Bam!Sa wakas ay nakuha na ni Anthony Lee ang mood bago siya natakot sa malakas na tunog.Kumukulo siya sa galit. Nakalunok siya ng tatlong tabletas para lang sa okasyong ito, pero may dumating na sumira sa palabas.“Gusto mo bang mamatay o ano, g*go ka?!” Malungkot na sigaw niya matapos makitang pumasok si Harvey York.Slap!Hindi nag aksaya ng oras si Harvey na sinampal si Anthony sa isang tabi.Napasigaw si Anthony sa sakit bago humampas sa marble table.Ang lugar ay isang ganap na gulo. Bumulwak ang dugo mula sa bibig ni Anthony habang nakahiga siya sa lupa, paralisado.Halos walang malay si Mandy Zimmer sa sandaling ito. Inipon niya ang lahat ng kanyang lakas para lamang idilat ang kanyang mga mata...Pero ng makita niyang sumulpot si Harvey, gumaan kaagad ang pakiramdam niya bago siya nawalan ng malay.“Sino ka ba?!”"Alam mo ba kung anong mangyayari kapag sinira mo ang negosyo ko dito?!"Patuloy ang pag ungol ni Anthony sa lupa dahil sa ginawa ni Harvey.Sa isang ba
Gumulong sa sahig si Anthony Lee, dinampot ang isang bote ng wine bqgo sigawan si Harvey York."Ang kapal naman ng mukha mong hawakan ako, hayop ka?!"Sinira mo ang mukha ko!"Patay ka sa akin! Naririnig mo ba ako?!"Babawian kita kahit anong mangyari!Galit na nagkiskisan ang ngipin ni Anthony."Mamatay na lang ako kapag hindi ko kayo napatay ni Mandy!""Ganun ba?Ngumiti si Harvey bago dumaan sa mga tao patungo kay Anthony."Hindi pa 'yan sapat para patayin ako! Ito dapat ang gawin mo!Binasag ni Harvey ang bote sa kamay ni Anthony, makikita ang mga talim nito."Mas mabuti 'yan."Halika! Saksakin mo ako!"Pangako hindi ako papalag!"Pagkatapos ay pinadaan ni Harvey ang daliri niya sa kanyang leeg bago ibaba ang kanyang daliri.Natulala si Anthony nang makita niya ang seryosong mukha ni Harvey.Napigilan ang galit niya. Hindi niya magalaw ang kanyang kamay na may hawak na bote sa mga oras na iyon.Natawa si Harvey."Tara! Dalian mo!"Kung may tapang ka na pagsamanta
Ang pinakanakakagulat para sa kanila Raven Keaton ay hindi lang dito huminto si Harvey York.Dinampot niya ang isa pang bote ng wine at hinampas ito sa ulo ni Anthony Lee.Bam!Isang malakas na tunog ang narinig sa buong lugar habang umiiyak si Anthony at nanginginig ang kanyang katawan.Hindi pa siya natrato nang ganito sa buong buhay niya.Sa sandaling ito, naunawaan na niya ang takot na mamatay.Sa paningin niya, talagang papatayin siya ni Harvey!Hindi lamang si Anthony kundi maging ang mga tao sa paligid niya ay napuno ng takot!Walang makatiis ng eksenang ito.Hindi madaling gawin ang malinis na atake ni Harvey.Marami nang nakita ang mga tao dito na mga taong malakas umatake…Ngunit ito ang unang pagkakataong nakakita sila ng taong ganito kalupit.Higit sa lahat, maraming tao sa sitwasyong ito ang magsasalita lamang ngunit hindi talaga kikilos.Nang damputin ni Harvey ang ikatlong bote, sumuko na si Anthony."Nababaliw ka na ba?!"Ako si Anthony Lee!"Ako ang vic
"Sige. Dahil masyado kang matapat sa akin, bubuhayin kita sa ngayon!" seryosong sigaw ni Harvey York.Nanginig si Anthony bago bumagsak sa sahig, hindi makagalaw. Hindi nagtagal, makikitang basang-basa na ang kanyang pantalon.Hindi niya napigilan ang maihi…Pagkatapos, kalmadong lumapit si Harvey kay Raven Keaton.Ang isang dosenang malalakas na guwardiya ay lumapit nang nagkikiskisan ang mga ngipin.Ngunit sa sandaling magkatitigan sila ni Harvey, nanginig sila. "Tabi!"Kumikirot nang husto ang mata ng mga guwardiya. Natuyo ang lalamunan nila habang hindi sila makapagsalita.Kaagad silang tumabi parang mga tulalang ibon.Si Raven, na kanina pang nagmamataas ay mukhang takot na takot.Gusto niyang isalba ang dangal niya ngunit nanginginig siya sa takot nang makita niya ang malamig na titig ni Harvey.Umatras si Raven bago magkiskisan ang kanyang ngipin."Anong gusto mo?"Pinagsamantalahan ni Anthony Lee ang mga tao sa teritoryo niyo. Bilang boss nito, hindi ka lamang nag
Makalipas ang kalahating oras. Sa loob ng pinakamagandang ospital ng Golden Sands.Dumiretso ang mga Toyota Prado na magkakapareho ang kulay sa labas ng lugar.Hindi nagtagal, dose-dosenang mga lalaki ang bumaba mula sa mga kotse.Nakasuot sila ng itim na amerikana at iba-iba ang estilo at kulay ng kanilang buhok.Naglalabas sila ng nakakatakot na aura.Kusang lumayo ang mga guwardiya nang makita ang mga ito.Ang magagandang nars ay napaatras habang hawak ang kanilang bibig, takot na baka lapitan sila ng mga taong iyon.Isang lalaking may tato ng leopard sa kanyang mukha ang bumaba mula sa kotse sa likod.Nakatitig siya nang masama, para bang nakamamatay ang kanyang titig.Ang kanyang hindi matatawarang bagsik ay makikitanrin sa kanyang aura.Basta lang niya hinawakan ang isang sigarilyo at sinindihan ito, hindi pinapansin ang bawal magsigarilyo na babala habang naglalakad sa loob.Humipak siya ng usok at pumito sa magagandang babae, parang nilalasap lang niya ang magandang
Higit sa lahat, hindi makakaligtas si Raven Keaton sa Golden Sands kapag nanatiling buhay si Harvey York."Hindi na rin masama. Magaling," sagot ni Marlon Lee."Nasaan siya?""Nasa Oak Crest Hospital!" sigaw ni Raven."Siguro dinala niya ang bruhang 'yun doon para ipurga."Tumango si Marlon bago patunugin ang kanyang daliri.“Jinny.”Isang lalaking mukhang babae na may tato sa mukha ang lumapit nang nakangiti."Gusto mo bang puntahan ko ang hangal na 'yun, Boss?"Itutumba ko siya para kay Anthony!""Itutumba siya?Natawa si Marlon."Huwag mong padaliin masyado para sa kanya."Dalhin mo siya pabalik dito. Tuturuan ko siya ng leksyon. Ipapakita ko sa kanya kung sinong pwede at hindi niya pwedeng banggain sa isang lugar na tulad ng Golden Sands." ***Nitong alas otso ng gabi, dinala ni Harvey si Mandy sa emergency room.Kailangang mapurga ang sikmura niya mula sa droga at alak.Buti na lang at hindi masyadong marami ang nainom ni Mandy. Ang kailangan lang niya ay malagya
"Dali! Kailangan natin ng blood transfusion!""Kailangan natin siyang gisingin!""Hindi ito maganda! Huminto ang puso niya! Kailangan natin ng manual resuscitation!"Umalingawngaw ang ingay ng medical staff. Naging mabigat kaagad ang ihip ng hangin sa main hall.Bumaba ng ambulansya ang mga inspektor, handa nang linisin ang buong lugar."Hayop! Bwisit!"Nagwala si Soren Braff at patuloy na sumigaw, para bang gusto niyang ibuhos ang kanyang galit."Anong nangyari, Director Braff?"Anong nangyari dito?Lumapit si Harvey York kay Soren nang mukhang nagtataka."Paano ito nangyari kay Watson…?"“Harvey? Master York?Uutusan na sana ni Soren ang isang tao na itaboy si Harvey hanggang sa makita niya ang mukha nito. Nanginig ang kanyang katawan bago makita ang pag-asa sa kanyang mukha."Iligtas mo ang kapatid ko, Master York! Siguradong kaya mo! Pakiusap!"Kumunot ang noo ni Harvey."Sabihin mo muna sa akin anong nangyari! Wala akong magagawa kapag hindi mo sinabi!"Nagkiskisan
Bumukas ang first aid tent nang marinig ang sirena.Isang doktor na may kasamang isang dosenang medical staff ang lumabas habang nasa harap ang kanilang mga kamay.Natatakpan ng face mask at goggles ang kanilang mukha nang yumuko sila."Pasensya na, Director Braff. Ginawa na namin ang makakaya namin."Kailangan mong ihanda ang sarili mo."Hindi alam ng doktor ang mararamdaman niya sa sandaling iyon.Kilala niya kung sino si Soren Braff. Ito ang dahilan kung bakit alam niyang magkakaroon siya ng pagkakataong mapalapit sa Braff family. Siguradong gaganda rin ang reputasyon niya pagkatapos nito.Pupurihin pa siya ng ospital at itataas ang kanyang pwesto.Ngunit dahil hindi niya masagip si Watson, natural na wala itong kinalaman sa kanya."Hindi! Hindi pa paray ang kapatid ko! Hindi siya pwedeng mamatay! Hindi!Nagkiskisan ang mga ngipin ni Soren."Kailangan niyong bumalik sa loob! Gawin niyo ang makakaya niyo!"Ipapasara ko ang buong ospital kapag hindi niyo siya naibalik!"N