"Sino ang presidente dito?!"Malamig na tinitigan ni Harvey ang p*kpok na ina ni Zane. Masyadong na siyang maraming nakitang mga kababaihan ng kanyang kauri, at wala siyang pakialam sa mga tulad niya."Ako! Sino ka para pumasok sa meeting room ng school nang ganito?!"Tumayo ang principal at galit na tinitigan si Harvey."Na-imbestigahan mo na ba nang maigi ang sitwasyon bago ka magpasyang i-expel si Xynthia?" Malamig na tanong ni Harvey York."May kinalaman lamang ang sitwasyong ito sa mga staff ng paaralan. Wala kang kinalaman dito!”Puno ng paghamak ang sagot ng principal sa kanya.'Saan nanggaling ang binatang ito? Ang lakas ng loob niyang kwestiyunin ako? Anong klaseng biro!'“Kamag-anak niya ako. Syempre may pakialam ako kung ma-expel siya.""Mapapahamak ang sinumang manirang-puri sa kanya sa harap ko."Kasing lamig ng artiko ang ekspresyon ni Harvey. Hindi niya nagustuhan na umaastang mapagmalaki ng principal sa harap niya.“Bata!”Sa sandaling ito, tumayo ang ama ni
Syempre, hindi kilala ng principal kung sino si Harvey York.Pero alam na alam niya na hindi lamang malaki ang donasyon ni Zane Shaw sa paaralan. Malapit rin siya sa chairman ng paaralan.At saka, mula sa pamilya Surrey ang chairman, kaya mabilis matatapos ang isyung ito. Imposibleng baguhin ito.Sa sandaling ito, malamig na nagsalita ang principal, “Wala akong pakialam kung sino ka, pero hindi magbabago sa anumang paraan ang desisyon ngayon.”“Expelled na sa paaralang ito si Xynthia Zimmer, ang tungkol naman sa pag-trespass mo sa paaralan, may kapangyarihan ako para panagutin ka sa ilalim ng batas!”“At ikaw mismo ang magbabayad kay Zane Shaw.”Nanlamig ang mukha ni Harvey habang tiningnan niya ang mukha ng iba pang mga miyembro ng board of directors ng paaralan. “So, pare-pareho ba kayong lahat ng iniisip tulad niya?”“Hoy kengkoy, sa palagay mo ba talaga ay kaya mong baguhin ang desisyon namin sa pag-trespass mo sa meeting room namin dito?”“Dapat kang magtanong-tanong kung
Ilang sandali lang pagkatapos tumawag ni Harvey York, may kaguluhan sa school gate.“Anong nangyayari ngayon? Bakit rin nandito ang school chairman? May malaki bang nangyari?”“Tungkol ba ito kay Xynthia Zimmer?”“Paano ito nangyari? Paanong may kakayahan si Xynthia para papuntahin ang chairman?”Subalit, hindi lamang ang presensya ng chairman, ang mahalagang bahagi ay nang dahan-dahang pumarada sa gate ng paaralan ang isang Audi A6.“Ito si… Yaron Quirk mula sa Ministry of Education ng Buckwood, siya ang second-in-command sa education system ng Buckwood!”“O diyos ko, paanong ang first-in-command, si Tem Zepeda, ay nandito rin?”“Anong nangyayari? Anong dahilan kung bakit parehong nagpakita ang dalawang malalaking tao sa education system?”“At saka, bakit mukhang nagpa-panic ang chairman at ang iba pa? Ano mismo ang nangyayari?”Sa sandaling ito, nagkakagulo ang lahat sa school gate, at hindi makapaniwala ang lahat.Ang Buckwood High School ay palaging nakalaan lamang para s
Ang taong dumating dito ay si Stevie Surrey, isang collateral relative ng pamilya Surrey at ang chairman ng Buckwood High School.Nang makita ang pagdating ng lalaking ito, naguluhan si Zane Shaw.So ang backup plan ng kolokoy na ito ay si Stevie Surrey?Kung ganon nga, magiging medyo komplikado ang bagay na ito!Samantala, agad na tumayo nang tuwid ang principal at ang iba pang mga direktor ng paaralan, habang kita ang pagkagulat sa kanilang mga mata.Tumawa pa ang principal. “Mukhang magkakaroon tayo ng friendly fire sa mga tao mula sa parehong pamilya dito..."Pero bago pa niya matapos ang kanyang pangungusap, nagulat siya sa dalawang taong agad na pumasok at hindi siya makapagsalita dahil sa sobrang gulat.Ang first-in-command ng Ministry of Education ng Buckwood, si Tim Zepeda!Ang second-in-command ng Ministry of Education ng Buckwood, si Yaron Quick!Kung si Stevie Surrey lang ito, hindi ito magiging problema, dahil nasa pareho silang panig.Pero kung magawa ng isa na
Mabagsik at malamig ang mukha ni Stevie Surrey. “Ano ba talaga ang nangyari? Magsabi ka sa akin ng totoo at sabihin mo ang lahat!"Narinig na niya ang buong kwento mula simula hanggang sa katapusan, pero ang kailangan niyang gawin ngayon ay damage control para hindi madamay ang mga Surrey.Dahil ngayong nandito ang first at second-in-command ng Ministry of Education ng Buckwood, kahit na isa siyang collateral relative ng pamilya Surrey, kailangan niyang magbitiw kung hindi niya mare-resolba nang maayos ang isyung ito.“Kasalanan… kasalanan namin ito!” Agad na napaluhod ang ama ni Zane Shaw.Negosyante siya, kaya alam niya ang pinaka-magandang paraan para mag-react ayon sa sitwasyong iyon.Sa isang tawag lang, nagawa niyang papuntahin ang first at second-in-command ng Ministry of Education ng Buckwood. Kung hindi pa rin mahulaan ng ama ni Zane kung gaano kalakas ang background ng lalaking ito, sasayangin niya ang buhay niya sa pagtatrabaho sa industriya nang matagal.“Hindi inakit
Ngunit sa pag-obserba sa ugali ni Harvey York, malinaw na alam ng principal na imposibleng patahimikin ang bagay na ito at ang mga taong sangkot.Pagkatapos ng lahat, nandito na si Tim Zepeda.At saka, hindi ba nakita na na kung paanong hindi nangahas si Tim na umupo at nakatayo lang simula’t sapul?Pak!Nang makitang nag-aalangan pa rin ang principal, ang second-in-command ng education system ng Buckwood, si Yaron Quick, ay biglang naglakad at sinampal siya sakka malamig na sinabi, “Hindi mo ba narinig kung anong sinabi ni Director Tim? Huwag mo nang sayangin pa ang oras ni Mr. York, kung hindi, malapit nang matapos ang panahon mo bilang principal!”“Opo, opo, opo!”Pumatak ang malamig na pawis ng headmaster. Sa sandaling iyon, hindi siya nangahas na tingnan si Harvey at sa halip ay yumuko sa kanya at nag-aalalang tinanong, “O baka pwedeng humingi ng tawad si Zane kay Xynthia?"Nang marinig ito, saglit na tumawa si Harvey at tinamad na magsalita pa.Nakita ito ni Yaron Quick a
Nagtsi-tsismisan ang lahat ng mga guro at estudyante sa labas ng auditorium.“Tungkol saan ang lahat ng ito?”"Siguro para direkta nilang ipahayag ang pag-expel kay Xynthia Zimmer! Tutal naman, isa siyang kahihiyan sa ating paaralan!”“At saka, nag-drive pa ang sugar daddy niya sa paaralan namin. Siya siguro ang nagsulsol nito!"“Narinig kong sobrang ganda niya, pero hindi ko inasahang isa pala siyang p*kpok!”Sina Yelena Surrey at ang iba pa ang naunang pumunta. Dumiretso sila sa unahan dahil sabik silang makitang ganito ang kahihitnatnan ni Xynthia.Nag-utos pa si Yelena ng magpapadala sa kanya agad ng bagong phone. Plano niyang kuhanan ito ng video at iuwi ito para enjoyin ito!“Xynthia, ang p*kpok na iyon! Sa tingin ba niya ay mareresolba niya ito sa pagdala lang niya sa kanyang sugar daddy? Hindi niya alam na ito ang Buckwood High School, kami ang mga Surrey, ang may huling salita!”“Sa sandaling kumilos kami, katapusan na niya!”“Hindi ba ubod ng yabang ng t*ngang iyon n
Si Tim Zepeda, ang first-in-command education system ng Buckwood.Si Yaron Quick, ang second-in-command ng education system ng Buckwood.Si Stevie Surrey, ang chairman ng Buckwood High School.Ang mga nakalistang school board director at principal ng Buckwood High School…At panghuli, umakyat din sa stage si Zane Shaw at ang kanyang mga magulang.Panay pa rin ang panunuya nila Yelena Surrey at ng iba pa kay Xynthia nang lumitaw ang mga big shot na iyon.Gayunpaman, nang makita nila si Zane at ang kanyang mga magulang na umakyat sa stage, nanlulumo, hindi nila maiwasang makaramdam ng kakaiba.Dahil kilala ang ina ni Zane na may matalas na dila.Gayunpaman, para siyang tigreng walang buti sa sandaling iyon. Namumutla ang mukha niya. Para siyang babagsak anumang oras kung umihip ang hangin.Kung titingnang mabuti, may matigas na tingin sina Tim at Yaron sa kanilang mga mukha. Mukhang medyo magalang sila kay Harvey habang nakatingin sa direksyon niya.Tungkol naman kina Stevie at
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”
Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng
Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai