Share

Kabanata 72

Author: A Potato-Loving Wolf
last update Last Updated: 2021-05-18 16:00:24
Biglang nanginig ang mga binti ng mga empleyado. Lahat sila ay napa-iskuwat sa sahig, lalo na ang empleyadong umastastang medyo arrogante. Sa sandaling iyon, saglit din siyang nanginig at sinabi, “Sorry po, sir. Sorry po talaga…”

Sa sandaling iyon, kahit ang may-ari ng shop ay mabilis na lumabas. Lumitaw pa siyang magalang kay Harvey, tumango at yumuko sa kanya. Isa siyang mahalaga at makapangyarihang panauhin. Bukod pa ito sa kung bibili siya ng mga gamit doon. Kahit wala siyang bibilhin doon, hindi naglakas-loob ang mga empleyado na magsalita ng anumang kalokohan.

“Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Ibigay mo lahat ng komisyon sa magandang babaeng ito.“ Sinabi ni Harvey iyon at tinuro ang isa pang empleyadong medyo magalang sa kanya ngayon lang.

“Opo! Sige!” Walang tigil sa pagtango ang empleyadong iyon. Ang empleyado namang nangutya kay Harvey, namutla ang kanyang mukha. One hundred thousand dollars ang halaga ng nabili, at ilang libong dolyar ang magiging komisyon niya sana.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 73

    Matapos nilang ibigay ang address ng advertising company ang shoe size ni Mandy, umalis na sina Harvey sa shop. Ang mga empleyado ay hindi naglakas-loob na itaas ang kanilang ulo, at ang ibang mga customer doon ay namagha.Hindi nila alam kung anong klaseng tao si Harvey. Paano niya napapanatili ang pagiging low profile? Pero siya ay medyo nakakatakot din.Nang nasa labas na sila, marahang sinabi ni Mandy, “Harvey, ano ba talaga ang nangyari? Bakit meron kang ganoong halaga ng pera? Isa pa, anong meron sa taong iyon? Bakit siya natakot nang makita ang credit card mo?”Tiningnan din ni Cecilia si Harvey. Tumingin siya mula ulo hanggang paa. Kung hindi niya malaman kung anong nangyari, baka hindi siya makatulog ngayong gabi.Nagkibit balikat si Harvey at sinabi, “Hindi sa akin ang credit card. Sa kaklase ko ito. Ginamit ko iyon, at magiging advance payment ng sahod ko. Hindi mo kailangang mag-alala, medyo mataas ang suweldo ko.”“Kung bakit natakot sila nang makita ang credit card,

    Last Updated : 2021-05-18
  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 74

    “Mandy, hindi pa tayo nagkita pagkatapos nating grumaduate.” Tinitigan nang matindi ni Wyatt si Mandy. “Kung ibang tayo yan, wala akong magagawa. Pero dahil ikaw ito, magagawan ko ito ng paraan para sa iyo. Maghintay kayo ng sandali…”“Oo nga pala, ito si…”Nagtatakang tumingin si Wyatt kay Harvey. ‘Nakasuot ang lalaking ito ng mumurahing damit. Nakakaawa siyang tingnan! Bakit siya nandito kasama nila? Isa ba siyang servant sa bahay nila?'Mahinang tumawa si Cecilia, at sinabi nang may mahinang boses, "Mukhang matagal na nasa abroad si Mr. Johnson. Wala ka nang balita sa aming mga dati mong kaklase. Siya ang live-in husband ni Mandy. Tatlong taon na siyang kasal kay Mandy, pero hindi niya mahawakan si Mandy kahit ang kanyang daliri…""Ganon ba? Ikaw pala ang live-in son-in-law ng mga Zimmer. Ikaw ang tanyag na walang kwentang tao! Narinig ko na ang tungkol sa iyo." Tumawa si Wyatt. "Pero hindi welcome dito ang mga taong tulad mo. Lumayas ka. Hindi ka nararapat sa lugar na ito.”Tu

    Last Updated : 2021-05-18
  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 75

    Natahimik si Wyatt. Alam niyang medyo namamaga pa rin ang kanyang mukha. Paano siya magkakaroon ng kakayahang gumawa ng exception sa restaurant?Ngunit siya ng diyosa mula sa kanyang buhay sa unibersidad—si Mandy na nakatayo sa harapan niya ngayon. Dahil akala ni Mandy na siya ang tumulong sa kanya, hindi na siya nagbigay ng paliwanag tungkol doon. Ituturing na lamang niya iyon na parang isang uri ng magagandang misunderstanding.“Dalawang diyosa, dito ang daan. Inayos namin ang pinakamalaking VIP private dito sa Northland para sa iyo. Ikaw na live-in son-in-law, pakiusap huwag kang pumasok. Baka hindi mo kayang gumastos dito.” Ngumiti si Wyatt at maginoong sinabi iyon.Tumingin si Harvey kay Wyatt at malamig na sinabi, “Mr. Johnson, sigurado ka bang ikaw ang nakagawa ng paraan para makuha ang private room na ito?”“Kung hindi ako, kaya ba ng isang talunang tulad mo?” Ngumiti si Wyatt at sinabi iyon.“Harvey!” Seryosong sinabi ni Mandy, “Mabait si Mr. Johnson para makakuha siya ng

    Last Updated : 2021-05-27
  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 76

    Habang sinusubukan pa ring kumbinsihin siya ni Wyatt, ang taong tinatawag na Mr. Lewis ay naglakad papunta sa pintuan ng VIP room at sinubukang tinulak ito.Hindi nagtagal ay nakita niya si Mandy. Naging excited siya na hinampas niya ang kanyang buhok, nag-pose na may mahinahon at may kumpiyansa sa sarili, at tumingin sa kanyang tauhang nasa likuran niya.Alam agad ng tauhan niya ang gagawin, habang magalang siyang kumakatok siya sa pintuan ng VIP room at dumiretso kay Mandy.“Greetings, miss…” bati ng tauhan matapos lumunok.“Hmm? Anong gusto mo?” Sumagot si Mandy habang sinusubukang intindihin ang sitwasyon dahil siya ay naguguluhan kung bakit pumasok ang mga estrangherong ito.Napalunok ang tauhan nang makita ang magandang mukha ni Mandy habang ini-imagine na ang babaeng nasa harap niya ay sasamahan siya pagkatapos siyang paglaruan ng kanyang boss.Habang may malalaswa siyang iniisip, lalong naging malisyoso ang mga tingin sa kanyang mga mata, pero nagawa niyang maalala ang p

    Last Updated : 2021-05-27
  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 77

    Bagaman ang kanyang sigang aura ay hindi bagay sa kanyang suot, ramdam ng lahat ang kanyang kumpiyansa sa sarili sa kanyang ekspresyon.Sa sandaling iyon, marami nang taong nanonood. Ang ilan sa kanila ay lumapit pa at nakilala si Mr. Lewis.“Oh tingnan mo, si Mr. Zayn Lewis, may sinusuyong ulit na babae. Talagang napakamaginoo niya.”“Marahil ay hindi niyo alam, pero ang mall na ito ay hunting spot ni Mr. Lewis sa paghahanap mga magagandang babae, dahil naniniwala siyang walang babae ang hindi matutukso sa pera.”“May isang influencer dati na akala namin noong una ay mahirap magpa-impress sa kanya, ngunit sa huli ay nahulog siya kay Mr. Lewis bago pa gumastos si Mr. Lewis ng isang milyong dolyar sa kanya. Narinig ko pang tinatawag niya si Mr. Lewis na ‘Daddy’ at sinundan siya hanggang sa bahay niya para humingi ng ‘leksyon’.”“Napakaswerte maging tauhan niya dahil iiwanan ni Mr. Lewis ang kanyang mga finished ‘business’ para sa kanya. Talagang naiingit ako sa kanya!”“Mukhang ma

    Last Updated : 2021-05-28
  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 78

    Sa sandaling iyon, may kamay na lumapit at sumampal sa mga kamay ni Mr. Lewis habang tumayo si Harvey sa pagitan ni Mr. Lewis at Mandy.Malamig niyang tinitigan si Mr. Lewis.Medyo gumaan ang loob ni Mandy nang makita niyang pinagtatanggol siya, pero medyo nadismaya ulit matapos makitang wala nang iba pang ginawa si Harvey bukod sa pagsampal.“Aba, aba, aba, sino ang mag-aakalang kaya palang gawin iyan ng isang walang kwentang asawang katulad mo?” Natawa si Mr. Lewis habang pinipitik ang kanyang mga kamay.“Ayokong malasin pagkatapos hawakan ang isang mahirap, at kaawa-awang lalaking katulad mo.” Patuloy na kinutya ni Mr. Lewis si Harvey habang nakangisi.“Lumayas ka bata. Bumalik sa sa pinanggalingan mo o bubugbugin ka namin kung gagawa ka ng gulo kay Mr. Lewis.” Galit na sumigaw ang tauhan.“Hoy, sibilisadong mamamayan tayo. Huwag kang magbanta nang ganyan, ano ka? Isang siga?” Saglit na tumingin si Mr. Lewis sa kanyang tauhan bago tapikin ang mukha ni Harvey.“Hoy pare, nagin

    Last Updated : 2021-05-28
  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 79

    “Kahihinatnan? Nababaliw ka na ba bata? Gusto ko kong malaman kung ano ang sinasabi mong kahihinatnan ko.” Nakangisi si Mr. Lewis habang inaabot si Mandy.Bam!Nang inaabot ni Mr. Lewis si Mandy, agad na hinawakan ni Harvey ang kanyang collar at binalibag ang kanyang ulo sa dining table.Nagdurugo ang ilong at bibig ni Mr. Lewis nang hinampas siya sa mesa.Patuloy na binalibag ni Harvey si Mr. Lewis kahit na nagdudugo na siya.Bam! Bam! Bam!Nag-crack ang tempered glass sa mesa habang balot sa dugo ang mukha ni Mr. Lewis, na mukhang nakaka-kilabot.May mga babaeng sumigaw sa labas ng kwarto, habang karamihan sa mga lalaki ay nagulat sa kinilos ni Harvey.Nagulat si Mandy sa eksenang nakita niya, hindi dahil sa mga dugo, pero dahil sa kinilos ni Harvey. Hindi niya sukat akalaing magiging seryoso si Harvey nang may nang-harass sa kanya, kahit nasa isang high-class venue sila.Hindi pa nakaramdam ng matinding sense of security si Mandy dati, habang biglang nawala ang kanyang pagk

    Last Updated : 2021-05-29
  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 80

    Hindi mahirap makita kung anong klaseng tao si Mr. Lewis. Kung sabagay, sa kanyang ugaling parang isang matapang na siga, maging ang isang mayaman ay ayaw siyang guluhin. Subalit ang lalaking ito, isang pulubi, ay binugbog siya nang hindi inaasahan at walang pinakitang kahit anong awa o respeto.“P*tang ina! Sinaktan mo lang ba ako? Tapos ka sa aking hayop ka!” Sinigawan ni Mr. Lewis si Harvey habang tumayo siya at tinakpan ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga kamay.“Tapos ka ngayong g*go ka!”Agad nilabas ng tauhan ang kanyang phone para tawagin ang security, na dumating pagkatapos ng ilang minuto.Si Mr. Lewis ay founder ng isang security company. Sa madaling salita, thug-related ang kanyang background. Nagkataon ding ang kanyang security company ang in-charge ng shopping mall.Hindi man tumingin si Harvey sa mga security guard habang pinagkiskis ang kanyang mga palad at malamig na sinabi, “Bibigyan kitang isang pagkakataon. Lumuhod ka sa harapan ng asawa ko at humingi ng ta

    Last Updated : 2021-05-29

Latest chapter

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5032

    "Nandito kami, Elder Reuben. May gusto ka bang sabihin sa amin?”Si Simon ay magalang na humakbang pasulong, natatakot na makialam sa sitwasyon.Sumunod si Lilian, nanginginig ang buong katawan sa takot."Wala kaming pinatay na kahit na sino, Elder Reuben… Ginagalang namin si Master Aung, sa katunayan…"Pak, pak, pak!Pinagsampal ni Reuben ang dalawa ng labindalawang beses, dahilan para matumba sila pabalik. Ang mga mukha nila ay ganap na namamaga.“Mga hayop kayo! Kung hindi dahil sa inyo, hindi magiging problema ang kontrata ng pamilya Foster!"Si Elodie sana ay nasa kapangyarihan na ngayon!"Hindi ko papapabayaan si Aung na basagin ang mga binti ni Mandy kung ganun ang kaso!"Hindi siya pupunta sa bahay mo, at hindi siya magiging pilay at papatayin sa kalye!"Anuman ang nangyari, kasangkot pa rin kayo, kahit na hindi ninyo siya pinatay!""Tinatrato ko siya na parang sarili kong anak! Ngayon na siya'y patay na, gusto kong sumama kayong lahat sa kanya!"Lalong nagagalit si

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5031

    Pagsapit ng hatingabi.Dumating sina Harvey at ang mga Zimmer sa punerarya.Umalis ang mga pulis pagdating nila roon.Pinigilan ni Harvey ang isa sa mga paalis na sasakyan upang magtanong tungkol sa sitwasyon.Ayon sa autopsy, nahulog si Aung sa kanal at nalunod matapos malasing. Para sa isang ekspertong tulad niya, ang mamatay sa ganitong paraan ay talagang nakakahiya.Pero para sa mga pulis, tapos na ang kaso dahil nalutas na ang misteryo.Nagpasalamat si Harvey bago pumasok sa punerarya kasama ang iba.Ang karaniwang tahimik na lugar ay napuno ng ingay. Iisipin ng mga hindi nakakaalam na ang buong lugar ay isang night market.Dumating sina Harvey at ang iba pa sa morge, at natuklasan nilang maraming tao sa loob. Bukod sa mga nakakataas, nandoon din sina Reuben at Elodie.Si Reuben ay may hawak na isang string ng mga beads, ang kanyang ekspresyon ay kakila-kilabot. Anuman ang mangyari, si Aung ay matagal nang kasama niya at siya ang pinaka pinagkakatiwalaang tauhan niya.Na

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5030

    Tumingin ng masama si Mandy kay Xynthia. "Walang karapatang magsalita ang mga bata dito! Tama na ang kalokohan!”"Pumili ka—gusto mo bang matulog sa sahig sa kwarto ko, o gusto mo bang matulog sa kwarto ni Xynthia?" tanong niya, habang nakatingin kay Harvey."Bumuntong-hininga si Harvey."Sanay naman akong matulog sa sahig. Sayo na lang ako sasama.”Sinundan ni Harvey si Mandy sa kanyang kwarto, habang si Xynthia naman ay nakatingin nang malungkot sa kanila.Ang kwarto ay nasa ibang palapag. Sa dilim ng ilaw, tila naging romantic ang kwarto.Natisod si Mandy habang nagpapalit siya ng tsinelas. Agad siyang sinaklolohan ni Harvey. Pagkatapos niyang gawin iyon, naramdaman niya ang init ng katawan ni Mandy.Natigilan si Mandy, at bumilis ang kanyang paghinga.Nararamdaman din ni Harvey na umiinit ang kanyang hininga. Hindi siya sigurado kung nagiging masyado ba silang romantic, o nahihiya lang siya.Ang magandang mukha ni Mandy ay bahagyang namula.Inangat siya ni Harvey, at humi

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5029

    Hindi inakala ni Aung na malulumpo siya ng isang sampal lang.Mukhang naguguluhan ang lahat.Malinaw nilang nakita na balak ni Aung na patayin si Harvey…Ngunit, anong nangyari?Muli siyang pinatalsik ni Harvey sa pamamagitan ng isang sampal. Base sa itsura ni Aung, hindi na siya makakatayo ulit.‘Nalumpo ba siya?‘Masyado bang mahina si Aung?! O masyado lang talagang malakas si Harvey?!’Binitbit ng lahat si Aung, at umalis sila pagkatapos nito.Base sa pamamaraan ni Harvey, baka binali pa niya ang mga braso ni Aung bago niya siya iwan. Gayunpaman, hindi niya ginawa iyon dahil ayaw niyang makita iyon nila Mandy at Xynthia.“Mas pambihira ka ngayon kaysa dati, Harvey!”Habang gulat na gulat pa rin ang buong pamilya, nahimasmasan si Xynthia. Hindi niya napigilang tumalon papunta sa mga bisig ni Harvey habang nakangiti.Naramdaman ni Harvey na uminit ang kanyang dibdib; gusto niyang itulak palayo si Xynthia, ngunit hindi niya iyon magawa.Kumirot ang puso ni Mandy nang makita

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5028

    Natural, walang sinuman ang nag-akala na kayang lumaban ni Harvey.Napaatras si Aung, magang-maga ang kanyang mukha pagkatapos siyang tamaan ng bawat isang sampal hanggang sa punto na kitang-kita na ang mga black eye sa mukha niya.Para sa mga higher-up, si Aung ay isang expert martial artist at kumakatawan sa pinaka sinaunang lineage ng Jean family. Kaya naman, hindi nila alam kung ano ang sasabihin nila pagkatapos nilang makita na mabugbog ang isang taong gaya niya.Miserable ang itsura ni Aung; gusto niyang umiwas at lumaban, ngunit…Ni hindi siya makagawa ng ingay matapos siyang pagsasampalin, kahit na mukha namang hindi masyadong mabilis ang mga atake ni Harvey.Napuno si Aung ng sakit at pagkasuklam. Sa kasamaang-palad, wala siyang magawa. Laban kay Harvey, wala siyang pagpipilian kundi magtiis!Kumibot ang mga mata ni Lilian matapos niyang makita ito, at nagpapasalamat siya na tumigil siya sa pang-iinsulto kay Harvey noong kaya pa niya. Kung hindi, siguradong sasampalin ni

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5027

    Napuno ng galit ang mga higher-up. Bumangon sila ng nakatakip ang mga mukha nila.‘Ganun ba kaignorante ang live-in son-in-law na ‘to?‘Anong karapatan niya para hamunin si Master Aung?!‘Sa puntong ito, nagpapakamatay na siya!’“Si Master Aung ay isang expert, Harvey!" Sigaw ni Lilian, hindi niya napigilan ang kanyang sarili. “Tigilan mo ang pagmamataas sa harap niya! Lumuhod ka! Huwag ka nang gumawa ng gulo! Huwag mong hilahin pababa ang buong pamilya!”Malinaw na walang pakialam si Lilian kay Harvey. Natatakot lang siya na baka galitin ni Harvey si Aung, at lalo lang nitong palalalain ang sitwasyon para sa buong pamilya.Lalong naging arogante ang mga higher-up matapos nilang makitang bumigay si Lilian. Tumawa sila ng malamig, tumingin sila kay Harvey na para bang katapusan na niya.“Katapusan mo na, bwisit na live-in son-in-law!“Babaliin namin yung braso na ginamit mo para sampalin kami!“Wala kang kwenta sa harap ni Master Aung!" Umabot sa sukdulan ang pride ni Aung na

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5026

    Agad na lumamig ang ekspresyon ng mukha ni Mandy.“Isa kang monghe, Master Aung. Paano mo nagawang sabihin ang bagay na gaya nun?“Isa pa, ang tanging problema ay ayaw ng Foster family kay Elodie.“Wala itong kinalaman sa’min!“Kung gusto niyong pag-usapan ang tungkol sa house rules, dapat si Elodie ang kausapin niyo hindi ako!" Galit na galit si Mandy; malakas ang loob niya dahil nandito si Harvey.Humakbang paharap si Lilian habang tumatango. “Tama ‘yun! Wala itong kinalaman sa anak ko! Dapat binasang maigi ni Elodie ang kontrata bago siya gumawa ng kung anu-ano!" “Isa pa, hindi naman nakuha ng anak ko ang kontrata,” sabi ni Simon. "Natural lang na mapawalang bisa ang kontrata pagkatapos niyang umalis, hindi ba? Kahit paano, dapat managot kayo…”Pak! Pak!Hindi nag-aksaya ng oras si Aung sa pagsampal niya kay Simon at Lilian gamit ng likod ng palad niya, dahilan upang mapaatras sila.“Tinuturuan mo ba ako kung paano gawin ang mga bagay ngayon?“Hindi ko kailangan ng pali

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5025

    ”Ininsulto niyo si Elder Reuben! "Pinagbantaan ang branch head!""Ayon sa mga patakaran ng bahay, kailangan mong putulin ang sarili mong mga binti para dito!""Gagawin niyo ba 'yan sa sarili niyo? O gusto mo bang ako na lang ang tumulong?!Tiningnan ni Aung si Mandy Zimmer nang walang awa.‘Nakakahiya para sa isang magandang babae tulad niya!’‘Kung hindi dahil kay Elder Reuben, hinila ko na siya sa kama bilang parusa!‘Siya ay isang purong diyosa!‘Hindi lang iyon isang labis na pahayag!‘Sobrang ganda niya talaga!’Ang mga tao mula sa ikasiyam na sangay ay malamig na tumawa.Kasabay nito, ipinapakita nila ang lubos na kaawa-awang mga ekspresyon.Kung hindi sila konektado kay Mandy, humiling din sana sila na matikman siya.Pagkatapos ng lahat, talagang napakaganda niya.Simon Zimmer at Lilian Yates ay napatigil sa hindi makapaniwala matapos marinig ang mga salita ni Aung."Gusto mong basagin ang mga binti ni Mandy?!" sigaw ni Simon sa gulat."Yan ba ang narinig ko?!"

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5024

    “Bukod dito, iniisip mo bang ganun akong klase ng tao na gusto lang ng pera?”"Ang gusto ko lang makita ay ang kanyang ugali! Kapayapaan ng isip! Naiintindihan mo ba?!Mandy at Xynthia Zimmer ay nag-rolling ng kanilang mga mata. Hindi nila inaasahan na magiging ganito ka walang hiya ang kanilang ina.Si Harvey York ay walang masabi rin. Ang kanyang pag-unawa sa kawalan ng hiya ni Lilian Yates ay nasa ibang antas."Maniwala ka sa akin, Harvey..."Nasa gitna na si Lilian ng kanyang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto.Ang pintuang tanso ay tumilapon palayo bago bumagsak nang malakas sa lupa.Pinagpag ni Lilian ang kanyang mga ngipin habang labis na naguguluhan."Anong karapatan mong sipain ang aming pinto, hayop ka?!""Galing kami sa ikasiyam na sangay ng pamilya Jean!""Gusto mo bang mamatay?!""Isang dosenang tao ang sumugod sa lugar, na may isang kalbong monghe na nangunguna sa grupo.‘Aung!‘Aung! ’ Ang mga taong sumusunod kay Aung ay ang mga mapagmataas na nakatataas

DMCA.com Protection Status