Tinakpan ni Jensen Carlson ang kanyang mukha habang gumagawa ng masamang ekspresyon."Dad, sinubukan ko! Nilabas ko na ang lahat ng hinanda ko sa loob ng maraming taon!""Handa akong maghintay hanggang sa mamatay si Senior Oskar Armstrong saka ko ilalabas ang thesis paper!""Pero hindi sapat na binigay ko ang lahat ng mayroon ako para dito?""Tayong mga Carlson ay mayaman din, bakit kailangan nating maging mga alipin ng iba? Walang kabuluhan si Quinton York..."Pak!Muling sinampal ng patriarch ng mga Carlson sa mukha si Jensen Carlson, at agad siyang pinatigil sa pagsabi ng kung ano mang gusto niyang sabihin."Suwail kang anak. Sasabihin ko sa iyo sa huling pagkakataon, kung wala si Master York, nasa ilalim na ng mga bato ang mga Carlson ngayon!""Ang tulungan si Master York sa kanyang business ay karangalan natin! At kailangan nating tiisin ang mga kahihinatnan sa pagkakataong ito para sa ating kabiguan!" Malungkot na sinabi ng patriarch.Walang malay na nanginig ang kanyang
Sinundan ni Ella Graves si Harvey York habang naglalakad sila sa kalsada, pakiramdam niya ay parang umiikot palagi ang kanyang ulo.Napakaraming nangyari sa araw na iyon, hindi siya kayang mag-react nang maayos sa lahat.Hindi niya alam kung anong ekspresyon ang ipapakita kay Harvey na naglalakad sa tabi niya.'Ano talaga ang kaya ng lalaking ito? Nagagawa niya halos lahat ng bagay!'Wala ganoong pakialam si Harvey sa nangyari. Kumain siya ng hapunan kasama si Ella at pagkatapos ay umuwi na.***Kakauwi lang ni Harvey nang makasalubong niya si Mandy Zimmer at ang kanyang ina na nagmamadaling lumabas. Nagalit si Lilian Yates matapos makita si Harvey. Agad siyang pinagalitan si Harvey, "Saan ka pumunta at dis-oras na ng gabi?"Sumagot si Harvey, "Naghapunan ako kasama ang isang kaibigan.""Kumain kumain kumain, ang alam mo lang gawin ay kumain! Napagtanto mo pa bang babalik ang tatay mo?!” Muli siyang pinagalitan ni Lilian."Nasa Zimmer Villa na siya! Bilis, huwag mo siyang pagh
"Ah? Isang paraan para maging bahagi ang mga Zimmerng magandang proyekto at resources ni Simon Zimmer?"Nagningning ang mga mata ni Senior Zimmer."Pakinggan natin ito!"Hinawakan din ng iba pang mga miyembro ng pamilya Zimmer ang kanilang hininga at nakinig mabuti.Lalago ang kayamanan ng mga Zimmer kung maging second-class na pamilya sila sa provincial capital. Nangangahulugan din iyon na lalangoy sila sa pera.Sa sandaling iyon, walang gustong magpabagsak sa mga plano ni Simon. Ang lahat ay may mukhang puno ng excitement.Tumawa si Simon."Dad, narinig mo na ba ang pamilya Silva sa South Light?"Nayamot si Senior Zimmer."Simon, tinutukoy mo ba ang isa sa mga first-class na pamilya sa buong South Light, iyong pamilya Silva na iyon?""Tama! Sila nga!"Kumilos na mapagmataas si Simon Zimmer."Nakasaad sa alamat na ang pamilya Silva ay ang maharlikang kamag-anak ng hari noong unang panahon, ang tunay na Lord Kye Silva!""Pagkatapos ng digmaan, nanirahan sila South Light at
'Ano?''Totoo ba ito?'Ang lahat ay kinutya ang ideyang ito, hindi ba parang masyado itong hindi makatotohanan?Tanga ba ang mga Silva para pumirma ng kontratang tulad nito?Tiningnan ni Simon Zimmer ang mukha ng lahat nang walang kumpiyansa at ngumiti. Pagkatapos inilabas niya ang isang napakagandang folder mula sa kanyang briefcase at hinagis ito sa mesa."Heto, tingnan ninyo."Pumalibot ang lahat sa mesa at sinuri nang mabuti ang mga nilalaman.Talagang nakatukoy sa kontrata kung ano ang sinabi ni Simon, ang bibigyan ng sampung ektarya ang pamilyang Zimmer para magpatakbo sa newly planned area sa Buckwood.Sa tabi ng isang shopping center, ilang residential buildings ang kasama rin sa lupain.Ang bawat pulgada ng bagong lugar sa Buckwood ay nagkakahalaga ng tonelada ng ginto.Kung mapamahalaan ng pamilya Zimmer ang proyektong may sampung ektarya ng lupa, ang lalaki nang sampung beses ang kanilang net worth!Nakatukoy din sa kontrata na ang collaboration na ito ay magbibig
"Tama yan, lolo. Napakalaking bagay nito, kailangan mong pag-isipan itong mabuti. Kung gagawa ka ng isang maling galaw, mawawala sa iyo ang lahat. Mukhang makakakuha tayo ng tone-toneladang benepisyo tulad ng nakasaad sa kontratang ito, ngunit walang bagay sa mundo na walang kapalit!""Ang Buckwood ay isang lugar kung saan nagtitipon ang mga masasama at sakim na tao. Sino ang nakakaalam kung gaano na karaming mga first-class na pamilya mula mga prefecture-level cities ang nagtangkang manirahan doon, pagkatapos ay bumalik na patay na parang dodo? Anong mga kakayahan ang mayroon ba tayo para maka-survive sa Buckwood?""Kapag pumasok na tayo at wala nang balikan at nabigo tayo, magiging magulo ang buong pamilya!"Si Zack Zimmer ang unang kumalaban sa ideya ni Simon Zimmer na may maingat na ekspresyon sa kanyang mukha. Kung ang matutuloy ang planong ito, magiging utot sa hangin ang kanyang posisyon ng vice CEO sa pamilya. Hindi niya ito papayagan."Lolo, ako ang vice CEO sa pamilya, ka
"Malapit nang maging son-in-law ko ang Young Master Leon Silva, sa palagay mo talaga ay magpaplano pa rin siya ng ikakapahamak ng kanyang sariling biyenan?" Matuwid na sinabi ni Simon Zimmer."Heh, son-in-law?"Hinagis ni Quinn Zimmer ang kanyang buhok, na may mukhang puno ng sarcasm."Mahal kong tiyuhin, tingnan mo ang iyong anak at tingnan kung gusto niyang hiwalayan muna ang live-in son-in-law na iyon! Natatakot akong ang masisira agad ang iyong mga pangarap, at hindi mo ito makukuha!""Ikaw…"Kumukulo si Simon sa galit sa puntong hindi siya makapagsalita ng maayos."Tama na! Magkakapamilya tayong lahat dito, tumigil kayo sa pag-aaway!"Hinampas ni Senior Zimmer ang kanyang kamay sa mesa, hindi siya nasisiyahan."Gumagawa ng gulo sa kalagitnaan ng gabi, wala ba tayong kaayusan dito?!""Simon, tatanungin kita ulit, totoo bang gusto ng mga Silva na mag-ayos ng kasal sa mga Zimmer?" Sinabi ni Senior Zimmer habang pinag-iisipan ang sitwasyon.Pumalakpak si Simon sa dibdib at s
Matapos makipagpalitan ng eye signal kay Quinn Zimmer, tumayo si Zack Zimmer na may mahigpit na ekspresyon."Lolo, sa palagay ko ay dapat nating subukan kung talaga bang willing ang mga Silva na mag-ayos ng kasal sa ating pamilya."Masusi niya itong pinag-isipan. Kung ikakasal si Quinn sa isang tao mula sa mga Silva, maaaring maging matatag ang pamilya sa Buckwood.Kung mangyari iyon, pwede niyang gamitin ang collaboration sa mga Naiswell para mapalapit kay Rosalie Naiswell at maging son-in-law ng kanilang pamilya!Sa suporta ng mga Silva at ng mga Naiswell, sinong maglalakas-loob na kalabanin ang mga Zimmer?Bumalik ang diwa ni Quinn na may mukhang puno ng pananabik."Lolo, kung gusto ng pamilya ng asawa ko na makipag-collaborate sa atin, paanong isusuko natin ang pagkakataong ito?!"Kanina ay tinutulan ni Quinn Zimmer ang ideya na may mukhang puno ng katwiran, pinakita nito kung gaano siya kabilis magbago ng isip, mas mabilis pa sa pagbuklat ng mga pahina ng libro.Napili siy
Natapos na ang family meeting ng pamilya Zimmer bago pa makrating sina Harvey York, Mandy Zimmer, at Lilian Yates.Kung naroon si Harvey, pipigilan niya agad ang collaboration.Alam niya kung anong klaseng pamilya ang mga Silva. Sa mga nagdaang taon, ang mga taong nag-trabaho sa kanila ay labis na inabuso ng mga Silva.***Nang dumating si Harvey at ang iba pa sa main hall ng Zimmer Villa, si Simon Zimmer lamang na may mukha kasing dilim ng gabi ang natira.“Dad…”“Ama…”"Hoy tanda, hindi ba sinabi mong may family gathering? Bakit ikaw lang ang nandito? May iaanunsiyo ka sana, ‘di ba? Anong meron?"Nagbihis nagn maganda si Lilian sa sandaling iyon. Narinig niya sa tono ng kanyang asawa na nagtagumpay siya sa Buckwood, iyon ang dahilan kung bakit nais niyang ipakita ang kanyang pinakamahusay niyang sarili at gumugol ng mas maraming oras para sa makeup niya.Sayang at huli na siyang dumating.Kasing putla ng niyebe ang mukha ni Simon. Dahan-dahan niyang nilingon ang kanyang ulo
Hindi man lang niya mapapanatili ang kanyang posisyon kung lalala ang mga pangyayari.Isang nakakakilabot na ekspresyon ang ipinakita ni Soren Braff bago huminga ng malalim.“Representative Abe, tama ba?"Alam ko na ito ang teritoryo ng Island Nations. Alam ko rin na ikaw ang kinatawan ng Island Nations Embassy!"Ngunit kailangan mong bigyan ako ng isang patas na pahayag para sa pinsala sa aking mga tao nang ganoon!""Sa tingin mo ba may karapatan kang hilingin iyon?!"Ngumisi si Sakamoto bago itinapat ang likod ng palad sa mukha ni Soren.Pak!Isang malakas na sampal ang narinig.Napaatras ng ilang hakbang si Soren na hindi makapaniwala. Ni wala siyang panahon para ihanda ang sarili.Hindi niya inaasahan na magiging walang ingat ang mga taga-isla para labanan siya ng ganito!Isang matingkad na pulang palm print ang makikita sa kanyang mukha nang siya ay lubos na nagalit."Mukhang pinaplano mong palakihin ang sitwasyon kahit anong mangyari, Young Master Abe!Malamig na nap
”Hayy.”Napabuntong-hininga si Kairi Patel bago inilabas ang kanyang telepono."Baka may nakalimutan ka, Young Master Abe.“Galing ako sa pamilya Patel!“Ang pamilya ay kabilang sa isa sa limang nakatagong pamilya."Sa tingin mo ba makakaalis ka pa rito ng buhay kung magpasya akong pigilan ka anuman ang kahihinatnan?"“So ano?“Kaya mo bang labanan ang pamilya Tsuchimikado?"Kami ang tunay na maharlikang pamilya na may libu-libong taon ng angkan!"Ang Bansa H ay hindi pa naitayo sa loob ng isang daang taon! Paano ka makakaasa na lumaban sa Island Nations?!“Sige lang! Subukan mo ako!"Gusto kong makita kung gaano kahanga-hanga ang pamilya Patel!"Bam!Bumukas ang pinto bago pumasok ang isang grupo ng mga lalaking naka-uniporme.Ang nasa harap ay si Soren Braff mismo."Anong karapatan mong saktan ang pamangkin ko sa ilalim ng hurisdiksyon ng Golden Sands Police Station?" malamig na bulalas ni Soren habang humahakbang."Natanong mo na ba muna ang opinyon ko?"Mabilis na
”Ano?“Galit ka ba sa’kin?“Papatayin mo ako gamit ng lason mo?”Napuno ng panghahamak ang magandang mukha ni Abe Masato.“Kung ganun, gawin mo na.“Tingnan natin kung kaya mo!“Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa pamilya mo pagkatapos mo akong patayin!“O sasampalin mo muna ako para gumaan ang pakiramdam mo?”Inilapit ni Abe ang mukha niya kay Kairi Patel.Tumalim ang mga mata ni Harvey York. Masasabi na masyadong nagyayabang si Abe.Gayunpaman, hindi rin nagmadaling kumilos si Harvey. Dahil ganito kayabang si Abe, malamang may iba siyang pinaplano.Naisip ni Harvey na maghintay siya ng kaunti para sa kapakanan ni Kairi.Bukod dito, naniniwala siyang kaya niyang harapin ang Islander nang mag-isa.Hindi niya sana isinama si Harvey kung hindi iyon ang nangyari.Gusto ni Kairi na ihampas si Abe sa lupa ngunit hindi niya ginawa.Si Abe at ang iba pa ay nasa ilalim ng pangalan ng Island Nations’ Embassy.Ang pakikipaglaban sa kanya pabalik ay magiging isang malaking pr
"Hindi ka dapat maging ganito ka-bastos kay Ms. Kairi Patel. Anuman ang dahilan, kaklase ko pa rin siya.”Itinaas ni Abe Masato ang kanyang kopita bago uminom."Dapat alam mo na magkaklase lang tayo, Abe," sabi ni Kairi habang nakatingin siya ng masama kay Abe.“Anong karapatan ng tauhan mo na utusan ang boyfriend ko?"Naisip mo ba ang magiging kapalit nito?"Isang malungkot na tingin ang ipinakita ni Abe bago tumalim ang kanyang mga mata."Palagi kong iniisip na isa kang matalinong babae, Kairi…"Hindi gumagawa ng katangahan ang mga matalinong babae.“Dahil magkaklase tayo, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon.“Sino ang lalaking ‘to para sayo?!”Hindi man lang nag-alinlangan si Kairi.“Siya ang boyfriend ko!” malamig niyang sinabi.Bam!Hinagis ni Abe ang kanyang kopita sa lupa ng may malagim na ekspresyon.Tumayo siya bago siya naglakad palapit kay Kairi ng magkakrus ang mga braso.“Ano ulit ang sinabi mo?” tanong niya habang nakatingin ng masama kay Kairi.“Boyfrie
Sa tapang ni Kairi Patel, hindi makapaniwala ang mga tao na hahayaan niyang maupo ang kanyang boyfriend sa halip na siya.Napakahalaga talaga siguro ng lalaking ito para sa kanya.Agad na nagdilim ang mukha ni Abe Masato.Muling umupo si Greta Lee sa kanyang upuan bago siya nagsalita."Kayong lahat, isinama ni Kairi ang kanyang boyfriend para makilala natin siya ngayon."Siguraduhin ninyong bibigyan niyo sila ng mga kamangha-manghang regalo kapag nagpakasal sila!"Nabalitaan ko na binibigyan ni Kairi ng maraming pera ang boyfriend niya! Dapat din natin siyang tulungan!"Kung hindi, hindi tatanggapin ng dalawang ‘yun ang mga regalo natin!"Natigilan ang lahat bago sila natauhan. Ang kanilang mga tingin kay Harvey York ay unti-unting naging mapanghusga.Syempre, akala nila isa lang siyang alalay.Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Aldo John nang makita niya si Harvey. Nakilala niya siya noong sandaling iyon.Tumayo siya, magsasalita sana siya, ngunit umiling si Harvey, na par
Ang lalaki ay nakasandal sa sopa na nakapatong ang mga paa, na natural na naging sentro ng atensyon ng mga tao.Si Harvey York ay kumunot ang noo sa lalaki. Ang kanyang kagandahan at kabaitan ay may kasamang di-masukat na lungkot at kasamaan.Sa wakas, ang pinakabata at pinaka-kahanga-hangang onmyoji ng pamilya Tsuchimikado ay hindi magiging isang ordinaryong tao.Habang naglalakad sa paligid ng kahon, inilipat ni Kairi Patel ang kanyang tingin sa isang tao bago nagpakita ng kakaibang ekspresyon."Bakit nandito rin si Aldo John?""Hindi ba lumpo na siya?"Tumingin si Harvey sa isang batang lalaki na nakasuot ng suit.Hindi siya mukhang matanda. Mukhang banayad siya nang umupo siya sa tabi ni Abe Masato, na para bang siya rin ay nasa mataas na posisyon.Naramdaman ni Harvey na pamilyar ang tao hanggang sa sa wakas ay naalala niya.Ito ang parehong tao na humingi ng tulong para hindi magwala noon sa Flutwell.Si Aldo John mismo.Ang liit ng mundo. Hindi niya inaasahan na makik
"Walang kahulugan sa akin ang mga salitang iyon, Kairi. Dapat mong sabihin ‘yan kay Young Master Abe mamaya,” malamig na sinabi ni Greta Lee.Pagkatapos, tiningnan niya si Harvey York bago tumawa ng malamig."Hindi ko alam kung sino ka, bata!"Pero binabalaan kita! May mga taong hindi mo dapat banggain!"Alam kong mas mahalaga sayo ang pera kaysa sa sarili mong buhay!"Kung alam mo ang makabubuti para sa'yo, kunin mo ito at umalis ka na!"Kung hindi, hindi mo magugustuhan ang kahihinatnan nito!"Kinuha ni Greta ang isang bunton ng pera mula sa kanyang handbag bago ito ihinagis sa lupa.Dumilim ang mukha ni Kairi Patel, ngunit bahagya lamang siyang ngumiti nang tumingin siya kay Harvey.Habang binabastos ni Greta si Kairi, tinatapak-tapakan din niya si Harvey.“Honey…"Sinusubukan niya akong palayasin gamit ang pera.""Hindi niya nga alam kung gaano kalaki ang ibinibigay mong baon sa akin araw-araw."Nagsalita si Harvey habang nakangiti kay Kairi."Gusto niyang malaman kun
Tumingin si Harvey York sa ibang direksyon matapos makita ang nakakaakit na ngiti ni Kairi Patel.Suminghal si Kairi, nagmamaktol siya dahil sa walang pusong lalaki sa harap niya bago niya ipinarada ang kotse. Pagkatapos ay pumasok na ang dalawa sa clubhouse.Ito ang lugar na paboritong bisitahin ng mga turista sa Golden Sands. Hindi lamang mga mamahaling sasakyan ang nakaparada sa paligid, kundi marami ring mga kakaibang tao ang makikita na kasama ang kanilang mga kasintahan habang masayang nagkukwentuhan.Hindi hilig ni Harvey ang mga ganitong atmospera pero wala siyang sinabi tungkol dito dahil may layunin siya sa isip niya.Pagkatapos tumawag ni Kairi, dinala niya si Harvey sa pinakamalalim na box ng lugar.Isang babae na nakasuot ng isang dress at may eleganteng makeup ang matagal nang naghihintay.Mabilis siyang lumapit nang makita niyang dumating si Kairi."Sa wakas nandito ka na!"Hinihintay ka ng lahat!"Ayaw ni Young Master Abe Masato na umorder ng kahit anong pagkai
Napahinto si Harvey York bago siya natawa, nagtataka siya kung nakatakda ba siyang magpanggap bilang boyfriend ng iba kamakailan.Pinuntahan siya ni Penny Jackson noon. Pinuntahan siya ni Cedric Lopez para gumawa ng gulo pagkatapos nun.Dahil humingi ng tulong si Kairi Patel, malamang na isa itong malaking bagay."Ano? Tumatanggi ka kahit na tinulungan mo si Penny?"Natural na alam ni Kairi ang tungkol dito. Lumapit siya sa tabi ni Harvey bago bumulong sa kanyang tainga."Nagmamakaawa siya na magpanggap kang boyfriend niya..."“Pero iba ako.”"Kung kilala mo ang taong ayaw ko...""Ikaw ang magmamakaawa sa’kin."Pinatunog ni Harvey ang kanyang dila."Hindi ko alam ang tungkol diyan. Hindi ako yung tipo na magmamakaawa.”"Ang taong iyon ay kabilang sa Tsuchimikado family. Isa siyang exchange student mula sa Kyoto University."Ang pangalan niya ay Abe Masato.""Bukod sa siya ang pinaka maningning na bituin sa larangan ng pulitika ng Island Nations, at ang pinakabatang advisor