"Sige. Dahil masyado kang matapat sa akin, bubuhayin kita sa ngayon!" seryosong sigaw ni Harvey York.Nanginig si Anthony bago bumagsak sa sahig, hindi makagalaw. Hindi nagtagal, makikitang basang-basa na ang kanyang pantalon.Hindi niya napigilan ang maihi…Pagkatapos, kalmadong lumapit si Harvey kay Raven Keaton.Ang isang dosenang malalakas na guwardiya ay lumapit nang nagkikiskisan ang mga ngipin.Ngunit sa sandaling magkatitigan sila ni Harvey, nanginig sila. "Tabi!"Kumikirot nang husto ang mata ng mga guwardiya. Natuyo ang lalamunan nila habang hindi sila makapagsalita.Kaagad silang tumabi parang mga tulalang ibon.Si Raven, na kanina pang nagmamataas ay mukhang takot na takot.Gusto niyang isalba ang dangal niya ngunit nanginginig siya sa takot nang makita niya ang malamig na titig ni Harvey.Umatras si Raven bago magkiskisan ang kanyang ngipin."Anong gusto mo?"Pinagsamantalahan ni Anthony Lee ang mga tao sa teritoryo niyo. Bilang boss nito, hindi ka lamang nag
Makalipas ang kalahating oras. Sa loob ng pinakamagandang ospital ng Golden Sands.Dumiretso ang mga Toyota Prado na magkakapareho ang kulay sa labas ng lugar.Hindi nagtagal, dose-dosenang mga lalaki ang bumaba mula sa mga kotse.Nakasuot sila ng itim na amerikana at iba-iba ang estilo at kulay ng kanilang buhok.Naglalabas sila ng nakakatakot na aura.Kusang lumayo ang mga guwardiya nang makita ang mga ito.Ang magagandang nars ay napaatras habang hawak ang kanilang bibig, takot na baka lapitan sila ng mga taong iyon.Isang lalaking may tato ng leopard sa kanyang mukha ang bumaba mula sa kotse sa likod.Nakatitig siya nang masama, para bang nakamamatay ang kanyang titig.Ang kanyang hindi matatawarang bagsik ay makikitanrin sa kanyang aura.Basta lang niya hinawakan ang isang sigarilyo at sinindihan ito, hindi pinapansin ang bawal magsigarilyo na babala habang naglalakad sa loob.Humipak siya ng usok at pumito sa magagandang babae, parang nilalasap lang niya ang magandang
Higit sa lahat, hindi makakaligtas si Raven Keaton sa Golden Sands kapag nanatiling buhay si Harvey York."Hindi na rin masama. Magaling," sagot ni Marlon Lee."Nasaan siya?""Nasa Oak Crest Hospital!" sigaw ni Raven."Siguro dinala niya ang bruhang 'yun doon para ipurga."Tumango si Marlon bago patunugin ang kanyang daliri.“Jinny.”Isang lalaking mukhang babae na may tato sa mukha ang lumapit nang nakangiti."Gusto mo bang puntahan ko ang hangal na 'yun, Boss?"Itutumba ko siya para kay Anthony!""Itutumba siya?Natawa si Marlon."Huwag mong padaliin masyado para sa kanya."Dalhin mo siya pabalik dito. Tuturuan ko siya ng leksyon. Ipapakita ko sa kanya kung sinong pwede at hindi niya pwedeng banggain sa isang lugar na tulad ng Golden Sands." ***Nitong alas otso ng gabi, dinala ni Harvey si Mandy sa emergency room.Kailangang mapurga ang sikmura niya mula sa droga at alak.Buti na lang at hindi masyadong marami ang nainom ni Mandy. Ang kailangan lang niya ay malagya
"Dali! Kailangan natin ng blood transfusion!""Kailangan natin siyang gisingin!""Hindi ito maganda! Huminto ang puso niya! Kailangan natin ng manual resuscitation!"Umalingawngaw ang ingay ng medical staff. Naging mabigat kaagad ang ihip ng hangin sa main hall.Bumaba ng ambulansya ang mga inspektor, handa nang linisin ang buong lugar."Hayop! Bwisit!"Nagwala si Soren Braff at patuloy na sumigaw, para bang gusto niyang ibuhos ang kanyang galit."Anong nangyari, Director Braff?"Anong nangyari dito?Lumapit si Harvey York kay Soren nang mukhang nagtataka."Paano ito nangyari kay Watson…?"“Harvey? Master York?Uutusan na sana ni Soren ang isang tao na itaboy si Harvey hanggang sa makita niya ang mukha nito. Nanginig ang kanyang katawan bago makita ang pag-asa sa kanyang mukha."Iligtas mo ang kapatid ko, Master York! Siguradong kaya mo! Pakiusap!"Kumunot ang noo ni Harvey."Sabihin mo muna sa akin anong nangyari! Wala akong magagawa kapag hindi mo sinabi!"Nagkiskisan
Bumukas ang first aid tent nang marinig ang sirena.Isang doktor na may kasamang isang dosenang medical staff ang lumabas habang nasa harap ang kanilang mga kamay.Natatakpan ng face mask at goggles ang kanilang mukha nang yumuko sila."Pasensya na, Director Braff. Ginawa na namin ang makakaya namin."Kailangan mong ihanda ang sarili mo."Hindi alam ng doktor ang mararamdaman niya sa sandaling iyon.Kilala niya kung sino si Soren Braff. Ito ang dahilan kung bakit alam niyang magkakaroon siya ng pagkakataong mapalapit sa Braff family. Siguradong gaganda rin ang reputasyon niya pagkatapos nito.Pupurihin pa siya ng ospital at itataas ang kanyang pwesto.Ngunit dahil hindi niya masagip si Watson, natural na wala itong kinalaman sa kanya."Hindi! Hindi pa paray ang kapatid ko! Hindi siya pwedeng mamatay! Hindi!Nagkiskisan ang mga ngipin ni Soren."Kailangan niyong bumalik sa loob! Gawin niyo ang makakaya niyo!"Ipapasara ko ang buong ospital kapag hindi niyo siya naibalik!"N
Beep beep beep!Kasabay ng pagkilos ni Harvey York, ang flatline ay nagsimulang magbago.Unti-unti nang gumagaling si Watson Braff.Ngunit hindi nagtagal, sa harap mismo ng mga tao, muling naglaho ang tibok ng puso nito.Kaagad na natuliro ang mga taong nagagalak kanina. Si Harvey lang ang nanatiling kalmado. Alam niyang kailangan ni Watson ng oras para magpagaling.Natural lang na manghina siya nang ganito dahil nauubusan siya ng dugo.Sinimulang pindutin ni Harvey ang mga bahagi ng katawan ni Watson, pinapaigi ang daloy ng dugo."Ano 'to? Nakatanggap ka ng reaksyon mula sa kanya, tapis ngayon minamasahe mo siya?Napuno ng galit ang doktor nang makita niya ito.Sa isang banda, nahiya siya nang sobra sa pagkabigla niya kanina. Sa kabilang banda, galit siya dahil binunyag ni Harvey kung bakit ayaw niyang iligtas si Watson."Hindi na masadalba si Mr. Braff!"Mukha ngang gumagaling na siya kanina, pero saglit lang naman papa 'yun!"Para saan pa ang pagmasahe mo sa kanya ngay
Mukhang kalmado si Harvey habang ginagawa ang kanyang binabalak, hindi pinapansin ang doktor.Nakatitig nang masama ang doktor, tingin niya tama ang sinabi niya."Nasa amin ang mga pinakabata at pinakamagaling na medical staff! Mga professional kami!"Naibalita na namin ang pagkamatay ni Mr. Braff! Kahit ang Diyos ay hindi siya masasagip!"Hinubad ng magagandang nars ang maskara nila habang nakatitig nang masama kay Harvey, iniisip na nandito lang siya para gumawa ng gulo."Dapat manatiling mapagkumbaba ang mga tao," sagot ni Harvey."Hindi niyo kaya, pero hindi ibig-sabihin nito hindi ko kaya."Laging may taong mas magaling sa inyo. Dapat maintindihan niyo 'yun.""Hindi ko kaya?Kaagad na sumagot ang doktor nang marinig iyon."Makinig ka sa akin, bata! Hindi ako manloloko tulad mo!"Ako ang top doctor ng Oak Crest Hospital, si Maren Failes!"Ang guro ko ay walang iba kundi si Oskar Armstrong mismo!"Halos limang taon na akong nasa larangang ito! Ako rin ang bagong vice di
"May asthma ka na mula pa noong nasa high school ka diba?" tanong ni Harvey York."Siguro nagsasanay ka ng Taichi bago mo ito mapansin!"At mula noon, iniwan mo na rin ang sports!"Sabi mo isa kang professional, pero hindi ko man lang malutas nang mag-isa ang problema mo? Bakit ganito kakapal ang mukha mo?"Nanigas ang mayabang na mukha ni Maren Failes nang marinig na ibunyag ni Harvey ang tungkol dito."Paano mo nalaman 'yan?!"Mukhang takot na takot si Maren. Marami siyang ininok na gamot sa asthma at marami siyang dinaanang operasyon…Pero anong nangyari?Wala.Ito ang pinakamalaki niyang sikreto. Tatakbo siya papuntang banyo tuwing aatakihin siya ng asthma para walang makapansin…Ngunit hindi niya inakalang matutukoy ito ni Harvey kahit wala itong alam tungkol sa kanya.Magdududa na ang lahat sa husay niya sa medisina ngayon.Hindi tumigil si Harvey sa pagpuna kay Maren nang makita niya ang pagkabigla nito."Nakikita mo na ba ang pagitan natin?"Natutukoy ko nang tiya