Natapos na ang family meeting ng pamilya Zimmer bago pa makrating sina Harvey York, Mandy Zimmer, at Lilian Yates.Kung naroon si Harvey, pipigilan niya agad ang collaboration.Alam niya kung anong klaseng pamilya ang mga Silva. Sa mga nagdaang taon, ang mga taong nag-trabaho sa kanila ay labis na inabuso ng mga Silva.***Nang dumating si Harvey at ang iba pa sa main hall ng Zimmer Villa, si Simon Zimmer lamang na may mukha kasing dilim ng gabi ang natira.“Dad…”“Ama…”"Hoy tanda, hindi ba sinabi mong may family gathering? Bakit ikaw lang ang nandito? May iaanunsiyo ka sana, ‘di ba? Anong meron?"Nagbihis nagn maganda si Lilian sa sandaling iyon. Narinig niya sa tono ng kanyang asawa na nagtagumpay siya sa Buckwood, iyon ang dahilan kung bakit nais niyang ipakita ang kanyang pinakamahusay niyang sarili at gumugol ng mas maraming oras para sa makeup niya.Sayang at huli na siyang dumating.Kasing putla ng niyebe ang mukha ni Simon. Dahan-dahan niyang nilingon ang kanyang ulo
Walang katao-tao sa Niumhi sa gabi.Hindi dinala ni Harvey York ang kanyang Porsche nang itaboy siya. Kung kaya, nakahanap lang siya ng isang shared EV at sumakay dito.Dahil pasado alas diyes na ng gabi, walang tao sa kumpanya, kahit mga security guard.Kinapkap ni Harvey ang buong katawan niya at nalamang wala siyang dalang pera. Ang pwede lang niyang tawagan ay si Wendy Sorrell.Hindi niya matawagan si Yvonne Xavier dahil nagpapagaling pa rin siya sa mga injury nito. Kung kaya, hindi magandang oras na tumawag at istorbohin ang kanyang pagpapahinga.Sa kabilang dulo ng phone, naglalagay si Wendy ng makeup sa apartment. Mabilis siyang tumayo nang matanggap niya ang tawag. Magalang pa rin siyang nagsalita kahit sa phone lang siya nakikipag-usap, "CEO, anong kailangan mo ngayong gabi?"Medyo nahiya din si Harvey, ngunit matapos itong isipin, sinabi pa rin niya, “Wala akong matutuluyan ngayong gabi. Pwede ka bang mag-ayos ng lugar para sa akin?"Saglit na napatigil si Wendy. Namul
"Pfft..." Tumawa ang bellboy.Matapos tingnan nang saglit si Harvey York mula ulo hanggang paa, tinuro niya ang mga mamahaling kotse sa tabi niya, at sinabi, “Sir, tingnan mo kung ano ang iyong minamaneho at kung ano ang iyong suot, pagkatapos ay tingnan mo ang mga kotse sa aming parking lot. Sa palagay mo ba qualified kang pumunta sa lugar na ito?”"Ang perang ginagastos namin sa isang gabi dito, baka hindi mo pa kayang kumita ng ganoong karaming pera sa buhay mo!""Sinong nagtakdang dapat kang magmaneho ng luxury car kapag pupunta ka sa gathering? Anong mali sa pagsakay sa isang shared EV?" Walang magawa si Harvey kundi ngumiti. Dadalhin niya sana ang kanyang Porsche dito kung alam niyang ang bellboy sa private clubhouse ay masyadong snob.“Kapatid, tototohanin kita. Wala akong pakialam kung gusto mong magpakitang-gilas o gusto mong mambabae. Sa madaling sabi, hindi angkop ang lugar na ito para sa iyo!” Masiglang sinabi ng bellboy."Private clubhouse ito. Ang lahat ng mga serbis
Nang maramdaman ang ginawa ng binata, umikot si Harvey York at mabilis na sinampal sa mukha ang binata.Pak!Sa isang malutong na tunog, natulala ang binata matapos masampal.Tinakpan niya ang kanyang mukha, napa-atras, at halos bumagsak sa lupa.“Punyeta! Sino ka ba! Ang lakas ng loob mong sampalin ako?! Napakayabang mo eh hamak na driver ka lang?! Lagot ka sakin!" Galit na ngumisi ang binata."Binabalaan kita. Huwag mo akong galitin, o baka mamamatay ka." Walang pakialam na sinabi ni Harvey at naglakad papunta sa clubhouse.Natulala ang bellboy.Anong nangyayari?May lakas ng loob ang driver na ito para sampalin ang isang taong nagmamaneho ng isang Porsche.Sinusubukan ba niyang patayin ang kanyang sarili?Nagmadali siya papunta sa binata at tinanong, "Sir, ayos ka lang ba?!""Ayos lang ako. Bakit naman hindi? Kaso, mukhang may isang taong lagot ngayong gabi!" Paulit-ulit na ngumisi ang binata.Naka-book ang clubhouse na ito ngayong gabi. Walang makakatakas sa mga pumasok
Ang mga tao sa paligid ni Tyler Zane ay tumingin kay Harvey York at sinabi, "Posibleng hindi siya driver. Marahil isa lang siyang mahirap na tao na gustong makapasok at bolahin tayo?"Ngumiti si Tyler at sinabi, "Tama iyan. Baka swerte lang siyang nakakita ng isang invitation card, iniisip na qualified siyang pumunta sa party natin at pwede siyang sumali sa circle natin. Nakakatawa iyon!""Ang ganitong klaseng mga tao, sino ba sila sa palagay nila? Iniisip lamang nila na kapag nakapasok na sila, wala nang makakakaalam ng kanilang totoong pagkatao. Napakaliit ng circle natin. Walang out of reach.""Paano mo siya paglalaruan?""Tara na. Ang basurang ito, dahil naglakas-loob siyang pumasok sa circle natin, kailangan natin siyang turuan ng leksyon. Sa una ay nag-aalala akong wala akong gagawin ngayong gabi!" Ngumiti si Tyler."Paano kung mauna akong pumunta sa kanya, Brother Zane?" Nakangisi namang sinabi ng lalaki. Siguradong nirerespeto niya si Tyler.Umirap si Tyler at tumango. I
"Hindi kaya si luluhod si Master Zane?"Sa sandaling ito, maraming tao sa paligid ang nagsimulang magkantiyawan.Talagang hindi nagkakaisa ang circle na ito, at maraming mga intriga at tunggalian sa loob.Si Wendy Sorrell ang nag-organisa ng party ngayong gabi. Maraming single at mayamang mga second generation ang nais gamitin ang oportunidad na ito para magpa-impress sa kanya.Sa sandaling ito, nanggugulo si Tyler at posibleng mainis ang organizer, si Wendy. Hindi ba ito gagawa ng mas malaking oportunidad para sa lahat?Pakiramdam ni Tyler ay nilagay siya on the spot na nakaharap sa maingay na madla.Kalaunan ay gustong iwasan ni Tyler ang ganitong eksena. Kung tutuusin, si Wendy ang bida ngayong gabi. Kung gagawa siya ng anumang gulo sa oras na ito, ibig sabihin ay hindi niya binibigyan ng respeto si Wendy.Bukod dito, si Wendy ay isa nang executive ng York Enterprise.Kamakailan lamang, usap-usapang posibleng niyang palitan si Yvonne Xavier bilang secretary ng misteryosong b
Matapos marinig ang sinabi ni Harvey York, sa kung anumang dahilan, takot na takot siya na nanlambot ang kanyang mga binti, at lumuhod siya sa sahig."I’m sorry, humihingi ako ng tawad. Ginawa ko lang ang sinabi ni Tyler. Wala itong kinalaman sa akin!”"Bweno, patatawarin kita."Tumawag si Harvey ng waiter at kumuha ng isang glass ng wine. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang binuhos ito sa ulo ng lalaking iyon.Hindi man naglakas-loob ang taong iyon na iwasan ito.Malinaw pa ang nangyari kay Tyler Zane. Ayaw niyang mahampas ni Harvey."Papatayin kita! Talagang papatayin kita! Kilala mo ba ako? Ang kapal mong tratuhin ako nang ganito? Lagot ka sa akin!" Hirap magsalita si Tyler."Hindi na mahalaga kung sino ka. Dahil hindi mo ako kilala, ibig sabihin ay hindi maganda ang kalagayan mo sa circle na ito. Hindi ka rin tinuturing isang mayamang second generation mula sa isang second-class na pamilya. At narito ka, nagpapasikat sa harap ko?" Mahinang ngumiti si Harvey.Hindi siya nagsasa
“Nandito na si Miss Sorrell. Tingnan natin kung anong mangyayari sa kanya!""Ito ang kauna-unahang pagkakataong nag-organisa si Wendy Sorrell ang ganitong uri ng party. Gumagawa ng gulo ang taong ito. Siguradong patay na siya!""Kung hindi dahil sa mga magagandang babae dito, malamang lumapit na ako at pinagsasapak siya!""Sinisira ang reputasyon ng York Enterprise, talagang hindi niya alam kung saan siya nakatayo..."Walang imik si Harvey York.Ang mga taong hindi naglakas-loob na magsalita kanina ay umaasta ngayon na parang sila ang Hari na kaya nilang apakan si Harvey sa susunod na segundo.Gayunpaman, para sa mga taong iyon, paano nila mauunawaan ang mood ni Wendy sa ngayon?Kalaunan ay gusto niyang pumunta ang CEO sa party para makapag-relax.Kung kaya, pwede silang makipag-chat sa bawat isa.Sa huli, ganito ang nangyari.Alam niyang low-key ang CEO. Gayunpaman, hindi niya sukat akalain na ang mayamang mga second generation na iyon ay mga walang isip at naglakas-loob na i-
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”
Kumibot ang mga mata ni Blaine sa pagiging dominante ni Harvey.Nagulat si Alani at ang iba pang mga babae.Syempre, hindi nila inisip na magiging mas mabangis si Harvey kaysa kay Blaine sa ganitong sitwasyon.Si Blaine ay isa sa mga batang panginoon ng sampung pinakamayamang pamilya!Isang kilalang tao na wala nang ibang magagawa kundi magpatirapa ang lahat sa Country H!At sa kabila ng lahat, siya ay lubos na pinigilan ni Harvey!Hindi ito kapani-paniwala!Ang mga guwardiya ni Blaine ay handang sumulong, ngunit agad silang pinigilan ng mga disipulo na itinutok ang kanilang mga armas sa kanilang mga ulo.Agad na naging tense ang hangin.Alam ng mga guwardiya na magagaling silang mga mandirigma, ngunit hindi sila makakaligtas kung lalabanan nila ang Heaven’s Gate."Malapit na ang oras. May tatlumpung segundo ka pa.”Tumingin si Harvey sa Rolex sa kanyang pulso."Sa totoo lang, mas gusto ko na huwag kang sumang-ayon sa mga kondisyon ko. Sa ganitong paraan, maari kitang durugin ng
Ang mga ordinaryong tao ay matatakot nang labis sa lahat ng mga paninirang iyon…Gayunpaman, ngumiti lamang si Harvey. Pinagkrus niya ang kanyang mga braso, at nilapitan si Blaine. Pagkatapos, bago makapag-react si Blaine, sinampal niya si Blaine.Pak!Si Blaine ay naitapon at bumagsak sa lupa.Kahit na siya ay lihim na isang eksperto sa martial arts, hindi siya nakapag-react nang mabilis upang maiwasan na tamaan siya ni Harvey. Akala niya na hindi siya nakaiwas dahil siya ay naging pabaya; hindi niya inasahan na gagawin ito ni Harvey sa kanya.Natahimik ang mga tao.Sino nga ulit si Blaine…?Siya ang young master ng John family! Kahit na gaano siya ka-low-key, isa pa rin siya sa mga pinakamahusay na young master sa bansa.Gayunpaman, naglakas-loob pa ring sapakin ni Harvey ang lalaki sa mukha sa ilalim ng ganitong mga pangyayari…Sino ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob?Nagulat sina Azrael at ang iba pa; hindi nila inasahan na ganito kalakas si Harvey.Hinawakan ni Blai