Ngumiti si Stephen York.“Mabuti kong pinsan, dahil nandito ka na, bakit hindi ka muna magpahinga sa loob ng ilang araw? May mga bagay na hindi pwedeng madaliin."Saglit na nag-alangan si Chris Leo, pagkatapos ay dahan-dahan siyang sumagot, "Stephen, alam mo kung bakit ako nandito.""Kung mabigo tayo, pareho tayong malalagay sa matinding problema.""Syempre."Ngumiti ulit si Stephen York."Kung ganoon, magpapadala ako ng isang tao para magbigay ng imbitasyon sa mga Xavier."“Magaling.”“Aayusin ko ang lahat. Kailangan mo lang magpakita."Tumawa si Stephen York.Hindi na nagsalita pa si Chris Leo, at tahimik na umalis sa airport sa gitna ng ng mga nagkumpulang tao.Kahit na napaka-makapangyarihan niyang pigura, alam din niya na kapag nabigo siya sa kanyang misyon, hindi maganda ang kahahantungan niya.…Sa Emerald Lake, sa Buckwood.Ang tirahan ng pamilya Xavier.Hindi taga-Buckwood ang mga Xavier. Galing sila sa Wolsing.Matapos maging first-in-command ng South Light si
Napangiti si Adam Xavier nang makita si Yvonne Xavier.“Yvonne, tamang-tama ang iyong pagdating! Pinag-uusapan ka rin ng lahat.""Sa wakas, isang dalaga sa pamilya na nasa hustong gulang na!""Ito na ang pang-limang beses na niligawan ka ng isang gwapong binata!"Habang nagsasalita siya, kumuha si Adam ng ilang litrato at inilapag sa tea table.“Halika, halika, halika. Tingnan mo! Ito ang prinsipe ng pamilya Leo, si Chris Leo. Ito ang prinsipe ng pamilya Surrey, si Luke Surrey. Heto ang prinsipe ng pamilya Robbins, si Oscar Robbins. Ang isang ito dito ay ang prinsipe ng pamilya Cloude, si Declan Cloude. At ito si Prince Finn Yates…”“Lahat sila ay mga gwapo at may kakayahang binata. Kung sino man ang pipiliin mo, makakabuti ito sa pamilya."Gayunpaman, hindi man lang tiningnan ni Yvonne ang mga larawan.Sa halip ay lumapit siya kay Sheldon at tahimik na sinabi, "Lolo, dapat alam mo na hindi ako magpapakasal sa sinuman."Napabuntong-hininga si Sheldon. "Paanong hindi ko maiinti
“Eh ano naman?”“Wala man lang pagtingin si Prince York sa iyo! Sinundan mo siya sa loob ng maraming taon, ngunit hindi ka pa rin nakagawa ng pangalan para sa iyong sarili!"“Iba na ang mga bagay ngayon. Dahil naawa si Prinsipe Leo at ibinaling sa iyo ang kanyang atensyon, dapat mong pahalagahan ang pagkakataong ito!""Dapat kang magpasalamat sa langit na hindi ka niya nakita na parang p*kpok. Ang kapal ng mukha mong tanggihan ang proposal niya?!”"Ganyan ka ba ka-walanghiya?!"Sa mga sinabi ni Ivan, tumango ang iba pang Xavier bilang pagsang-ayon.Napatingin sila kay Yvonne Xavier na parang minahan siya ng ginto.Kung pumayag siyang pakasalan si Chris Leo, napakalaki ng mga benepisyong matatamasa ng mga Xavier."Ay, Yvonne. Hindi naman sa galit ako sa iyo, pero kailangang pangalagaan ng mga babae ang kanilang sarili…”“Pag-usapan natin si Prince York na hindi mawala sa isip mo. Hindi ba tinanggihan siya sa harap ng napakaraming tao habang nag-propose sa isang hangal na babae?
Sa Buckwood High School.Nakayuko ang ulo ni Xynthia Zimmer habang nagmamadaling humakbang, na para bang may tinatakasan siya.Pagdating niya sa entrance ng paaralan, may ilang babaeng nakatayo roon, nakaharang sa daanan niya.“Bakit ka tumatakbo, Xynthia? Ang bilis mo! Hindi ka nakipagkita sa isang matandang lalaki para sa pera ngayon, ‘di ba?"“Hindi ko masabi! Mukha kang masunuring batang babae, at hindi mo tatanggapin ang pagtapat ng sinuman. Para kumita ng pera sa ganitong paraan, hindi ako makapaniwalang isa kang p*kpok!""Pwede mong sabihin na lang sa amin kung kulang ka sa pera. Mapapawi namin ang iyong stress. Hindi mo kailangang yurakan ang iyong sarili sa ganoong paraan!"Hindi maganda ang relasyon ng mga babaeng ito kay Xynthia.Hindi pinansin ni Xynthia ang mga lalaki sa klase niya, lalo na pagkatapos ng nangyari sa KTV. Tanging ang brother-in-law lang niya ang nasa isip niya. Ito ang dahilan kung bakit tinanggihan niya ang ilang mga lalaki na maaaring ituring na ma
Hindi t*nga si Xynthia. Alam na alam niya na kapag kumalat ang recording, hindi na titigil ang mga tsismis at paninirang-puri.“Wala akong atraso sa inyo. Bakit mo ito ginagawa sa akin?!"Naguguluhan si Xynthia."Hindi mo ba alam na walang pinagkaiba ang mga babaeng tulad mo sa mga maruruming daga sa kalye? Dapat kang hatulan ng lahat!""Dahil mayroon kang mayamang matanda na sumusuporta sa iyo, sinisira mo ang reputasyon ng buong paaralan! Paparusahan kita bilang sa ngalan ng mga awtoridad ng paaralan. Ano pang dahilan ang kailangan ko?"Tinitigan nang masama ni Yelena Surrey si Xynthia. Hindi niya isisiwalat ang tunay niyang intensyon.Gayunpaman, hindi maitatanggi na nag-e-enjoy siya sa lahat ng nangyayari.Nagdilim ang mukha ni Xynthia. Wala siyang kakampi, at hindi niya maagaw ang phone sa mga kamay ni Selena.Hindi matatapos ang mga pambubully sa kanya kahit na sumang-ayon siya sa mga kondisyon ni Yelena Surrey.Kapag kumalat ang recording, mas lalong magiging mapag-isa
Hindi muna pinaandar ni Harvey ang makina nang pumasok sila ni Xynthia sa kotse. Sa halip ay kumunot ang noo nito sa kanya.“Xynthia, sabihin mo sa akin kung anong nangyayari. Bakit ka ginugulo ng mga babaeng iyon?"Pakiramdam ni Xynthia ay may nagkasala sa kanya dahil sa tanong ni Harvey.“Brother-in-Law, naalala mo ba ang sitwasyon sa KTV? Hindi na talaga ako sumama sa mga classmates ko pagkatapos niyon."“Pero hinahabol pa rin ako nitong Zane na ito. Ilang beses na siyang nagtapat sa akin sa publiko, pero tinatanggihan ko siya sa bawat pagkakataon."“Nagsimulang magalit sa akin si Yelena dahil doon. May narinig akong tsismis na gusto niya si Zane.”Minasahe ni Harvey ang kanyang kilay, hindi siya nakaimik matapos pakinggan ang lahat.Ang tagal niya bago maalala kung sino si Zane Shaw.‘Di ba siya iyong bata na nakabangga ko nung sinundo ko si Xynthia galing sa KTV?’'At itong Yelena na ito...''Ano ito?''Isang soap opera sa pagitan ng mga magka-kaklase?'"Paano umabot s
May matigas na ekspresyon ang class teacher. Alam niya na kahit isang transfer student si Xynthia, napaka-sipag niya at masigasig na mag-aaral. Buong puso niyang tinutulan ang ideya ng pag-expel kay Xynthia.“Principal! Isa lamang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga mag-aaral ang sitwasyon. Hindi mo dapat i-expel ang isang magaling na estudyante dahil sa isang napakaliit na bagay!"Habang nakikinig sa mga sinabi ng class teacher, galit na galit na tumayo ang ina ni Zane Shaw."Isang hindi pagkakaunawaan? Paano mo ito matatawag na hindi pagkakaunawaan?!"“Isang mahusay na estudyante si Zane! Pinalaki ko siya sa sarili kong dugo’t pawis!”"Isang karangalan para sa kanya at sa amin na tinitingala siya ni Lady Surrey!""Kahit ang mga magulang niya ay kayang sabihin na karapat-dapat siya para sa kanya!""Pero itong hampaslupang basurang ito, si Xynthia Zimmer, ay gustong kunin ang lahat ng pera ng pamilya Shaw para umangat sa social hierarchy!""Kaya gusto niyang sirain ang relas
Nanginginig sa galit ang maganda at kaakit-akit na si Miss Yuna dahil sa mga akusasyon ng ina ni Zane.Dahil sa kanyang magagandang mata at sexy na katawan kasama ang kanyang busilak na puso, may tsismis sa lahat ng dako tungkol sa kanya.Ngunit may mabuting moral at integridad si Miss Yuna. Paano mabibili ang isang babaeng ganoon kung hindi pa naman niya maranasan kung paano ma-inlove?Hindi na napigilan ni Miss Yuna ang kanyang galit."Mrs. Shaw, pakiusap mag-ingat ka sa mga sinasabi mo!""Tumigil ka sa pagsasalita ng kalokohan!""Kung wala kang anumang ebidensya, idedemanda kita ng paninirang-puri!"“Idedemanda mo ako? Sige gawin mo!"Grabe ang kawalang hiyaan ng ina ni Zack."Kung hindi ka p*kpok, bakit mo pinoprotektahan ang hampaslupang si Xynthia Zimmer?""Lahat ng ito ay dahil sa mga maruruming gurong tulad mo kung kaya't nagkaroon pa ng pagkakataong ipanganak ang mga estudyanteng tulad ng anak ko!"“Ang lakas ng loob mong idemanda ako? Hindi ka ba nahihiya?!"Galit