Si Harry Zapata at ang kanyang pamilya, ay isang third-class na pamilya sa Buckwood.Umasa ang pamilya Zapata sa pagtaguyod ng mga restaurant para mabuhay. Nang tumamlay ang kanilang negosyo ilang taon na ang nakakaraan, nakakuha sila ng bagong investment mula kay Harvey York.Pagkatapos lihim na nakipagtulungan ang pamilya Zapata kay Harvey pagkatapos nito at nakipag-usap sa ilang mga kalaban sa parehong industriya.Ngayon, halos wala na silang katunggali nang tumayo sila sa tuktok ng food industry sa Buckwood.Matapos na kamakailan ay bumalik na malakas si Prince York, at nag-alok ang pamilya Zapata ng higit sa kalahati ng shares. Nag-rebrand din ang kanilang negosyo sa pangalan ng Sky Corporation.Ngunit hawak lamang nila ang shares sa Sky Corporation, hindi ito nakakaapekto sa negosyo ng pamilya Zapata.Ang mga share ng pamilya Zapata ay karaniwan lang kung tutuusin, walang pakialam ang Sky Corporation tungkol dito sa sandaling iyon.Ngunit sa suporta ng isang powerhouse na
Nang mapansin ang pagbabago sa ekspresyon ni Harvey, si Xynthia, na alam kung gaano siya nakakatakot kapag nagalit, ay mabilis na pumagitna sa sitwasyon at nagmamadaling sinabi, "Okay lang. Ilang salita lang iyon, kaya huwag na natin silang pansinin.""Huwag mong kalimutan, nandito tayo para magpareserba."Binaling ni Xynthia ang kanyang tingin kay Harry Zapata. “Senior, gusto naming ireserba ang buong lugar sa makalawa. Sa palagay mo ay posible ba ito?"Bagaman siya mismo ay galit na galit, kinikimkim niya ito dahil sa kanyang brother-in-law.Tiningnan ni Harry so Xynthia mula ulo hanggang paa at ngumisi. "Hindi. Ang patakaran namin sa mga bisita ay dapat silang magpareserba ng at least isang buwan. At saka, hindi namin pinapayagan ang sinuman na i-book ang buong lugar."Sabat ni Harvey, "Papayag ka kung sasabihin ko. Bibigyan kita ng one hundred and fifty million dollars para i-book ang buong lugar para sa amin."Malakas na tumawa si Harry. "Mukhang kargada ka, ha?"Dumura siy
Sa kanilang pangungutya, namula si Xynthia Zimmer sa hiya.Hindi niya mapigilang hawakan ang shirt ng kanyang brother-in-law at bumulong, "Brother-in-law, umalis na lang tayo at mag-book sa ibang lugar!"“Gusto ko dito. Gusto ko lugar na ito." Sagot ni Harvey. "Dahil ayaw akong pagsilbihan ng mga Zapata, edi babaguhin na lang natin ang mga host."“Ha ha ha! Okay, maghihintay kami. May tatlong minuto pang natitira."Sinadya ni Harry mukhang nakatingin sa kanyang relo, puno ng pangungutya ang kanyang mukha."Isang minuto na lang..."Habang patuloy siya sa pagpapakita ng kanyang kayabangan, bumukas ang pinto ng elevator.Ilang mga kalalakihan na nakasuot ng magandang suit ang pumunta kay Harvey at magalang na humarap sa kanya. "Mr. York. Mula ngayon, tayo na ang magpatakbo sa Revolving Restaurant. Sisiguraduhin namin na magiging maganda ang iyong reservation sa makalawa!"Gulat na gulat ang bawat taong naroroon.Labis na namangha si Xynthia, nanginginig ang buong katawan niya.K
Masunuring sumunod ang mga lalaking naka-suit sa likod ni Harvey York, yumuko sila nang malalim. “M-Mr. York…”"Ayon sa mga utos ni Secretary Xavier, mula ngayon ay direktang patatakbuhin ng Sky Corporation ang restaurant na ito. Mayroon ka bang mga order para sa akin, sir?""Hindi na kailangang palitan ang mga trabahador o ang mga patakaran dito. Well, maliban sa isang patakaran na kailangan mong magbayad ng one hundred and half a million dollars para mai-book ang buong lugar…” Hinagis ni Harvey ang kanyang card at nagpatuloy. “Tandaan niyong palamutihan nang napakaganda ang lugar."Ang temporary person-in-charge ay nasambot ang black card ni Harvey habang nanginginig ang mga kamay niya.Kalaunan ay nagdududa siya, ngunit ngayon ay sigurado na siya.Siya ang legendary na tao!Pero nang makita kung paanong palaging nanatili ang taong ito na low-profile, hindi nangahas ang temporary person-in-charge na tawagin siya sa pangalang tinatrato sa lahat ng Buckwood nang may lubos na pagr
Nang hindi man tumitingin sa kanya, sinabi ni Harvey York, "Excuse me, nandito ako para bumili ng bahay.""Ano? Nandito ka para bumili ng bahay?" Tiningnan ng real estate si Harvey mula ulo hanggang paa.Akala niya ay may problema siya sa pandinig.Bukod sa magandang batang babae siyang kasama, wala sa hitsura ng lalaking ito na kaya niyang bumili ng mga properties dito.Huminga siya nang malalim at seryosong sinabi, “Sir, alam mo ba kung magkano ang mga estate dito? Ang mga designed houes namin ay hindi bababa sa thirty-thousand dollars per square meter.""At saka, ang mga sizes ng mga properties namin ay hindi bababa sa five hundred square meters. Nagkakahalaga ang alinman sa mga ito ng hindi bababa sa fifteen million dollars!""Sigurado ka bang nandito ka talaga para bumili ng bahay?"Walang tigil na tumango si Harvey. Binabasa na niya ang mga detalye at impormasyon ng mga bahay na naka-display.Hindi kinaya ni Xynthia Zimmer ang kayabangan ng real estate agent at sinabi, "H
Sa kabila ng kanyang kumplikadong damdamin, mas nasabik si Tara kaysa dati.Naging determinado siyang magsikap nang husto para balang araw ay tumayo siya sa harap ni Harvey York at sabihin sa kanya:Minaliit mo ako dati. Ngayon, mas mataas ang katayuan ko sa iyo!Kahit na tatlong taon na ang nakalipas pagka-graduate niya, hindi siya nagkaroon ng pagkakataong gawin ito. Sinong nakakaalam na darating sa kanya ang pagkakataong ito ngayon!"Aking dating batchmate, kailan ka pa nakarating sa Buckwood?"Sinubukang gisahin ni Tara Lewis si Harvey York nang magtanong siya.Sumagot si Harvey, "Kalahating buwan na ang nakakalipas…""Pagka-graduate natin, andami kong narinig na kakaibang mga tsismis. Mukhang isa ka nang live-in son-in-law para sa isang second-class na pamilya sa Niumhi. Totoo ba iyon?""At ngayon, nandito ka sa Buckwood? Dahil ayaw na nila sa iyo? Nandito ka ba para maghanap ng ibang mayamang babae na magpapakain sa iyo?""Ngayong naisip ko ito, medyo naging tanga akong
Ang naramdaman lamang ni Tara Lewis ay pagkasuklam at pagkadismaya.Gayunpaman, isa siyang pambihirang tao at pinigilan ang sarili na magpakita ng anumang negatibong emosyon. Sa halip, ngumiti siya. “Ay, oo. Nandito ka para bumili ng bahay, Harvey?""Total naman at dati tayong mag-kaklase, bibigyan kita ng pinakamataas na discount na pwede.""Pero, baka kahit mag-alok ako sa iyo ng discount, nagkakahalaga ang mga bahay ng hindi bababa sa fifteen million dollars...""Bakit hindi ko ipakita sa iyo ang mga bahay sa rural area ng Buckwood. Narinig kong nagkakahalaga lamang ang mga iyon ng ilang daang libo."Nakangiting sumagot si Harvey York, "Salamat, pero interesado lang ako sa mga bahay dito."“Pfft! Ha ha ha ha…”!Sumabog sa kakatawa ang iba pang mga real estate worker.Pinanghahawakan niya ang kanyang nakakaawang pagpapanggap hanggang sa huli, ‘di ba?Tumawa si Tara. "Aking dating batchmate, hindi sa bawal kang bumili ng mga bahay dito.""Pero hindi kami tumatanggap ng yearl
Ano pang sasabihin tungkol sa isang bahay na nagkakahalaga ng thirty million dollars? Syempre perpekto ito!Ang problema, kaya ba niyang bilhin ito?Mapangutyang tumingin si Tara Lewis kay Harvey York. Napagpasyahan niyang talagang kukuytain niya siya ngayong gabi. Hihintayin niya kung anong klaseng palusot ang gagamitin niya para bawiin ang kanyang deklarasyong bilhin ang bahay."Dati ko batchmate, total naman ay maraming taon na tayong magkakilala, pwede kitang dalhin para personal mong makita ang bahay. Ano sa tingin mo?" Nakangiting sinabi ni Tara. "Kung nasiyahan ka rito, pwede ka nang lumipat agad."Sa kanyang mga mata, ang isang hampaslupang tulad ni Harvey na isang live-in son-in-law ng ilang pamilyang walang pangalan ay walang ibang magagawa maliban sa bitawan ang kanyang pagkukunwari.Matapos basahin ang description at tingnan ang mga naka-display ipinakita sa brochure, umiling si Harvey. "Hindi na kailangan iyon.""Bakit? Natatakot ka bang pumunta? O dahil ba sa napaka
”Kalokohan!”Galit na galit si Kensley Quinlan."Kailan ko iminungkahi sa'yo ang ganitong bagay?!"Huminga ng malalim si Cristan Gibson bago tumingin kay Kensley na may mukha na kasing puti ng papel."Tuwing tinatanong mo ako, lagi mong sinasabi na maliligtas ako kung aaminin kong sina Sir York at ang iba pa ang mga nakatataas ko!""Di ba iyon ay itinuturing na mungkahi?""Ayon sa mga patakaran, may video footage ng bawat Golden Cell interrogation!""Ang lahat ng sinasabi ko ay mapapatunayan sa sandaling makita natin ang mga iyon!"Nagbago ang ekspresyon ni Kensley habang siya ay magbibigay ng isang kilos."Ms. Kensley, mas mabuti pang huwag mong utusan ang mga tauhan mo na sirain ang footage," sabi ni Harvey habang pinupunasan ang kanyang mga daliri."Bukod sa pagpapakita na may kasalanan ka talaga, wala kang makakamit na kabutihan!"Muntik nang mabali ang ngipin ni Kensley dahil sa pagngangalit. Na-control ni Harvey ang buong sitwasyon gamit ang kanyang mga salita muli, ha
Tumango si Harvey York kay Peyton Horan bago hampasin si Cristan Gibson sa kanyang noo.Sa susunod na sandali, dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay bago ipakita ang asul na karayom na hinugot mula sa ulo ni Cristan.Hindi masyadong inisip ni Kensley Quinlan ito, naniniwala na hindi kayang alisin ni Harvey ang restriksyon ni Cristan…Ngunit agad na namutla ang kanyang mukha nang makita ang karayom.Ang lalaking iyon ang nagtakda ng limitasyon, ngunit napakadali nitong naalis…Pfft!Hinila ni Harvey ang mas maraming karayom mula sa puso at tiyan ni Cristan.Nang hinila ang huling karayom, tila agad na-relieve si Cristan. Ang kanyang masakit na ekspresyon ay hindi na makita.Clink!Binalibag ni Harvey ang karayom sa lupa nang walang pakialam. Si Kensley at ang iba pa ay agad na umatras matapos naamoy ang masangsang na amoy mula sa mga karayom.Tuluyang pinabayaan ni Harvey ang mga tao nang punasan niya ang kanyang mga daliri gamit ang tissue."Ayan. Ayos na si Cristan n
"Pagkatapos ng pagkamatay niya, na nangyari noong madaling-araw, binigyan mo si Cristan Gibson ng isang daan at limampung libong dolyar."Pinag-isipan ni Prince Gibson ang sitwasyon.“Tama ‘yun. Kamag-anak ng pamilya si Cristan. Matagal na siyang nagtatrabaho para sa’min.“Sinabi niya na papakasalan na niya ang kasintahan niya. Ibinigay ko sa kanya ang pera na ‘yun para mabili niya ang bahay na binabalak niyang bilhin.”“Malamang ibinigay mo sa kanya ang pera para sa ibang dahilan…?” malamig na tanong ni Kensley Quinlan.“Ang perang iyon ay para sa matagumpay niyang pagpatay kay Master Aung, tama ba?”Nagpakita ng pangit na ekspresyon si Prince. Napagtanto niya na pinapaikot lang siya ni Kensley.“Syempre, hindi ako magdududa kung kaya mong patunayan na totoo ang sinasabi mo.“Pero yung totoo, inimbestigahan na namin si Cristan.“Wala siyang kasintahan. Ibig sabihin nun nagsisinungaling ka!”Nanahimik si Prince sandali bago siya tumingin kay Cristan.“Siguradong kaya itong p
Alas dyis ng gabi.Opisyal nang nagsimula ang paglilitis.Napakalinis ng main hall ng Golden Cell.Ang mga kinatawan ng apat na haligi ay nakaupo sa matataas na upuan sa magkabilang gilid.Nakaupo si kensley Quinlan sa gitna ng nakasimangot.Sila Faceless at Flawless ay nakaupo sa isang pwesto na sinadya para sa pamilya ng biktima.Pagkatapos malapatan ng first aid ang kanyang mga sugat, sa wakas ay muling huminahon si Flawless noong nagpakita siya ng malamig na tingin.Yung totoo, maraming beses nang pinag-isipan ni Faceless na tumakas, ngunit pinakalma niya ang kanyang sarili noong sunud-sunod na dumating ang mga kinatawan ng apat na haligi.Maliban sa kanya, pati sila Shay Gibson at Prince Gibson ay sinabihan na manatili.Si Darwin Gibson at ang iba pa ay nakaupo sa hanay ng mga manonood.Ang upuan ng defendant ay inilaan para kay Harvey York.Pinagkrus ni Eliel Braff ang kanyang mga braso habang nakatingin siya ng maigi sa eksena sa di kalayuan.“Halina! Papasukin ang m
Bago matapos sa pag-uusap ang dalawa, isa pang tao ang dumating.Ang taong ito ay isang lalaking may mukha na kasing ganda ng sa isang babae, na nakangiti ng malumanay.Ang mga taong pamilyar kay Yvonne Xavier ay siguradong makikita ang pagkakapareho nila.Naglakad ang lalaki palapit kay Eliel Braff bago yumuko bilang paggalang.“Ang tagal nating hindi nagkita, Mr. Braff. Kamusta ka?" “Ayos naman," sagot ni Eliel bago siya tumingin kay Harvey York.“Hayaan mong ipakilala kita, Sir York. Ito si Jesse Xavier mula sa isa sa top ten families. Siya ang young master ng Xavier family at siya rin ang huling disipulo ng master ng Dragon Guards.“Hindi rin isang pagmamalabis na tawagin siyang susunod na tagapagmana ng master.”Tinitigang maigi ni Harvey si Jesse bago siya ngumiti ng bahagya.“Nagkita na tayo dati." Gulat na gulat si Eliel. Hindi niya inasahan na nagkita na pala noon ang dalawa.Ngumiti pabalik si Jesse matapos niyang makita ang ekspresyon ni Harvey.“Dapat ba kitan
Malaking problema ito!Umupo si Kensley Quinlan sa kanyang upuan ng may pangit na ekspresyon.Ni hindi nagsama ng ibang tao si Eliel Braff, ngunit walang sinuman ang nangangahas na kumilos dahil lang sa mismong presensya niya.Namumutla nang husto ang mga mukha ng mga tao ng Golden Cell. Natural, hindi nila alam kung ano ang susunod na mangyayari.Pagkaraan ng dalawang oras, sumulpot sa malayo ang mga armadong sasakyan, na hinarangan ang lahat ng mga daanan.Agad na lumala ang ekspresyon ni Kensley!Ito ang Dragon Cell!Nagpunta sila dito sa Golden Sands bago nila kinontrol ang mga depensa ng Golden Cell. Hindi maniniwala si Kensley kapag may nagsabi sa kanya na walang ideya ang mga nakakataas tungkol sa sitwasyon.Nagsimulang magdatingan ang mga mamahaling sasakyan.Dumating ang iba’t ibang mga prominenteng tao.Ang mga taong iyon ay hindi ang mga namumuno sa apat na haligi ng bansa, ngunit ang bawat isa sa kanila ay siguradong mas mataas kumpara sa libo-libong mga tao.Si
Sa isang palasyo sa pinakamataas na bundok ng Country H.Naipon ang niyebe sa may entrance sa loob ng matagal na panahon. Matagal nang walang nagpupunta sa lugar na ito.Ngunit sa araw na ito, tatlong armored helicopter ang dahan-dahang lumapag dito, na tumangay sa niyebe palayo.Isang kalmadong boses ang umalingawngaw mula sa loob ng palasyo noong huminto ang mga rotary blade.“Ano ‘yun?”Dose-dosenang tao ang lumabas mula sa cockpit bago lumuhod ang taong nangunguna sa grupo.“M’lord! Hinihiling ng first-in-command na pumunta ang apat na haligi ng bansa para sa paglilitis sa Golden Sands!“Papunta na doon ang binibini nang marinig niya ang balita.”“Kung ganun, hayaan niyo siya. Gayunpaman, sabihin niyo sa kanya na hindi pagmamay-ari ng kahit na sino ang Dragon Palace,” sagot ng tao na nasa loob ng palasyo pagkatapos niyang bumuntong-hininga.“Dahil kinakatawan niya ang Dragon Palace, kailangan niyang sundin ang batas. Kung hindi, hindi ko siya maililigtas.”Ang fifth lady
"Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin. Tama?""Gusto mong magtuos tayo sa susunod na pagkakataon?"Si Harvey York ay mukhang kalmado."Pasensya na, pero hindi ako interesado diyan!""Tutuldukan ko na ang sitwasyon ngayon!"Nagpakita si Kensley Quinlan ng malungkot na ekspresyon nang matagal."Anong gusto mong gawin?"Bahagyang ngumiti si Harvey."Syempre, gusto kong lumuhod ka at humingi ng tawad sa ngalan ng Dragon Cell upang aminin ang iyong mga pagkakamali.""Para ipaalam sa taong sumusuporta sa iyo...""Na may kapalit ang mga ginagawa niya."Tungkol sa lahat ng mga paratang na ibinato mo sa akin..."Kung may ebidensya ka, ipakita mo na ngayon."Naniniwala ako na habang nandito si Mr. Braff..."Magkakaroon ang lahat ng patas at makatarungang paglilitis na nararapat sa kanila!”Nagngitngit ang mga ngipin ni Kensley."Nasa panig na si Mr. Braff!“Tapos nagsasalita ka tungkol sa pagiging patas?!""Oh? Hindi ka ba naniniwala kay Mr. Braff?Ngumiti si Harvey."Kun
”Sobra na?”Tumawa si Eliel Braff."Sabi ko bibigyan kita ng pagkakataon, pero ayaw mo naman! Ano ang dapat kong gawin kung ganun?"Dahil hindi ka tatawag, malinaw na inosente si Harvey.""Tatapusin na natin ito dito.""Utusan mo ang mga tao mo na umalis!"Matapos makita si Eliel na kumikilos nang napaka-dominante, napuno ng takot at galit si Kensley Quinlan."Sige!" malamig niyang sinabi."Dahil patuloy mo pa rin siyang poprotektahan, bahala ka na!""Sa kabila ng lahat ng ito, palaging magkakaroon ng pagkakataon para magkita tayong muli!""Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin!""Tatapusin na natin ito dito!"“Pero hindi magtatagal magtutuos tayo ulit!”Ikinumpas ni Kensley ang kanyang kamay na may pangit na ekspresyon. Si Maisie Xavier at ang iba pa ay nakaramdam ng sama ng loob, ngunit wala silang ibang pagpipilian kundi ang tumabi.Ang mga tao ng Golden Cell ay labis na nagalit!Matagal na silang nagtatrabaho para sa organisasyon, ngunit ito ang unang pagkakataon