Nakatitig si Senior Zimmer kay Chairman Hawkins na umalis ng hall, pagkatapos ay nagsimulang dumilim ang kanyang paningin. Nahulog siya sa kanyang iron throne, walang tigil sa pagbabago ang kanyang ekspresyon."Anong gagawin natin?""Kahit na ibenta ang lahat ng mga assets ng pamilya, sa tingin ko’y hindi tayo makakakuha ng four hundred and fifty-six million, ‘di ba?""Speaking of which, bakit naging peke ang kontrata? Ano ang nangyayari?"“...”Nag-tsismisan ang pamilya Zimmer. Dumating ang kanilang paningin kay Zack Zimmer na puno ng galit ang kanilang mga mukha.Kung ang pamilya Zimmer ay nalugi at nauwi sa paghingi ng pagkain sa mga lansangan, si Zack ang sisihin sa lahat!Huminga nang malalim si Senior Zimmer, malapitna siyang mawala sa kanyang katinuan. Dinuro niya si Zack habang nanginginig."Zack... Sabihin mo sa akin... Ikaw... Ikaw... Bakit mo nagawa ito?!""Hindi mo ba naisip na sisirain mo ang buong pamilya?!"Binuka ni Zack ang kanyang bibig ngunit hindi niya kay
"Anong ibig mong sabihing walang kahihiyan?! Huwag kang basta-bastang sumasatsat. Walang mag-iisip na pipi ka kung mananahimik ka! Anong karapatan ng isang live-in son-in-law na tulad mo na sabihin ang anumang gusto mo dito?!" Sinabi ni Quinn Zimmer na may kakaibang tono.Malamig na sinabi ni Harvey York, "Total may mga kakayahan kang gumawa ng ganitong palusot, bakit ka pa takot na mapuna ng ibang tao? Sino ang umiiyak at sumisigaw sa asawa ko na kunin ang kontrata nang walang ibang makagawa?!""At ngayon ay gumawa ka ng pekeng kontrata para lokohin ang iyong sarili at ang iba, na nakagawa ng isang malaking pagkakamali, at pagkatapos ay binabaling niyo ang sisi sa iba!""So hindi ba walang hiya kayong dalawa dahil doon? Sa tingin niyo ba ay tanga si lolo para maniwala sa ganitong bagay? O sa palagay mo ay mayroon siyang Alzheimer at maniniwala siya sa anumang sasabihin mo?"Nakaupo si Senior Zimmer sa trono niya habang kumikibot ang mga mata niya.‘Bwisit ka! Syempre, naniniwala
"Hindi ako sang-ayon!" Tumayo si Harvey York at umangal.‘Ang live-in son-in-law na naman?! May kinalaman ba ang lahat sa iyo?!'Nakatingin ang lahat sa pamilya Zimmer kay Harvey, puno ng poot. Kung hindi dahil sa nangyari kay Zack Zimmer dati na gulpi-sarado siya kapag nababaliw si Harvey, agad na niyang sinapak si Harvey."Kung hindi ka sang-ayon, may iba ka pa bang plano?" Sabi ni Senior Zimmer habang malamig na tinitigan si Harvey.Tumawa si Harvey."Lolo, alam mo ba ang ibig sabihin ng pagdadala ng bramble at paghingi ng parusa?""At?"Sumimangot si Senior Zimmer."Sa palagay ko hindi kailangan ng CEO ng York Enterprise ang pera, ang bagay na pinaka-kinagalit ng York Enterprise ay hindi ang termination ng kontrata pero may iba pa," malayang nagsalita si Harvey.Naging interesado si Senior Zimmer."Sabihin mo sa akin, ano ang pinapahalagahan ng York Enterprise?""Respeto."Seryosong sinabi ni Harvey."Kailangan ba ng York Enterprise ng pera? Hindi!""Suportado ang Yor
May kumpyansang sinabi ni Harvey York na, "Dapat.""Kahit na hindi, kahit papaano pinakita nito sa kanila ang pag-respeto ng pamilya.""Sa palagay ko, kahit na hindi makatwiran ang CEO ng York Enterprise, siguradong lalamig ang ulo niya matapos makita ang vice CEO ng pamilya Zimmer na nakaluhod sa harap ng kanyang tanggapan, ‘di ba?""Pero paano kung hindi iyan gumana?"Sumimangot si Senior Zimmer."Hindi ba mawawala rin ang karangalan ng pamilya Zimmer?""Lolo."Sinubukan ni Harvey na matiyaga siyang kumbinsihin."Kahit na walang paraan para ayusin ito, kahit papaano pinakita natin sa kanila ang pag-respeto natin!""Kahit na hindi natin ito maayos, pwede pa rin tayong magkaroon ng ilang araw para mag-isip ang lahat ng mga ideya, ‘di ba?""At saka, may isa naman diyang lumuhod na noon sa antique fair. Hindi naman na labis ang isa pa, ‘di ba?"Malalim na nag-isip si Senior Zimmer, naguluhan siya sa sitwasyon."Syempre, baka mas mabuti pa kung ang CEO ng pamilyang Zimmer ang
Bumuntong hininga si Mandy Zimmer, magulo ang kanyang mga ekspresyon.Mula rin siya sa pamilya Zimmer, nais lamang niyang makitang ligtas ang pamilya.Sa bingit ng pagkawasak ng pamilya, humingi ng paumanhin si Zack Zimmer. Kahit na siya ay hinimok ng kanyang lolo; wala siyang nakitang punto sa pagsasalita pa.Lihim na bumuntong hininga si Harvey York, pwede sanang humingi si Mandy ng higit na authority sa pamilya sa panahong iyon.Ngunit pinahalagahan ni Mandy ang kanyang pamilya higit sa anupaman.Kahit na hiningi niya ito mismo, baka hindi niya ito tanggapin.Habang nakatingin kay Mandy na pinapakalma ang sarili, tumayo si Senior Zimmer."Zack, dahil napagpasyahan na ang mga bagay, huwag ka nang umatras. Kapag pupunta ka ngayong hapon, tandaan mong magdala ng mamahaling regalo."Pinilit niya si Zack na pumunta sa mga York ano man ang kinakailangan.Hindi alam ni Zack kung anong mararamdaman, nakatingin lang siya kay Quinn Zimmer sa sandaling iyon.Ang babaeng malapit nang
Tila malungkot si Mandy Zimmer nang lumabas siya ng hall.Mabilis siyang naabutan ni Harvey York."Mahal, pakiramdam mo ba’y ginawan ka ng mali?""Mali?"Bumuntong hininga si Mandy."Isa akong Zimmer, kahit gago ang mga taong ito, ang mga basurang ito, pamilya ko sila.""Sa tingin ko sayang ito. Bakit hindi na lang tapusin nang maayos ng mga Zimmer ang Commercial Center Project? Bakit pa nila iniisip na pumunta sa Buckwood?""Kapag tapos na natin ang Commercial Center Project, makakagawa ng magandang pundasyon ang pamilya Zimmer sa tulong ng proyekto!""Sa wakas ay tataas ang ranggo ng pamilya Zimmer mga first-class family sa Niumhi sa tulong ng proyektong ito. Bakit ba ganoon sila kasakim?!"Naiinis si Mandy. Malaki ang pagsisikap na binuhos niya para matapos ang proyekto.Halos hindi niya matanggap ang kasalukuyang pagpapasya.Ngunit paano kung hindi niya magawa?Kaay ba niyang baguhin ang lahat nang mag-isa?Imposible."Kung ikaw ito, paano mo ito babaguhin?" Sinabi ni
Kinahapunan, sa tanggapan ng CEO sa York Enterprise.Medyo matagal na mula nang bumisita ang Harvey York sa kumpanya. May ilang mga kontrata na kailangang pipirmahan.Hindi namuhunan ng sobra si Harvey sa eight hundred million dollar na plano na iminungkahi niya sa ngayon.Ngunit binawi niya ang lahat ng hindi magandang investment.Sa ganitong paraan, tataas ang company value ng York Enterprise kumpara sa dati. Syempre, ang rate of return ay hindi magiging mataas.Ngunit ito ang panahon ng repormasyon ng kumpanya. Tinanggap ito ni Harvey.Matapos pirmahan ang mga kontrata, sumandal si Harvey sa kanyang upuan."Pumunta ka at kausapin ang mga higher-ups sa kumpanya. Kailangan nating pumili ng ilang tao para magbukas ng branch office sa Buckwood sa susunod...”"Hindi magtatagal, ang karamihan ng mga negosyo natin ay nasa Buckwood. Ang mga taong gustong sumama sa atin ay magkakaroon ng thirty percent na pagtaas sa sweldo nila...”Nagulat si Yvonne Xavier. Hindi niya mapigilang tan
Gusto ni Zack Zimmer na magalit nang hindi namalayan, ngunit kalaunan ay nagpigil siya at nahihiyang sinabi, "Hindi pangkaraniwan ang paghingi ko ng tawad. Siguradong gagawin nitong masaya ang CEO. Pwede mo bang kausapin siya para humingi ng konting oras niya?""Hindi karaniwan? Paanong hindi karaniwan?" Nakasimangot ang lady sa front desk.Tiningnan niya si Zack mula ulo hanggang paa at saka napagtanto niya."Naaalala ko na ngayon, narinig kong may kung sinong vice CEO mula sa mga Zimmer na lumuhod sa harap ng mga tao sa isang antique fair. Ikaw ba iyon?""Kung luluhod ka para sa CEO ko mamaya, susubukan ko siyang kontakin."Nandilim ang mukha ni Zack.Bwisit ka, Harvey York! Kasalanan mo itong lahat!''Kumalat ang masama kong reputasyon sa buong Niumhi!''Salamat at pupunta na ang pamilya sa Buckwood. Walang sinuman ang makakaalam tungkol sa mga nakakahiyang bagay na ito.''Kapag naging second-class family ang mga Zimmer sa Buckwood, babalik ako sa Niumhi at gugulpihin kayon