Natahimik si Wyatt. Alam niyang medyo namamaga pa rin ang kanyang mukha. Paano siya magkakaroon ng kakayahang gumawa ng exception sa restaurant?Ngunit siya ng diyosa mula sa kanyang buhay sa unibersidad—si Mandy na nakatayo sa harapan niya ngayon. Dahil akala ni Mandy na siya ang tumulong sa kanya, hindi na siya nagbigay ng paliwanag tungkol doon. Ituturing na lamang niya iyon na parang isang uri ng magagandang misunderstanding.“Dalawang diyosa, dito ang daan. Inayos namin ang pinakamalaking VIP private dito sa Northland para sa iyo. Ikaw na live-in son-in-law, pakiusap huwag kang pumasok. Baka hindi mo kayang gumastos dito.” Ngumiti si Wyatt at maginoong sinabi iyon.Tumingin si Harvey kay Wyatt at malamig na sinabi, “Mr. Johnson, sigurado ka bang ikaw ang nakagawa ng paraan para makuha ang private room na ito?”“Kung hindi ako, kaya ba ng isang talunang tulad mo?” Ngumiti si Wyatt at sinabi iyon.“Harvey!” Seryosong sinabi ni Mandy, “Mabait si Mr. Johnson para makakuha siya ng
Habang sinusubukan pa ring kumbinsihin siya ni Wyatt, ang taong tinatawag na Mr. Lewis ay naglakad papunta sa pintuan ng VIP room at sinubukang tinulak ito.Hindi nagtagal ay nakita niya si Mandy. Naging excited siya na hinampas niya ang kanyang buhok, nag-pose na may mahinahon at may kumpiyansa sa sarili, at tumingin sa kanyang tauhang nasa likuran niya.Alam agad ng tauhan niya ang gagawin, habang magalang siyang kumakatok siya sa pintuan ng VIP room at dumiretso kay Mandy.“Greetings, miss…” bati ng tauhan matapos lumunok.“Hmm? Anong gusto mo?” Sumagot si Mandy habang sinusubukang intindihin ang sitwasyon dahil siya ay naguguluhan kung bakit pumasok ang mga estrangherong ito.Napalunok ang tauhan nang makita ang magandang mukha ni Mandy habang ini-imagine na ang babaeng nasa harap niya ay sasamahan siya pagkatapos siyang paglaruan ng kanyang boss.Habang may malalaswa siyang iniisip, lalong naging malisyoso ang mga tingin sa kanyang mga mata, pero nagawa niyang maalala ang p
Bagaman ang kanyang sigang aura ay hindi bagay sa kanyang suot, ramdam ng lahat ang kanyang kumpiyansa sa sarili sa kanyang ekspresyon.Sa sandaling iyon, marami nang taong nanonood. Ang ilan sa kanila ay lumapit pa at nakilala si Mr. Lewis.“Oh tingnan mo, si Mr. Zayn Lewis, may sinusuyong ulit na babae. Talagang napakamaginoo niya.”“Marahil ay hindi niyo alam, pero ang mall na ito ay hunting spot ni Mr. Lewis sa paghahanap mga magagandang babae, dahil naniniwala siyang walang babae ang hindi matutukso sa pera.”“May isang influencer dati na akala namin noong una ay mahirap magpa-impress sa kanya, ngunit sa huli ay nahulog siya kay Mr. Lewis bago pa gumastos si Mr. Lewis ng isang milyong dolyar sa kanya. Narinig ko pang tinatawag niya si Mr. Lewis na ‘Daddy’ at sinundan siya hanggang sa bahay niya para humingi ng ‘leksyon’.”“Napakaswerte maging tauhan niya dahil iiwanan ni Mr. Lewis ang kanyang mga finished ‘business’ para sa kanya. Talagang naiingit ako sa kanya!”“Mukhang ma
Sa sandaling iyon, may kamay na lumapit at sumampal sa mga kamay ni Mr. Lewis habang tumayo si Harvey sa pagitan ni Mr. Lewis at Mandy.Malamig niyang tinitigan si Mr. Lewis.Medyo gumaan ang loob ni Mandy nang makita niyang pinagtatanggol siya, pero medyo nadismaya ulit matapos makitang wala nang iba pang ginawa si Harvey bukod sa pagsampal.“Aba, aba, aba, sino ang mag-aakalang kaya palang gawin iyan ng isang walang kwentang asawang katulad mo?” Natawa si Mr. Lewis habang pinipitik ang kanyang mga kamay.“Ayokong malasin pagkatapos hawakan ang isang mahirap, at kaawa-awang lalaking katulad mo.” Patuloy na kinutya ni Mr. Lewis si Harvey habang nakangisi.“Lumayas ka bata. Bumalik sa sa pinanggalingan mo o bubugbugin ka namin kung gagawa ka ng gulo kay Mr. Lewis.” Galit na sumigaw ang tauhan.“Hoy, sibilisadong mamamayan tayo. Huwag kang magbanta nang ganyan, ano ka? Isang siga?” Saglit na tumingin si Mr. Lewis sa kanyang tauhan bago tapikin ang mukha ni Harvey.“Hoy pare, nagin
“Kahihinatnan? Nababaliw ka na ba bata? Gusto ko kong malaman kung ano ang sinasabi mong kahihinatnan ko.” Nakangisi si Mr. Lewis habang inaabot si Mandy.Bam!Nang inaabot ni Mr. Lewis si Mandy, agad na hinawakan ni Harvey ang kanyang collar at binalibag ang kanyang ulo sa dining table.Nagdurugo ang ilong at bibig ni Mr. Lewis nang hinampas siya sa mesa.Patuloy na binalibag ni Harvey si Mr. Lewis kahit na nagdudugo na siya.Bam! Bam! Bam!Nag-crack ang tempered glass sa mesa habang balot sa dugo ang mukha ni Mr. Lewis, na mukhang nakaka-kilabot.May mga babaeng sumigaw sa labas ng kwarto, habang karamihan sa mga lalaki ay nagulat sa kinilos ni Harvey.Nagulat si Mandy sa eksenang nakita niya, hindi dahil sa mga dugo, pero dahil sa kinilos ni Harvey. Hindi niya sukat akalaing magiging seryoso si Harvey nang may nang-harass sa kanya, kahit nasa isang high-class venue sila.Hindi pa nakaramdam ng matinding sense of security si Mandy dati, habang biglang nawala ang kanyang pagk
Hindi mahirap makita kung anong klaseng tao si Mr. Lewis. Kung sabagay, sa kanyang ugaling parang isang matapang na siga, maging ang isang mayaman ay ayaw siyang guluhin. Subalit ang lalaking ito, isang pulubi, ay binugbog siya nang hindi inaasahan at walang pinakitang kahit anong awa o respeto.“P*tang ina! Sinaktan mo lang ba ako? Tapos ka sa aking hayop ka!” Sinigawan ni Mr. Lewis si Harvey habang tumayo siya at tinakpan ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga kamay.“Tapos ka ngayong g*go ka!”Agad nilabas ng tauhan ang kanyang phone para tawagin ang security, na dumating pagkatapos ng ilang minuto.Si Mr. Lewis ay founder ng isang security company. Sa madaling salita, thug-related ang kanyang background. Nagkataon ding ang kanyang security company ang in-charge ng shopping mall.Hindi man tumingin si Harvey sa mga security guard habang pinagkiskis ang kanyang mga palad at malamig na sinabi, “Bibigyan kitang isang pagkakataon. Lumuhod ka sa harapan ng asawa ko at humingi ng ta
Sa kabilang banda, ang mga gold diggers sa madla ay hinahangaan si Zayn Lewis na para bang siya ang kanilang prince charming.Si Harvey York naman, kinamumuhian siya ng mga gold digger dahil mukha siyang mahirap. Akala niya ay nagtatapang-tapangan lang si Harvey sa harap ng madla at sigurado silang pagsisihan niya ang kanyang mga desisyon mamaya.Inayos ni Zayn ang kanyang sarili habang nasisiyahan sa paghanga sa kanya ng madla dahil halos lahat sa Niumhi ay aayon sa gusto niya dahil sa kanyang katayuan.Hinawakan niya ang kanyang tiyan habang naglakad palapit kay Harvey, kasama ang kanyang mga guard.“Ikaw na b*stardo ka! Sino ka sa inaakala mong p*ta ka para suntukin mo ako nang ganito ha?!” Sumigaw si Zayn habang nakaturo kay Harvey.“Matagal na ako sa Niumhi, walang pwedeng bumastos sa akin ng ganito!”“Pero ikaw, nilabag mo ang mga batas ko, ipapaalam ko sa iyo kung gaano ka kalagot sa akin.”“Huling pagkakataon, lumuhod kang p*tang ina ka at dilaan ang mga bota ko! Tapos
Nang marinig ang sinabi ni Zayn Lewis, medyo nakahinga ng maluwag si Wyatt Johnson dahil alam niyang wala lang kay Zayn ang kanyang pamilya.“Pwede ka nang umalis at ang babaeng katabi mo, wala rin akong gagawin sa restaurant mo. Pero, gusto kong bugbugin ang batang ito. Iyong isang babae naman, gusto ko siya kasama mamayang gabi.” Sabi ni Zayn.“Mr. Lewis…”“Kahit isama mo na iyong lalaking iyan, pero kaklase ko ang dalawang babae. Pakiusap pakawalan mo na sila.”Nagmakaawa si Wyatt habang binabaling ang sisi pabalik kay Harvey York.“Ano bang gusto mo, Johnson? Hindi ba nagpakita na ako ng awa? Hindi mo ba maintindihan ang sinabi ko?”Galit na nagtanong si Zayn habang sinasakal si Wyatt.“Naiintindihan ko! Naiintindihan ko!” Tumango si Wyatt na tila ay humihingi siya ng paumanhin.“Edi lumayas ka nang p*tang ina ka, o bubugbugin din kita.” Banta ni Zayn.“Umalis na tayo, Wyatt.” Sabi ni Cecilia na halos maiyak na.“Honey, magiging ayos lang ito, akong bahala.” Nakangiting s