Isang grupo ng mga taong nakasuot ng uniporme ng gobyerno ang nagpakita sa labas.Ang first-in-command ng housing department, si Watson Braff, ang nangunguna sa grupo.Ang tao sa tabi niya ay walang iba kundi ang kapatid niya, ang first-in-command ng Golden Sands Police Station, si Soren Braff!Ang aura na mayroon ang dalawa ay nakakatakot.“Director Braff…Kumirot ang mga mata ni Cyrus Bierstadt at Samson Lee bago sila tumayo mula sa kanilang upuan para magbigay-galang."Bakit kayo naparito?"Tinawagan niyo na lang sana kami! Bakit pa mismo kayo pupunta?"Hindi pinansin ni Watson ang dalawa bago magalang sa harapan ni Harvey York."Master York! Nagkita tayo ulit!"Maraming salamat sa kabutihan mo noon!"Naging ignorante kanina!"Huwag niyo na lang akong pansinin!"Kailangan kong hingiin ang tulong mo ngayon…"Pagkatapos, inilabas ni Watson ang susi ng kanyang kotse nang takot na takot, sa takot na baka tanggihan siya ni Harvey.Ngumiti si Harvey."Hindi naman sa ayaw k
"Naibaba na namin si Samson Lee at Cyrus Bierstadt, Master York!"Lahat ng ginawa nila dati, lahat ng ebidensya ng kanilang kabulokan, ay sapat na para makulong sila habang buhay!Ang mapagmataas na ugali ni Watson Braff ay napalitan ng respeto at paggalang."Ayon sa dalawa, mukhang si Mandy Zimmer ang nasa likod ng lahat ng ito."Mukhang nagtataka si Watson.Natural, tiningnan na niya ang relasyon nila ni Harvey York.Kumunot ang noo ni Harvey. Hindi niya inakalang ganito katapang si Mandy para gamitin ang kanyang koneksyon laban sa Fortune Hall."Nagiging maunawain lamang si Mandy. Ayaw niyang masaktan mo ang mga tao o mapahamak ka dahil sa geomancy mo."Mula sa pananaw na ito, ibinabalita lamang niya ang sitwasyon sa awtoridad.Walang balak si Watson na itago ang kahit na ano."Ito ang dahilan kung bakit hindi niya pinaako ng responsibilidad si Mandy. Gayunpaman, may mga taong magsasabi sa kanya na tapos na ang sitwasyon."Tumango si Harvey."Salamat, Doctor Braff. Pasen
Sa sandaling ilagay ni Watson ang tela sa kanyang kamay, lumipad ito sa ere bago ito maging abo.Nagtaka si Soren Braff nang makita niya ito."Anong nangyari Watson?"Tiningnan ni Watson ang kanyang kapatid bago ipaliwanag ang nangyari kahapon.Kaagad siyang umuwi pag-alis ng hotel…Ngunit parang nakaramdam siya ng matinding pagod habang nasa daan siya.Alam niyang hindi siya dapat makatulog, pero ayaw makisama ng katawan at talukap niya.Sa isang maingay na kalye tulad ng kung nasaan siya, madaling isipin kung anong mangyayari kapag talagang pumikit siya.Nang mawawalan na siya ng malay, isang kakaibang init ang dumampi sa puso niya bago bumalik angnkanyang malay.Ngunit gayunpaman, ang buong katawan niya ay basang-basa ng pawis. Malapit na niyang dalhin ang sarili niya sa tubig.Kumunot ang noo ni Soren nang marinig ang paliwanag ng kanyang kapatid."Wala 'yan. Siguradong napagod ka lang."Hindi naman sa gusto kong magreklamo, pero dapat kumuha ka na ng driver mo.""Mana
Gayunpaman, ginagalang nang sobra ni Soren Braff ang kanyang kapatid kaya hindi siya nagsalita tungkol dito. Kalmado niyang tiningnan si Harvey York, hinihintay niya kung anong gagawin nito tungkol dito."Nakita ko na ang kaya mong gawin, Master York!"Namatay na sana ako kung hindi dahil sa'yo!"Nakalibing na sana ang buong pamilya ko kasama ko!Napuno ng respeto si Watson Braff para kay Harvey."Gayunpaman, ako lang ang humawak sa kotse. Hindi pa ako pumupunya sa sementeryo at wala rin akong ginagalaw na kahit ano…"Hinalughog ko na ang kotse pero wala akong mahanap…"Ikinumpas ni Harvey ang kanyang kamay para putulin ang pagsasalita ni Watson."Tingnan natin ang kotse."Pagkatapos, naglakad si Harvey palabas bago makarating sa harap ng Audi A8 ni Watson.Nakakapagtaka. Maraming beses nang naaksidente si Warson, pero hindi pa rin natitinag ang kotse niya.Mula sa hinuha ni Harvey, ang patay na hangin na nagmumula sa kotse ay hindi mawawala hanggat hindi namamatay si Watson
"Gayunpaman, wala pa ring naaayos ito."Walang karaniwang tao na makakagawa ng ganitong bagay."Hindi mo ito maaayos hanggat hindi mo nabibingwit ang taong nasa likod ng insidenteng ito," sinabi ni Harvey York.May mga hula si Harvey kung sino ang kakalaban kay Watson Braff nang ganito, ngunit sasabihin lamang niya kung gusto ni Watson.Tumango nang bahagya si Watson.","Iisip ako ng paraan para hanapin ang ugat nito ..*Napuno ng pagtataka si Watson habang nakatingin kay Harvey.Sa isang gabi lamang, nagbago na ang kanyang tingin kay Harvey.Una, akala niya isa lamang manloloko si Harvey…Pero ngayon, ayaw niya nang mag-isip ng ganyan.Kumg hindi dahil kay Harvey, maraming beses na sana siyang namatay.Ang kalaban niya ay walang pakundangan. Wala siyang paraan para protektahan ang kanyang sarili bukod sa hingiin ang tulong ng isang taong tulad ni Harvey.Para sa kanyang Hermit Family at sa sarili niyang kapakanan, alam ni Watson na kailangan niyang umasa kay Harvey.Dahi
"Naniniwala ako sa'yo, pero naniniwala rin akong kaya itong ayusin ng pamilya ko!" seryosong sigaw ni Soren."Siguro sa tingin mo, ikaw ang nag-ayos ss buhay ng kapatid ko!"Pero para sa akin, malinaw na may iba kang balak!"Mabut pa at hinlingjn ko na sana mali ako."Pagkatapos, tinapik ni Soren si Harvey York sa balikat.Natural, kaya niyang baligtarin ang balikat ng isang karaniwang tao sa lakas na iyon.Hindi naman sa may personal siyang probelma kay Harvey. Gusto lamang niyang malaman ni Harvey kung gaano talaga kalakas ang Braff family.Tap!Nanginig ang katawan ni Soren bago siya mabigla.Nanatiling nakatayo si Harvey, ngunit pakiramdam ni Soren parang inilapag niya ang kanyang kamay sa bakal.Ang matinding yanig na naramdaman niya sa kanyang kamay ay yumanig hanggang sa kanyang dibdib sa puntong nasuja siya ng dugo.'Nako! Isa siyang expert martial artist!'"Mabuti pa at tipirin mo ang lakas mo, Director Braff.Ngumiti si Harvey bago niya hawiin ang kamay ni Soren.
Habang hindi makapaniwala ang magkapatid sa pagdedesisyon na nakasalalay na kay Harvey York ang buhay nila…Isang malaking grupo ng tao ang nagtipon sa paligid ng Fortune Hall.Inabot ni Cliff Saban kay Harvey ang isang tasa ng tsaa nang nakangiti."Ang swerte mo Sir York!"Gamit ang kotse, makakapunta ka na sa kahit saan sa Golden Sands!"Ngumiti si Daniel Jackson."Balita ko may isang first-in-command na dumadalaw sa isang geomancy expert bawat linggo, pinapalawak ang koneksyon nito sa maikling panahon."Hindi ako naniwala dito noon, pero ngayon naniniwala na ako."Kaya pala sinasabi ng lahat na ang isang tunay na geomancy expert ang hari ng underworld!"Ngumiti lamang si Harvey."Magkaibigan lamang kami ni Watson Braff. Sobra naman ata 'yan, ano?"Ayos lang na pag-usapan 'yan, pero siguruhin niyong mananatili lang 'yan dito."Lumapit si Thomas Burton nang mukhang manghang-mangha."Hindi mo kilala ang Braff family, Sir York?"Isa sila sa Hermit Family na tinutukoy namin
"Sa madaling salita, kung sa usapan ng pera…"Ang Pagan family, ang Robbins family, at ang Jackson family ay may yaman sa maraming paraan na kayang pumalag sa ibang bansa."Pagdating sa awtoridad…"Ang Bolton family at Gibson family ang malaking tagapagbantay ng siyudad! Ngayong nandito sila, walang magtatapang na magbanta sa siyudad!"Gayunpaman, ang nag-iisang tunay na powerhouse ay ang Braff family pa rin!"Ang pamilyang iyon ay puno ng pambihirang talento!"Ang lolo, tatay, at panganay na kuya ni Watson Braff ang dating first-in-command ng siyudad na ito noon!"Dalawang elder na ang nagretiro, ngunit matindi pa rin ang impluwensya nila sa gobyerno."Kakalipat lamang ng kapatid ni Watson sa mas mataas na posisyon ss Wolsing."Para naman kay Watson at Soren Braff, hindi mo na kailangang magpaliwanag pa sa kanila."Bukod pa diyan, maraming tao sa pamlyang iyon ang may mahalagang posisyon sa gobyerno!"Masasabing pagmamay-ari nila ang govyerno ng siyudad!"Gayunpaman, ang B