Isang slim na pigura ang naglakad sa hall.Si Yvonne Xavier.Wala siyang makeup, nakasuot ng maong at puting shirt na ipinares sa salaming may itim na frame at ponytail.Kahit na, mukha pa rin siyang nakakaakit. Ang kadalisayan at pagnanasa ay lumabas mula sa kanyang katawan. Nakapako ang tingin ng lahat sa kanya.Pagkakita kay Yvonne, naging tahimik agad ang hall. Habang gulat ang lahat, nahulaan nila lahat kung anong nangyari.Marahil ay kumakatawan si Yvonne sa York Enterprise para punahin sila?Sa parehong oras, lumiwanag ang mata ng mga lalaki nang tumitig sila kay Yvonne.Talagang nakakatulala siya, masyadong maganda, ang kanyang pigura na talagang nakakaakit.Kung dati ito, hindi maglalakas-loob ang pamilya Zimmer na tumingin sa kanya.Ngunit iba ang araw na iyon; magiging isang malaking pamilya sila sa Buckwood. Naisip nilang baka magkaroon sila ng pagkakataong makakuha pa ng isang babaeng kagaya niya.Pinaka karumal-dumal ang facial expression ni Zack Zimmer.Naisip
Medyo naging mas madilim ang mukha ni Senior Zimmer nang tumingin siya kay Yvonne Xavier."Ms. Xavier, ano… ang ibig mong sabihin?”Tumawa si Yvonne, saka tinitigan si Zack Zimmer na nakatayo malapit sa kanila.Nanginig si Zack sa kanyang nakita; agad namang naging pangit ang mukha niya."Akala ko CEO Zimmer, sinabi mong binasa mo nang mabuti ang kontrata, mukhang hindi pala. Natatakot akong binago ang nabasa mong kontrata.""Dahil hindi alam ni CEO Zimmer ang tungkol sa eksaktong mga detalye ng kontrata. Dinala ko ngayon si Chairman Hawkins ng Niumhi Bar Association para kausapin ka tungkol sa mga detalye at kahihinatnan ng paglabag sa kontrata."Mahinang pinapalakpak ni Yvonne ang kanyang mga kamay.Pagkalipas ng ilang sandali, isang middle-age na lalaking na naka-suit ang lumakad sa hall kasama ang kanyang maleta.Agad na sumabog ang isip ni Senior Zimmer matapos makita ang lalaki.Ito si Chairman Hawkins ng Niumhi Bar Association. Mataas ang katayuan niya.Halos imposible
'Ano?''Hindi lamang iyon, nagmamay-ari ng York Enterprise ang lupa, at kailangan namin silang bayaran pabalik ng four hundred and fifty-six million dollars bilang compensation?'Nagulat ang lahat matapos marinig ito. Matamlay na tumingin ang mga Zimmer kay Chairman Hawkins."Imposible! Paano ito nangyari?! Tumingin ako sa kontrata ilang araw na ang nakakalipas! Hindi ito ganito! Zack, dalhin mo sa akin ang kontrata!"Pawis na pawis si Senior Zimmer. Kung alam niya ang tungkol sa mga detalye ng kontrata, paano niya maiisip ang ibenta ang Commercial Center Project?"Lolo..."Na-guilty si Zack Zimmer. Ipinakita niya kay Senior Zimmer ang kontrata, ngunit gawa-gawa lamang ito, hindi ang naunang pinirmahan ni Mandy Zimmer.Talagang nais niyang pumunta sa Buckwood dahil ang proyekto sa Buckwood ay nakatakda nang mapunta sa kanyang mga kamay.Sawa na siyang naka-kadena kay Mandy sa Niumhi. Nais niyang ipakita ang kanyang mga kakayahan at patunayan ang kanyang sarili sa Buckwood!Kay
Nakatitig si Senior Zimmer kay Chairman Hawkins na umalis ng hall, pagkatapos ay nagsimulang dumilim ang kanyang paningin. Nahulog siya sa kanyang iron throne, walang tigil sa pagbabago ang kanyang ekspresyon."Anong gagawin natin?""Kahit na ibenta ang lahat ng mga assets ng pamilya, sa tingin ko’y hindi tayo makakakuha ng four hundred and fifty-six million, ‘di ba?""Speaking of which, bakit naging peke ang kontrata? Ano ang nangyayari?"“...”Nag-tsismisan ang pamilya Zimmer. Dumating ang kanilang paningin kay Zack Zimmer na puno ng galit ang kanilang mga mukha.Kung ang pamilya Zimmer ay nalugi at nauwi sa paghingi ng pagkain sa mga lansangan, si Zack ang sisihin sa lahat!Huminga nang malalim si Senior Zimmer, malapitna siyang mawala sa kanyang katinuan. Dinuro niya si Zack habang nanginginig."Zack... Sabihin mo sa akin... Ikaw... Ikaw... Bakit mo nagawa ito?!""Hindi mo ba naisip na sisirain mo ang buong pamilya?!"Binuka ni Zack ang kanyang bibig ngunit hindi niya kay
"Anong ibig mong sabihing walang kahihiyan?! Huwag kang basta-bastang sumasatsat. Walang mag-iisip na pipi ka kung mananahimik ka! Anong karapatan ng isang live-in son-in-law na tulad mo na sabihin ang anumang gusto mo dito?!" Sinabi ni Quinn Zimmer na may kakaibang tono.Malamig na sinabi ni Harvey York, "Total may mga kakayahan kang gumawa ng ganitong palusot, bakit ka pa takot na mapuna ng ibang tao? Sino ang umiiyak at sumisigaw sa asawa ko na kunin ang kontrata nang walang ibang makagawa?!""At ngayon ay gumawa ka ng pekeng kontrata para lokohin ang iyong sarili at ang iba, na nakagawa ng isang malaking pagkakamali, at pagkatapos ay binabaling niyo ang sisi sa iba!""So hindi ba walang hiya kayong dalawa dahil doon? Sa tingin niyo ba ay tanga si lolo para maniwala sa ganitong bagay? O sa palagay mo ay mayroon siyang Alzheimer at maniniwala siya sa anumang sasabihin mo?"Nakaupo si Senior Zimmer sa trono niya habang kumikibot ang mga mata niya.‘Bwisit ka! Syempre, naniniwala
"Hindi ako sang-ayon!" Tumayo si Harvey York at umangal.‘Ang live-in son-in-law na naman?! May kinalaman ba ang lahat sa iyo?!'Nakatingin ang lahat sa pamilya Zimmer kay Harvey, puno ng poot. Kung hindi dahil sa nangyari kay Zack Zimmer dati na gulpi-sarado siya kapag nababaliw si Harvey, agad na niyang sinapak si Harvey."Kung hindi ka sang-ayon, may iba ka pa bang plano?" Sabi ni Senior Zimmer habang malamig na tinitigan si Harvey.Tumawa si Harvey."Lolo, alam mo ba ang ibig sabihin ng pagdadala ng bramble at paghingi ng parusa?""At?"Sumimangot si Senior Zimmer."Sa palagay ko hindi kailangan ng CEO ng York Enterprise ang pera, ang bagay na pinaka-kinagalit ng York Enterprise ay hindi ang termination ng kontrata pero may iba pa," malayang nagsalita si Harvey.Naging interesado si Senior Zimmer."Sabihin mo sa akin, ano ang pinapahalagahan ng York Enterprise?""Respeto."Seryosong sinabi ni Harvey."Kailangan ba ng York Enterprise ng pera? Hindi!""Suportado ang Yor
May kumpyansang sinabi ni Harvey York na, "Dapat.""Kahit na hindi, kahit papaano pinakita nito sa kanila ang pag-respeto ng pamilya.""Sa palagay ko, kahit na hindi makatwiran ang CEO ng York Enterprise, siguradong lalamig ang ulo niya matapos makita ang vice CEO ng pamilya Zimmer na nakaluhod sa harap ng kanyang tanggapan, ‘di ba?""Pero paano kung hindi iyan gumana?"Sumimangot si Senior Zimmer."Hindi ba mawawala rin ang karangalan ng pamilya Zimmer?""Lolo."Sinubukan ni Harvey na matiyaga siyang kumbinsihin."Kahit na walang paraan para ayusin ito, kahit papaano pinakita natin sa kanila ang pag-respeto natin!""Kahit na hindi natin ito maayos, pwede pa rin tayong magkaroon ng ilang araw para mag-isip ang lahat ng mga ideya, ‘di ba?""At saka, may isa naman diyang lumuhod na noon sa antique fair. Hindi naman na labis ang isa pa, ‘di ba?"Malalim na nag-isip si Senior Zimmer, naguluhan siya sa sitwasyon."Syempre, baka mas mabuti pa kung ang CEO ng pamilyang Zimmer ang
Bumuntong hininga si Mandy Zimmer, magulo ang kanyang mga ekspresyon.Mula rin siya sa pamilya Zimmer, nais lamang niyang makitang ligtas ang pamilya.Sa bingit ng pagkawasak ng pamilya, humingi ng paumanhin si Zack Zimmer. Kahit na siya ay hinimok ng kanyang lolo; wala siyang nakitang punto sa pagsasalita pa.Lihim na bumuntong hininga si Harvey York, pwede sanang humingi si Mandy ng higit na authority sa pamilya sa panahong iyon.Ngunit pinahalagahan ni Mandy ang kanyang pamilya higit sa anupaman.Kahit na hiningi niya ito mismo, baka hindi niya ito tanggapin.Habang nakatingin kay Mandy na pinapakalma ang sarili, tumayo si Senior Zimmer."Zack, dahil napagpasyahan na ang mga bagay, huwag ka nang umatras. Kapag pupunta ka ngayong hapon, tandaan mong magdala ng mamahaling regalo."Pinilit niya si Zack na pumunta sa mga York ano man ang kinakailangan.Hindi alam ni Zack kung anong mararamdaman, nakatingin lang siya kay Quinn Zimmer sa sandaling iyon.Ang babaeng malapit nang
Hindi man lang niya mapapanatili ang kanyang posisyon kung lalala ang mga pangyayari.Isang nakakakilabot na ekspresyon ang ipinakita ni Soren Braff bago huminga ng malalim.“Representative Abe, tama ba?"Alam ko na ito ang teritoryo ng Island Nations. Alam ko rin na ikaw ang kinatawan ng Island Nations Embassy!"Ngunit kailangan mong bigyan ako ng isang patas na pahayag para sa pinsala sa aking mga tao nang ganoon!""Sa tingin mo ba may karapatan kang hilingin iyon?!"Ngumisi si Sakamoto bago itinapat ang likod ng palad sa mukha ni Soren.Pak!Isang malakas na sampal ang narinig.Napaatras ng ilang hakbang si Soren na hindi makapaniwala. Ni wala siyang panahon para ihanda ang sarili.Hindi niya inaasahan na magiging walang ingat ang mga taga-isla para labanan siya ng ganito!Isang matingkad na pulang palm print ang makikita sa kanyang mukha nang siya ay lubos na nagalit."Mukhang pinaplano mong palakihin ang sitwasyon kahit anong mangyari, Young Master Abe!Malamig na nap
”Hayy.”Napabuntong-hininga si Kairi Patel bago inilabas ang kanyang telepono."Baka may nakalimutan ka, Young Master Abe.“Galing ako sa pamilya Patel!“Ang pamilya ay kabilang sa isa sa limang nakatagong pamilya."Sa tingin mo ba makakaalis ka pa rito ng buhay kung magpasya akong pigilan ka anuman ang kahihinatnan?"“So ano?“Kaya mo bang labanan ang pamilya Tsuchimikado?"Kami ang tunay na maharlikang pamilya na may libu-libong taon ng angkan!"Ang Bansa H ay hindi pa naitayo sa loob ng isang daang taon! Paano ka makakaasa na lumaban sa Island Nations?!“Sige lang! Subukan mo ako!"Gusto kong makita kung gaano kahanga-hanga ang pamilya Patel!"Bam!Bumukas ang pinto bago pumasok ang isang grupo ng mga lalaking naka-uniporme.Ang nasa harap ay si Soren Braff mismo."Anong karapatan mong saktan ang pamangkin ko sa ilalim ng hurisdiksyon ng Golden Sands Police Station?" malamig na bulalas ni Soren habang humahakbang."Natanong mo na ba muna ang opinyon ko?"Mabilis na
”Ano?“Galit ka ba sa’kin?“Papatayin mo ako gamit ng lason mo?”Napuno ng panghahamak ang magandang mukha ni Abe Masato.“Kung ganun, gawin mo na.“Tingnan natin kung kaya mo!“Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa pamilya mo pagkatapos mo akong patayin!“O sasampalin mo muna ako para gumaan ang pakiramdam mo?”Inilapit ni Abe ang mukha niya kay Kairi Patel.Tumalim ang mga mata ni Harvey York. Masasabi na masyadong nagyayabang si Abe.Gayunpaman, hindi rin nagmadaling kumilos si Harvey. Dahil ganito kayabang si Abe, malamang may iba siyang pinaplano.Naisip ni Harvey na maghintay siya ng kaunti para sa kapakanan ni Kairi.Bukod dito, naniniwala siyang kaya niyang harapin ang Islander nang mag-isa.Hindi niya sana isinama si Harvey kung hindi iyon ang nangyari.Gusto ni Kairi na ihampas si Abe sa lupa ngunit hindi niya ginawa.Si Abe at ang iba pa ay nasa ilalim ng pangalan ng Island Nations’ Embassy.Ang pakikipaglaban sa kanya pabalik ay magiging isang malaking pr
"Hindi ka dapat maging ganito ka-bastos kay Ms. Kairi Patel. Anuman ang dahilan, kaklase ko pa rin siya.”Itinaas ni Abe Masato ang kanyang kopita bago uminom."Dapat alam mo na magkaklase lang tayo, Abe," sabi ni Kairi habang nakatingin siya ng masama kay Abe.“Anong karapatan ng tauhan mo na utusan ang boyfriend ko?"Naisip mo ba ang magiging kapalit nito?"Isang malungkot na tingin ang ipinakita ni Abe bago tumalim ang kanyang mga mata."Palagi kong iniisip na isa kang matalinong babae, Kairi…"Hindi gumagawa ng katangahan ang mga matalinong babae.“Dahil magkaklase tayo, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon.“Sino ang lalaking ‘to para sayo?!”Hindi man lang nag-alinlangan si Kairi.“Siya ang boyfriend ko!” malamig niyang sinabi.Bam!Hinagis ni Abe ang kanyang kopita sa lupa ng may malagim na ekspresyon.Tumayo siya bago siya naglakad palapit kay Kairi ng magkakrus ang mga braso.“Ano ulit ang sinabi mo?” tanong niya habang nakatingin ng masama kay Kairi.“Boyfrie
Sa tapang ni Kairi Patel, hindi makapaniwala ang mga tao na hahayaan niyang maupo ang kanyang boyfriend sa halip na siya.Napakahalaga talaga siguro ng lalaking ito para sa kanya.Agad na nagdilim ang mukha ni Abe Masato.Muling umupo si Greta Lee sa kanyang upuan bago siya nagsalita."Kayong lahat, isinama ni Kairi ang kanyang boyfriend para makilala natin siya ngayon."Siguraduhin ninyong bibigyan niyo sila ng mga kamangha-manghang regalo kapag nagpakasal sila!"Nabalitaan ko na binibigyan ni Kairi ng maraming pera ang boyfriend niya! Dapat din natin siyang tulungan!"Kung hindi, hindi tatanggapin ng dalawang ‘yun ang mga regalo natin!"Natigilan ang lahat bago sila natauhan. Ang kanilang mga tingin kay Harvey York ay unti-unting naging mapanghusga.Syempre, akala nila isa lang siyang alalay.Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Aldo John nang makita niya si Harvey. Nakilala niya siya noong sandaling iyon.Tumayo siya, magsasalita sana siya, ngunit umiling si Harvey, na par
Ang lalaki ay nakasandal sa sopa na nakapatong ang mga paa, na natural na naging sentro ng atensyon ng mga tao.Si Harvey York ay kumunot ang noo sa lalaki. Ang kanyang kagandahan at kabaitan ay may kasamang di-masukat na lungkot at kasamaan.Sa wakas, ang pinakabata at pinaka-kahanga-hangang onmyoji ng pamilya Tsuchimikado ay hindi magiging isang ordinaryong tao.Habang naglalakad sa paligid ng kahon, inilipat ni Kairi Patel ang kanyang tingin sa isang tao bago nagpakita ng kakaibang ekspresyon."Bakit nandito rin si Aldo John?""Hindi ba lumpo na siya?"Tumingin si Harvey sa isang batang lalaki na nakasuot ng suit.Hindi siya mukhang matanda. Mukhang banayad siya nang umupo siya sa tabi ni Abe Masato, na para bang siya rin ay nasa mataas na posisyon.Naramdaman ni Harvey na pamilyar ang tao hanggang sa sa wakas ay naalala niya.Ito ang parehong tao na humingi ng tulong para hindi magwala noon sa Flutwell.Si Aldo John mismo.Ang liit ng mundo. Hindi niya inaasahan na makik
"Walang kahulugan sa akin ang mga salitang iyon, Kairi. Dapat mong sabihin ‘yan kay Young Master Abe mamaya,” malamig na sinabi ni Greta Lee.Pagkatapos, tiningnan niya si Harvey York bago tumawa ng malamig."Hindi ko alam kung sino ka, bata!"Pero binabalaan kita! May mga taong hindi mo dapat banggain!"Alam kong mas mahalaga sayo ang pera kaysa sa sarili mong buhay!"Kung alam mo ang makabubuti para sa'yo, kunin mo ito at umalis ka na!"Kung hindi, hindi mo magugustuhan ang kahihinatnan nito!"Kinuha ni Greta ang isang bunton ng pera mula sa kanyang handbag bago ito ihinagis sa lupa.Dumilim ang mukha ni Kairi Patel, ngunit bahagya lamang siyang ngumiti nang tumingin siya kay Harvey.Habang binabastos ni Greta si Kairi, tinatapak-tapakan din niya si Harvey.“Honey…"Sinusubukan niya akong palayasin gamit ang pera.""Hindi niya nga alam kung gaano kalaki ang ibinibigay mong baon sa akin araw-araw."Nagsalita si Harvey habang nakangiti kay Kairi."Gusto niyang malaman kun
Tumingin si Harvey York sa ibang direksyon matapos makita ang nakakaakit na ngiti ni Kairi Patel.Suminghal si Kairi, nagmamaktol siya dahil sa walang pusong lalaki sa harap niya bago niya ipinarada ang kotse. Pagkatapos ay pumasok na ang dalawa sa clubhouse.Ito ang lugar na paboritong bisitahin ng mga turista sa Golden Sands. Hindi lamang mga mamahaling sasakyan ang nakaparada sa paligid, kundi marami ring mga kakaibang tao ang makikita na kasama ang kanilang mga kasintahan habang masayang nagkukwentuhan.Hindi hilig ni Harvey ang mga ganitong atmospera pero wala siyang sinabi tungkol dito dahil may layunin siya sa isip niya.Pagkatapos tumawag ni Kairi, dinala niya si Harvey sa pinakamalalim na box ng lugar.Isang babae na nakasuot ng isang dress at may eleganteng makeup ang matagal nang naghihintay.Mabilis siyang lumapit nang makita niyang dumating si Kairi."Sa wakas nandito ka na!"Hinihintay ka ng lahat!"Ayaw ni Young Master Abe Masato na umorder ng kahit anong pagkai
Napahinto si Harvey York bago siya natawa, nagtataka siya kung nakatakda ba siyang magpanggap bilang boyfriend ng iba kamakailan.Pinuntahan siya ni Penny Jackson noon. Pinuntahan siya ni Cedric Lopez para gumawa ng gulo pagkatapos nun.Dahil humingi ng tulong si Kairi Patel, malamang na isa itong malaking bagay."Ano? Tumatanggi ka kahit na tinulungan mo si Penny?"Natural na alam ni Kairi ang tungkol dito. Lumapit siya sa tabi ni Harvey bago bumulong sa kanyang tainga."Nagmamakaawa siya na magpanggap kang boyfriend niya..."“Pero iba ako.”"Kung kilala mo ang taong ayaw ko...""Ikaw ang magmamakaawa sa’kin."Pinatunog ni Harvey ang kanyang dila."Hindi ko alam ang tungkol diyan. Hindi ako yung tipo na magmamakaawa.”"Ang taong iyon ay kabilang sa Tsuchimikado family. Isa siyang exchange student mula sa Kyoto University."Ang pangalan niya ay Abe Masato.""Bukod sa siya ang pinaka maningning na bituin sa larangan ng pulitika ng Island Nations, at ang pinakabatang advisor