Magpapatuloy na sana si Harvey York sa kanyang pagsasalita.Hindi na mapigilan pa ni Zack Zimmer ang galit niya. Hinampas niya ang kamay niya sa mesa at sinigawan ni Harvey habang dinuduro siya, "Sino ka sa palagay mo?! Anong karapatan ng isang live-in son-in-law na tulad mo na kwestiyunin ang desisyong ginawa na ng lolo ko?!"Malamig na tumingin si Harvey kay Zack.“Zack, gaano ka katanga? Pinapaalala ko sa iyo, bago ka gumawa ng ganitong desisyon, suriin mo muna ang kontratang pinirmahan mo!""Ang York Enterprise ay hindi lamang ilang mga random na kumpanya sa lansangan. Sa palagay mo ba ay pwede ka lang makakuha ng investment sa kanila sa ayaw at sa gusto mo? Ibenta ang anumang mga proyektong gusto mong ibenta? Talagang naniniwala kang kapag meron kang suporta mula sa mga Silva, magagawa mo ang anumang gusto mo sa harap ng mga York?""Hindi mo pa nga naayos ang mga bagay, at gumagawa ka na ng mga padalos-dalos na desisyon at minamadali ang mga bagay! Hindi ko maintindihan kung
Isang slim na pigura ang naglakad sa hall.Si Yvonne Xavier.Wala siyang makeup, nakasuot ng maong at puting shirt na ipinares sa salaming may itim na frame at ponytail.Kahit na, mukha pa rin siyang nakakaakit. Ang kadalisayan at pagnanasa ay lumabas mula sa kanyang katawan. Nakapako ang tingin ng lahat sa kanya.Pagkakita kay Yvonne, naging tahimik agad ang hall. Habang gulat ang lahat, nahulaan nila lahat kung anong nangyari.Marahil ay kumakatawan si Yvonne sa York Enterprise para punahin sila?Sa parehong oras, lumiwanag ang mata ng mga lalaki nang tumitig sila kay Yvonne.Talagang nakakatulala siya, masyadong maganda, ang kanyang pigura na talagang nakakaakit.Kung dati ito, hindi maglalakas-loob ang pamilya Zimmer na tumingin sa kanya.Ngunit iba ang araw na iyon; magiging isang malaking pamilya sila sa Buckwood. Naisip nilang baka magkaroon sila ng pagkakataong makakuha pa ng isang babaeng kagaya niya.Pinaka karumal-dumal ang facial expression ni Zack Zimmer.Naisip
Medyo naging mas madilim ang mukha ni Senior Zimmer nang tumingin siya kay Yvonne Xavier."Ms. Xavier, ano… ang ibig mong sabihin?”Tumawa si Yvonne, saka tinitigan si Zack Zimmer na nakatayo malapit sa kanila.Nanginig si Zack sa kanyang nakita; agad namang naging pangit ang mukha niya."Akala ko CEO Zimmer, sinabi mong binasa mo nang mabuti ang kontrata, mukhang hindi pala. Natatakot akong binago ang nabasa mong kontrata.""Dahil hindi alam ni CEO Zimmer ang tungkol sa eksaktong mga detalye ng kontrata. Dinala ko ngayon si Chairman Hawkins ng Niumhi Bar Association para kausapin ka tungkol sa mga detalye at kahihinatnan ng paglabag sa kontrata."Mahinang pinapalakpak ni Yvonne ang kanyang mga kamay.Pagkalipas ng ilang sandali, isang middle-age na lalaking na naka-suit ang lumakad sa hall kasama ang kanyang maleta.Agad na sumabog ang isip ni Senior Zimmer matapos makita ang lalaki.Ito si Chairman Hawkins ng Niumhi Bar Association. Mataas ang katayuan niya.Halos imposible
'Ano?''Hindi lamang iyon, nagmamay-ari ng York Enterprise ang lupa, at kailangan namin silang bayaran pabalik ng four hundred and fifty-six million dollars bilang compensation?'Nagulat ang lahat matapos marinig ito. Matamlay na tumingin ang mga Zimmer kay Chairman Hawkins."Imposible! Paano ito nangyari?! Tumingin ako sa kontrata ilang araw na ang nakakalipas! Hindi ito ganito! Zack, dalhin mo sa akin ang kontrata!"Pawis na pawis si Senior Zimmer. Kung alam niya ang tungkol sa mga detalye ng kontrata, paano niya maiisip ang ibenta ang Commercial Center Project?"Lolo..."Na-guilty si Zack Zimmer. Ipinakita niya kay Senior Zimmer ang kontrata, ngunit gawa-gawa lamang ito, hindi ang naunang pinirmahan ni Mandy Zimmer.Talagang nais niyang pumunta sa Buckwood dahil ang proyekto sa Buckwood ay nakatakda nang mapunta sa kanyang mga kamay.Sawa na siyang naka-kadena kay Mandy sa Niumhi. Nais niyang ipakita ang kanyang mga kakayahan at patunayan ang kanyang sarili sa Buckwood!Kay
Nakatitig si Senior Zimmer kay Chairman Hawkins na umalis ng hall, pagkatapos ay nagsimulang dumilim ang kanyang paningin. Nahulog siya sa kanyang iron throne, walang tigil sa pagbabago ang kanyang ekspresyon."Anong gagawin natin?""Kahit na ibenta ang lahat ng mga assets ng pamilya, sa tingin ko’y hindi tayo makakakuha ng four hundred and fifty-six million, ‘di ba?""Speaking of which, bakit naging peke ang kontrata? Ano ang nangyayari?"“...”Nag-tsismisan ang pamilya Zimmer. Dumating ang kanilang paningin kay Zack Zimmer na puno ng galit ang kanilang mga mukha.Kung ang pamilya Zimmer ay nalugi at nauwi sa paghingi ng pagkain sa mga lansangan, si Zack ang sisihin sa lahat!Huminga nang malalim si Senior Zimmer, malapitna siyang mawala sa kanyang katinuan. Dinuro niya si Zack habang nanginginig."Zack... Sabihin mo sa akin... Ikaw... Ikaw... Bakit mo nagawa ito?!""Hindi mo ba naisip na sisirain mo ang buong pamilya?!"Binuka ni Zack ang kanyang bibig ngunit hindi niya kay
"Anong ibig mong sabihing walang kahihiyan?! Huwag kang basta-bastang sumasatsat. Walang mag-iisip na pipi ka kung mananahimik ka! Anong karapatan ng isang live-in son-in-law na tulad mo na sabihin ang anumang gusto mo dito?!" Sinabi ni Quinn Zimmer na may kakaibang tono.Malamig na sinabi ni Harvey York, "Total may mga kakayahan kang gumawa ng ganitong palusot, bakit ka pa takot na mapuna ng ibang tao? Sino ang umiiyak at sumisigaw sa asawa ko na kunin ang kontrata nang walang ibang makagawa?!""At ngayon ay gumawa ka ng pekeng kontrata para lokohin ang iyong sarili at ang iba, na nakagawa ng isang malaking pagkakamali, at pagkatapos ay binabaling niyo ang sisi sa iba!""So hindi ba walang hiya kayong dalawa dahil doon? Sa tingin niyo ba ay tanga si lolo para maniwala sa ganitong bagay? O sa palagay mo ay mayroon siyang Alzheimer at maniniwala siya sa anumang sasabihin mo?"Nakaupo si Senior Zimmer sa trono niya habang kumikibot ang mga mata niya.‘Bwisit ka! Syempre, naniniwala
"Hindi ako sang-ayon!" Tumayo si Harvey York at umangal.‘Ang live-in son-in-law na naman?! May kinalaman ba ang lahat sa iyo?!'Nakatingin ang lahat sa pamilya Zimmer kay Harvey, puno ng poot. Kung hindi dahil sa nangyari kay Zack Zimmer dati na gulpi-sarado siya kapag nababaliw si Harvey, agad na niyang sinapak si Harvey."Kung hindi ka sang-ayon, may iba ka pa bang plano?" Sabi ni Senior Zimmer habang malamig na tinitigan si Harvey.Tumawa si Harvey."Lolo, alam mo ba ang ibig sabihin ng pagdadala ng bramble at paghingi ng parusa?""At?"Sumimangot si Senior Zimmer."Sa palagay ko hindi kailangan ng CEO ng York Enterprise ang pera, ang bagay na pinaka-kinagalit ng York Enterprise ay hindi ang termination ng kontrata pero may iba pa," malayang nagsalita si Harvey.Naging interesado si Senior Zimmer."Sabihin mo sa akin, ano ang pinapahalagahan ng York Enterprise?""Respeto."Seryosong sinabi ni Harvey."Kailangan ba ng York Enterprise ng pera? Hindi!""Suportado ang Yor
May kumpyansang sinabi ni Harvey York na, "Dapat.""Kahit na hindi, kahit papaano pinakita nito sa kanila ang pag-respeto ng pamilya.""Sa palagay ko, kahit na hindi makatwiran ang CEO ng York Enterprise, siguradong lalamig ang ulo niya matapos makita ang vice CEO ng pamilya Zimmer na nakaluhod sa harap ng kanyang tanggapan, ‘di ba?""Pero paano kung hindi iyan gumana?"Sumimangot si Senior Zimmer."Hindi ba mawawala rin ang karangalan ng pamilya Zimmer?""Lolo."Sinubukan ni Harvey na matiyaga siyang kumbinsihin."Kahit na walang paraan para ayusin ito, kahit papaano pinakita natin sa kanila ang pag-respeto natin!""Kahit na hindi natin ito maayos, pwede pa rin tayong magkaroon ng ilang araw para mag-isip ang lahat ng mga ideya, ‘di ba?""At saka, may isa naman diyang lumuhod na noon sa antique fair. Hindi naman na labis ang isa pa, ‘di ba?"Malalim na nag-isip si Senior Zimmer, naguluhan siya sa sitwasyon."Syempre, baka mas mabuti pa kung ang CEO ng pamilyang Zimmer ang