Share

Kabanata 4351

Penulis: A Potato-Loving Wolf
Gumulong sa sahig si Anthony Lee, dinampot ang isang bote ng wine bqgo sigawan si Harvey York.

"Ang kapal naman ng mukha mong hawakan ako, hayop ka?!

"Sinira mo ang mukha ko!

"Patay ka sa akin! Naririnig mo ba ako?!

"Babawian kita kahit anong mangyari!

Galit na nagkiskisan ang ngipin ni Anthony.

"Mamatay na lang ako kapag hindi ko kayo napatay ni Mandy!"

"Ganun ba?

Ngumiti si Harvey bago dumaan sa mga tao patungo kay Anthony.

"Hindi pa 'yan sapat para patayin ako! Ito dapat ang gawin mo!

Binasag ni Harvey ang bote sa kamay ni Anthony, makikita ang mga talim nito.

"Mas mabuti 'yan.

"Halika! Saksakin mo ako!

"Pangako hindi ako papalag!"

Pagkatapos ay pinadaan ni Harvey ang daliri niya sa kanyang leeg bago ibaba ang kanyang daliri.

Natulala si Anthony nang makita niya ang seryosong mukha ni Harvey.

Napigilan ang galit niya. Hindi niya magalaw ang kanyang kamay na may hawak na bote sa mga oras na iyon.

Natawa si Harvey.

"Tara! Dalian mo!

"Kung may tapang ka na pagsamanta
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 4352

    Ang pinakanakakagulat para sa kanila Raven Keaton ay hindi lang dito huminto si Harvey York.Dinampot niya ang isa pang bote ng wine at hinampas ito sa ulo ni Anthony Lee.Bam!Isang malakas na tunog ang narinig sa buong lugar habang umiiyak si Anthony at nanginginig ang kanyang katawan.Hindi pa siya natrato nang ganito sa buong buhay niya.Sa sandaling ito, naunawaan na niya ang takot na mamatay.Sa paningin niya, talagang papatayin siya ni Harvey!Hindi lamang si Anthony kundi maging ang mga tao sa paligid niya ay napuno ng takot!Walang makatiis ng eksenang ito.Hindi madaling gawin ang malinis na atake ni Harvey.Marami nang nakita ang mga tao dito na mga taong malakas umatake…Ngunit ito ang unang pagkakataong nakakita sila ng taong ganito kalupit.Higit sa lahat, maraming tao sa sitwasyong ito ang magsasalita lamang ngunit hindi talaga kikilos.Nang damputin ni Harvey ang ikatlong bote, sumuko na si Anthony."Nababaliw ka na ba?!"Ako si Anthony Lee!"Ako ang vic

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 4353

    "Sige. Dahil masyado kang matapat sa akin, bubuhayin kita sa ngayon!" seryosong sigaw ni Harvey York.Nanginig si Anthony bago bumagsak sa sahig, hindi makagalaw. Hindi nagtagal, makikitang basang-basa na ang kanyang pantalon.Hindi niya napigilan ang maihi…Pagkatapos, kalmadong lumapit si Harvey kay Raven Keaton.Ang isang dosenang malalakas na guwardiya ay lumapit nang nagkikiskisan ang mga ngipin.Ngunit sa sandaling magkatitigan sila ni Harvey, nanginig sila. "Tabi!"Kumikirot nang husto ang mata ng mga guwardiya. Natuyo ang lalamunan nila habang hindi sila makapagsalita.Kaagad silang tumabi parang mga tulalang ibon.Si Raven, na kanina pang nagmamataas ay mukhang takot na takot.Gusto niyang isalba ang dangal niya ngunit nanginginig siya sa takot nang makita niya ang malamig na titig ni Harvey.Umatras si Raven bago magkiskisan ang kanyang ngipin."Anong gusto mo?"Pinagsamantalahan ni Anthony Lee ang mga tao sa teritoryo niyo. Bilang boss nito, hindi ka lamang nag

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 4354

    Makalipas ang kalahating oras. Sa loob ng pinakamagandang ospital ng Golden Sands.Dumiretso ang mga Toyota Prado na magkakapareho ang kulay sa labas ng lugar.Hindi nagtagal, dose-dosenang mga lalaki ang bumaba mula sa mga kotse.Nakasuot sila ng itim na amerikana at iba-iba ang estilo at kulay ng kanilang buhok.Naglalabas sila ng nakakatakot na aura.Kusang lumayo ang mga guwardiya nang makita ang mga ito.Ang magagandang nars ay napaatras habang hawak ang kanilang bibig, takot na baka lapitan sila ng mga taong iyon.Isang lalaking may tato ng leopard sa kanyang mukha ang bumaba mula sa kotse sa likod.Nakatitig siya nang masama, para bang nakamamatay ang kanyang titig.Ang kanyang hindi matatawarang bagsik ay makikitanrin sa kanyang aura.Basta lang niya hinawakan ang isang sigarilyo at sinindihan ito, hindi pinapansin ang bawal magsigarilyo na babala habang naglalakad sa loob.Humipak siya ng usok at pumito sa magagandang babae, parang nilalasap lang niya ang magandang

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 4355

    Higit sa lahat, hindi makakaligtas si Raven Keaton sa Golden Sands kapag nanatiling buhay si Harvey York."Hindi na rin masama. Magaling," sagot ni Marlon Lee."Nasaan siya?""Nasa Oak Crest Hospital!" sigaw ni Raven."Siguro dinala niya ang bruhang 'yun doon para ipurga."Tumango si Marlon bago patunugin ang kanyang daliri.“Jinny.”Isang lalaking mukhang babae na may tato sa mukha ang lumapit nang nakangiti."Gusto mo bang puntahan ko ang hangal na 'yun, Boss?"Itutumba ko siya para kay Anthony!""Itutumba siya?Natawa si Marlon."Huwag mong padaliin masyado para sa kanya."Dalhin mo siya pabalik dito. Tuturuan ko siya ng leksyon. Ipapakita ko sa kanya kung sinong pwede at hindi niya pwedeng banggain sa isang lugar na tulad ng Golden Sands." ***Nitong alas otso ng gabi, dinala ni Harvey si Mandy sa emergency room.Kailangang mapurga ang sikmura niya mula sa droga at alak.Buti na lang at hindi masyadong marami ang nainom ni Mandy. Ang kailangan lang niya ay malagya

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 4356

    "Dali! Kailangan natin ng blood transfusion!""Kailangan natin siyang gisingin!""Hindi ito maganda! Huminto ang puso niya! Kailangan natin ng manual resuscitation!"Umalingawngaw ang ingay ng medical staff. Naging mabigat kaagad ang ihip ng hangin sa main hall.Bumaba ng ambulansya ang mga inspektor, handa nang linisin ang buong lugar."Hayop! Bwisit!"Nagwala si Soren Braff at patuloy na sumigaw, para bang gusto niyang ibuhos ang kanyang galit."Anong nangyari, Director Braff?"Anong nangyari dito?Lumapit si Harvey York kay Soren nang mukhang nagtataka."Paano ito nangyari kay Watson…?"“Harvey? Master York?Uutusan na sana ni Soren ang isang tao na itaboy si Harvey hanggang sa makita niya ang mukha nito. Nanginig ang kanyang katawan bago makita ang pag-asa sa kanyang mukha."Iligtas mo ang kapatid ko, Master York! Siguradong kaya mo! Pakiusap!"Kumunot ang noo ni Harvey."Sabihin mo muna sa akin anong nangyari! Wala akong magagawa kapag hindi mo sinabi!"Nagkiskisan

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 4357

    Bumukas ang first aid tent nang marinig ang sirena.Isang doktor na may kasamang isang dosenang medical staff ang lumabas habang nasa harap ang kanilang mga kamay.Natatakpan ng face mask at goggles ang kanilang mukha nang yumuko sila."Pasensya na, Director Braff. Ginawa na namin ang makakaya namin."Kailangan mong ihanda ang sarili mo."Hindi alam ng doktor ang mararamdaman niya sa sandaling iyon.Kilala niya kung sino si Soren Braff. Ito ang dahilan kung bakit alam niyang magkakaroon siya ng pagkakataong mapalapit sa Braff family. Siguradong gaganda rin ang reputasyon niya pagkatapos nito.Pupurihin pa siya ng ospital at itataas ang kanyang pwesto.Ngunit dahil hindi niya masagip si Watson, natural na wala itong kinalaman sa kanya."Hindi! Hindi pa paray ang kapatid ko! Hindi siya pwedeng mamatay! Hindi!Nagkiskisan ang mga ngipin ni Soren."Kailangan niyong bumalik sa loob! Gawin niyo ang makakaya niyo!"Ipapasara ko ang buong ospital kapag hindi niyo siya naibalik!"N

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 4358

    Beep beep beep!Kasabay ng pagkilos ni Harvey York, ang flatline ay nagsimulang magbago.Unti-unti nang gumagaling si Watson Braff.Ngunit hindi nagtagal, sa harap mismo ng mga tao, muling naglaho ang tibok ng puso nito.Kaagad na natuliro ang mga taong nagagalak kanina. Si Harvey lang ang nanatiling kalmado. Alam niyang kailangan ni Watson ng oras para magpagaling.Natural lang na manghina siya nang ganito dahil nauubusan siya ng dugo.Sinimulang pindutin ni Harvey ang mga bahagi ng katawan ni Watson, pinapaigi ang daloy ng dugo."Ano 'to? Nakatanggap ka ng reaksyon mula sa kanya, tapis ngayon minamasahe mo siya?Napuno ng galit ang doktor nang makita niya ito.Sa isang banda, nahiya siya nang sobra sa pagkabigla niya kanina. Sa kabilang banda, galit siya dahil binunyag ni Harvey kung bakit ayaw niyang iligtas si Watson."Hindi na masadalba si Mr. Braff!"Mukha ngang gumagaling na siya kanina, pero saglit lang naman papa 'yun!"Para saan pa ang pagmasahe mo sa kanya ngay

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 4359

    Mukhang kalmado si Harvey habang ginagawa ang kanyang binabalak, hindi pinapansin ang doktor.Nakatitig nang masama ang doktor, tingin niya tama ang sinabi niya."Nasa amin ang mga pinakabata at pinakamagaling na medical staff! Mga professional kami!"Naibalita na namin ang pagkamatay ni Mr. Braff! Kahit ang Diyos ay hindi siya masasagip!"Hinubad ng magagandang nars ang maskara nila habang nakatitig nang masama kay Harvey, iniisip na nandito lang siya para gumawa ng gulo."Dapat manatiling mapagkumbaba ang mga tao," sagot ni Harvey."Hindi niyo kaya, pero hindi ibig-sabihin nito hindi ko kaya."Laging may taong mas magaling sa inyo. Dapat maintindihan niyo 'yun.""Hindi ko kaya?Kaagad na sumagot ang doktor nang marinig iyon."Makinig ka sa akin, bata! Hindi ako manloloko tulad mo!"Ako ang top doctor ng Oak Crest Hospital, si Maren Failes!"Ang guro ko ay walang iba kundi si Oskar Armstrong mismo!"Halos limang taon na akong nasa larangang ito! Ako rin ang bagong vice di

Bab terbaru

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5297

    Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5296

    ”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5295

    "Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5294

    Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5293

    Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5292

    Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5291

    Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5290

    Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5289

    Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status