na tapos na ang maliligayang araw Ling Luoyin... Mas interesado pa si Gu Lichen sa isang extra na katulong lang ang role! At maging si Hao Yimeng, na nakatayo sa hindi kalayuan at tuwang tuwa sa tuwang tuwa habang nanunuod kanina, ay nagulat din. 'Anong meron kay Gu Lichen at Ling Yiran?' 'Gusto rin ni Gu lichen si Ling Yiran?' 'P... prinotektahan niya ba si Ling Yiran?!' 'Eh paano si Yi Jinli? Alam niya bang may relasyon sina Gu Lichen at Ling Yiran?' "Diyos ko! Isang prinsipe at isang extra...." Hindi rin napigilan ng assistant niya na mapa react. "Mukhang minarkahan lang ni Ling Luoyin ang teritoryo niya. Alam niya siguro na may namamagitan sa dalawa kay sinadya niyang pahirapan yung isa?" Hula ng assistant. Samantalang si Hao Yimg naman ay napayuko nalang at sobrang lalim ng iniisip. Para naman kay Ling Luoyin, na hindi maintindihan ang