Umalingawngaw ang mga sigaw ng takot sa lahat ng dako.Malakas na bumagsak ang mga tuhod ni Barry. Walang tigil ang panginginig niya.“Magsasalita na ako! Sasabihin ko sa iyo ang lahat!”“Hindi ang mga Surrey ang sumusuporta sa akin! Hindi siya ganoon ka-makapangyarihan.”“Ang mga York ang nasa likod nito. To be precise, si Wayne York!”“Siya?”Tumawa si Harvey.Gusto niyang malaman kung sino ang pumupuntirya kay Mandy.Hindi niya sukat akalain na si Wayne ito.“Mukhang medyo malambot ako noong nakaraan,” kalmadong sinabi ni Harvey York.“Tawagan mo siya. Sabihin mo sa kanya na magiging impyerno ang buhay niya kung hindi siya magpapakita sa susunod na sampung minuto.”Walang tigil sa pagtango si Barry. Habang nanginginig, mabilis siyang tumawag.Bago pa man lumipas ang sampung minuto, isang wheelchair ang nagpakita sa eksena.Balot na balot si Wayne York sa benda habang nakaupo siya sa kanyang wheelchair. Pero, hindi pa rin maikukumpara sa isang ordinaryong tao ang kanyang
Nang makitang walang imik si Mandy, inaka ni Barry na kumukulo pa rin siya sa galit. Mabilis niyang sinabi nang may tila tonong puno ng alinlangan, “Kung hindi ka pa rin kuntento sa lahat ng ito, pwede naming ibigay ang lahat ng mga materyales nang libre!”‘Pakitanggap itong munti naming regalo ng pagpapahalaga!”Nang makita ang naging ugali ni Barry Water, sumunod sa kanya ang iba pang mga supplier. Isa isa silang gumapang.Alam na alam niya kung anong nangyari kay Frank Costello dahil dito.Kahit ang isa sa apat na master ng mga York, si Wayne York, ay pinutol ang sarili niyang braso.Kung sila susuko ngayon, naghahanap lang siya ng kanilang kamatayan!Si Mandy naman ay inakalang nabaliw na silang lahat.Ilang araw na ang nakalipas, pinagbantaan siya ng mga ito. At ngayon ay bigla silang lumapit sa kanya at lumuhod sa harapan niya.At saka, tila hindi sila tatayo kung hindi niya tatanggapin ang mga materyales.Sa sandaling iyon, lumabas si Harvey, kumakain ng tinapay.Lalon
Masyadong mabait si Mandy, Sa huli, pumayag siya at tumango bilang pagsang-ayon.Lubos na nagpasalamat sina Barry at ang iba sa kanya at umalis kaagad pagkatapos.Maya-maya, may tumawag mula sa construction site.Dinala na ang mga materyales sa site, at ang proyekto na matagal nahinto sa sa wakas nagsimulang muli.May mga pagdududa si Mandy, ngunit sa wakas ay nakahinga na siya nang maluwag.…Sa Sky Corporation.Nasa upuan ng CEO si Harvey York, pinag-aaralan ang dalawang larawan sa harap niya.Malinaw na parang sikat ng araw ang unang larawan, na nagpapakita ng mga silhouette nina Wayne at Stephen York. Nasa dalampasigan sila, mukhang may hinihintay.Kung titingnan nang mabuti, putol na ang kaliwang kamay ni Wayne York. Malamang ay kinuha ang larawan sa parehong araw na binaril ni Wayne ang kanyang braso.Medyo malabo ang pangalawang larawan. Mukhang nasa airport ito, at may isang lalaki na hindi nakilala ni Harvey York.Matagal niyang tinitigan ang mga larawan, pagkatapos
Ngumiti si Stephen York.“Mabuti kong pinsan, dahil nandito ka na, bakit hindi ka muna magpahinga sa loob ng ilang araw? May mga bagay na hindi pwedeng madaliin."Saglit na nag-alangan si Chris Leo, pagkatapos ay dahan-dahan siyang sumagot, "Stephen, alam mo kung bakit ako nandito.""Kung mabigo tayo, pareho tayong malalagay sa matinding problema.""Syempre."Ngumiti ulit si Stephen York."Kung ganoon, magpapadala ako ng isang tao para magbigay ng imbitasyon sa mga Xavier."“Magaling.”“Aayusin ko ang lahat. Kailangan mo lang magpakita."Tumawa si Stephen York.Hindi na nagsalita pa si Chris Leo, at tahimik na umalis sa airport sa gitna ng ng mga nagkumpulang tao.Kahit na napaka-makapangyarihan niyang pigura, alam din niya na kapag nabigo siya sa kanyang misyon, hindi maganda ang kahahantungan niya.…Sa Emerald Lake, sa Buckwood.Ang tirahan ng pamilya Xavier.Hindi taga-Buckwood ang mga Xavier. Galing sila sa Wolsing.Matapos maging first-in-command ng South Light si
Napangiti si Adam Xavier nang makita si Yvonne Xavier.“Yvonne, tamang-tama ang iyong pagdating! Pinag-uusapan ka rin ng lahat.""Sa wakas, isang dalaga sa pamilya na nasa hustong gulang na!""Ito na ang pang-limang beses na niligawan ka ng isang gwapong binata!"Habang nagsasalita siya, kumuha si Adam ng ilang litrato at inilapag sa tea table.“Halika, halika, halika. Tingnan mo! Ito ang prinsipe ng pamilya Leo, si Chris Leo. Ito ang prinsipe ng pamilya Surrey, si Luke Surrey. Heto ang prinsipe ng pamilya Robbins, si Oscar Robbins. Ang isang ito dito ay ang prinsipe ng pamilya Cloude, si Declan Cloude. At ito si Prince Finn Yates…”“Lahat sila ay mga gwapo at may kakayahang binata. Kung sino man ang pipiliin mo, makakabuti ito sa pamilya."Gayunpaman, hindi man lang tiningnan ni Yvonne ang mga larawan.Sa halip ay lumapit siya kay Sheldon at tahimik na sinabi, "Lolo, dapat alam mo na hindi ako magpapakasal sa sinuman."Napabuntong-hininga si Sheldon. "Paanong hindi ko maiinti
“Eh ano naman?”“Wala man lang pagtingin si Prince York sa iyo! Sinundan mo siya sa loob ng maraming taon, ngunit hindi ka pa rin nakagawa ng pangalan para sa iyong sarili!"“Iba na ang mga bagay ngayon. Dahil naawa si Prinsipe Leo at ibinaling sa iyo ang kanyang atensyon, dapat mong pahalagahan ang pagkakataong ito!""Dapat kang magpasalamat sa langit na hindi ka niya nakita na parang p*kpok. Ang kapal ng mukha mong tanggihan ang proposal niya?!”"Ganyan ka ba ka-walanghiya?!"Sa mga sinabi ni Ivan, tumango ang iba pang Xavier bilang pagsang-ayon.Napatingin sila kay Yvonne Xavier na parang minahan siya ng ginto.Kung pumayag siyang pakasalan si Chris Leo, napakalaki ng mga benepisyong matatamasa ng mga Xavier."Ay, Yvonne. Hindi naman sa galit ako sa iyo, pero kailangang pangalagaan ng mga babae ang kanilang sarili…”“Pag-usapan natin si Prince York na hindi mawala sa isip mo. Hindi ba tinanggihan siya sa harap ng napakaraming tao habang nag-propose sa isang hangal na babae?
Sa Buckwood High School.Nakayuko ang ulo ni Xynthia Zimmer habang nagmamadaling humakbang, na para bang may tinatakasan siya.Pagdating niya sa entrance ng paaralan, may ilang babaeng nakatayo roon, nakaharang sa daanan niya.“Bakit ka tumatakbo, Xynthia? Ang bilis mo! Hindi ka nakipagkita sa isang matandang lalaki para sa pera ngayon, ‘di ba?"“Hindi ko masabi! Mukha kang masunuring batang babae, at hindi mo tatanggapin ang pagtapat ng sinuman. Para kumita ng pera sa ganitong paraan, hindi ako makapaniwalang isa kang p*kpok!""Pwede mong sabihin na lang sa amin kung kulang ka sa pera. Mapapawi namin ang iyong stress. Hindi mo kailangang yurakan ang iyong sarili sa ganoong paraan!"Hindi maganda ang relasyon ng mga babaeng ito kay Xynthia.Hindi pinansin ni Xynthia ang mga lalaki sa klase niya, lalo na pagkatapos ng nangyari sa KTV. Tanging ang brother-in-law lang niya ang nasa isip niya. Ito ang dahilan kung bakit tinanggihan niya ang ilang mga lalaki na maaaring ituring na ma
Hindi t*nga si Xynthia. Alam na alam niya na kapag kumalat ang recording, hindi na titigil ang mga tsismis at paninirang-puri.“Wala akong atraso sa inyo. Bakit mo ito ginagawa sa akin?!"Naguguluhan si Xynthia."Hindi mo ba alam na walang pinagkaiba ang mga babaeng tulad mo sa mga maruruming daga sa kalye? Dapat kang hatulan ng lahat!""Dahil mayroon kang mayamang matanda na sumusuporta sa iyo, sinisira mo ang reputasyon ng buong paaralan! Paparusahan kita bilang sa ngalan ng mga awtoridad ng paaralan. Ano pang dahilan ang kailangan ko?"Tinitigan nang masama ni Yelena Surrey si Xynthia. Hindi niya isisiwalat ang tunay niyang intensyon.Gayunpaman, hindi maitatanggi na nag-e-enjoy siya sa lahat ng nangyayari.Nagdilim ang mukha ni Xynthia. Wala siyang kakampi, at hindi niya maagaw ang phone sa mga kamay ni Selena.Hindi matatapos ang mga pambubully sa kanya kahit na sumang-ayon siya sa mga kondisyon ni Yelena Surrey.Kapag kumalat ang recording, mas lalong magiging mapag-isa
Nakita ang pagbabago kay Harvey, ang ekspresyon ng nakatatanda ay patuloy na nagbabago. Dinala niya ang kanyang espada patungo sa lalamunan ni Harvey sa bilis ng liwanag.Hinampas ni Harvey ang kanyang daliri sa talim nang walang balak na umiwas dito.Clang!Isang malakas na tunog ang narinig; ang matanda ay umatras ng ilang hakbang, ang buong katawan niya ay nanginginig. Isang sigaw ang biglang narinig mula sa Demon Sword.Pinunasan ni Harvey ang kanyang mga daliri nang may pagduduwal habang nakatayo sa kanyang pwesto, na parang may nahawakan siyang nakakadiring bagay.Ang matanda ay sumabog sa galit; siya ay lumundag sa hangin bago muling ibinaba ang kanyang espada. Siya ay isang onmyoji, ngunit mayroon din siyang malalim na pag-unawa sa martial arts ng Island Nations.Ang kanyang atake ay katulad ng killer move ng Shindan Way.Gayunpaman, hindi man lang maalala ni Harvey ang pangalan ng galaw, lalo na hindi siya nagmamalasakit. Tinapakan niya ang lupa; nagkabasag-basag ang mg
Swoosh, swoosh, swoosh!Winasiwas ng natitirang pitong elder ang kanilang mga kamay, agad nilang hinagis ang mga talisman nila.Lahat ng klaseng napakasamang hugis na kamukha ng iba’t ibang bagay ang sumulpot sa ere. Mga fox, mga python, at sumulpot din ang isang cyclops.Bumuntong-hininga si Harvey, pagkatapos ay muli niyang ipinitik ang kanyang daliri.Poof!Nagsimulang umubo ng dugo ang pitong elder, agad na nanginig ang kanilang mga katawan.“Witchcraft! Anong ginawa mo?!”Galit na galit ang pinuno ng mga elder.Walang nagawa ang isang elder kay Harvey… Pero ngayon, kahit na ang pito ay hindi man lang siya nagalusan.“Paninira! Isa itong paninira!” sigaw ni Harvey.“Natutunan ko lang ito mula sa Book of Changes!“Malinaw na isa itong geomancy art, pero sinasabi niyo na isa itong witchcraft?“Gaano kawalanghiya ba kayong mga tao kayo?”“Ang Book of Changes?”Tumingin ang mga elder sa isa’t isa.Ayon sa mga alamat, ang Book of Changes ay mayroong maraming anyo, kabilan
Tinitigang maigi ni Harvey ang uwak na pasugod sa kanya. Noong sandaling dumapo sa katawan niya ang uwak, kalmado niyang ipinitik ang kanyang daliri.Poof!Isang dilaw na talisman ang lumipad mula sa kamay niya, at biglang naglaho ang uwak. Dahan-dahang nahulog sa lupa ang talisman, at pagkatapos ay naging abo.Kalmado niyang hinipan ang amoy ng sunog mula sa kanyang mga daliri. “Ito lang ba ang kaya niyong gawin? Kulang pa ‘to…”“Imposible!”Nanigas ang mga mukha ng mga elder; napasigaw sila sa gulat sa mga isip nila.‘Isa ‘yung Shikigami!‘Isang Shikigami! Mula sa Island Nations!‘Paano ito nasira ni Harvey gamit lang ang isang talisman na basta na lang niyang inilabas kanina?!‘Kalokohan ‘to!‘Kailan pa naging ganito kahina ang technique ng Masato family?!’“Iniisip niyo ba na imposible ‘to?” Sumimangot si Harvey. “Hindi ko maintindihan. Matagal na kayong mahina, pero gustong-gusto niyong magyabang. Mahilig lang ba kayong magpanggap?”Pffft!Halos umubo na ng dugo ang e
Inunat ni Harvey ang kanyang leeg habang nakangiti.“Tutal mamamatay naman na ako…“Bakit hindi niyo ipaintindi sa’kin ang isang bagay?“Pagkatapos akong subukang kumbinsihin ni Peyton na iwan ang sitwasyon, bigla kayong sumulpot.“Tauhan ba kayo ng Dragon Cell? O tauhan ba kayo ni Blaine?" Tumawa ng malamig ang elder. “Walang karapatan ang isang taong gaya ni Peyton na kontrolin kami!" Tumango si Harvey.“Naiintindihan ko na.“Mukhang maraming ginawa si Blaine para lang paghandaan ang pag-angat niya.“Pero kung gamit lang ang pagkatao niya, hindi niya rin kayo makokontrol.“Malamang mula siya sa Evermore. At malamang mataas din ang katayuan niya dun.“Hindi ko inakala na may makikita akong mga buhay na saksi nun!" Bukod sa hindi natakot si Harvey, mukhang natuklasan na din niya ang katotohanan.“Mukhang hindi ako makakaalis sa Golden Sands hangga’t buhay pa si Blaine!" Dumilim ang mga mata ng elder.“Wala ka nang pag-asa, bata. Ikaw ang kinatawan ng Martial Arts All
Dumilim ang mga mata ni Peyton matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Harvey. Pagkaraan ng mahabang oras, bumuntong-hininga siya at umalis mula sa kabilang panig.Noong sandaling umalis siya, biglang huminto sa paglalakad si Harvey. Nahulog ang mga piraso ng papel mula sa langit.Sumimangot si Harvey. Tumingin siya sa magkabilang gilid, at pagkatapos ay sumipa siya paharap.Bam!Lumipad ang isang brick sa lupa patungo sa isang mukhang sinaunang puntod.Sumabog ang puntod, at isang kulay pulang kabaong ang lumipad patungo sa direksyon ni Harvey. Umatras siya, masama ang kanyang loob.Bam!Sumalpok ang kabaong kung saan nakatayo si Harvey.Isang mabahong amoy ang tumagas, at binalot ng alikabok at lupa ang buong lugar. Kasabay nito, lumabas mula sa iba’t ibang direksyon ang mga taong may matataas na sombrero at nakadamit na pang-onmyoji.“Yin-Yang Techniques?” Tanong ni Harvey, habang nakatingin sa kanila.“Magaling.“Gaya ng inaasahan kay Representative York.“Hindi na nak
Bumuntong-hininga si Peyton nang makita ang kaswal na ekspresyon sa mukha ni Harvey.“May isang bagay kang hindi alam.“Ang Golden Sands ay itinuturing na ang lugar na tinatawag na Midheaven.“Sa madaling salita, ito ang lupain kung saan isinilang ang Country H.“Ang dating emperador, si Emperor Toghon, ay ginawang kapitolyo ang Golden Sands dahil dito.“Subalit, naging ang Wolsing ang kapitolyo ng bansa noong kinuha ni Emperor Khan ang trono.“Gayunpaman, ang kahalagahan ng kasaysayan ng Golden Sands sa bansa ay higit pa sa imahinasyon mo!“Dahil kontrolado ng John family ang buong siyudad, hindi lang napipigilan ang Patel family at ang six Hermit Families, kundi pati ang buong Midheaven ay pag-aari din nila!“Sa madaling salita, kapag ginalaw mo si Blaine ngayon, magdudulot ito ng malaking kaguluhan sa buong lugar!”“Hindi naman na makakakuha ng mas maraming mga Blaine ang John family para palitan siya. Anong magiging problema?” sagot ni Harvey.Muling bumuntong-hininga si
"Hula ko, mukhang ang Wright family ang target ng Evermore."Kumunot ang noo ni Harvey York.“Ang Wright family?”"May balak bang magdulot ng problema ang Evermore kay Big Boss?""Gusto ba nilang mamatay o ano?""Kung wala ang apat na haligi at ang tulong ng Nine Elders, malamang kaya niyang mapaalis ang grupo ng mga walang kwentang tao na nagtatago sa Wolsing ng mag-isa, di ba?"Si Peyton Horan ay umiling.“Hindi kasing simple ng iniisip mo ang mga bagay-bagay.”"Ang Evermore ay napakatagal nang nabubuhay. Marami ring matatandang hangal na malapit nang mamatay ang may koneksyon sa kanila."Ang Wolsing ay maaaring hindi nagkakaisa.""Hindi pa natin alam kung gaano na kalalim ang Evermore.""Siguro galing din sa Evermore si Big Boss.""Kung gagawa ng kahit ano ang Evermore sa Wolsing, ang buong Wolsing ay magkakaproblema!""Ang buong lungsod ay malulugmok sa kaguluhan!""Ang Country H ay magkakagulo kung hindi tayo mag-iingat..."Nag-aalala si Peyton.Bahagyang tumango s
Si Harvey York ay kilala lamang si Peyton Horan dahil nailigtas niya si Taila Horan.Ang dalawa ay nagkakilala lamang sa loob ng maikling panahon. Hindi sila madalas magkita, pero mayroon pa rin silang magandang relasyon."Ayos naman si Talia. Pinatira ko siya sa aking lumang bahay kasama ang isang tauhan para protektahan siya. Hindi mo kailangang mag-alala.”Nagpakita si Peyton ng banayad na ngiti."Gayunpaman, dapat kang mag-alala nang higit para sa iyong sarili."Ngumiti si Harvey."May nalaman ka ba?"Tumango si Peyton at tumingin sa paligid bago ituro ang isang maliit na daan."Bakit hindi tayo maglakad-lakad?"Tinanggap ni Harvey ang alok. Matapos senyasahn ang mga espiya ng Heaven’s Gate na umalis, sinamahan niyang maglakad-lakad si Peyton.Si Peyton ay nagbigay ng senyales sa mga eksperto ng Dragon Cell na huwag sumunod upang bigyan sila ng espasyo.Ang lugar ay isang gubat na may ilang mga libingang mukhang sinauna sa tabi ng daan. Isa sa mga customer ni Harvey ay n
Si Mandy Zimmer ay nasiyahan ng husto sa pananatili sa Ostrane One. Itinuturing na niyang tahanan ang lugar…At sa kabila nito, nangyari ang ganitong bagay.Ibinigay ni Harvey York kay Mandy ang isang piraso ng pastry pagkatapos buksan ang kahon."Sa nakikita ko, tinatrato ka ng Jean family na parang isang superhero!""Saanman may problema, ikaw ang haharap dito...""Malamang ay may malaking respeto sila sayo!"Tumawa ng mapait si Mandy."Tinatawag mong respeto yun?"Sinasadya nila akong ipadala sa kamatayan ko!"Ang Wolsing ay isang sinaunang lungsod na may isang libong taon ng kasaysayan!""Mas malalim pa ang tubig doon kaysa sa mismong Atlantic!""Ang Nine Elders, ang top ten families, ang five hidden families, at lahat ng uri ng puwersa ng iba't ibang sagradong martial arts training grounds...""Huwag kalimutan ang mga panlabas na puwersang nagdudulot ng gulo doon..."Ang lugar na iyon ay talagang nakakatakot."Mamamatay ang mga tao doon kung hindi sila mag-iingat."