"Nanggagantso ng mga tao?"Nabigla ang mga mamimili."Siguradong nagkakamali lang kayo, Inspector!""Tama! Maraming taon nang nandito ang Fortune Hall! Sa puntong ito, lahat ng nasa paligid ay mga suki na nila!"Higit pa rito, hindi pa sila tumatanggap ng pera!""Paano sila makakapanloko ng tao?!""Oo nga! Panahon pa lang ng Whip Dynasty nandito na ang Fortune Hall! Anong sinasabi niyong may legal na dokumento?!""Sinumpa ba kayo? Ayos lang ba talaga kayo?"Natawa ang lahat, tingin nila nag-iimbento lamang si Samson Lee at Cyrus Bierstadt."Kami ang kumakatawan sa batas! Hindi mo ba nakikita?!"Ang lugar na ito ay isang malaking scam! Mamamatay ang mga tao para dito!"Bakit hindi niyo maintindihan?!"Kaagad na nagdilim ang mukha ni Samson bago niya sigawan ang mga tao, "Dali! Umalis na kayo dito bago ko arestuhin kayong lahat!""Wala kayong karapatang magsalita kung scam ba ang lugar na ito!""Oo nga! Simula pa lang para na sa mga tao dito ang lugar na ito! Ayos lang bast
Pagkatapos mabastos, sumama lalo ang mukha ni Samson Lee. Gusto niyang magwala ngunit hindi siya makahanap ng dahilan. Sa takot na hindi maging madali ang sitwasyon dito, kaagad na lumabas si Thomas Burton nang pilit na nakangiti."Nagkakamali lang kayo, Director Lee!"Gayunpaman, hindi naman namin pwedeng hayaan na mapunta sa wala ang pagpunta niyong lahat, diba?"Maghahanda ako ng isang pagsasalo para sa lahat ngayong tanghali! Sigurado akong matutuwa ang lahat!""Pagkakamali?! Kalokohan!Sinipa ni Samson si Thomas pagilid."Kapag dumaldal ka pa at sinubukan kaming suhukan, kakasuhan kita sa panggugulo sa batas!"Ipapakulong kita habang buhay!"Pagkatapos makitang nagbibintang ang lalaki nang hindi nahihiya, nagbago ang mukha ni Thomas.Sa sandaling magsasalita na siya, ikinumpas ni Harvey York ang kanyang kamay para pigilan siya."Tama na, kayong dalawa. Nasa Fortune Hall ang bawat isang dokumentong kailangan mo. May mga certificate rin kami para patunayan ang karanasan
Hindi nagtagal, sila Harvey York ay dinala sa loob ng mga sasakyan ng gobyerno.Pati ang mga phone nila ay kinumpiska, pinipigilan silang kumausap ng ibang tayo sa malayo.Voom voom voom!Biglang tumunog ang phone ni Harvey habang nasa daan. Isang hindi kilalang numero ang makikita sa screen.Naiinis na hinawi ni Cyrus Bierstadt ang phone bago sagutin ang tawag.Isang malungkot ngunit magalang na tono ang maririnig mula sa kabilang linya."Hello! Si Master York ba ito? Ako ay…"Natawa si Cyrus."Tama na! Wala man lang karapatan si Harvey na magbukas ng negosyo! Naaresto na namin ang taong iyon!"Mabuti pa at huwag mo nang hanapin ang manlolokong 'yun!"Makukulong na siya!""Ako si Watson Braff. Sino ka ba?"Maririnig ang seryosong boses mula sa kabilang linya."Ano namang pakialam mo?!Nanggigil sa galit si Cyrus nang marinig niya ang agresibong tono nito."Aarestuhin rin kiita kapag patuloy ka pang dumaldal! Ipapahanap kita gamit ng phone mo kung kailangan!“Hmph!”Ka
"Ano 'yang inaasal mo, hayop ka?!“Hmm?!Nagalit si Samson Lee nang makita niya ang inaasal ni Harvey York."Babalatan kita nang buhay!"Nang kikibo na sana si Samson, may kumatok sa labas bago pumasok ang isang inspektor na mukhang kinakabahan. Si Cyrus Bierstadt, na mukhang kalmado, ay kumumpas para tigilan ni Samson ang kakatingin."Umamin na ba ang mga kasama ni Harvey?"Kilala na namin kung sino ang mga taong iyon, Director!" sigaw ng tauhan."Magaling. Sadyang ayaw sumuko nh ibang tao hanggang sa makakita sila ng ebidensya…Mukhang mayabang si Cyrus bago titigan nang masama si Harvey, sinusubukan itong takutin. Gayunpaman, malinaw na para sa wala lang ito dahil hindi ito pinansin ni Harvey."Magsalita ka! Sabihan mo sa lalaking ito kung sino sila nang maintindihan niya kung gaano tayo kabilis kumilos!"“Director…Nagdalawang-isip ang tauhan."Ang naglilinis ng banyo ay tinatawag na Dynamo. Isa siya sa mga boss ng Newgate Chamber of Commerce kasama ang ilang mga gang
Pagkatapos pagalitan ang kanyang tauhan, tinitigan nang masama ni Cyrus Bierstadt ang taong nagsimula ng lahat, si Samson Lee. Sumama ang mukha ni Samson.Si Cyrus ang nagsabi sa kanya na si Harvey York ay isa lamang live-in son-in-law. Bakit naman magkakaroon ng ganito karaming malalakas na taong nagtatrabaho para sa kanya ang ganitong tao?Sadyang pambihira ito!"Namamanhid na ba ang mga ulo niyo? Pinagpapawisan ba ang likod niyo?"Kalmadong dumilat si Harvey nang mukhang mapang-asar.Magsisimula pa lang ang palabas.Hindi mapigilan ni Samson ang kanyang galit nang marinig ang pangmamaliit ni Harvey.Galit niyang hinampas ang lamesa, sinisigawan si Harvey, "Huwag ka nang magyabang kayop ka!"Tingin mo ba makakaalis ka dito nang buhay dahil lang may kilala kang mayaman?!"Sasabihin ko sa'yo!"Napunta ka dito dahil nanloloko ka ng mga tao! Kahit ang Diyos hindi ka maliligtas!"Sinabi ko na eh!"Mabuti pa aminin mo na ang mga krimen mo bago pa lumala ang mga bagay!"Nan
Isang grupo ng mga taong nakasuot ng uniporme ng gobyerno ang nagpakita sa labas.Ang first-in-command ng housing department, si Watson Braff, ang nangunguna sa grupo.Ang tao sa tabi niya ay walang iba kundi ang kapatid niya, ang first-in-command ng Golden Sands Police Station, si Soren Braff!Ang aura na mayroon ang dalawa ay nakakatakot.“Director Braff…Kumirot ang mga mata ni Cyrus Bierstadt at Samson Lee bago sila tumayo mula sa kanilang upuan para magbigay-galang."Bakit kayo naparito?"Tinawagan niyo na lang sana kami! Bakit pa mismo kayo pupunta?"Hindi pinansin ni Watson ang dalawa bago magalang sa harapan ni Harvey York."Master York! Nagkita tayo ulit!"Maraming salamat sa kabutihan mo noon!"Naging ignorante kanina!"Huwag niyo na lang akong pansinin!"Kailangan kong hingiin ang tulong mo ngayon…"Pagkatapos, inilabas ni Watson ang susi ng kanyang kotse nang takot na takot, sa takot na baka tanggihan siya ni Harvey.Ngumiti si Harvey."Hindi naman sa ayaw k
"Naibaba na namin si Samson Lee at Cyrus Bierstadt, Master York!"Lahat ng ginawa nila dati, lahat ng ebidensya ng kanilang kabulokan, ay sapat na para makulong sila habang buhay!Ang mapagmataas na ugali ni Watson Braff ay napalitan ng respeto at paggalang."Ayon sa dalawa, mukhang si Mandy Zimmer ang nasa likod ng lahat ng ito."Mukhang nagtataka si Watson.Natural, tiningnan na niya ang relasyon nila ni Harvey York.Kumunot ang noo ni Harvey. Hindi niya inakalang ganito katapang si Mandy para gamitin ang kanyang koneksyon laban sa Fortune Hall."Nagiging maunawain lamang si Mandy. Ayaw niyang masaktan mo ang mga tao o mapahamak ka dahil sa geomancy mo."Mula sa pananaw na ito, ibinabalita lamang niya ang sitwasyon sa awtoridad.Walang balak si Watson na itago ang kahit na ano."Ito ang dahilan kung bakit hindi niya pinaako ng responsibilidad si Mandy. Gayunpaman, may mga taong magsasabi sa kanya na tapos na ang sitwasyon."Tumango si Harvey."Salamat, Doctor Braff. Pasen
Sa sandaling ilagay ni Watson ang tela sa kanyang kamay, lumipad ito sa ere bago ito maging abo.Nagtaka si Soren Braff nang makita niya ito."Anong nangyari Watson?"Tiningnan ni Watson ang kanyang kapatid bago ipaliwanag ang nangyari kahapon.Kaagad siyang umuwi pag-alis ng hotel…Ngunit parang nakaramdam siya ng matinding pagod habang nasa daan siya.Alam niyang hindi siya dapat makatulog, pero ayaw makisama ng katawan at talukap niya.Sa isang maingay na kalye tulad ng kung nasaan siya, madaling isipin kung anong mangyayari kapag talagang pumikit siya.Nang mawawalan na siya ng malay, isang kakaibang init ang dumampi sa puso niya bago bumalik angnkanyang malay.Ngunit gayunpaman, ang buong katawan niya ay basang-basa ng pawis. Malapit na niyang dalhin ang sarili niya sa tubig.Kumunot ang noo ni Soren nang marinig ang paliwanag ng kanyang kapatid."Wala 'yan. Siguradong napagod ka lang."Hindi naman sa gusto kong magreklamo, pero dapat kumuha ka na ng driver mo.""Mana
“Ama, Osman…”Nagtigilan si Calvin, pagkatapos ay gumawa ng ilang hakbang pasulong."Nandito ka na sa wakas! Kailangan mo akong tulungan!”Sumimangot so Emory; yumuko siya nang walang sinasabi.Nagliliyab ang mga mata ni Osman nang makita ang mga ginawa ng kanyang anak na babae, ngunit wala siyang sinabi tungkol dito.Lumapit si Adler at sinuri si Calvin; pagkatapos masigurong hindi nasaktan ang kanyang sanggol, tiningnan niya ang paligid.“Kahanga-hanga! Talagang kahanga-hanga!"Nagpunta siya dito sa headquarters para lang bastusin ang ating pamilya!“Narinig ko na pinoprotektahan din niya ang mga Gibson!"Napakayabang ng hayop na ‘yun, ano?""Ano naman ang tungkol sa Law Enforcement Hall at ang mga tagapangalaga nito?""Hindi ba't lagi nilang tinatawag ang kanilang sarili na ang pinakamalupit na tao ng Heaven's Gate?""Bakit hindi na lang natin patayin ang hayop na ‘yun?!"Naramdaman ni Calvin na hindi siya komportable; may mga bagay na wala siyang oras para ipaliwanag.
Ang mga taong ito ay dapat na mga mahalagang tagasunod ni Calvin upang makuha ang kapangyarihan matapos siyang maging batang panginoon ng Heaven’s Gate.Hindi niya akalain na lahat sila ay magiging pilay bago niya magamit ang mga ito para kumbinsihin ang iba pang mga eksperto na maging panig niya!Kahit na palitan niya ang lahat ng mga taong ito, malamang na hindi sila magiging kasing tapat.Higit pa rito, batay sa kasalukuyang sitwasyon, maaari ba siyang umangat?Agad na nagdilim ang kanyang mukha.Agad na umiwas si Emory sa kanya.Isang lalaking walang pagkakataong umangat ay magiging isang karaniwang batang panginoon lamang ng Heaven’s Gate. Maraming tao na may parehong katayuan sa banal na lugar ng pagsasanay sa martial arts.Bilang pinakamatingkad na hiyas ng Heaven’s Gate, tiningnan ni Emory si Calvin nang may paghamak!"Yung tarantadong yun! Ang lahat ng ito ay dahil sa kanya!”Piniga ni Calvin ang kanyang lata ng soda bago niya ito galit na inihagis sa lupa; hindi niya
Lahat ay nagtinginan sa isa't isa nang umalis na sina Harvey at ang iba pa.Ang party ay tuluyang nasira dahil sa kanyang biglaang pagdating. Hindi nasaktan sina Calvin at Emory, pero nawasak ang kanilang reputasyon.Ang lalaking pinakagusto ni Calvin, si Cullan, ay naparalisa rin. Ang mga elite mula sa pamilya Lowe at Bowie ay nagdusa rin ng parehong kapalaran.Higit pa rito, alam ng lahat kung ano talaga ang nangyari sa pagkamatay ni Quill.Upang makuha ang mental circulation technique, hindi nag-atubiling i-frame ng pamilya Lowe si Quill, na isang labis na respetadong tao sa Heaven’s Gate…Pinatay pa nila siya.Si Quill ay kumakatawan sa mga nakatataas sa Heaven’s Gate na hindi masaya sa pamilya Lowe at pamilya Bowie. Kung kumalat ang balita tungkol dito, tiyak na magsasama-sama ang mga nakatataas upang harapin ang dalawang pamilya nang tuluyan.Ang dalawang pamilya ay tila may kalamangan, ngunit kung hindi sila suportahan ng Inner at Outer Eight Halls kasama ang tatlumpu't a
Kung talagang may silbi ang badge ng lider…Ang pamilya Lowe at ang pamilya Bowie ay hindi sana kumilos laban kay Quill sa unang pagkakataon.Tungkol naman sa Dakilang Tagapangalaga at ang iba pang nakatayo kasama si Harvey…Lahat ay naniwala na pagkatapos nilang maayos ang sitwasyon, malalaman na nila kung sino ang kanilang kakampihan.Clap, clap, clap!Pumalakpak si Harvey, ang kanyang mukha ay puno ng paghanga."Kayo ang good cop at bad cop, ano?""Bagay na bagay kayo!“Si Quill ay isang tapat na tao. Talagang naniwala siya na may kaayusan sa Heaven’s Gate!"Ngunit, hindi niya naisip kung gaano kayo kasuklam-suklam."Sayang. Siya ay isang senior ng Heaven’s Gate. Kahit na hindi kayo sumusunod sa ilang mga patakaran, kailangan niyang sundin ang mga ito."May mga paniniwala siya na kailangan niyang sundin, kahit na hindi niyo naman gagawin ang pareho. Kung hindi ganun, hindi niyo siya magagalaw."Wala akong interes sa pera, at wala rin akong interes sa mga benepisyo na ibi
Habang lahat ay nasa pagkabigla pa, may naisip sila.Ang pamilya Lowe ay malamang na walang teknik sa mental na pagsasanay. Si Quill ay malamang na na-frame up. Kung hindi, bakit susuko si Calvin?Kinuha ni Harvey ang tseke, at tiningnan ang mga numero na may malalim na ekspresyon."Kunin mo na ang pera at umalis ka na, Harvey!" Sumigaw si Calvin.“Matulog ka ng mabuti at kalimutan mo na ang lahat ng nangyari dito."Pakakainin kita bukas at tutuparin ko na ang iba pang mga kondisyon sa oras na iyon."Hayaan mong sabihin ko sa iyo ang iba pa!"Binigay ko sa'yo lahat ito hindi dahil natatakot ako!"Dahil ang tatlong kilalang tao ay nakatayo kasama mo...“At dahil mayroon ka ng badge ng lider…“Naniniwala ako na dapat akong nasa iyong mabuting kalooban."Sa ganitong paraan, hindi masasayang ang lakas ng Heaven’s Gate.“Mas mabuti pang pag-isipan mo ito!"Lalo na, isa itong sacred martial arts training ground!"Kahit na narito ang nangungunang sampung pamilya, ang limang nakat
"Wala!" Sumagot si Kaysen nang mariin.“Nakasulat nang malinaw ang mga patakaran namin."Ang badge ay may parehong awtoridad tulad ng lider!"Ang may hawak ng badge ang magiging acting head!""Ang mga hindi susunod ay ituturing na mga traydor, at dapat silang patayin agad!"“Huh?!”Ang mga bisita ay napahinto, naguguluhan.Bilang pinuno ng Law Enforcement Hall, hindi kailanman lalabag si Kaysen sa mga patakaran ng Heaven’s Gate…At gayunpaman, sinabi ni Calvin na maaari niyang balewalain ang badge basta't humingi siya ng tawad sa mga ninuno ng Heaven’s Gate. Sa huli, nag-iimbento lang siya ng dahilan para sa sarili niya.Sa mga sandaling ito, nagsisimula nang magtanong ang buong tao kay Calvin.“Mukhang walang silbi ang iyong trick."Luluhod ka ba kapag inilabas ko na ang badge?""Kung hindi mo gagawin, malamang na papatayin ka ng Law Enforcement Hall sa kinatatayuan mo dahil sa pagsuway, di ba?"Mukhang kalmado si Harvey. Hindi siya nagmamadali na ipakita ang badge sa nga
Pumasok nang may paggalang ang Dakilang Tagapangalaga at ang iba pa niyang mga nasasakupan. Agad silang tumayo sa tabi ni Harvey, nakatupi ang kanilang mga braso.“Ang mga tagapagtanggol ay hindi kailanman kakampi sa isang kasuklam-suklam na tao tulad niya!"Kami ang may pananagutan sa pagprotekta sa buong Heaven’s Gate, at hindi lang sa ilang mga random na tao!" ang Great Protector ay sumigaw. “Dahil nandito ka upang ipaglaban ang katarungan, tiyak na susuportahan ka ng mga tagapagtanggol!”"Ang Law Enforcement Hall ay palaging patas at makatarungan!" dagdag ni Kaysen nang malamig."Ang paggamit ng pangalan ng Law Enforcement Hall nang walang pahintulot upang takutin ang mga tao ay magkakaroon ng malubhang kahihinatnan!""Ang mga testimonya nina Ricky at Devon ay naitala na sa Imperial Prison!" Sigaw ni Ridge. “Ayon sa batas, lahat ng ebidensyang nakuha namin ay wasto!”‘Ano?!’Matapos makita ang tatlong kilalang tao ng Heaven’s Gate na nakatayo kasama si Harvey, na parang isan
Mabilis na ipinakita ni Rachel ang footage na inihanda niya nang maaga sa screen.Hindi lang ang mga testimonya nina Ricky at Devon ang ipinakita. Mayroon din silang nakatago sa kanilang manggas.Ipinakita nila ang ilan sa mga ebidensyang kanilang nakalap, kabilang ang mga recording ng pag-uusap tungkol kay Calvin na nagbibigay ng mga benepisyo sa lahat, bukod sa iba pang bagay.Sa mga ebidensya, malinaw na ang pagkamatay ni Quill ay isang masalimuot na balak na pinlano ng pamilyang Lowe.Hindi lang ang pamilya Lowe ang nagnanais ng teknik sa sirkulasyon ng enerhiya ni Quill, kundi gusto rin nilang mapabansot siya ng kasaysayan!Napakasama ng plano nila!Matapos makuha ang lahat ng ebidensyang iyon, mabilis na tumingin ang lahat sa paligid kay Calvin ng may kakaibang mga tingin.Si Ricky, ang tagapangalaga ng mental cultivation ng pamilya Lowe, ay nanumpa na ang kanyang pinangalagaan ay isang walang lamang na libro.Ibig sabihin nito na hindi nagmula sa pamilya Lowe ang teknik
Ngumiti si Harvey kay Calvin, pagkatapos ay walang pakialam na umupo sa malaking sofa sa gitna. Si Rachel ay mabilis na gumawa ng ilang itim na tsaa para sa kanya.Matapos uminom ng ilang lagok upang mapawi ang uhaw, nagsalita na si Harvey."Nandito lang ako para linawin ang ilang bagay kay Ginoong Calvin."Kapag tapos na tayo, tatayo ako at aalis.“Naiintindihan mo ba?"Number one: Sana may makapagsabi sa akin kung paano talaga na-frame up si Quill, at kung paano talaga siya namatay."Ikalawa: Gusto kong malaman kung sino ang nag-utos sa mga mamamatay-tao na hanapin sina Darwin at ang iba pa."Number three: Gusto ko ang pangalan ng taong nag-utos sa walang kwentang Devon na magdulot ng gulo sa mga Gibson!“Magkakaroon tayo ng mahaba at mabagal na pag-uusap tungkol dito…“At kapag tapos na tayo, maghihiwalay na tayo.“Pero kung hindi mo gagawin ‘yun, pasensya na…Ang lahat ay nagulat, pagkatapos ay nagpalitan ng mga naguguluhang sulyap. ‘So nandito nga siya para kay Quill!’