Nagbago ang mukha ni Vaughn Thompson nang marinig ang sinabi ni Soren Braff.Kung wala si Soren, magagawa niya ang kahit anong gusto niya.Pero dahil hindi ito ang nangyari, kailangan niyang sumunod sa batas.Nang walang alinlangan, huminga nang malalim si Vaughn bago titigan si Harvey York nang maigi.“Dahil hindi pa patay ang lalaki, pwedeng dumaan na lang sa sibil na proseso ang asawa mo.“Pero walang-dudang sinaktan mo ang isang tao!“Nakikita ito ng lahat ng nasa paligid! Huwag mong subukang itanggi!Kaagad na kinumpas ni Vaughn ang kanyang kamay, natatakot na baka may magbago pa sa sitwasyon.“Hulihin niyo siya!”“Anong ibig-sabihin mo niyan?Mukhang kalmado si Harvey.“Sinong sinaktan ko? Kailan mo nakita?”Kaagad na binuhat ni Vaughn ang malakas na lalaki habang sumisigaw ito sa sakit.“Nandito siya! Bulag ka ba?!” sigaw niya habang tinuturo ang kamay ng lalaki.Hinila ni Harvey ang kamay ng lalaki bago ito pihitin.Kaagad na nabigla ang lalaki.Gumaling ang nab
Binalot ng matinding aura ang buong lugar.Si Harvey York, na mukhang ordinaryo kanina, ay nagkaroon ng kakaibang aura na mas malakas pa sa kanila Vaughn Thompson.Nabigla ang lahat nang tingnan nila si Harvey.Kahit anong mangyari, tapos na dapat ang sitwasyon ngayon.‘Anong binabalak ni Harvey?’‘Balak niya bang gantihan si Young Master Vaughn?’‘May karapatan ba siya?’Si Vaughn, na nakapaglakad na palayo, ay lumingon pabalik nang nakasimangot.“Harvey…“Swinerte ka. Inamin kong talo ako.“Dapat tapusin na natin muna dito ang mga bagay.“Ano? Nanghihingi ka ba ng paliwanag?”Humalukipkip si Harvey habang kalmado siyang naglalakad paharap.“Oh, alam mo naman na pala.“Bakit hindi muna tayo mag-usap? Paano mo balak ibigay sa akin ang paliwanag?“Babaliin mo ba ang braso at binti mo? O balak mo bang lumuhod sa harapan ng Fortune Hall sa loob ng tatlong araw?”Mukhang maamo ang titig ni Harvey, na may makikitang kagustuhang pumatay sa mga mata niya.Kaagad na nagbago an
”Laging aligaga ang mga taong tulad mo. Wala kang oras para lumuhod sa labas ng Fortune Hall.“Kung ganun, dumiretso na tayo.“Baliin mo ang braso at binti mo.“Pakakawalan kita pagkatapos niyan.”Kalmadong ngumiti si Harvey York nang hindi nagbibigay ng pagkakataong kumontra.May gustong sabihin si Mandy Zimmer, pero suminghal na lang siya sa huli.“Tingin mo ba kaya mo akong takutin gamit ng ganyan, Harvey?!“Tingin mo ba talaga wala akong magagawa sa’yo?!”Tinitigan nang masama ni Vaughn Thompson si Harvey.“Pinalagpas lang kita kasi sumusunod kami sa batas! Nirerespeto ko lang ang Braff family!“Tingin mo ba makakatayo ka pa rin dito kung hindi dahil doon?!“Kung wala akong pake diyan, patay ka na sana ngayon! Naririnig mo ba ako?!”Mula sa nakalap na impormasyon ni Vaughn, mag-isang inubos ni Harvey ang mga eksperto ni Nameless.Pero sa mata niya, ang isang taong tulad ni Harvey ay wala pa ring laban sa baril.Imposibleng mas mabilis siya kaysa sa bala.Sadyang mas
“Aaagh!”Narinig ang namimilipit na sigaw habang nangingisay si Vaughn Thompson nang nakahiga at hindi makagalaw.Nadungisan ng dugo ang puti niyang uniporme. Nakakaawa itong tingnan.Walang nag-aakalang walang magagawa si Vaughn laban kay Harvey York kahit na may baril ito, pero nabali ang kanyang braso at binti nang ganun na lang.“Paano nangyari ‘yan?!”Hindi makapaniwala si Maisie Xavier.Ang mga tao sa top-rate circle na tulad nila ay napapahiya lang nang kaunti kapag pumapalpak sila…Hindi lamang sila napahiya nang sobra, pero may nabalian pa sa kanila ng kamay at binti! Hindi ito kapani-paniwala!Si Vaughn, na may napakataas na katayuan, ay nakahandusay sa sahig na parang patay na aso!Sa halip ang bubwit sa harapan nila ay nakatayo lang basta doon!Parang panaginip ang lahat ng ito!“May lakas ng loob si Harvey?!“Hindi ba niya kilala kung sino si Vaughn?!“Kahit sa suporta ng Hermit Families at ng Patel family, ang pagbangga sa Thompson family…”Hindi makapaniwal
Nitong alas singko ng halon, sa Golden Sands International Airport.Isang private jet ang lumipad patungo sa direksyon ng Wolsing.Bukod kay Vaughn Thompson, na kailangang magamot dahil sa natamo niyang sugat, may ilan ring mga bangkay na nililipat.Ang mga Corpse Walker at ilan sa mga kakilala ng John family, halimbawa.Ilang magagandang dalagang pinadala ni Nameless para pasayahin si Blaine John ay kasama rin dito.Lahat ng may pag-asang ibuko si Blaine ay sabay-sabay na pinadala sa Wolsing.Naniniwala siya na sa pamamaraan niya, hindi magiging mahirap na burahin ang mga taong ito sa balat ng lupa.Habang iniisip ang sitwasyon, inangat na ni Blaine ang bintana ng kotse sa likuran ng Rolls Royce bago niya sindihan ang isang sigarilyo.Naningkit ang mata niya habang nadidiliman ang gwapo niyang mukha sa ilalim ng kumikinang na bubong.Si Kensley Quinlan, na nakasuot ng bestida, ay nakaupo sa tabi habang magkapatong ang kanyang binti habang gumegewang, makikita ang kanyang naka
”Hindi namin alam. Hindi rin namin masiguro,” sagot ni Blaine John.“Gayunpaman, hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos.“Kailangan natin malaman ang posisyon at halaga niya, pero dapat tayo mismo ang gumawa niyan.“Magpadala ka ng mensahe sa mga Corpse Walker. Sabihin mo sa kanila na nakulong ang mga tao nila dahil kay Harvey York.“Kapag nabunyag na ang lahat, pupuntiryahin ng Royal Court ang tribo nila.“Isa pa. Tawagan mo ang mga young master ng Heaven’s Gate. Imbitahan mo sila para sa isang laro ng Poker. Ang tagal na mula noong huli ko silang nakita.“Naghanda rin ako ng isang libong babaeng university students para kay Young Master Gibson.“At huli, sabihin mo sa Jean family na pumapayag ako sa marriage proposal.“Interesado naman talaga ako kay Mandy Zimmer…”Kakaiba ang tingin ni Blaine.Gusto niya ang John family lang ang magiging tanging boses sa Golden Sands. Hindi niya hahayaan na bastusin siya ng kahit sino sa ganito kahalagang sandali.Dahil si Harvey ang katumba
Naningkit ang mata ni Harvey York nang marinig ang tungkol sa kasal sa John family.Balak niyang umalis kaagad, ngunit nagsimula siyang maging interesado.Mukhang dinala ni Lilian Yates si Aunt Witby at ang anak nito dito dahil may kakaiba itong binabalak…Ayaw mag-abala ni Harvey kay Lilian, pero lagi itong gumagawa ng mga bagay nang hindi niya alam.Kailangang ipaalala ni Harvey sa kanyang sarili na kahit gaano katanga si Lilian, nakakabilib na para sa isang babaeng tulad niya na manatili sa isang mayamang pamilya sa loob ng maraming dekada.Natural lang naman na magplano ito habang nakatalikod siya.Suminghal si Harvey at umiling bago lumapit nang nakangiti.“Kayo ba si Aunt Witby?“Nakiusap si Mandy Zimmer na sunduin kita. Ako si…”Nagwala sa galit si Aunt Witby.Kaagad niyang binaba ang kanyang phone habang galit na tinuturo si Harvey.“Bakit hindi nagpunta mismo ang bruhang ‘yun?!“Nagpadala siya ng taxi driver para sa amin! Huli pang nakarating ang driver dito!“Ano
Walang masabi si Harvey York. Kung hindi dahil sa pagmamakaawa ni Mandy Zimmer na pumunta siya, umalis na sana siya dito.Atsaka, gusto na niyang matapos agad ang sitwasyong ito.“‘Yan ang kotse,” sinabi ni Harvey habang nakaturo sa Audi.Mukhang nanghahamak si Aunt Witby at Elodie Jean sa simula…Pero pagkatapos makitang isa itong limited-edition Audi A8 na may magandang plaka, kaagad silang nasabik.Naglakad si Elodie patungo sa kotse habang sumisigaw, “Ma! Kuhanan mo ako ng picture dito! Kailangan natin itong i-send sa mga kaibigan natin!”Nagmadaling lumapit si Aunt Witby bago sila kumuha ng mga larawan sa labas ng kotse sa loob ng ilang minuto.“Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikitang kumukuha kami ng picture?!” galit na sigaw niya habang nakatitig nang masama kay Harvey.“Buksan mo ang kotse at papasukin mo na kami!”Suminghal si Harvey bago buksan ang kotse. Pagkatapos makita ang mag-inang gumagapang sa kotse sa loob ng kalahating oras para kumuha ng daan-daang larawan, nag