Ilang araw na tinuon ni Ling Yiran ang oras niya sa pagtatahi ng gloves na hinihingi ni Yi Jinli at kanina, sobrang aga niyang bumyahe at hindi naman siya nakapag pahinga dahil siya ang nagbantay sa lola niya. Kaya hindi niya na namalayan na nakaidlip na siya. Sinilip ni Gu Lichen si Ling Yiran at nang makitang nakatulog na ito, pinahinaan niya ang volume ng kanta. Ngayong natutulog na si Ling Yiran, para kay Gu lichen, mas nagiging kahawig nito ang babaeng nasa isip niya. Sa totoo lang, pati ang mga mata nito ay parehong-pareho, pero sa tuwing nakadilat ito ay wala siyang ibang makita kundi lungkot at ilang, na para bang malayong malayo sa mga mata ng taong hinahanap niya. Dahil yung taong nasa alala niya ay mayroong mga matang masayahin at puno ng pag asa. Pagkagising ni Ling Yiran, nasa tapat na siya ng apartment niya. Kaya hiyang hiya siya at nagmamadali niyang tinanggal ang seatbelt niya. "Matagal ba akong nakatulog?" "Okay lang. Hindi naman ganun katagal." Dali-da
Pagkatapos, narinig niya ulit ang batang babae, na sa kutob niya ay siya, na kumanta ng 'Man Bu Ren Sheng Lu.' "Paano... kapag nakita nila tayo at hindi na tayo makalabas?" Naiiyak na sabi ng batang lalaki. "Tanga ka ba? Kasama mo ako, kaya imposibleng hindi tayo makalabas. Makakalabas tayong dalawa, okayy?! "Kung iiwanan mo ako, makakatakas ka." "Bakit kita iiwanan! Ang sabi ko, poprotektahan kita, kaya wag kang mag-alala, hindi ako takot sa masasamang lalaking yun!" "Bakit ayaw mo akong iwanan?" "Kasi nga magkaibigan tayo!" "Ah!" Gulat na gulat na naalimpungatan si Ling Yiran at hindi niya alam kung bakit ganun ang panaginip niya.... Parang totoo pero nandito naman ako sa apartment ko! Huminga siya ng malalim at tinignan kung anong oras na. Alas tres palang ng madaling araw. 'Na.... nanaginip ba ako?' Tama... napanaginipan niya ang batang siya at isang banatang lalaki. At kumanta siya ng 'Man Bu Ren Sheng Lu ni Teresa Teng. 'Diyos ko! Bakit ganun ang panaginip
Ang part-time job na tinutukoy ni Manang Xu ay magiging extra sa isang pelikula at bukod sa cellphone number, wala ng iba pang requirement makapasok. 80 yuan at may kasamang tanghalian ang magiging bayad, kung aabutin ng gabi, magkakaroon din siya ng libreng gabihan pero wala ng dagdag na bayad. At kagaya ng sabi ni Manang Xu, tutal wala naman siyang ginagawa kapag rest day niya, pwede siyang mag extra extra muna para magkaroon rin siya ng dagdag na income, tutal arawan naman ang bayad. Kung isang buwan siyang mageextra tuwing rest day niya, makakaipon din talaga siya. Para sa ibang tao, siguro barya lang ang perang yun, pero para kay Ling Yiran, sobrang good deal na nun. Pagkatapos ng trabaho niya, nilabas niya ang gloves na natapos na niyang tahiin at tinawagan niya si Yi Jinli. "Natapos ko na yung gloves. Gusto mo bang ako ang maghatid jan sayo o ipapakuha mo nalang dito?" "Ako nalang pupunta." "Sige." Pagkauwi niya sa apartment niya, kumain lang siya ng dinner at n
"Nan...nandito ka na pala." Bati ni Ling Yiran habang gumigilid para papasukin si Yi Jinli. "Ate, kanina ka pa siguro naghihintay." Natatawang sabi ni Yi Jinli at naglakad papunta sa lamesa, kung saan nakita niya nanaman ang mga kopya ng kaso ni Ling Yiran na nakalatag sa lamesa. Biglang kumunot ang noo ni Yi Jinli at kumuha ng ilan sa mga papel na nakalatag. "Ate, tinitignan mo nanaman ang kaso mo?" Halos hindi makagalaw si Ling Yiran. Oo, nasabi niya noon kay Yi Jinli ang tungkol dito, pero noong panahon na yun, wala naman siyang kaalam alam sa tunay nitong pagkatao. Pero ngayon na alam niya na, magkahalong hiya at pagkadesperado ang naramdaman niya nang marinig niya ang tanong nito. Kasi kahit anong sabihin niya na inosente siya, totoong nangyari pa rin ang aksidente at ang taong napatay niya ay ang fiance nito! "Bakit ate?" Tanong ni Yi Jinli nang hindi sumagot kaagad si Ling Yiran. "Ah... tinitignan ko lang." Napalunok ng laaway si Ling Yiran sa sobrang kaba. "Oo nga
"Bakit naman hindi?" Natatawang sagot ni Yi Jinli. "Responsibilidad kong magpakasal kaya ano pang pinagkaiba kung ngayon o pag tumanda na ako mag asawa? Maganda ang record ni Hao Meiyu at kapag kinasal ang Yi sa Hao Family, matutulungan nila kami sa shipping line namin, kaya bakit hindi?" Habang pinakapinggan ni Ling Yiran si Yi Jinli, nasasaktan siya... Na para bang.... hindi nito alam ang ibig sabihin ng pagmamahal at pati kasal ay negosyo lang para rito... Ano ba talagang mahalaga sa isang Yi Jinli? "Pero ngayon, napag isip-isip ko na mas magandang ikasal ako sa babaeng mahal ako." Tumingin si Yi Jinli kay Ling Yiran at nakangiting pagpapatuloy. Kaya dali-daling umiwas ng tingin si Ling Yiran, dahil pakiramdam niya ay siya ang pinatatamaan nito. Sinasabi ni Ling Yiran sa sarili niya na wag siyang magisip ng mga ganung bagay. Magkaiba ang mga mundo nila at kahit kailan hindi sila magiging magkaparehas. 'Kapag naibigay ko na ang gloves sakanya, sigurado ako na hindi na kam
"Oo!" Walang pagdadalawang isip na sagot ni Ling Yiran. "Para sakin, ang malaman ko kung ano ang totoo ang pinaka mahalaga!" "Three years ago na noong nangyari ang lahat. Sigurado ako na wala na ang mga ebidensya at mga surveillance videos. Sa tingin ko, medyo mahihirapan na nga tayong baliktarin ang kaso, malaman pa kaya ang katotohanan?" Sagot ni Yi Jinli. Pinilit ni Ling Yiran na ngumiti. Naiintindihan niya na ang pakay ni Yi Jinli ay baliktarin lang ang kaso niya at wala na itong pakielam sa kung ano ang totoo sa hindi. Mukhang wala talaga itong pakielam sa posibilidad na baka nagsuicide si Hao Meiyu noong gabing yun... Siguro nga kasi wala itong nararamdaman para kay Hao Meiyu kaya hindi ito apektado sa pagkamatay nito. "Yi Jinli, hindi mo mahal si Hao Meiyu." Walang pagdadalawang isip na sabi ni Ling Yiran. Tinitigan ni Yi JInli si Ling Yiran sa mga mata at sumagot ng may seryosong tono. "Kailan mo ba narinig na sinabi kong mahal ko siya?" "Sinong mahal mo?" Nang mari
Sobrang nakakatawa lang.... Hindi na sumagot si Ling Yiran, at yumuko nalang siya para kunin ang gloves na tinahi niya sa drawer. "Ito na yung gloves na pinangako ko sayo." Mabusising tinignan at sinukat ni Yi Jinli ang gloves. "Ang ganda, Ate. Parang yung scarf din na tinahi mo. Ang sarap suotin." "Hindi mo kailangang suotin yan. Tatawanan ka lang ng mga tao kapag nakita nilang suot mo yan." Pagpapakatotoo ni Ling Yiran. Naisip niya lang na kung ipapares sa maganda nitong damit, magmumukha lang katatawanan ang scarf na ginawa niya. "Hindi ba bagay sakin?" Natatawang sagot ni Yi Jinli. "Ate, para sakin, wala akong pakielam kung anong sabihin ng iba sa damit ko, ang mahalaga sakin ay sa komportable ako at bagay sakin. Kagaya nitong scarf na 'to, pag sinabi kong bagay to sakin, bagay to sakin!" "Isa pa, ate ko kaya ang nagtahi nito. Kaya.... bagay to sa lahat ng damit na isusot ko!" Nang marinig yun ni Ling Yiran, biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Kung ibang tao siguro
Ang role na naibigay kay Ling Yiran ay isa sa mga katulong. Wala siyang ibang gagawin kundi ang tatayo at yuyuko sa kung saan siya gustong papwestuhin ng direktor. Marami silang mga katulong at sa script nila, hihintayin nila ang mga bida na dumaan, pagkatapos luluhod sila sa harap ng mga ito at magalang na sasabihin. 'Hinihiling po namin ang kaligayahan at kapayapaan ninyo, Master at Madam." At dahil luluhod sila, may dagdag silang bayad na 50 yuan kaya ang 80 yuan nila ay magiging 130 yuan. 'Luluhod lang ako, tapos okay na. Kahit naman siguro mga sikat na artista lumuluhod din diba? Isa pa, para sa isang taong mahirap na kagaya ko, hindi na malaking bagay ang pagluhod.' Malaki ang dressing room ng mga extra at lahat sila ay naghihintay na malagyan ng make up ng mga makeup artist. Mabilisan ang kilos ng mga makeup artist at kaya nilang tapusin ng lima hanggang anim na minuto bawat tao. Medyo natagalan bago sumagot si Ling Yiran. Nasa may bandang anit niya na ang peklat na ti