Ano pang sasabihin tungkol sa isang bahay na nagkakahalaga ng thirty million dollars? Syempre perpekto ito!Ang problema, kaya ba niyang bilhin ito?Mapangutyang tumingin si Tara Lewis kay Harvey York. Napagpasyahan niyang talagang kukuytain niya siya ngayong gabi. Hihintayin niya kung anong klaseng palusot ang gagamitin niya para bawiin ang kanyang deklarasyong bilhin ang bahay."Dati ko batchmate, total naman ay maraming taon na tayong magkakilala, pwede kitang dalhin para personal mong makita ang bahay. Ano sa tingin mo?" Nakangiting sinabi ni Tara. "Kung nasiyahan ka rito, pwede ka nang lumipat agad."Sa kanyang mga mata, ang isang hampaslupang tulad ni Harvey na isang live-in son-in-law ng ilang pamilyang walang pangalan ay walang ibang magagawa maliban sa bitawan ang kanyang pagkukunwari.Matapos basahin ang description at tingnan ang mga naka-display ipinakita sa brochure, umiling si Harvey. "Hindi na kailangan iyon.""Bakit? Natatakot ka bang pumunta? O dahil ba sa napaka
Bumalik lang si Xynthia Zimmer sa kanyang normal na sarili matapos lumabas sa real estate center. Nagtataka niyang tinitigan si Harvey York at sinabi, "Brother-in-law, so may bahay na ako ngayon?"“Sa ngayon, doon kami titira ng ate mo. ‘Di ba may ilang daang square meter na space sa paligid ng top garden? Pwede ka doon kung gusto mo.”Naging excited si Xynthia. “Kung ganoon, brother-in-law, pwede bang hindi na ako tumira sa school campus? Napakaliit ng hostel ng paaralan, ayoko nang manatili pa doon…”Ang kanyang tunay na intensyon ay makita ang kanyang brother-in-law araw-araw.At saka, kailangan niyang makaisip ng plano para pigilan siya at ang kanyang ate na magtalik.Hindi sukat akalain ni Harvey may ganoong lihim na motibo ang nakababatang kapatid ng kanyang asawa. Saglit siyang nag-isip bago sabihin, “Sa iyo ang bahay, so pwede kang pumunta at umalis kailan mo gusto. Hindi kita mako-kontrol."Tila may napagtanto si Xynthia. Nagpasya siyang lumipat habang National Day.‘Di
Pagbukas ng pinto, nagulat si Mandy Zimmer.Hindi niya kailanman sukat akalaing maiisip na pupunta talaga si Brent Silva sa kanyang pintuan, na may hawak na isang palumpon ng mga bulaklak.Sa kabilang banda, nakatingin sina Simon Zimmer at Lilian Yates kay Brent na para bang siya na ang kanilang son-in-law, paulit-ulit na tumango bilang pag-apruba.“Hello po, tito at tita. Naging bastos ako dati, pero hindi lang tayo nagkaintindihan. Umaasa akong kalimutan natin iyon.”"Naparito ako ngayon para pormal na humingi ng tawadsa inyong lahat, at para ipagdiwang ang kaarawan ni Mandy."Ngumiti si Brent, mukhang mginoo at gwapo.Kung ang mga taong malapit sa kanya ay nandoon, hindi nila makikilala si Brent sa pag-arte niya."Oo, pumarito si Mr. Silva nang may sinseridad. Uncle Simon, Aunt Lilian, dapat kayong magpasalamat." Tumulong si Zack Zimmer mula sa likuran, mabilis na pinuri si Brent. "Sa katayuan ng mga Zimmer, wala tayo dapat konesyon sa isang pamilyang kasing-rangal ng mga Sil
Mahirap ilarawan kung ano ang naramdaman ni Simon sa mismong sandaling iyon.Napabalitang gusto ni Prince York ang kanyang bunsong anak na babae. Ilang gabi siya at ang kanyang asawa na hindi makatulog dahil sa balitang iyon.Kung...Kung may gusto si Prince Silva sa kanilang panganay na anak na babae, pwede na niyang palayasin si Harvey York at mabuhay nang komportable.Kung maging son-in-law niya ang dalawang kilalang prinsipe, yayaman siya at ang kanyang pamilya at pwedeng mabuhay nang magarbong hangga't maaari.Kung iisipin ang sitwasyon, si Brent Silva ang humahabol sa kanilang panganay.Pero, posible ang lahat. Ang daming pwedeng mangyari!Kahit na walang interes si Prince Silva kay Mandy, higit pa sa sapat si Brent!Habang iniisip ito, mabilis na naging mahinahon ulit ni Simon.Sinimulan niyang kausapin si Brent para maunawaan ang katayuan ni Brent sa pamilya Silva.Kung sabagay, magiging son-in-law niya ang lalaking ito. Walang namang masamang subukang unawain ang ba
"Anong mali? Ayos ka lang ba?"Lumingon ang lahat at tumingin kay Harvey York.Sinabi ni Harvey kay Mandy Zimmer, "Honey, nag-order ako ng isang napaka-espesyal na birthday dinner para sa iyo. Hayaan mo akong dalhin ka doon."Walang pasensyang sigaw si Lilian Yates, “Hmph! E ano ngayon? Umorder ng dinner si Young Master Silva sa Grand Hotel W! Ang isang table doon ay nagkakahalaga ng twenty thousand dollars! Anong inorder mo?"Tumingin si Brent Silva kay Harvey na may banayad na ekspresyon. Sinabi niya, “Mr. York, hindi namin kailangang pumunta sa lugar na bi-book mo.""Sa lugar na nai-book ko, nagkakahalaga ang isang table doon ng twenty thousand dollars. Kung hindi kami pupunta, sayang naman iyon!""Tungkol naman sa lugar na nai-book mo, babayaran kita. Ano sa tingin mo?"Habang nagsasalita siya, kumaway siya. Naglabas ang isa sa mga alipores niya ng isang salansan ng pera at walang pakialam na itapon ito sa lupa.Hindi tiningnan ni Harvey ang kanilang palabas. Instead, ngumi
"Oo, tama si Young Master Silva. Dahil kaya ng aming live-in son-in-law na i-book ang buong Spinning Restaurant, kailangan natin itong tingnan."Ang layunin ni Zack Zimmer ngayon ay para makipagtulungan kay Brent Silva para ibagsak si Mandy Zimmer. Paano niya papalampasin ang pagkakataong ito para kutyain si Harvey, ang talunan?Nagpalitan sila ni Brent ng discreet na tingin. Pareho nilang nakita ang ambisyon sa mga mata ng bawat isa.Paano maikumpara ang isang biro sa kanilang maingat na paghahanda?Ayaw pumunta nina Simon Zimmer at Lilian Yates. Gayunpaman, nagmatigas si Brent iginiit na dapat silang sumama.Bagaman banayad ang hitsura niya, tila nananakot siya. Walang magawa sina Simon at Lilian kundi sumunod sa kanyang gusto.Lalong naguluhan si Mandy sa nangyari.Hindi ba nakita ni Harvey ang motibo ni Brent?Sa kabila nito, hinayaan pa rin niya ang ibang mga tao na dumura sa kanyang mukha at pahiyain siya. Gusto ba niyang mapalayas talaga sa pamilya Zimmer?Kung hindi pa
Ngumiti si Harvey York sa gangster.Marami sa Buckwood ang gustong ilibing siya sa lupa, ngunit naglakas-loob lamang silang palihim na iligpit siya.Kahit na ang makapangyarihang si Quinton York ay walang lakas ng loob na direktang harapin siya. Hindi pa nagawang harapin ni Quinton si Harvey.Gayunpaman, malakas ang loob ng gangster na ito na kausapin siya nang ganito. Anong klaseng biro ito!Medyo nagulat ang gangster nang makitang ngumiti si Harvey. "Medyo matapang ka. Hayaan mong magpakilala ako.""Ako si Ben Cole."Nag-isip sandali si Harvey at sinabi, "Hindi kita kilala. Mukhang hindi ka pa kilala sa Buckwood, hmm?"Bahagyang lumamig ang mga mata ni Ben. Sa katunayan, hindi siya kilala. Kung isa nga siyang malaking tao, hindi niya tatanggapin ang ganitong bagay.Kahit na ganoon, nanatili siyang mapagmataas.Ngumisi siya at bahagyang hinila ang tainga niya. "Matagal ko nang hindi narinig na may nagsabi sa akin niyan. Sabihin mo, anong nangyari sa second generation na tagap
"Binigyan kita ng pagkakataon." Isang malamig na boses ang nagmula sa likuran. Si Ben Cole, na mayabang kanina, ay nanginig.Takot siyang lumingon. Mula sa gilid ng kanyang mata, nakikita niya ang ilan sa kanyang mga tauhan na nakahandusay sa lupa."Mr. Live-in son-in-law, anong gusto mong gawin? Kung i-provoke mo ako, tapos na ang pamilya Zimmer, lalo ka na." Kinilabutan si Ben. Gayunpaman, isa pa rin siyang gangster. Bagaman may hindi inaasahang mabagsik na sitwasyon siyang hinaharap, pinanghawakan pa rin niya ang kanyang pagmamataas."Sabihin mo sa akin, sino ang nagpadala sa iyo?" Malamig na tanong ni Harvey.“Heh! Hindi mo na kailangang malaman pa!"Tumango si Harvey, at lalong hinigpitan ang kanyang paghawak.Pakiramdam ni Ben ay parang may lubid na nakapulupot sa kanyang leeg, lalong humihigpit, na nagpapahirap sa kanyang huminga.Kita ang panic sa kanyang mga mata.Naintindihan niya ngayon na ang live-in son-in-law na ito ay isang taong walang awa. Kung maglalakas-loob
"Kung nais mo, maaari mong imbestigahan ang lugar at hanapin ang pangunahing salarin.""Sa totoo lang, wala naman akong kapangyarihan bilang isang simpleng first-in-command!""Hahayaan namin si Master Horan na asikasuhin ito bilang paggalang sa Dragon Cell. Ayos lang ba iyon?" tanong ni Samuel Bauer nang kalmado."Oo naman!" sagot ni Peyton Horan, na nakangiti.“Mga kawal!”"Dalhin niyo na sila!"Si Peyton ay ikinumpas ang kanyang kamay bago dinala ng kanyang mga eksperto ang nagngangalit na mag-ama palabas ng lugar.Ang dalawa ay may kakayahan sa martial arts. Si Faceless ay talagang kahanga-hanga dito…Ngunit sa sandaling ito, hindi sila magtatangkang lumaban.Si Samuel at ang iba pa ay muling inalis ang isa pang alas ni Kensley Quinlan.Lalong lumala ang kanyang ekspresyon agad nang makita ang nangyari.Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang kanyang sarili. Alam niyang wala na siyang magagawa kay Harvey York ngayon.“Mukhang inosente pa rin ako."Walang makakapagp
Bago iyon, muling nagsalita si Harvey York nang kalmado.“Sandali lang.” Mayroon kang hindi pa nasasabi sa amin."Anong meron dito?"Pagkatapos, sumulyap si Harvey sa mga karayom.Si Cristan Gibson ay tumingin sa mga karayom bago siya kusang nanginginig."Pagdating ko rito, may lumapit sa akin bago ipasok ang mga iyon sa akin," sabi niya na may tuyong boses."Sabi niya sa akin kung hindi ko sasabihin ang lahat ng gusto niyang marinig, gagamitin niya ang mga restriksyon para patayin ako.""Ang gusto niyang ipasabi sa akin ay sina Sir York at ang iba pa ay kasangkot sa pagkamatay ni Aung."“Naiintindihan ko.”Tumawa si Harvey bago tumingin kay Kensley."Maaaring hindi mahigpit ang seguridad ng Golden Cell, o talagang tapat lang ang mga tauhan mo...""Kung hindi, hindi sana inatake ang saksi na ito, di ba?""Kung pababagsakin mo ako, sana naman humanap ka ng kapani-paniwalang ebidensya."“Ang pag-frame sa akin ng ganito ay masyadong nakakabagot.”"Hindi ka lang nagiging kahi
”Kalokohan!”Galit na galit si Kensley Quinlan."Kailan ko iminungkahi sa'yo ang ganitong bagay?!"Huminga ng malalim si Cristan Gibson bago tumingin kay Kensley na may mukha na kasing puti ng papel."Tuwing tinatanong mo ako, lagi mong sinasabi na maliligtas ako kung aaminin kong sina Sir York at ang iba pa ang mga nakatataas ko!""Di ba iyon ay itinuturing na mungkahi?""Ayon sa mga patakaran, may video footage ng bawat Golden Cell interrogation!""Ang lahat ng sinasabi ko ay mapapatunayan sa sandaling makita natin ang mga iyon!"Nagbago ang ekspresyon ni Kensley habang siya ay magbibigay ng isang kilos."Ms. Kensley, mas mabuti pang huwag mong utusan ang mga tauhan mo na sirain ang footage," sabi ni Harvey habang pinupunasan ang kanyang mga daliri."Bukod sa pagpapakita na may kasalanan ka talaga, wala kang makakamit na kabutihan!"Muntik nang mabali ang ngipin ni Kensley dahil sa pagngangalit. Na-control ni Harvey ang buong sitwasyon gamit ang kanyang mga salita muli, ha
Tumango si Harvey York kay Peyton Horan bago hampasin si Cristan Gibson sa kanyang noo.Sa susunod na sandali, dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay bago ipakita ang asul na karayom na hinugot mula sa ulo ni Cristan.Hindi masyadong inisip ni Kensley Quinlan ito, naniniwala na hindi kayang alisin ni Harvey ang restriksyon ni Cristan…Ngunit agad na namutla ang kanyang mukha nang makita ang karayom.Ang lalaking iyon ang nagtakda ng limitasyon, ngunit napakadali nitong naalis…Pfft!Hinila ni Harvey ang mas maraming karayom mula sa puso at tiyan ni Cristan.Nang hinila ang huling karayom, tila agad na-relieve si Cristan. Ang kanyang masakit na ekspresyon ay hindi na makita.Clink!Binalibag ni Harvey ang karayom sa lupa nang walang pakialam. Si Kensley at ang iba pa ay agad na umatras matapos naamoy ang masangsang na amoy mula sa mga karayom.Tuluyang pinabayaan ni Harvey ang mga tao nang punasan niya ang kanyang mga daliri gamit ang tissue."Ayan. Ayos na si Cristan n
"Pagkatapos ng pagkamatay niya, na nangyari noong madaling-araw, binigyan mo si Cristan Gibson ng isang daan at limampung libong dolyar."Pinag-isipan ni Prince Gibson ang sitwasyon.“Tama ‘yun. Kamag-anak ng pamilya si Cristan. Matagal na siyang nagtatrabaho para sa’min.“Sinabi niya na papakasalan na niya ang kasintahan niya. Ibinigay ko sa kanya ang pera na ‘yun para mabili niya ang bahay na binabalak niyang bilhin.”“Malamang ibinigay mo sa kanya ang pera para sa ibang dahilan…?” malamig na tanong ni Kensley Quinlan.“Ang perang iyon ay para sa matagumpay niyang pagpatay kay Master Aung, tama ba?”Nagpakita ng pangit na ekspresyon si Prince. Napagtanto niya na pinapaikot lang siya ni Kensley.“Syempre, hindi ako magdududa kung kaya mong patunayan na totoo ang sinasabi mo.“Pero yung totoo, inimbestigahan na namin si Cristan.“Wala siyang kasintahan. Ibig sabihin nun nagsisinungaling ka!”Nanahimik si Prince sandali bago siya tumingin kay Cristan.“Siguradong kaya itong p
Alas dyis ng gabi.Opisyal nang nagsimula ang paglilitis.Napakalinis ng main hall ng Golden Cell.Ang mga kinatawan ng apat na haligi ay nakaupo sa matataas na upuan sa magkabilang gilid.Nakaupo si kensley Quinlan sa gitna ng nakasimangot.Sila Faceless at Flawless ay nakaupo sa isang pwesto na sinadya para sa pamilya ng biktima.Pagkatapos malapatan ng first aid ang kanyang mga sugat, sa wakas ay muling huminahon si Flawless noong nagpakita siya ng malamig na tingin.Yung totoo, maraming beses nang pinag-isipan ni Faceless na tumakas, ngunit pinakalma niya ang kanyang sarili noong sunud-sunod na dumating ang mga kinatawan ng apat na haligi.Maliban sa kanya, pati sila Shay Gibson at Prince Gibson ay sinabihan na manatili.Si Darwin Gibson at ang iba pa ay nakaupo sa hanay ng mga manonood.Ang upuan ng defendant ay inilaan para kay Harvey York.Pinagkrus ni Eliel Braff ang kanyang mga braso habang nakatingin siya ng maigi sa eksena sa di kalayuan.“Halina! Papasukin ang m
Bago matapos sa pag-uusap ang dalawa, isa pang tao ang dumating.Ang taong ito ay isang lalaking may mukha na kasing ganda ng sa isang babae, na nakangiti ng malumanay.Ang mga taong pamilyar kay Yvonne Xavier ay siguradong makikita ang pagkakapareho nila.Naglakad ang lalaki palapit kay Eliel Braff bago yumuko bilang paggalang.“Ang tagal nating hindi nagkita, Mr. Braff. Kamusta ka?" “Ayos naman," sagot ni Eliel bago siya tumingin kay Harvey York.“Hayaan mong ipakilala kita, Sir York. Ito si Jesse Xavier mula sa isa sa top ten families. Siya ang young master ng Xavier family at siya rin ang huling disipulo ng master ng Dragon Guards.“Hindi rin isang pagmamalabis na tawagin siyang susunod na tagapagmana ng master.”Tinitigang maigi ni Harvey si Jesse bago siya ngumiti ng bahagya.“Nagkita na tayo dati." Gulat na gulat si Eliel. Hindi niya inasahan na nagkita na pala noon ang dalawa.Ngumiti pabalik si Jesse matapos niyang makita ang ekspresyon ni Harvey.“Dapat ba kitan
Malaking problema ito!Umupo si Kensley Quinlan sa kanyang upuan ng may pangit na ekspresyon.Ni hindi nagsama ng ibang tao si Eliel Braff, ngunit walang sinuman ang nangangahas na kumilos dahil lang sa mismong presensya niya.Namumutla nang husto ang mga mukha ng mga tao ng Golden Cell. Natural, hindi nila alam kung ano ang susunod na mangyayari.Pagkaraan ng dalawang oras, sumulpot sa malayo ang mga armadong sasakyan, na hinarangan ang lahat ng mga daanan.Agad na lumala ang ekspresyon ni Kensley!Ito ang Dragon Cell!Nagpunta sila dito sa Golden Sands bago nila kinontrol ang mga depensa ng Golden Cell. Hindi maniniwala si Kensley kapag may nagsabi sa kanya na walang ideya ang mga nakakataas tungkol sa sitwasyon.Nagsimulang magdatingan ang mga mamahaling sasakyan.Dumating ang iba’t ibang mga prominenteng tao.Ang mga taong iyon ay hindi ang mga namumuno sa apat na haligi ng bansa, ngunit ang bawat isa sa kanila ay siguradong mas mataas kumpara sa libo-libong mga tao.Si
Sa isang palasyo sa pinakamataas na bundok ng Country H.Naipon ang niyebe sa may entrance sa loob ng matagal na panahon. Matagal nang walang nagpupunta sa lugar na ito.Ngunit sa araw na ito, tatlong armored helicopter ang dahan-dahang lumapag dito, na tumangay sa niyebe palayo.Isang kalmadong boses ang umalingawngaw mula sa loob ng palasyo noong huminto ang mga rotary blade.“Ano ‘yun?”Dose-dosenang tao ang lumabas mula sa cockpit bago lumuhod ang taong nangunguna sa grupo.“M’lord! Hinihiling ng first-in-command na pumunta ang apat na haligi ng bansa para sa paglilitis sa Golden Sands!“Papunta na doon ang binibini nang marinig niya ang balita.”“Kung ganun, hayaan niyo siya. Gayunpaman, sabihin niyo sa kanya na hindi pagmamay-ari ng kahit na sino ang Dragon Palace,” sagot ng tao na nasa loob ng palasyo pagkatapos niyang bumuntong-hininga.“Dahil kinakatawan niya ang Dragon Palace, kailangan niyang sundin ang batas. Kung hindi, hindi ko siya maililigtas.”Ang fifth lady