Ang part-time job na tinutukoy ni Manang Xu ay magiging extra sa isang pelikula at bukod sa cellphone number, wala ng iba pang requirement makapasok. 80 yuan at may kasamang tanghalian ang magiging bayad, kung aabutin ng gabi, magkakaroon din siya ng libreng gabihan pero wala ng dagdag na bayad. At kagaya ng sabi ni Manang Xu, tutal wala naman siyang ginagawa kapag rest day niya, pwede siyang mag extra extra muna para magkaroon rin siya ng dagdag na income, tutal arawan naman ang bayad. Kung isang buwan siyang mageextra tuwing rest day niya, makakaipon din talaga siya. Para sa ibang tao, siguro barya lang ang perang yun, pero para kay Ling Yiran, sobrang good deal na nun. Pagkatapos ng trabaho niya, nilabas niya ang gloves na natapos na niyang tahiin at tinawagan niya si Yi Jinli. "Natapos ko na yung gloves. Gusto mo bang ako ang maghatid jan sayo o ipapakuha mo nalang dito?" "Ako nalang pupunta." "Sige." Pagkauwi niya sa apartment niya, kumain lang siya ng dinner at n
"Nan...nandito ka na pala." Bati ni Ling Yiran habang gumigilid para papasukin si Yi Jinli. "Ate, kanina ka pa siguro naghihintay." Natatawang sabi ni Yi Jinli at naglakad papunta sa lamesa, kung saan nakita niya nanaman ang mga kopya ng kaso ni Ling Yiran na nakalatag sa lamesa. Biglang kumunot ang noo ni Yi Jinli at kumuha ng ilan sa mga papel na nakalatag. "Ate, tinitignan mo nanaman ang kaso mo?" Halos hindi makagalaw si Ling Yiran. Oo, nasabi niya noon kay Yi Jinli ang tungkol dito, pero noong panahon na yun, wala naman siyang kaalam alam sa tunay nitong pagkatao. Pero ngayon na alam niya na, magkahalong hiya at pagkadesperado ang naramdaman niya nang marinig niya ang tanong nito. Kasi kahit anong sabihin niya na inosente siya, totoong nangyari pa rin ang aksidente at ang taong napatay niya ay ang fiance nito! "Bakit ate?" Tanong ni Yi Jinli nang hindi sumagot kaagad si Ling Yiran. "Ah... tinitignan ko lang." Napalunok ng laaway si Ling Yiran sa sobrang kaba. "Oo nga
"Bakit naman hindi?" Natatawang sagot ni Yi Jinli. "Responsibilidad kong magpakasal kaya ano pang pinagkaiba kung ngayon o pag tumanda na ako mag asawa? Maganda ang record ni Hao Meiyu at kapag kinasal ang Yi sa Hao Family, matutulungan nila kami sa shipping line namin, kaya bakit hindi?" Habang pinakapinggan ni Ling Yiran si Yi Jinli, nasasaktan siya... Na para bang.... hindi nito alam ang ibig sabihin ng pagmamahal at pati kasal ay negosyo lang para rito... Ano ba talagang mahalaga sa isang Yi Jinli? "Pero ngayon, napag isip-isip ko na mas magandang ikasal ako sa babaeng mahal ako." Tumingin si Yi Jinli kay Ling Yiran at nakangiting pagpapatuloy. Kaya dali-daling umiwas ng tingin si Ling Yiran, dahil pakiramdam niya ay siya ang pinatatamaan nito. Sinasabi ni Ling Yiran sa sarili niya na wag siyang magisip ng mga ganung bagay. Magkaiba ang mga mundo nila at kahit kailan hindi sila magiging magkaparehas. 'Kapag naibigay ko na ang gloves sakanya, sigurado ako na hindi na kam
"Oo!" Walang pagdadalawang isip na sagot ni Ling Yiran. "Para sakin, ang malaman ko kung ano ang totoo ang pinaka mahalaga!" "Three years ago na noong nangyari ang lahat. Sigurado ako na wala na ang mga ebidensya at mga surveillance videos. Sa tingin ko, medyo mahihirapan na nga tayong baliktarin ang kaso, malaman pa kaya ang katotohanan?" Sagot ni Yi Jinli. Pinilit ni Ling Yiran na ngumiti. Naiintindihan niya na ang pakay ni Yi Jinli ay baliktarin lang ang kaso niya at wala na itong pakielam sa kung ano ang totoo sa hindi. Mukhang wala talaga itong pakielam sa posibilidad na baka nagsuicide si Hao Meiyu noong gabing yun... Siguro nga kasi wala itong nararamdaman para kay Hao Meiyu kaya hindi ito apektado sa pagkamatay nito. "Yi Jinli, hindi mo mahal si Hao Meiyu." Walang pagdadalawang isip na sabi ni Ling Yiran. Tinitigan ni Yi JInli si Ling Yiran sa mga mata at sumagot ng may seryosong tono. "Kailan mo ba narinig na sinabi kong mahal ko siya?" "Sinong mahal mo?" Nang mari
Sobrang nakakatawa lang.... Hindi na sumagot si Ling Yiran, at yumuko nalang siya para kunin ang gloves na tinahi niya sa drawer. "Ito na yung gloves na pinangako ko sayo." Mabusising tinignan at sinukat ni Yi Jinli ang gloves. "Ang ganda, Ate. Parang yung scarf din na tinahi mo. Ang sarap suotin." "Hindi mo kailangang suotin yan. Tatawanan ka lang ng mga tao kapag nakita nilang suot mo yan." Pagpapakatotoo ni Ling Yiran. Naisip niya lang na kung ipapares sa maganda nitong damit, magmumukha lang katatawanan ang scarf na ginawa niya. "Hindi ba bagay sakin?" Natatawang sagot ni Yi Jinli. "Ate, para sakin, wala akong pakielam kung anong sabihin ng iba sa damit ko, ang mahalaga sakin ay sa komportable ako at bagay sakin. Kagaya nitong scarf na 'to, pag sinabi kong bagay to sakin, bagay to sakin!" "Isa pa, ate ko kaya ang nagtahi nito. Kaya.... bagay to sa lahat ng damit na isusot ko!" Nang marinig yun ni Ling Yiran, biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Kung ibang tao siguro
Ang role na naibigay kay Ling Yiran ay isa sa mga katulong. Wala siyang ibang gagawin kundi ang tatayo at yuyuko sa kung saan siya gustong papwestuhin ng direktor. Marami silang mga katulong at sa script nila, hihintayin nila ang mga bida na dumaan, pagkatapos luluhod sila sa harap ng mga ito at magalang na sasabihin. 'Hinihiling po namin ang kaligayahan at kapayapaan ninyo, Master at Madam." At dahil luluhod sila, may dagdag silang bayad na 50 yuan kaya ang 80 yuan nila ay magiging 130 yuan. 'Luluhod lang ako, tapos okay na. Kahit naman siguro mga sikat na artista lumuluhod din diba? Isa pa, para sa isang taong mahirap na kagaya ko, hindi na malaking bagay ang pagluhod.' Malaki ang dressing room ng mga extra at lahat sila ay naghihintay na malagyan ng make up ng mga makeup artist. Mabilisan ang kilos ng mga makeup artist at kaya nilang tapusin ng lima hanggang anim na minuto bawat tao. Medyo natagalan bago sumagot si Ling Yiran. Nasa may bandang anit niya na ang peklat na ti
At bakit naman siya mahihiya? Legal naman ang ginagawa niya para kumita ng pera. "Kung gusto mo maging extra, bakit hindi mo sinabi sakin? Edi sana nabigyan ka nila ng role na medyo mas mahabang linya at hindi lang yun, mas malaki pa ang kikitain mo kumpara sa pagiging extra." Habang nagsasalita si Ling Luoyin ay hinihimas niya ang buhok ng ate niya, para ipakita nag mamahaling relo na suot niya. Natawa nalang si Ling Yiran sa ginagawa ni Ling Luoyin. "Basta ako, hindi ko ibebenta ang kapatid ko para lang magkaroon ng mas mahabang linya." "Ikaw..." Ang kaninang abot tengang ngiti ni Ling Luoyin ay biglang napalitan ng pagkairita dahil alam niya na inuungkat ni Ling Yiran ang ginawa niya noon dito nang minsan niya itong sinubukang ibenta sa assistant director. Pero may biglang pumasok sa isip niya kaya muli nanaman siyang nagtanong. "Kinakapos ka ba? Bakit kailangan mong maging extra? Wala bang nagbibigay sayo ng pera? Ganun ka na ba kahirap ngayon?" "Wala akong tungkuling sagut
Kapag naiisip ni Ling Luoyin si Gu Lichen, hindi niya mapigilang mag'alala na baka parating na ang kinatatakutan niyang araw, na magsawa ito sakanya, lalo na at wala pang nangyayari sakanila hanggang ngayon. Pero dibale... Ang mahalaga naman ay siya nag kinikilalang girlfriend ni Lichen ngayon. Para naman kay Ling Yiran, gusto niyang ipaintindi sa ate niya na bilog ang mundo. Noong nanghingi siya ng tulong dati, tinanggihan siya nito, at ngayon ipaparamdam niya rito kung ano ang pakiramdam ng higanti ng isang api. - Dalawang beses na nirehearse ng direktor ang mga extra bago sila isabak sa totoong scene. Habang nagrerehearse, hindi pa nakita ni Hao Yimeng si Ling Yiran dahil gumamit ito ng doubles. Samantalang si Ling Luoyin naman ay pinagpilitang siya talaga mismo at kahit rehearsal palang, sobrang pinanindihan niya na ang role niya. Si Ling Luoyin ang second female lead sa pelikulang ito. Ang role niya rito ay kabit siya ng bidang lalaki kaya maraming scene na magkasma
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at