"Paano ko ba siya mailalarawan…?" Mayroong seryosong ekspresyon si Felix Howard. "Noong una kong makita si Prince York, nagkataon ay mayroong liwanag na umiilaw sa kanyang likuran at nagmukha siyang isang diyos!"Hindi lang isang palabas ang pagiging top man niya! "At hindi lang yun. Isa yatang custom-made na Rolls Royce ang kotse niya. Ang panlabas ng kotse ay puno ng mga dyamante na para bang ito ang natatanging pagkatao mismo ni Prince York!"Higit pa roon, mayroong nasa isang libong gwardiya na nakasunod kay Prince York. Hindi man lang makalapit sa kanya ang mga pangkaraniwang tao!" Pfft—Hindi na naman mapigilan ni Harvey York ang kanyang tawa. Biglang galit na sumigaw si Felix, "Bakit tumatawa ka pa rin, basura ka? Minamaliit mo ba ako, o minamaliit mo si Prince York?!" Sumimangot ang mga tao pagkatapos itong marinig. Sa South Light, lalo na ang mga taong Buckwood ay nakakaalam sa tunay na kapangyarihan ni Prince York. At tinawanan mismo ni Harvey si Prince York?
Lumipat ang tingin ng lahat kay Harvey York pagkatapos nila itong marinig. Nagsalita si Amelia Garza nang may malamig na tawa, "Mandy, kakaiba talaga ang asawa mo. Nagsasalita siya na para bang siya si Prince York!" Tumawa si Autumn Reyes nang may malamig na tono at nagsabi, "Narinig ko na tinawag niya rin ang sarili niya na Chief Instructor ng Sword Camp minsan, tapos ngayon siya naman si Prince York?"Lutang ba siya? Bakit araw-araw siyang nag-iisip ng mga imposibleng bagay?" Tinitigan nang masama ni Mandy Zimmer si Harvey at nagsabing, "Sabi na di dapat kita sinama. Nagsabi ka pa ng kalokohan sa harapan nina Amelia Garza at ng iba pa. Nakakahiya talaga." Walang masabi si Harvey. 'Hindi ko talaga alam kung kanino ako magpo-propose! 'Saan nanggaling ang balitang to?' Tinignan ni Felix Howard si Harvey nang may pangungutya at pagkatapos ay mayabang na nagsabi, "Mandy, Mama, Amelia. Hindi lang haka-haka ang sinasabi ko. Mayroong matibay na pruweba rito at pumila ang lahat
Sa Buckwood, sa Zimmers’ house.Nakaupo si Senior Zimmer sa kanyang bakal na trono at mapait na umiiyak. "Prinotektahan tayo ng mga Diyos! Akala ko ay gagamitin nina Simon Zimmer at Lilian Yates ang Yates family para umakyat sa ranggo at maapakan ang mga Zimmer!"Hindi ko inaakala na magkakaroon pa tayo ng tyansa na makalaban!" Narinig iyon ng iba pang miyembro ng pamilya at nagsimulang magaway na kasing ingay ng isang kawali. "Lolo, ano yung magandang balita?!" Kinakabahang nagtanong si Zack Zimmer dahil hindi pa niya natatanggap ang balita. Kaagad na pinakita ni Senior Zimmer ang nilalaman ng kanyang phone papunta sa telebisyon sa hall. Lahat ay nagulat pagkatapos nilang mapalingon sa feed. Si Prince York ng Sky Corporation ay magpo-propose sa kanyang kasintahan sa susunod na tatlong araw sa asset integration ceremony! At ang kasintahan niya ay nagmula sa mga Zimmer! Nanginig si Zack Zimmer pagkatapos niyang marinig ang balita. "Lolo, tinutukoy nila ay ang mga Zimme
Sa Half Moon Bay.Nang bumalik si Harvey York pagkatapos ng tawag, tapos nang mag-check-in si Mandy Zimmer. Hindi na nagsalita pa si Harvey pagkatapos niyang tumingin nang maigi sa mga mata ni Mandy. Sa loob ng tatlong araw, susurpresahin niya ito. ***Sa kwarto ng hotel. Nakakunot ang noo ni Autumn Reyes sa sandaling iyon. “Amelia, Felix. Noong binigay sa akin ni Aunty Lilian ang gawaing ito, nagtataka pa rin ako kung magiging sobrang lupit ba nito o hindi! “Mukhang tama pala talaga siya. Talagang basura lang ang son-in-law niya! “Ang tanging paraan para magkaroon ng kasiyahan si Mandy ay ang paalisin ang mga Zimmer! “Oo nga pala Felix. Ayon sa plan, mabuti at huwag mong iritahin nang sobra ang basurang yun. Mabuti pang prituhin mo ang utak niya at hayaan mo siyang gumawa ng hindi magandang bagay!”Ngumiti nang malaki si Felix Howard. “Ma, wag kang mag-alala. Plano naman ito ni Grandma Yates. “Medyo may lamat na ang relasyon natin sa kanya nitong nakaraan. Gagam
“Sino ba yan? Binuksan ni Ray Hart ang pinto para sa kanya!”“Di man lang siya matanda. Mukhang nasa dalawampung taong gulang pa lang siya. Talaga bang ganyan siya kasikat?”“Mukhang isa siyang maharlika sa Buckwood! Ang galing niya!”“...”Dinumog ng tao ang hotel at ang lahat ng nandoon ay nag-uusap. Ilang mausisang tao pa ang kumuha ng larawan at in-upload ang mga ito sa internet. ***Sa loob ng kotse, nakayuko si Ray Hart at ang mukha niya ay puno ng galak at paghanga. Ang maupo ang alamat sa kotse niya ay talagang isang biyaya para sa buong pamilya. Maging ang driver ay nagulat nang sobra. Maraming mga boss at mga opisyal ng gobyernong nagpunta sa Half Moon Bay ay hindi man lang magawang makipagkita kay Ray Hart kahit gustuhin nila. Madalas magalang din ang mga ito sa kanya. Hindi ito maglalakas-loob na basta na lang gawin ang gusto nila. Ngunit sa harap ng binatang ito, sobrang ingat ni Ray Hart. Hindi man lang mawari ng driver kung anong pagkatao ng lalaking iyo
Sa lobby ng hotel. Naghihintay na si Autumn Reyes at ang pamilya niya sa hotel. Ang dalawang pamilyang magkasamang nagsasalo ang pinakamahalagang bahagi nito. Nababagot na si Felix Howard habang nagbabasa sa kanyang phone. Bigla niyang nabasa ang isang balita tapos sinabi habang nabibigla, “Mukhang may di tayo nakitang eksena kanina!”“Talagang nagpunta ng Half Moon Bay si Ray Hart mula sa Hart family para sunduin ang isang tao! “Mukhang ang isang kilalang tao ang nag-check-in sa hotel. Makikilala ko kaya natin siya!”Sobrang taas ng katayuan ni Ray Hart sa buong Half Moon Bay. Kilala siya ng lahat. Nagulat nang sobra si Autumn Reyes at Amelia Garza nang marinig na ang isang ganito kasikat na tao ang nagkukusang sumundo ng isang tao. Nagtipon sila para tingnan ang larawan ng balita sa phone. “Heto, ito ang maalamat na taong yun, maging si Ray Hart ay kailangang pagbuksan siya ng pinto. Grabe ito!”Nagpapakita ng matinding paghanga si Felix Howard. Si Ray Hart ang b
Nakatitig si Simon Zimmer at Lilian Yates kay Mandy Zimmer, habang medyo nagagalit matapos marinig na magtanong si Autumn Reyes tungkol sa manugang nila. “Saan nagpunta ang basurang yun?”Nahimasmasan si Mandy Zimmer at sumagot, “Nagkaroon lang ng traffic jam kanina noong susunduin na niya kayo. Malapit na siguro siya. Tingin ko parating na siya.”“Mabuti pala kung ganon. Akala ko tumakas na siya eh!”Gumaan ang pakiramdam ni Autumn Reyes nang magpalitan sila ng tingin ni Lilian Yates. Pareho ang naiisip ng dalawa sa sandaling ito. Ito ay ang gamitin si Felix para patumbahin si Harvey. Mas mabuti ang ipahiya siya nang sobra para iwan niya mismo si Mandy. Nitong hapon, uminom ng tsaa nang magkasama ang pamilya ng mga Zimmer at Autumn. Masaya si Autumn Reyes nang dumating si Harvey at ibang-iba ang mukha niya kumpara nitong nakaraang araw. Nagtaka si Harvey sa nakita niya. ‘Nagbago ba siya sa sandaling dumating si Simon at Lilian?’Nilinis ni Amelia Garza ang lalamuna
Nang hindi nag-aalinlangan, nagpatuloy si Amelia Garza sa pagsasalita. “Oo nga Harvey! Nakikita kong kahit paano may karanasan ka din! “Pero hindi pwedeng maging mapili ang isang lalaking wala namang kakayahan! “Tingnan mo. Sinimulang gawin ni Felix ang bagay kung saan siya pinakamagaling, habng unti-unti siyang nagkakaroon ng karanasan. Ito ang tunay na lalaki! “Dapat tularan mo siya! Di ka pwedeng maging ganito katumal na lalaki! “Nagsasalita rin ako para kay Mandy! “Kung wala ka talagang kakayahan, edi iwan mo na si Mandy habang maaga! Wag mong sayangin ang buhay niya!”Naiparating na ni Amelia ang punto niya matapos ang mahabang pagsasalita. Sinuportahan ni Autumn Reyes ang talumpati niya at sinabi, “Tama, dapat mahusay ang mga lalaki, o kailangan nilang tigilan ang panghihila ng iba pababa kasama nila! “Anong silbi ng isang lalaking walang kakayahan at gusto lang magpaalaga?”Winasiwas ni Lilian Yates ang kanyang kamay at sinabi, “Autumn, itigil mo ang kalokohang