Nang hindi man tumitingin sa kanya, sinabi ni Harvey York, "Excuse me, nandito ako para bumili ng bahay.""Ano? Nandito ka para bumili ng bahay?" Tiningnan ng real estate si Harvey mula ulo hanggang paa.Akala niya ay may problema siya sa pandinig.Bukod sa magandang batang babae siyang kasama, wala sa hitsura ng lalaking ito na kaya niyang bumili ng mga properties dito.Huminga siya nang malalim at seryosong sinabi, “Sir, alam mo ba kung magkano ang mga estate dito? Ang mga designed houes namin ay hindi bababa sa thirty-thousand dollars per square meter.""At saka, ang mga sizes ng mga properties namin ay hindi bababa sa five hundred square meters. Nagkakahalaga ang alinman sa mga ito ng hindi bababa sa fifteen million dollars!""Sigurado ka bang nandito ka talaga para bumili ng bahay?"Walang tigil na tumango si Harvey. Binabasa na niya ang mga detalye at impormasyon ng mga bahay na naka-display.Hindi kinaya ni Xynthia Zimmer ang kayabangan ng real estate agent at sinabi, "H
Sa kabila ng kanyang kumplikadong damdamin, mas nasabik si Tara kaysa dati.Naging determinado siyang magsikap nang husto para balang araw ay tumayo siya sa harap ni Harvey York at sabihin sa kanya:Minaliit mo ako dati. Ngayon, mas mataas ang katayuan ko sa iyo!Kahit na tatlong taon na ang nakalipas pagka-graduate niya, hindi siya nagkaroon ng pagkakataong gawin ito. Sinong nakakaalam na darating sa kanya ang pagkakataong ito ngayon!"Aking dating batchmate, kailan ka pa nakarating sa Buckwood?"Sinubukang gisahin ni Tara Lewis si Harvey York nang magtanong siya.Sumagot si Harvey, "Kalahating buwan na ang nakakalipas…""Pagka-graduate natin, andami kong narinig na kakaibang mga tsismis. Mukhang isa ka nang live-in son-in-law para sa isang second-class na pamilya sa Niumhi. Totoo ba iyon?""At ngayon, nandito ka sa Buckwood? Dahil ayaw na nila sa iyo? Nandito ka ba para maghanap ng ibang mayamang babae na magpapakain sa iyo?""Ngayong naisip ko ito, medyo naging tanga akong
Ang naramdaman lamang ni Tara Lewis ay pagkasuklam at pagkadismaya.Gayunpaman, isa siyang pambihirang tao at pinigilan ang sarili na magpakita ng anumang negatibong emosyon. Sa halip, ngumiti siya. “Ay, oo. Nandito ka para bumili ng bahay, Harvey?""Total naman at dati tayong mag-kaklase, bibigyan kita ng pinakamataas na discount na pwede.""Pero, baka kahit mag-alok ako sa iyo ng discount, nagkakahalaga ang mga bahay ng hindi bababa sa fifteen million dollars...""Bakit hindi ko ipakita sa iyo ang mga bahay sa rural area ng Buckwood. Narinig kong nagkakahalaga lamang ang mga iyon ng ilang daang libo."Nakangiting sumagot si Harvey York, "Salamat, pero interesado lang ako sa mga bahay dito."“Pfft! Ha ha ha ha…”!Sumabog sa kakatawa ang iba pang mga real estate worker.Pinanghahawakan niya ang kanyang nakakaawang pagpapanggap hanggang sa huli, ‘di ba?Tumawa si Tara. "Aking dating batchmate, hindi sa bawal kang bumili ng mga bahay dito.""Pero hindi kami tumatanggap ng yearl
Ano pang sasabihin tungkol sa isang bahay na nagkakahalaga ng thirty million dollars? Syempre perpekto ito!Ang problema, kaya ba niyang bilhin ito?Mapangutyang tumingin si Tara Lewis kay Harvey York. Napagpasyahan niyang talagang kukuytain niya siya ngayong gabi. Hihintayin niya kung anong klaseng palusot ang gagamitin niya para bawiin ang kanyang deklarasyong bilhin ang bahay."Dati ko batchmate, total naman ay maraming taon na tayong magkakilala, pwede kitang dalhin para personal mong makita ang bahay. Ano sa tingin mo?" Nakangiting sinabi ni Tara. "Kung nasiyahan ka rito, pwede ka nang lumipat agad."Sa kanyang mga mata, ang isang hampaslupang tulad ni Harvey na isang live-in son-in-law ng ilang pamilyang walang pangalan ay walang ibang magagawa maliban sa bitawan ang kanyang pagkukunwari.Matapos basahin ang description at tingnan ang mga naka-display ipinakita sa brochure, umiling si Harvey. "Hindi na kailangan iyon.""Bakit? Natatakot ka bang pumunta? O dahil ba sa napaka
Bumalik lang si Xynthia Zimmer sa kanyang normal na sarili matapos lumabas sa real estate center. Nagtataka niyang tinitigan si Harvey York at sinabi, "Brother-in-law, so may bahay na ako ngayon?"“Sa ngayon, doon kami titira ng ate mo. ‘Di ba may ilang daang square meter na space sa paligid ng top garden? Pwede ka doon kung gusto mo.”Naging excited si Xynthia. “Kung ganoon, brother-in-law, pwede bang hindi na ako tumira sa school campus? Napakaliit ng hostel ng paaralan, ayoko nang manatili pa doon…”Ang kanyang tunay na intensyon ay makita ang kanyang brother-in-law araw-araw.At saka, kailangan niyang makaisip ng plano para pigilan siya at ang kanyang ate na magtalik.Hindi sukat akalain ni Harvey may ganoong lihim na motibo ang nakababatang kapatid ng kanyang asawa. Saglit siyang nag-isip bago sabihin, “Sa iyo ang bahay, so pwede kang pumunta at umalis kailan mo gusto. Hindi kita mako-kontrol."Tila may napagtanto si Xynthia. Nagpasya siyang lumipat habang National Day.‘Di
Pagbukas ng pinto, nagulat si Mandy Zimmer.Hindi niya kailanman sukat akalaing maiisip na pupunta talaga si Brent Silva sa kanyang pintuan, na may hawak na isang palumpon ng mga bulaklak.Sa kabilang banda, nakatingin sina Simon Zimmer at Lilian Yates kay Brent na para bang siya na ang kanilang son-in-law, paulit-ulit na tumango bilang pag-apruba.“Hello po, tito at tita. Naging bastos ako dati, pero hindi lang tayo nagkaintindihan. Umaasa akong kalimutan natin iyon.”"Naparito ako ngayon para pormal na humingi ng tawadsa inyong lahat, at para ipagdiwang ang kaarawan ni Mandy."Ngumiti si Brent, mukhang mginoo at gwapo.Kung ang mga taong malapit sa kanya ay nandoon, hindi nila makikilala si Brent sa pag-arte niya."Oo, pumarito si Mr. Silva nang may sinseridad. Uncle Simon, Aunt Lilian, dapat kayong magpasalamat." Tumulong si Zack Zimmer mula sa likuran, mabilis na pinuri si Brent. "Sa katayuan ng mga Zimmer, wala tayo dapat konesyon sa isang pamilyang kasing-rangal ng mga Sil
Mahirap ilarawan kung ano ang naramdaman ni Simon sa mismong sandaling iyon.Napabalitang gusto ni Prince York ang kanyang bunsong anak na babae. Ilang gabi siya at ang kanyang asawa na hindi makatulog dahil sa balitang iyon.Kung...Kung may gusto si Prince Silva sa kanilang panganay na anak na babae, pwede na niyang palayasin si Harvey York at mabuhay nang komportable.Kung maging son-in-law niya ang dalawang kilalang prinsipe, yayaman siya at ang kanyang pamilya at pwedeng mabuhay nang magarbong hangga't maaari.Kung iisipin ang sitwasyon, si Brent Silva ang humahabol sa kanilang panganay.Pero, posible ang lahat. Ang daming pwedeng mangyari!Kahit na walang interes si Prince Silva kay Mandy, higit pa sa sapat si Brent!Habang iniisip ito, mabilis na naging mahinahon ulit ni Simon.Sinimulan niyang kausapin si Brent para maunawaan ang katayuan ni Brent sa pamilya Silva.Kung sabagay, magiging son-in-law niya ang lalaking ito. Walang namang masamang subukang unawain ang ba
"Anong mali? Ayos ka lang ba?"Lumingon ang lahat at tumingin kay Harvey York.Sinabi ni Harvey kay Mandy Zimmer, "Honey, nag-order ako ng isang napaka-espesyal na birthday dinner para sa iyo. Hayaan mo akong dalhin ka doon."Walang pasensyang sigaw si Lilian Yates, “Hmph! E ano ngayon? Umorder ng dinner si Young Master Silva sa Grand Hotel W! Ang isang table doon ay nagkakahalaga ng twenty thousand dollars! Anong inorder mo?"Tumingin si Brent Silva kay Harvey na may banayad na ekspresyon. Sinabi niya, “Mr. York, hindi namin kailangang pumunta sa lugar na bi-book mo.""Sa lugar na nai-book ko, nagkakahalaga ang isang table doon ng twenty thousand dollars. Kung hindi kami pupunta, sayang naman iyon!""Tungkol naman sa lugar na nai-book mo, babayaran kita. Ano sa tingin mo?"Habang nagsasalita siya, kumaway siya. Naglabas ang isa sa mga alipores niya ng isang salansan ng pera at walang pakialam na itapon ito sa lupa.Hindi tiningnan ni Harvey ang kanilang palabas. Instead, ngumi