Itatalaga si Mandy bilang CEO basta makuha niya ang investment. Kumalat ang balitang iyan sa buong pamilya Zimmer.Marami sa kanila ang nagulat. Ngunit wala na sila masyadong sinabi dahil alam nilang maaaring malugi ang mga Zimmer kung hindi nila makukuha ang investment funds.Para sa karamihan sa kanila, wala silang problema kung sinong nasa kapangyarihan basta lagi nilang mapanatili ang kanilang marangya at ekstrabaganteng buhay.Sa pamilya naman ni Zack, parehong nakaharap sa isa’t isa ang ama at anak, nakatingin sa isa’t isa nang walang magawa.Mukhang mapanganib si Zack. Sinabi niya, “Dad, lahat ng tao sa pamilya ni tito ko ay puro mga talunan. Lahat sila ay mga walang utang na loob na pumanig sa isang tagalabas. Hindi lamang nila napanood at nasaksihan kung paano ako pinahiya ni Harvey, gusto pa nilang kunin ang posisyon bilang CEO dahil sa kung anumang investment na iyan. Grabe na ang pambubully nila sa atin!”Itinuon ni Sean ang kanyang atensyon at sinabing, “Tama si Senio
Ang make-up ni Wendy ay marikit, na nagpaganda sa kanya noong araw na iyon. Sa una, hindi siya nakilala ni Howard. Ngunit pagkatapos niyang tanggalin ang kanyang sunglasses, hindi nagtagal ay nanginig si Howard sa kanyang kaibuturan. Namutla rin ang kanyang mukha.Siya ang diyosa na hindi niya nagawang makuha ang kanyang contact. Hindi lamang siya nagtatrabaho bilang isang supervisor sa York Enterprise, nagmamaneho din siya ng Porsche. Samantala, isa lamang siyang security guard doon…Medyo napatigil si Howard, at hirap na hirap siyang lumunok.Habang nakatayo sa tabi nila, walang naramdaman si Harvey. Naglakad siya palapit kay Wendy, ngumiti at sinabi sa kanya, “Medyo makitid ang naiwang parking space. Bakit hindi mo kunin iyong akin?”Nagulat si Wendy. ‘Lumapit si Mr. York at kinausap ako!’Mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse at lumabas. Pagkatapos ay sinabi niya, Okay lang. Pumarada ka na lang diyan.”Nang sinabi niya iyon, tiningnan niya ang parking space na iyon. Di n
Umiling si Wendy at sinabi, “Sinabi sa amin ng CEO na wala siyang oras para tumanggap ng bisita. Ngunit patungkol sa insidente ng mga Zimmer, inutusan ako ng CEO na maging in-charge dito. Kaya’t kung meron kang kahit anong request, sa akin mo na lang sabihin nang direkta.”Naglabas ng ilang dokumento si Mandy at inabot ang mga ito kay Wendy. Pagkatapos ay mahina niyang sinabi, “Kung gayon, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Miss Sorrell, ang shopping center project ng mga Zimmer ay talagang isang pambihirang asset. Bagaman dalawang beses niyo na kaming tinanggihan, nais pa rin naming makipag-usap para sa investment.”Mabusising binasa ni Wendy ang mga dokumento. Pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, “Miss Zimmer, dahil personal kang pumunta ngayon, hindi na kita papahirapan pa. Makakapag-invest kami sa shopping center ng mga Zimmer…”“Talaga?” Mukhang naguguluhan si Mandy. Akala niya pahihiparan siya, pero hindi niya sukat akalaing ganito kadali iyon.“Huwag kang mag-alala. Paking
“Alright, Mr. York!” Tumango si Yvonne. Sa parehong oras, naawa siya para sa mga Zimmer. Paano nila nagawang apihin ang asawa ng CEO? Hindi talaga alam ng mga Zimmer kung paano ayusin ang mga ugali nila."Oo nga pala, kausapin mo si Tyson na pumunta at makipagkita sa akin mamayang hapon." Biglang may ibang taong sumagi sa isip si Harvey.Nagulat si Yvonne. Si Tyson ay isang gangster sa Niumhi, at medyo maganda ang pamumuhay niya. Wala siyang kahit anong pakikipag-ugnay sa York Enterprise. Bakit ang CEO...“Sabihan mo siyang pumunta.” Nagsalita ulit si Harvey.Parang may nasa isip ni Yvonne. Ngunit magalang siyang tumango bago umalis ng opisina. Pagkatapos ng lahat, kailangang sundin ang bawat utos ni Harvey at gawin sa York Enterprise ano pang mangyari. Kailangan lang niyang gampanan ang kanyang gawain, at hindi niya na kailangan pang magtanong ng dahilan.…Dumating si Tyson. Hindi ito sukat akalain ni Yvonne. Si Tyson ay kilala bilang isang nakakatakot at makapangyarihang tao s
May isa pang magandang babae sa tabi ni Mandy. Nakakagulat na si Cecilia iyon. Sobrang sexy ng kanyang body figure. Sa sandaling iyon, nakasuot siya ng napakaikling palda, at mukhang kaakit-akit.Magkatabing nakatayo ang dalawang magandang babae, at nagtataglay sila ng dalawang magkaibang aura. Talagang maraming tao ang lumingon at tumingin sa kanila nang dumaan sila.Nang makita si Harvey, sumimangot si Cecilia. Naging awkward din siya. Ngayon lang ulit sila nagkita ni Harvey matapos ang insidente sa eight hundred thousand dollars. Naisip niya ang insidente kung saan tumaya sila at maya-maya ay nag-blush siya.Ngunit hindi pinansin ni Harvey si Cecilia. Naglakad siya palapit kay Mandy na walang pakialam. Ngumiti siya saka sinabi, "Mahal, narito ako!"Nainis si Cecilia dahil dito. ‘Nagsuot ako ng nakaka-akit. Siguradong mabibighani ang sinumang makakakita sa akin dahil meron akong magandang hugis at hitsura. Pero bakit ang arrogante mo! Ni hindi mo man ako tiningnan direkta. Gusto
Pero kung malaman ni Cecilia na ang bata at gwapong CEO ay tinutulugan siyang hawakan ang bag niya ngayon, ano kayang iisipin niya?Seryosong tiningnan ni Mandy si Cecilia. Matapos ang ilang sandali, tumango siya at sinabi, “Oo, malaki ang tsansa mo. Ngunit may problema. Marami kang karibal ... ”“Eh?”“Bagaman hindi ko pa nakikita ang CEO, nakita ko na ang iba. Ang kanyang secretary, manager, maging ang babaeng receptionist ay sexy at kaakit-akit. Malapit sila sa kanya, kaya may mas malaki silang tsansa doon. Eh ikaw? Kung pupunta ka sa kumpanya at tumulong sa paglilinis doon, pwede ring mong linisan ag desk ng CEO araw-araw. Kung hindi, wala kang tsansa!” Sabi ni Mandy.“Magandang ideya! Tulad ng inaasahan ko, kilalang kilala mo talaga ako. Pupunta ako para mag-apply ng trabaho bukas…”Masayang nagtawanan ang dalawang babae. Ngayon, naging magandang imahe sila sa kalye, at maging si Harvey na nakatayo sa likuran nila ay hindi rin pinansin.Sa kanila pag-gagala, narating nila an
“So kung hindi namin bibilhin iyon, hindi namin pwedeng sukatin. Ganon ba? Ngumiti si Harvey. Ito nga talaga ang unang beses niyang makakita ng ganoong klase ng empleyado. Kung hindi nila susubukan ang produkto tulad ng damit at sapatos, paano nila bibilhin iyon?Si Mandy na nasa tabi nila ay medyo hindi komportable. Maliwanag na mababa ang tingin sa kanila ng empleyado. Totoo ring ang kumpanya niya ay medyo bumagsak kamakailan. Sa wakas, nakabangon ang kanyang kumpanya gamit ang eight hundred thousand dollars na nakuha ni Harvey. Tiyak na hindi niya kayang gumastos ng bandang sixteen thousand dollars para sa isang pares ng sapatos.“Harvey, tara na. Umalis na tayo at tumingin sa ibang lugar…” Awkward na sabi ni Mandy.Nang makita ang naging kilos ni Mandy, bahagyang tumango si Harvey. Kung sabagay, maraming magagandang brand sa shopping center na iyon. Dahil hindi maayos ang trato ng mga empleyado sa shop na iyon, pwede silang pumunta sa ibang shop. Basta may pera sila, hindi nila
Biglang nanginig ang mga binti ng mga empleyado. Lahat sila ay napa-iskuwat sa sahig, lalo na ang empleyadong umastastang medyo arrogante. Sa sandaling iyon, saglit din siyang nanginig at sinabi, “Sorry po, sir. Sorry po talaga…”Sa sandaling iyon, kahit ang may-ari ng shop ay mabilis na lumabas. Lumitaw pa siyang magalang kay Harvey, tumango at yumuko sa kanya. Isa siyang mahalaga at makapangyarihang panauhin. Bukod pa ito sa kung bibili siya ng mga gamit doon. Kahit wala siyang bibilhin doon, hindi naglakas-loob ang mga empleyado na magsalita ng anumang kalokohan.“Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Ibigay mo lahat ng komisyon sa magandang babaeng ito.“ Sinabi ni Harvey iyon at tinuro ang isa pang empleyadong medyo magalang sa kanya ngayon lang.“Opo! Sige!” Walang tigil sa pagtango ang empleyadong iyon. Ang empleyado namang nangutya kay Harvey, namutla ang kanyang mukha. One hundred thousand dollars ang halaga ng nabili, at ilang libong dolyar ang magiging komisyon niya sana.