"Mandy Zimmer, inuutusan kitang kumatawan sa pamilya Zimmer at pumunta sa Sky Corporation ngayon!""Kahit anong paraan ang gawin mo, kailangan mong magdala sa amin ng ilang proyekto! Wala akong pakialam kahit makatabi mo si Prince York sa kama!""Kung hindi ... Hmph!"Mas mabigat ang tono ni Senior Zimmer sa kabilang linya ng phone kaysa dati.Sa totoo lang, hindi dapat magsalita nang ganoon ang isang tao sa kanyang posisyon.Nang papaalis na sana si Sean Zimmer, naka-isip si Zack Zimmer ng maraming mga nakakatawang ideya para pwersahin si Mandy Zimmer na maging kinatawan.Hindi makapaniwala si Mandy.Alam niyang palaging bias ang kanyang lolo kay Zack at sa kanyang pamilya, at mababa ang tingin sa kanya at sa kanyang pamilya. Gayunpaman, hindi niya inaasahang ganito kababa ang tingin sa kanya ng sarili niyang lolo.Sa sandaling iyon, tumayo si Harvey York at inagaw ang phone ni Sean. Malakas niyang binato ang phone sa sahig. Agad itong bumagsak sa nakakabinging ingay ng pagkab
Samantala, ang natitirang mga Zimmer ay nasa kanilang inuupahang mansyon.Hinagis ni Senior Zimmer ang kanyang teacup sa sahig, at bumagsak ito nang may malakas na ingay. Sigaw siya, "Sinabi talaga nila iyan?'Pagkabalik mula sa lugar ni Mandy Zimmer, inulat ni Sean Zimmer ang lahat sa natitirang pamilya at binaluktot ang katotohanan.Madilim ang mukha ni Senior Zimmer at sigaw niya, "Bweno! Mukhang matagumpay na si Simon at ang kanyang pamilya sa kanilang mga karera na hindi na sila nakikinig sa akin!""Sa palagay ba nila ay walang magagawa tayong mga Zimmer kung wala si Mandy?!"“Zack! Ikaw ang magiging in charge sa bagay na ito sa ngayon. Ang kailangan mo lang gawin ay magsalita nang maayos. Sa katunayan, hindi mo na kailangang magbalik ang anumang mga proyekto para sa atin!" Anunsyo ni Senior Zimmer.Si Zack Zimmer na nais tumanggi kalaunan ay napangiti nang marinig niya ang iba pang sinabi ni Senior Zimmer.Kung ang kailangan lang niyang gawin ay bumati at bumuo ng mga kone
Naging berde ang mga mukha nina Sean Zimmer at Zack Zimmer.Pumunta na sila sa araw na iyon dala ang isang ambisyosong hangarin.Ngunit ano sila magre-react nang sabihin sa kanilang ang pamilya ay dadaan sa bankruptcy procedures?Sa sandaling iyon, may inisip ang taong in charge at ngumiti."Malamang galing ka sa kumpanya ng mga Zimmer sa Niumhi. Humihingi ako ng paumanhin, nawala sa isipan ko kanina. Kasama niyo ba si Mrs. Mandy Zimmer mula sa iyong kumpanya?""Ha?"Naguluhan si Zack at ang kanyang ama sa katanungang ito. Bakit bigla niyang hinanap si Mandy?Inisip ito sandali ni Zack at pagkatapos ay maingat na sinabi, "Boss, ako si Zack Zimmer, ang vice CEO ng kumpanya ng mga Zimmer.”"Si Mandy ang financial manager ng mga Zimmer dati, pero nakagawa siya ng isang malaking pagkakamali at sinesante.”"Bakit mo siya hinahanap ngayon?"Tila ang guminhawa ng person in charge matapos marinig iyon."Magaling! Dahil natanggal na siya sa trabaho, simple lang ito."Nagningning ang
Hindi nagtagal, pinalabas sina Sean Zimmer at Zack Zimmer sa gusali.Nakakakilabot ang mga ekspresyon ng mag-ama nang nakatayo sila sa kalye."Ang traydor na iyon, malamang ay may kalaguyo ni Mandy Zimmer si Prince York mismo. Kung hindi, bakit kailangan pang magbigay ng respeto sa kanya ang person in charge?!”"At mabuti silang magkaibigan ni Yvonne Xavier? Huwag na siyang magsinungaling!”Nagngangalit ang mga ngipin ni Zack.Nilagay ni Sean ang kanyang kamay sa kanyang ulo at sinabi, “Malaking problema ito. Kung hindi natin hahayaang bawiin ng bastardong si Mandy ang kanyang authority, hindi niya tutulungan ang mga Zimmer.""Hindi pa natin halos napatumba sila, ngayon kailangan nating sumuko ng ganoon kadali?"Nagkatinginan ang mag-ama at kita ang sama ng loob sa kanilang mga mata.Naisip nilang magbabago ang lahat pagdating nila sa Buckwood, hindi na sila makokontrol ni Mandy.Sinong mag-aakalang kailangan nilang pumunta at humingi ng tulong sa kanya sa araw ding iyon na pi
Naguluhan sina Simon Zimmer at Lilian Yates sa kanilang nakita.Habang si Xynthia Zimmer ay nanonood ng telebisyon at naglalaro sa kanyang phone."Kung hinahanap mo ang ate ko, wala siya ngayon sa bahay."Ngumiti si Quinn Zimmer at sinabi, "Xynthia, pwede mo bang sabihin sa akin kung saan nagpunta ang ate mo?"Umiling si Xynthia."Hindi ako sigurado, umalis siya kasama si Harvey York kaninang madaling araw. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta.""Okay. Uncle, Aunt at Xynthia, mauuna na ako ngayon.*"Pakitawagan kami kapag umuwi na si Mandy!"Yumuko ang tatlo. Sa kabila ng pagiging sobrang awkward, iniwan pa rin nila ang mga regalo at umalis.Hindi masyadong pinag-isipan ni Xynthia ang sitwasyon, si Simon at Lilian naman ay nagkatinginan sa isa't isa na may mga mukhang puno ng pagkalito."Anong nangyayari? Nagdala pa nga sila ng mga regalo sa atin? Sinusubukan ba nila tayong patahimikin?" Sambit ni Simon habang nakasimangot."Paano kung tama ulit ang kumag na iyon sa pagkaka
Naka-off ang phone ni Mandy Zimmer, habang hindi sinagot ni Harvey York ang kanya.Sa sandaling iyon, walang imik si Zack Zimmer at ang iba pa.Kung alam nilang may mangyayaring ganito, mas maayos sana nilang trinato sina Mandy at ang kanyang pamilya.Tinawag ulit ni Senior Zimmer si Zack.Hindi masaya si Zack, ngunit kailangan pa niyang sabihin ang impormasyon kay Senior Zimmer."Lolo, hindi sa wala kaming kakayahan, hindi namin alam kung saan dinala ng walang halagang basurang iyon si Mandy!”"Tinawagan pa namin sila, pero hindi sila sumagot. Parehong naka-off ang kanilang mga phone!”"Kahit na sina uncle at aunt ay hindi alam kung saan sila nagpunta!"Nanginig ang kamay ni Senior Zimmer na may hawak sa phone nang marinig ito.Kung hindi nila mahanap si Mandy, malulugi ang pamilya Zimmer.Kung mangyari iyon, mawawalan ng kabuluhan ang lahat ng kanyang pagsisikap sa kalahati ng kanyang buhay!"Bilisan niyo at hanapin ang mga iyon! Pumunta na kayong lahat ngayon, kailangan n
Nang gabing iyon, nanggaling na si Mandy Zimmer sa daan-daang mga store. Palagi niyang susubukan ang damit na gusto niya, ngunit tumanggi siyang bilhin ang mga ito kapag nakita niya ang mga price tag.Dahil nagbebenta lamang ng mga luxury brand ang Olden Trade, walang mura doon.Ngunit para sa kanya, parang pinagpala na siya na masukat ang mga damit doon.Si Harvey York naman ay matiyagang sumusunod sa kanya. Naaalala niya ang damit na sinukat ni Mandy, ngunit hindi nagbitiw ng kahit isang salita tungkol dito.Pakiramdam ni Mandy nagtagumpay siya pagdating nila sa huling store sa Olden Trade.Agad siyang lumapit kay Harvey at ngumiti."Umuwi na tayo pagkatapos subukan ang mga damit dito.""Masusunod ang gusto mo."Ngumiti si Harvey at walang balak na tanggihan siya.Maglalakad na sana sila papasok sa store nang may isang lalake at babaeng lumakad kasama nila.May nakakaakit na pigura ang babae, na may makapal na makeup, na halos hindi makita ang kanyang tunay na mukha sa punt
Sinabi ni Mandy Zimmer habang nakasimangot, "Pwede bang huwag maging suplada? Customer siya, hindi ba customer din ako?"Nagustuhan ni Mandy ang damit na sinukat niya, pakiramdam niya ay napahiya siya matapos na masabihang hubarin agad ang damit.Ngumisi ang shop assistant sa harap niya at bahagyang tumawa.“Binibini, dapat alam mong may iba’t ibang ranggo ang mga customer. Kung isasantabi iyan, maikukumpara ka ba sa binibining bumili ng maraming item dito?”"Baka ang binili ng binibining iyon sa isang bagsakan ay ang kaya mo lang bilhin sa buong buhay mo!"May mapagmataas na ngiti ang nakakaakit na babae matapos itong marinig."Kailangan talagang malaman ng ilang tao ang kanilang lugar at huwag masyadong pahiyain ang kanilang sarili…”"Sukatin mo nang maayos ang iyong sarili at tingnan mo kung kung may laban ka ba sa akin!"Lumapit sa babae ang lalaking may bungkos ng mga susi na nakasabit sa kanyang baywang sa oras na iyon."Bakit ka pa nakikipag-usap sa mga mahihirap na tao