Habang pinapanuod ang video ni Ling Yiran na nakaluhod, hindi napigilan ni Hao Yimeng na matawa. "May ibang tao gustong gusto magpakamatay." "Oo nga no? Pakiramdam ko pinagiinitan talaga ni Ling Luoyin yung babae kaya nangyari yan. Kaya nga natatakot ang lahat na kalabanin yang si Ling Luoyin eh..." Habang nagsasalita ang assistant, napansin niya na may nasabi niyang hindi dapat... Nang marealize ng assistant kung anu man yun, bigla siyang namutla at agad-agad na binawi ang sinabi nito. "Miss Hao, sorry po. Mali yung sinabi ko. Hindi naman po talaga nakakatakot yan si Ling Luoyin, sabihin nalang natin na masyadong mataas lang talaga ang tingin niya sa sarili niya dahil siya ang girlfriend ngayon ni Young Master Gu. Kapag nagsawa na sakanya si Young Master Gu, baka kahit fifth female lead hindi siya umabot! "Okay lang, hindi mo naman kailangang magpaliwanag." Kalmadong sagot ni Hao Yimeng. Mula noong pumasok si Ling Luoyin sa crew, hindi na bago ang mga balitang may nakakaaway i
Dali-dali namang sumunod ang assistant sa labas. Sobrang lamig ng panahon dahil kasagsagan pa rin ng winter kaya ang mga lalaking extra ay patong patong ang mga damit para hindi sila ginawin. Samantalang ang mga babae naman ay hindi pinayagang magpatanong ng damit dahil magmumukha silang mataba. Kaya siyempre, nanginginig na sa lamig ang mga babae, at habang wala hindi pa naguumpisa ang aktwal na filming, kumuha muna sila ng kanya-kanyang jacket para hindi sila ginawin. At tanging si Ling Yiran lang ang namumukod tangi na walang patong na damit. Paulit-ulit siyang lumuluhod at gumagapang, na parang hindi nararamdaman ang lamig. Para naman kay Ling Luoyin, dahil hindi pa naman naguumpisa rehearsal palang naman, hindi pa nito tinatanggal ang makapal nitong coat na kanina pa nito suot. "Ano ba yan, parang hindi naman nila nakita ng maayos. Okay lang ba na lumuhod ka ulit ng dahan-dahan para makita nila ng mas maayos." Sabi ni Ling Luoyin kay Ling Yiran, hindi pa man din ito n
Noong oras na yun, nagkagulo ang lahat at napatingin nalang kay Ling Luoyin. May ilan na sanay na sa galawan ni Gu Lichen ay alam na tapos na ang maliligayang araw Ling Luoyin... Mas interesado pa si Gu Lichen sa isang extra na katulong lang ang role! At maging si Hao Yimeng, na nakatayo sa hindi kalayuan at tuwang tuwa sa tuwang tuwa habang nanunuod kanina, ay nagulat din. 'Anong meron kay Gu Lichen at Ling Yiran?' 'Gusto rin ni Gu lichen si Ling Yiran?' 'P... prinotektahan niya ba si Ling Yiran?!' 'Eh paano si Yi Jinli? Alam niya bang may relasyon sina Gu Lichen at Ling Yiran?' "Diyos ko! Isang prinsipe at isang extra...." Hindi rin napigilan ng assistant niya na mapa react. "Mukhang minarkahan lang ni Ling Luoyin ang teritoryo niya. Alam niya siguro na may namamagitan sa dalawa kay sinadya niyang pahirapan yung isa?" Hula ng assistant. Samantalang si Hao Yimg naman ay napayuko nalang at sobrang lalim ng iniisip. Para naman kay Ling Luoyin, na hindi maintindihan ang
Pagkapasok nila sa tent, dahan-dahang nilapag ni Gu Lichen si Ling Yiran sa sofa. Tinignan niya ang kaliwang kamay nito at nagaalalang sinabi, "Masakit ba?" "Medyo." Nakakunot ang noo ni Gu Lichen habang tinitignan ang kamay ni Ling Yiran na para bang nararamdaman niya rin ang sakit nito. Alam ni Gu Lichen na sobrang nasaktan si Ling Yiran dahil ngayon niya lang ito nakitang nakakunot ang noo, sobrang namumutla, at halos hindi makapagsalita ng maayos. Hindi niya alam kung bakit pero nasasaktan din siya para rito. Kitang kita niya kung paano ito paulit-ulit na lumuhod at gumapang hanggang sa malaglagan ito ng stove sa kamay..... nasaktan siya.... ng sobra... Kaya hindi na siya nagisip pa at dali-dali na siyang naglakad papunta rito para alalayan itong tumayo. Bakit niya ginawa yun? Hindi rin maintindihan ni Gu Lichen kung bakit nag'aalala pa rin siya kay Ling Yiran kahit napatunayan niya ng hindi ito ang taong hinahanap niya. 'Dahil ba maganda siya? O dahil kamukhang kam
Malamang dahil yun sa paggapang niya. "Talaga? Lumuhod ka dahil sinabi nila?" Biglang nagalit si Gu Lichen. "Bakit hindi? Hindi ba dapat ako pumayag? Kapag tumanggi ako, hindi ko makukuha ang sahod ko ngayong araw." Sagot ni Ling Yiran. Biglang natigilan si Gu Lichen. Alam niya na sa lahat ng mga kasama sa film crew, ang mga extra ang mga pinaka dehado pagdating sa sahuran. "Magkano daw ba ang ibabayad nila sainyo bawat araw?" "80 yuan. Pero dahil luluhod kami, dadagdagan nila ng 50 yuan. At dahil pumayag akong idemo sakanila kung paano ang tamang pagluhod at pag gapang, dadagdagan nila ako ng 200 yuan." Biglang nagbago ang istura ni Gu Lichen. 'Para sa 330 yuan, paulit-ulit kang gumapang?" 'Wala na ba talagang pakielam ang babaeng to sa sarili niya?' "Nag away ba kayo ni Ling Luoyin?" Tanong ni Gu lichen dahil hindi siya naniniwala na hindi sadya ang ginawa ng girlfriend niya. Wala namang nagsumbong pero normal lang kasi sa isang set na minamaliit ang mga extra. Alam
Ibig sabihin, ang lalaking nasa likod ni Ling Luoyin ay si.... Gu Lichen? "Sige. Ibibigay ko nalang sayo ang reseta at yung hindi ko makukuhang sahod, pakibayaran nalang." Pagkatapos niyang magsalita, tumingin si Ling Yiran kay Gu Lichen, "Maraming Salamat po, Mr. Gu. Mauna na po ako." At naglakad na nga si Ling Yiran palabas ng tent kaya sina Gu Lichen at Ling Luoyin nalang ang naiwan sa loob. Walang emosyong nakatitig si Gu Lichen kay Ling Luoyin.... Sobrang nakakatakot... Pero pinilit ni Ling Luoyin na kumalma at ngumiti. "Lichen, bakit naman ganyan ka makatingin sakin? Oo nga pala... kayo ng ate ko.... magkakilala ba kayo?" "Bakit mo siya pinagmukhang tanga?" Tanong ni Gu Lichen, na halatang walang balak na sagutin ang tanong ni Ling Luoyin. "A....hindi ko maintindihan... Yun ba ang sinabi sayo ng ate ko?" "Sinabi? Yan ang tingin mo? Nakatira yung ate mo sa napaka liit na apartment, nagtatrabaho bilang sanitation worker, at ngayon gusto niya lang maging extra para kum
Hindi makapaniwala si Ling Luoyin sa mga sinabi ni Gu Lichen. "Alam mo kung bakit hindi ako nagsasalita noon? Kasi wala naman talaga akong pakielam. Ang akin lang, ginagawa mo ang lahat para magpasikat sakin kaya binabayaran lang kita. Sa puntong 'to, sobrang pula na ng mukha niya na para bang sinampal siya ng paulit-ulit. Sobrang... nasaktan at napahiya siya.... "Pero alam mo kung ano ang ayaw ko sa lahat? Yung mga taong nasobrahan na sa pasikat at ang taas taas na ng tingin sa sarili." Galit na galit na hinila ni Gu Lichen ang dalawang milyong yuan na relo na nakasuot sa kamay ni Ling Luoyin at nilaro-laro ito. "Oo, pwede kitang gawing super star, pero hindi ibig sabihin 'nun ay pwede mo ng gawin ang lahat ng gusto mong gawin. Tandaan mo 'to. Kung gaano kataas kita kayang dalhin, ganun din kataas din kita kayang itulak." Pagkapatpos niyang magsalita, biglang binitawan ni Lichen ang relo kaya nagkanda basag-basag ito sa sahig. Hindi makagalaw si Ling Luoyin sa sobrang takot.
Kahit na puro super star ang mga dadalo sa party, hindi naman masasabing walang laban si Yi Jinli dahil sa totoo lang a siya pa nga ang pinaka angat sa lahat. Kaya nang makita ng mga reporters kung gaano siya kagwapo, manghang mangha ang mga ito. Sa sobrang gwapo niya, hindi lang mga babae ang mahuhumaling, dahil pati mga lalaki ay napapanganga. Pero kapag nagtagpo ang mata nito sa mga mata nila, hindi nila maintindihan pero nanginginig sila sa takot. Naka all-black siya mula sa kayang coat hanggang sakanyang sapatos, na lalo pang nagpaangat ng kagwapuhan niya. Hindi rin siya masyadong maaninag ng mga tao dahil napapalibutan siya ng sobrang daming body guards. Kilala si Yi Jinli bilang magaling magdala ng damit, at kahit sinong reporter ay yun ang sasabihin. Pero, bukod tangi ngayong araw.... Bagay naman ang lahat, pero.... ang suot nitong beige na scarf, na pinaresan pa ng gloves nito, ay hindi bagay sa damit nito. "Bakit parang hindi naman bagay sa style ni Yi Jinli yan