"Pero...bakit nakasuot ka ng..." At doon lang narealize ni Yi Jinli na hindi pa pala siya nakapagpalit. Sa sobrang pagmamadali at pag-aalala niya kagabi, nawala na sa isip niya na suot niya pa rin ang suit na ginamit niya noong nagdinner sila ng lolo niya. 'Kung ako yung Jin na kilala niya... isang dating pulubi at taga bigay lang ng leaflets ngayon, siguradong iisipin niya na hindi ko kayang bumili ng mga ganitong klaseng damit. 'Pero, sa lahat ng mga nangyari kagabi, ayoko ng itago pa ang totoong pagkatao ko. Isa pa, Balak ko na rin naman talagang sabihin sakanya ang lahat. Siguro napaaga lang ng konti pero ganun na rin yun... At ayoko naman na sa iba niya pa unang malaman. 'Higit sa lahat, kapag nalaman niya na ang katotohanan, wala na talagang makaka api sakanya.' 'Kahit na ganito yung suot ko, ako pa rin naman si Jin diba?" Nakangiting tanong ni Yi Jinli habang nakatitig sa mga mata ni Ling Yiran. Oo... kahit kailan hindi siya nagtanong, pero matagal ng kinukutuban si
'Alam kong maraming magugulat kapag nalaman nilang pinoprotektahan ko siya. 'Kasi kilala ako ng marami bilang masamang tao, pero wala akong pakielam sa sasabihin ng iba, ang importante maprotektahan ko siya. "Wag kang mag-alala, hindi nangyari yung kinatatakutan mo. Sakto lang yung dating ko kagabi," Sagot ni Yi Jinli. 'Ibig sabihin... siya nga ang naglitas sakin kagabi!' Inangat ni Ling Yiran ang ulo niya para tignan sa mga mata si 'Jin', na kasalukuyang sobrang lapit ng mukha sakanya. "Bakit ka pumunta dun para iligtas ako?"Sa isip ni Ling Yiran: 'Ayaw mo ngang sumama sakin noong niyaya kitang lumuwas diba?!' "Ate, nakalimutan mo na bang tinawagan mo ako para iligtas kita? Buti nalang talaga at sakto lang yung dating ko." Nakangiting sagot ni Yi Jinli. 'Isang tawag ko lang, bumyahe na siya kaagad ng ilang kilometro para iligtas ako?' Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Ling Yiran sa lahat ng nalaman niya. Binuhat siya ni 'Jin' pabalik sa kama at nagpatuloy,
Pagkatapos magsalita, pinutol na rin kaagad ni Yi Jinli ang linya. Kaya naiwan si Master Yi na nakatulala sakanyang phone sa loob ng ilang segundo bago niya ito ipasa sa assistant niya, na nakatayo sa isang gilid. "Anong sabi niya? Wag daw akong mag-alala? Ha ha ha... Sana totoo talaga yang sinasabi niya, pero paano pag hindi niya namalayan na babaeng yun. Hay nako. Wala talaga siyang pinagkaiba sa anak ko. Nangako rin yun na: ' Daddy, wag kang mag-alala, hindi ko po kakalimutan ang responsibilidad ko sa pamilya natin para lang sa isang babae.' "Pero anong nangyari? O diba lumayas siya para sa isang babae at binasura niya ang buhay niya! "Imbestigahan mo kung sino yung babaeng yun. Gusto kong malaman lahat ng tungkol sakanya kahit yung pinaka maliit na detalye ng pagkatao niya." Kalmadong utos ni Master Yi. "Opo." Magalang na sagot ng isang lalaking nakasuot ng black na suit at salamin, na may gold rim habang na nakaupo sa loob ng VIP room at nagtatype. Samantalang si Ling
Kagaya ng sabi ni Gao Congming, binuksan niya ang kanyang bag para icheck kung may nawawala ba sa mga gamit niya, at nakumpirma niya namang kumpleto ang laman nito. Base sa naalala niya, dala-dala niya ang kanyang phone sa bahay ng Feng Family, at noong tumawag siya kay 'Jin', sapilitan itong kinuha saknaya ng mga tito niya, at inoff, kaya ngayon, kailangan niya pa itong irestart. Pagkabukas nito, sumalubong sakanya ang sandamakmak na mga missed call at text message. May ilan na galing sa lola niya, kay Lianyi, at sa isang unregistered number. 'Alam ko kung bakit ako tinatawagan ng lola ko, pero si Lianyi..." Kumunot ang noo niya at tinignang maigi ang notification na galing kay Lianyi, umabot sa mahigit bente ang missed calls nito. Dahil dito, nag-alala siya na baka may nangyaring masama sa kaibigan, kaya dali-dali niya itong tinawagan. Sumagot rin kaagad si Qin Lianyi. "Yiran, ikaw ba yan?" "Oo... pasensya na, naka off kasi yung phone ko kahapon.... Ngayon ko lang naopen
Pero sa kalagitnaan ng paguusap nila ng lola niya narinig niya ang isang galit na boses, na sigurado siyang kay lolo Lu. Bakit hindi mo sinasabi kay Yiran na pumunta na siya sa police station ngayon mismo para iurong yung kaso sa mga anak natin at sa buong Feng Family?!" "Para ano? Palayain sila? Bakit sila lalaya? Alam mo namang hindi makatao yung mga ginawa nila kay Yiran, kaya dapat lang sakanila na makulong kahit gaano pa katagal para makapag bayad sila ng mga kasalanan nila!" "Anong pinagsasabi mo jan?! Mga anak mo sila! Wag mong sabihing mas matimbang pa yang babaeng yan sayo na ni hindi nga natin ka apilyido!" "Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Anak siya ng anak ko, at dahil wala na ang mama niya, walang ibang maninindigan para sakanya kundi ako! Kahit magkamatayan pa tayo dito, ipagtatanggol ko nag apo ko!" "Ano bang meron sakanya? Sa tingin mo ba aalagaan ka niya? Sino bang umaasikaso sayo dito? Hindi ba yung mga anak at apo mong nakakulong ngayon?! Pero sige! Kung gus
'Sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak, doble yung sakit na nararamdaman ko, at handa akong gawin ang lahat para lang tumahan siya. Biglang niyakap ni LIng Yiran ng mahigpit si Yi Jinli at lalo pang humagulgol, na parang batang inagawan ng candy. Hindi rin sigurado ni Ling Yiran kung bakit niya niyakap si 'Jin', lalo na't galit pa siya dito, pero ito lang ang natatanging bagay na gusto niyang gawin ngayon para mabawasan kahit konti ang sakit na nararamdaman niya. Hindi naman pumalag si Yi Jinli, at niyakap din pabalik si Ling Yiran. Hindi na namalayan ni Ling Yiran kung gaano na siya katagal na umiiyak dahil tumahan lang siya noong wala na siyang luhang mailabas. Kumuha si Yi Jinli ng tissue at maingat na pinunasan ang pisngi ni Ling Yiran. "Ate, ano bang nangyari?" "Si Lola." Mangiyak-ngiyak na sagot ni Ling Yiran. Kumunot ang noo ni Yi Jinli, at bgiglang naging seryoso ang boses niya. "Bakit? Nakiusap ba siya na iurong mo ang kaso?" "Hindi. Tumawag lang si lola para ta
Nakatingin lang si Ling Yiran sa nurse mula umpisa hanggang sa matapos itong gamutin ang kamay niya nang hindi man lang nagbabago ang reaksyon ng mukha niya kahit pa para sa ibang tao ay mahapdi ito. Pero noong papalitan na ng nurse ang benda niya, medyo napakunot siya ng noo, pero hindi siya umaray. "Ako na. Pwede ka ng lumabas." Utos ni Yi Jinli sa nurse. Hindi naman tumanggi ang nurse at magalang na yumuko bago ito lumabas. Kinuha ni Yi Jinli ang benda at dahan-dahan itong binalot sa kamay ni Ling Yiran, na parang matagal niya na itong ginagawa. Sinigurado niya rin na sobrang ingat niya para hindi masaktan si Ling Yiran. Pagkatapos, niligpit niya ang mga hindi niya nagamit para makapagpahinga na si Ling Yiran. "Ate, wag mo munang masyadong ikilos ang kanang kamay mo hanggang sa hindi pa gumagaling ang sugat mo, maliban nalang kung gusto mong maubusan ka hg dugo." Pinagmasdan ni Ling Yiran ang kamy niya na binenda ni 'Jin', at namangha siya sa sobrang linis ng pagkakagawa n
Pakiramdam ni Yi Jinli ay may nakabara sa lalamunan niya na kahit gustuhin niya mang umamin ay hindi niya magawa. 'Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos.... Kailangang planuhin ko muna 'to ng maigi!' Bakas na namumutlang mukha ni Ling Yiran ang sobrang pag-aalala para kay 'Jin'. Sa lahat ng mga nangyari sakanya, ang masasabi niya lang ay masyadong malupit ang buhay para sakanya, at kahit anong pilit niyang takbuhan ito, bumabalik at bumabalik lang din siya at isa sa pinaka ayaw niyang mangyari ay ang madamay si 'Jin'. "Ate, sa ngayon, magpahinga ka lang muna jan hanggang sa bumalik na ang lakas mo at wag ka munang magiisip ng kung anu-ano. Pangako, pagkalabas na pagkalabas mo dito, sasabihin ko na sayo kung sino talaga ako." Nakangiting sabi ni Yi Jinli. Huminga ng malalim si Ling Yiran at tumungo. Siguro dahil hindi pa nakakabawi ang katawan niya at katatapos niya lang ding umiyak, humikab si Ling YIran, na sensyales na inaantok na siya. "Ate, kung inaantok ka na, umidlip
Nangako si Ye Wenming sa buong Zhuo family na hinding hindi niya sasaktan si Zhuo Qianyun, pero sobrang nainsulto siya sa mga sinabi nito! "Malalaman natin yan sa DNA test." Pinilit ni Ye Wenming na pigilan ang galit niya na para bang wala siyang kahit anong nararamdaman. "Hindi, Hindi mo siya anak!" Walang pag-aalinlangang sagot ni Zhuo Qianyun. "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung anak ko siya o hindi. Kung mapapatunayan kong anak ko siya, dapat lang na malaman niya kung sino ang tunay niyang ama at bumalik siya sa Ye Family!" Walang emosyong sgaot ni ye Wenming. Biglang namutla si Zhuo Qianyun, "Hindi!" Pasigaw niya itong nasabi kaya medyo nagulat si Ye Wenming. "Diba siya yung anak na hindi mo matanggap? Bakit gusto mo siyang kunin? Wala ni isa sa pamilya mo ang may gusto sakanya!" Galit na galit na sabi ni Zhuo Qianyun. Hindi siya papayag na kunin sakanya si Lil Yan dahil ito nalang ang tanging mayroon siya. "Dumadaloy ang dugo ko sakanya at hindi ko hahayaang maging p
May naramdaman siya sakanyang tyan na hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag! Pagkatapos noon, tumigil ang kotse sa harap ng hotel. Lumabas si Ye Wenming at sinundan siya ni Zhuo Qianyun habang hawak niya ang kamay ni Lil Yan. Ang lugar kung saan nananatili si Ye Wenming ay ang presidential suite. Unang beses palang ni Lil Yan makapasok sa isang presidential suite. Ang lahat sa loob nito ay bago sakanyang paningin. Kahit na tingnan niya lang ang 70 inch na LCD TV Screen, ang mga mata niya ay punong puno ng curiosity. Gayunpaman, matapos niyang maramdaman ang pagiging mayaman, ang maliit na bata ay bigla nalang inantok. Dapat ay iidlip siya pagkatapos nang tanghalian pero naexcite siya kanina noong sumakay sila sa tren at hindi na siya nakatulog. Ngayon naman na nasa loob na sila ng hotel ay agad siyang nakatulog na parang mantika. Tiningnan ni Zhuo Qianyun ang kanyang anak na natutulog sakanyang mga braso at sinabi kay Ye Wenming, “Pwede bang dito nalang siya matulog
Huminga ng malalim si Zhuo Qianyun bago siya sumakay sa sasakyan kasama si Ye Wenming. Hindi pa man din nagtatagal, biglang nag ring ang phome ni Zhuo Qianyun at nang tignan niya kung sino ito, nakita niya ang pangalan ng nanay niya. Kaya agad-agad niya itong sinagot at sinalubong siya ng may sobrang pag-aalalang boses, "Yun, nasaan na kayo? Mawawala na yung check-in natin. "Hindi po muna kami makakapunta ni Lil Yan. Bakit po kaya hindi muna kayo humanap ng maliit na hotel na matutuluyan niyo?" "Anong nangyari?" Tinignan ni Zhuo Qianyun at nagsalubong sila ng tingin ni Ye Wenming. Halatang gusto nitong marinig ang sagot niya. Walang emosyon ang itsura nito, Maging si Lil Yan na nakaupo sa pagitan nila ay tumingin din sakanya. Hindi maikakaila na magkaparehong-magkapareho talaga ang mga mata ng mag-ama, pero ngayon na magkatabi ito, lalo niyang nakikita ang pagiging magkamukha ng mga ito. "Kasama namin ni Lil Yan si Ye Wenming," Kalmadong sagot ni Zhuo Qi
Kahit na may mga pinadala na siyang tauhan, gusto pa ring makita ng dalawang mata ni Ye Wenming ang bata at tanuningin ng diretsahan si Zhuo Yan kung anong totoo! Pero nang sandaling makita niya ang bata, sobrang nagulat siya. Hindi siya makapaniwala na minsan niya ng nakita ang batang 'yun. At noong unang beses palang ay may lukso na siya ng dugo sa bata kaya nga gusto niya itong sponsoran. 'Hindi ko naisip.... na anak niya pala ang batang yan!' Lumuhod si Ye Wenming at tinignan ng diretso sa mga mata ang bata at habang pinagmamasdan niya ito ay lalo niyang nakikita ang pagkakahawig nito sakanyang mga mata. "A...anong pangalan mo?" Pautal-utal niyang tanong. "Lil Yan, pero palayaw ko lang po yun. Ang buo ko pong pangalan ay Zhuo Yan." Nakangiting sagot ng bata. Nang makita ni Ye Wenming ang ngiti ng bata, lalong lumakas ang lukso ng dugong nararamdaman niya. Ito ay dahil.... parehong pareho ng ngiti nito ang ngiti ni Zhuo Qianyun! 'Zhuo Yan?' "Na..nasaan ang t
Si Mrs Zhuo ay nakaramdam ng pait nang minsang pag-usapan niya ito.Kung ikukumpara kay Kong Ziyin, masyadong malungkot ang nangyari sa kanyang anak na babae."Ma, tigilan mo na!" Mabilis na sinabi ni Zhuo Qianyun. Pagkatapos ng lahat, ang kanyang anak na lalaki ay nasa tabi mismo nila at hindi niya nais na marinig niya ang tungkol sa mga sama ng loob ng mga matatanda.Si Mrs Zhuo ay tila bumalik sakanyang sarili at itinikom ang kanyang bibig.Sa kabutihang palad, nakatuon si Lil Yan sa kanyang paligid.Sa bawat araw na lumilipas, naramdaman ni Zhuo Qianyun ang kanyang pagkabalisa na lumalakas at lumalakas. Hindi na niya hinintay na makapasok silang tatlo sa high-speed train.Sa wakas, isang anunsyo na kailangan nilang mag-check-in ay nagsimulang tumunog sa pamamagitan ng broadcast.Gayunpaman, nais ni Lil Yan na pumunta sa banyo, kaya't lumingon si Zhuo Qianyun kay Mrs. Zhuo at sinabi, "Inay, pakitingnan ang aming gamit. Dadalhin ko si Lil Yan sa banyo.""Kailangan mong magmad
"Hindi ... hindi ko alam," alanganing sinabi ni Kong Ziyin. 'Sino sa mundong ito ang tumawag sa telepono na iyon? Sino ang nakapagpigil kay Wenming?'Sino ... ang tinutukoy niya?'"Ano ang gagawin natin? Ayaw ba ni… Wenming na pakasalan si Ziyin? Kaya ba umalis siya?" Nag-aalalang sinabi ni Mrs. Kong.Dahil, ang pamilya Kong ay orihinal na may-ari lamang ng isang third-rate na maliit na kumpanya, ngunit napunta ito sa mataas na lipunan dahil sa tulong ng pamilya Ye sa lahat ng mga taon na nakalipas.Sino ang hindi nakakaalam na ang pamilya Kong ay nakasalalay sa pamilyang Ye?Maraming mga tao ang palihim na inihambing ang pamilya Kong sa isang palamunin na nagpakain sa pamilyang Ye.Kung ang pamilya Ye at ang pamilya Kong ay nabigo na maiugnay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng kasal na ito, kung gayon ang pamilyang Kong ay babalik sa dati."Paano nangyari iyon? Tanggap na ng pamilya Ye ang petsa ng kasal. Anong mangyayaring problema?" Tinapik ni Mrs. Kong ang kanyang asawa a
"Hiniling sa iyo ng aking ama na ipahayag ang petsa ng kasal. Sa ganitong paraan, makikita nito na taos-puso ka," sabi ni Kong Ziyin."O sige," sagot ni Ye Wenming.Gagawin niya ang anumang nais niyang ipagawa.“Tapos tayo ang mangunguna sa first dance kapag oras na nito,” dagdag ni Kong Ziyin."Okay," sagot ni Ye Wenming. Biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ang telepono, sumimangot sa caller ID, at sinabi kay Kong Ziyin, "Kunin ko ang tawag na ito. Babalik ako agad."Sa pamamagitan nito, lumakad siya sa isang liblib na sulok ng banquet hall at sinagot ang telepono.Ito ang contact number ng lalaking ipinadala niya sa Shen City upang mabantayan si Zhuo Qianyun.Marahil ay tumawag siya sa oras na ito dahil may nangyayari sa Zhuo Qianyun.Ngunit, sa sandaling nasagot niya ang telepono, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon.Narinig lamang siya ni Ye Wenming na sinabing, "President Ye, si Zhuo Qianyun ay aalis sa Shen City. Bumili siya ng ticket ng tren ng 3.45 PM
Ang pulang marka sa pulso niya ay napakainit na tila masusunog anumang oras.Sa sandaling nakapikit siya, hindi niya maalis ang imahe ng paghalik niya sa mga pulang marka!…Pagkalipas ng tatlong araw, si Zhuo Qianyun ay bumango ng maagaat tiningnan ang kanyang anak na natutulog pa rin. Hindi mapigilan ng kanyang mga mata na maging banayad sa nakikita niya.'Mabuti na napapanood ko siyang lumaki sa aking tabi!'Natutuwa siya na hindi niya pinalaglag ang bata ngunit nagpursige at nanganak siya. Ito ang pinakamahirap at masakit na oras para sa kanya, ngunit… marapat lang ito!Nakita ni Mrs. Zhuo ang banayad na titig ng kanyang anak sa kanyang apo nang pumasok siya sa silid at bumulong, "Yun, naka-impake na tayo ng lahat. Sasaka tayo sa high-speed train ngayong hapon. Bakit hindi ka pa natutulog? ""Hindi ako makatulog." Umiling si Zhuo Qianyun. "Paparating na ang moving company para sa ating gamit. Kailangan kong maghanda."“Nagaalala ako tungkol sa pagbukas muli ng negosyo natin p
Ang kanyang mga labi ay nakapatong sakanyang mga kamay na onti onting umiinit habang siya ay nagsasalita. “Ayaw mo bang maging kapatid ko? Gusto mo kaya noong ikaw ay lasing. Kung gusto mo, pwede naman tayong bumalik gaya ng dati, o di kaya bumalik ka sa Yi Residence, pwede akong mamuhay na kasama ka dito sa rental house gaya ng dati.”Natigilan siya, agad na itinaas ni Ling Yiran ang kanyang ulo at nagulat siyang nitong tiningnan.Ang manipis at nakakaakit niyang labi ay nakalapat sakanyang mga palad habang ang kanyang magaan, at mainit na paghinga ay napupunta sakanyang kamayAng kanyang mukha ay guwapong tingnan sa kanyang mga banayad na katangian, atang kanyang mata ay napakaganda. Parang pinagsama niya ang dalawang magkasalungat —dalisay at pagmamahal — sa sobra na ito na hindi mo maalis ang iyong mga mata sa mukha niya.‘Gusto ko bang maging kapatid niya uli? Gusto ko bang bumalik tulad ng dati?’ tinanong ni Ling Yiran sakanyang sarili. ‘Marahil ... iyon ang pinakamainit at