Pagkatapos mabastos, sumama lalo ang mukha ni Samson Lee. Gusto niyang magwala ngunit hindi siya makahanap ng dahilan. Sa takot na hindi maging madali ang sitwasyon dito, kaagad na lumabas si Thomas Burton nang pilit na nakangiti."Nagkakamali lang kayo, Director Lee!"Gayunpaman, hindi naman namin pwedeng hayaan na mapunta sa wala ang pagpunta niyong lahat, diba?"Maghahanda ako ng isang pagsasalo para sa lahat ngayong tanghali! Sigurado akong matutuwa ang lahat!""Pagkakamali?! Kalokohan!Sinipa ni Samson si Thomas pagilid."Kapag dumaldal ka pa at sinubukan kaming suhukan, kakasuhan kita sa panggugulo sa batas!"Ipapakulong kita habang buhay!"Pagkatapos makitang nagbibintang ang lalaki nang hindi nahihiya, nagbago ang mukha ni Thomas.Sa sandaling magsasalita na siya, ikinumpas ni Harvey York ang kanyang kamay para pigilan siya."Tama na, kayong dalawa. Nasa Fortune Hall ang bawat isang dokumentong kailangan mo. May mga certificate rin kami para patunayan ang karanasan
Hindi nagtagal, sila Harvey York ay dinala sa loob ng mga sasakyan ng gobyerno.Pati ang mga phone nila ay kinumpiska, pinipigilan silang kumausap ng ibang tayo sa malayo.Voom voom voom!Biglang tumunog ang phone ni Harvey habang nasa daan. Isang hindi kilalang numero ang makikita sa screen.Naiinis na hinawi ni Cyrus Bierstadt ang phone bago sagutin ang tawag.Isang malungkot ngunit magalang na tono ang maririnig mula sa kabilang linya."Hello! Si Master York ba ito? Ako ay…"Natawa si Cyrus."Tama na! Wala man lang karapatan si Harvey na magbukas ng negosyo! Naaresto na namin ang taong iyon!"Mabuti pa at huwag mo nang hanapin ang manlolokong 'yun!"Makukulong na siya!""Ako si Watson Braff. Sino ka ba?"Maririnig ang seryosong boses mula sa kabilang linya."Ano namang pakialam mo?!Nanggigil sa galit si Cyrus nang marinig niya ang agresibong tono nito."Aarestuhin rin kiita kapag patuloy ka pang dumaldal! Ipapahanap kita gamit ng phone mo kung kailangan!“Hmph!”Ka
"Ano 'yang inaasal mo, hayop ka?!“Hmm?!Nagalit si Samson Lee nang makita niya ang inaasal ni Harvey York."Babalatan kita nang buhay!"Nang kikibo na sana si Samson, may kumatok sa labas bago pumasok ang isang inspektor na mukhang kinakabahan. Si Cyrus Bierstadt, na mukhang kalmado, ay kumumpas para tigilan ni Samson ang kakatingin."Umamin na ba ang mga kasama ni Harvey?"Kilala na namin kung sino ang mga taong iyon, Director!" sigaw ng tauhan."Magaling. Sadyang ayaw sumuko nh ibang tao hanggang sa makakita sila ng ebidensya…Mukhang mayabang si Cyrus bago titigan nang masama si Harvey, sinusubukan itong takutin. Gayunpaman, malinaw na para sa wala lang ito dahil hindi ito pinansin ni Harvey."Magsalita ka! Sabihan mo sa lalaking ito kung sino sila nang maintindihan niya kung gaano tayo kabilis kumilos!"“Director…Nagdalawang-isip ang tauhan."Ang naglilinis ng banyo ay tinatawag na Dynamo. Isa siya sa mga boss ng Newgate Chamber of Commerce kasama ang ilang mga gang
Pagkatapos pagalitan ang kanyang tauhan, tinitigan nang masama ni Cyrus Bierstadt ang taong nagsimula ng lahat, si Samson Lee. Sumama ang mukha ni Samson.Si Cyrus ang nagsabi sa kanya na si Harvey York ay isa lamang live-in son-in-law. Bakit naman magkakaroon ng ganito karaming malalakas na taong nagtatrabaho para sa kanya ang ganitong tao?Sadyang pambihira ito!"Namamanhid na ba ang mga ulo niyo? Pinagpapawisan ba ang likod niyo?"Kalmadong dumilat si Harvey nang mukhang mapang-asar.Magsisimula pa lang ang palabas.Hindi mapigilan ni Samson ang kanyang galit nang marinig ang pangmamaliit ni Harvey.Galit niyang hinampas ang lamesa, sinisigawan si Harvey, "Huwag ka nang magyabang kayop ka!"Tingin mo ba makakaalis ka dito nang buhay dahil lang may kilala kang mayaman?!"Sasabihin ko sa'yo!"Napunta ka dito dahil nanloloko ka ng mga tao! Kahit ang Diyos hindi ka maliligtas!"Sinabi ko na eh!"Mabuti pa aminin mo na ang mga krimen mo bago pa lumala ang mga bagay!"Nan
Isang grupo ng mga taong nakasuot ng uniporme ng gobyerno ang nagpakita sa labas.Ang first-in-command ng housing department, si Watson Braff, ang nangunguna sa grupo.Ang tao sa tabi niya ay walang iba kundi ang kapatid niya, ang first-in-command ng Golden Sands Police Station, si Soren Braff!Ang aura na mayroon ang dalawa ay nakakatakot.“Director Braff…Kumirot ang mga mata ni Cyrus Bierstadt at Samson Lee bago sila tumayo mula sa kanilang upuan para magbigay-galang."Bakit kayo naparito?"Tinawagan niyo na lang sana kami! Bakit pa mismo kayo pupunta?"Hindi pinansin ni Watson ang dalawa bago magalang sa harapan ni Harvey York."Master York! Nagkita tayo ulit!"Maraming salamat sa kabutihan mo noon!"Naging ignorante kanina!"Huwag niyo na lang akong pansinin!"Kailangan kong hingiin ang tulong mo ngayon…"Pagkatapos, inilabas ni Watson ang susi ng kanyang kotse nang takot na takot, sa takot na baka tanggihan siya ni Harvey.Ngumiti si Harvey."Hindi naman sa ayaw k
"Naibaba na namin si Samson Lee at Cyrus Bierstadt, Master York!"Lahat ng ginawa nila dati, lahat ng ebidensya ng kanilang kabulokan, ay sapat na para makulong sila habang buhay!Ang mapagmataas na ugali ni Watson Braff ay napalitan ng respeto at paggalang."Ayon sa dalawa, mukhang si Mandy Zimmer ang nasa likod ng lahat ng ito."Mukhang nagtataka si Watson.Natural, tiningnan na niya ang relasyon nila ni Harvey York.Kumunot ang noo ni Harvey. Hindi niya inakalang ganito katapang si Mandy para gamitin ang kanyang koneksyon laban sa Fortune Hall."Nagiging maunawain lamang si Mandy. Ayaw niyang masaktan mo ang mga tao o mapahamak ka dahil sa geomancy mo."Mula sa pananaw na ito, ibinabalita lamang niya ang sitwasyon sa awtoridad.Walang balak si Watson na itago ang kahit na ano."Ito ang dahilan kung bakit hindi niya pinaako ng responsibilidad si Mandy. Gayunpaman, may mga taong magsasabi sa kanya na tapos na ang sitwasyon."Tumango si Harvey."Salamat, Doctor Braff. Pasen
Sa sandaling ilagay ni Watson ang tela sa kanyang kamay, lumipad ito sa ere bago ito maging abo.Nagtaka si Soren Braff nang makita niya ito."Anong nangyari Watson?"Tiningnan ni Watson ang kanyang kapatid bago ipaliwanag ang nangyari kahapon.Kaagad siyang umuwi pag-alis ng hotel…Ngunit parang nakaramdam siya ng matinding pagod habang nasa daan siya.Alam niyang hindi siya dapat makatulog, pero ayaw makisama ng katawan at talukap niya.Sa isang maingay na kalye tulad ng kung nasaan siya, madaling isipin kung anong mangyayari kapag talagang pumikit siya.Nang mawawalan na siya ng malay, isang kakaibang init ang dumampi sa puso niya bago bumalik angnkanyang malay.Ngunit gayunpaman, ang buong katawan niya ay basang-basa ng pawis. Malapit na niyang dalhin ang sarili niya sa tubig.Kumunot ang noo ni Soren nang marinig ang paliwanag ng kanyang kapatid."Wala 'yan. Siguradong napagod ka lang."Hindi naman sa gusto kong magreklamo, pero dapat kumuha ka na ng driver mo.""Mana
Gayunpaman, ginagalang nang sobra ni Soren Braff ang kanyang kapatid kaya hindi siya nagsalita tungkol dito. Kalmado niyang tiningnan si Harvey York, hinihintay niya kung anong gagawin nito tungkol dito."Nakita ko na ang kaya mong gawin, Master York!"Namatay na sana ako kung hindi dahil sa'yo!"Nakalibing na sana ang buong pamilya ko kasama ko!Napuno ng respeto si Watson Braff para kay Harvey."Gayunpaman, ako lang ang humawak sa kotse. Hindi pa ako pumupunya sa sementeryo at wala rin akong ginagalaw na kahit ano…"Hinalughog ko na ang kotse pero wala akong mahanap…"Ikinumpas ni Harvey ang kanyang kamay para putulin ang pagsasalita ni Watson."Tingnan natin ang kotse."Pagkatapos, naglakad si Harvey palabas bago makarating sa harap ng Audi A8 ni Watson.Nakakapagtaka. Maraming beses nang naaksidente si Warson, pero hindi pa rin natitinag ang kotse niya.Mula sa hinuha ni Harvey, ang patay na hangin na nagmumula sa kotse ay hindi mawawala hanggat hindi namamatay si Watson