"Tama yan, lolo. Napakalaking bagay nito, kailangan mong pag-isipan itong mabuti. Kung gagawa ka ng isang maling galaw, mawawala sa iyo ang lahat. Mukhang makakakuha tayo ng tone-toneladang benepisyo tulad ng nakasaad sa kontratang ito, ngunit walang bagay sa mundo na walang kapalit!""Ang Buckwood ay isang lugar kung saan nagtitipon ang mga masasama at sakim na tao. Sino ang nakakaalam kung gaano na karaming mga first-class na pamilya mula mga prefecture-level cities ang nagtangkang manirahan doon, pagkatapos ay bumalik na patay na parang dodo? Anong mga kakayahan ang mayroon ba tayo para maka-survive sa Buckwood?""Kapag pumasok na tayo at wala nang balikan at nabigo tayo, magiging magulo ang buong pamilya!"Si Zack Zimmer ang unang kumalaban sa ideya ni Simon Zimmer na may maingat na ekspresyon sa kanyang mukha. Kung ang matutuloy ang planong ito, magiging utot sa hangin ang kanyang posisyon ng vice CEO sa pamilya. Hindi niya ito papayagan."Lolo, ako ang vice CEO sa pamilya, ka
"Malapit nang maging son-in-law ko ang Young Master Leon Silva, sa palagay mo talaga ay magpaplano pa rin siya ng ikakapahamak ng kanyang sariling biyenan?" Matuwid na sinabi ni Simon Zimmer."Heh, son-in-law?"Hinagis ni Quinn Zimmer ang kanyang buhok, na may mukhang puno ng sarcasm."Mahal kong tiyuhin, tingnan mo ang iyong anak at tingnan kung gusto niyang hiwalayan muna ang live-in son-in-law na iyon! Natatakot akong ang masisira agad ang iyong mga pangarap, at hindi mo ito makukuha!""Ikaw…"Kumukulo si Simon sa galit sa puntong hindi siya makapagsalita ng maayos."Tama na! Magkakapamilya tayong lahat dito, tumigil kayo sa pag-aaway!"Hinampas ni Senior Zimmer ang kanyang kamay sa mesa, hindi siya nasisiyahan."Gumagawa ng gulo sa kalagitnaan ng gabi, wala ba tayong kaayusan dito?!""Simon, tatanungin kita ulit, totoo bang gusto ng mga Silva na mag-ayos ng kasal sa mga Zimmer?" Sinabi ni Senior Zimmer habang pinag-iisipan ang sitwasyon.Pumalakpak si Simon sa dibdib at s
Matapos makipagpalitan ng eye signal kay Quinn Zimmer, tumayo si Zack Zimmer na may mahigpit na ekspresyon."Lolo, sa palagay ko ay dapat nating subukan kung talaga bang willing ang mga Silva na mag-ayos ng kasal sa ating pamilya."Masusi niya itong pinag-isipan. Kung ikakasal si Quinn sa isang tao mula sa mga Silva, maaaring maging matatag ang pamilya sa Buckwood.Kung mangyari iyon, pwede niyang gamitin ang collaboration sa mga Naiswell para mapalapit kay Rosalie Naiswell at maging son-in-law ng kanilang pamilya!Sa suporta ng mga Silva at ng mga Naiswell, sinong maglalakas-loob na kalabanin ang mga Zimmer?Bumalik ang diwa ni Quinn na may mukhang puno ng pananabik."Lolo, kung gusto ng pamilya ng asawa ko na makipag-collaborate sa atin, paanong isusuko natin ang pagkakataong ito?!"Kanina ay tinutulan ni Quinn Zimmer ang ideya na may mukhang puno ng katwiran, pinakita nito kung gaano siya kabilis magbago ng isip, mas mabilis pa sa pagbuklat ng mga pahina ng libro.Napili siy
Natapos na ang family meeting ng pamilya Zimmer bago pa makrating sina Harvey York, Mandy Zimmer, at Lilian Yates.Kung naroon si Harvey, pipigilan niya agad ang collaboration.Alam niya kung anong klaseng pamilya ang mga Silva. Sa mga nagdaang taon, ang mga taong nag-trabaho sa kanila ay labis na inabuso ng mga Silva.***Nang dumating si Harvey at ang iba pa sa main hall ng Zimmer Villa, si Simon Zimmer lamang na may mukha kasing dilim ng gabi ang natira.“Dad…”“Ama…”"Hoy tanda, hindi ba sinabi mong may family gathering? Bakit ikaw lang ang nandito? May iaanunsiyo ka sana, ‘di ba? Anong meron?"Nagbihis nagn maganda si Lilian sa sandaling iyon. Narinig niya sa tono ng kanyang asawa na nagtagumpay siya sa Buckwood, iyon ang dahilan kung bakit nais niyang ipakita ang kanyang pinakamahusay niyang sarili at gumugol ng mas maraming oras para sa makeup niya.Sayang at huli na siyang dumating.Kasing putla ng niyebe ang mukha ni Simon. Dahan-dahan niyang nilingon ang kanyang ulo
Walang katao-tao sa Niumhi sa gabi.Hindi dinala ni Harvey York ang kanyang Porsche nang itaboy siya. Kung kaya, nakahanap lang siya ng isang shared EV at sumakay dito.Dahil pasado alas diyes na ng gabi, walang tao sa kumpanya, kahit mga security guard.Kinapkap ni Harvey ang buong katawan niya at nalamang wala siyang dalang pera. Ang pwede lang niyang tawagan ay si Wendy Sorrell.Hindi niya matawagan si Yvonne Xavier dahil nagpapagaling pa rin siya sa mga injury nito. Kung kaya, hindi magandang oras na tumawag at istorbohin ang kanyang pagpapahinga.Sa kabilang dulo ng phone, naglalagay si Wendy ng makeup sa apartment. Mabilis siyang tumayo nang matanggap niya ang tawag. Magalang pa rin siyang nagsalita kahit sa phone lang siya nakikipag-usap, "CEO, anong kailangan mo ngayong gabi?"Medyo nahiya din si Harvey, ngunit matapos itong isipin, sinabi pa rin niya, “Wala akong matutuluyan ngayong gabi. Pwede ka bang mag-ayos ng lugar para sa akin?"Saglit na napatigil si Wendy. Namul
"Pfft..." Tumawa ang bellboy.Matapos tingnan nang saglit si Harvey York mula ulo hanggang paa, tinuro niya ang mga mamahaling kotse sa tabi niya, at sinabi, “Sir, tingnan mo kung ano ang iyong minamaneho at kung ano ang iyong suot, pagkatapos ay tingnan mo ang mga kotse sa aming parking lot. Sa palagay mo ba qualified kang pumunta sa lugar na ito?”"Ang perang ginagastos namin sa isang gabi dito, baka hindi mo pa kayang kumita ng ganoong karaming pera sa buhay mo!""Sinong nagtakdang dapat kang magmaneho ng luxury car kapag pupunta ka sa gathering? Anong mali sa pagsakay sa isang shared EV?" Walang magawa si Harvey kundi ngumiti. Dadalhin niya sana ang kanyang Porsche dito kung alam niyang ang bellboy sa private clubhouse ay masyadong snob.“Kapatid, tototohanin kita. Wala akong pakialam kung gusto mong magpakitang-gilas o gusto mong mambabae. Sa madaling sabi, hindi angkop ang lugar na ito para sa iyo!” Masiglang sinabi ng bellboy."Private clubhouse ito. Ang lahat ng mga serbis
Nang maramdaman ang ginawa ng binata, umikot si Harvey York at mabilis na sinampal sa mukha ang binata.Pak!Sa isang malutong na tunog, natulala ang binata matapos masampal.Tinakpan niya ang kanyang mukha, napa-atras, at halos bumagsak sa lupa.“Punyeta! Sino ka ba! Ang lakas ng loob mong sampalin ako?! Napakayabang mo eh hamak na driver ka lang?! Lagot ka sakin!" Galit na ngumisi ang binata."Binabalaan kita. Huwag mo akong galitin, o baka mamamatay ka." Walang pakialam na sinabi ni Harvey at naglakad papunta sa clubhouse.Natulala ang bellboy.Anong nangyayari?May lakas ng loob ang driver na ito para sampalin ang isang taong nagmamaneho ng isang Porsche.Sinusubukan ba niyang patayin ang kanyang sarili?Nagmadali siya papunta sa binata at tinanong, "Sir, ayos ka lang ba?!""Ayos lang ako. Bakit naman hindi? Kaso, mukhang may isang taong lagot ngayong gabi!" Paulit-ulit na ngumisi ang binata.Naka-book ang clubhouse na ito ngayong gabi. Walang makakatakas sa mga pumasok
Ang mga tao sa paligid ni Tyler Zane ay tumingin kay Harvey York at sinabi, "Posibleng hindi siya driver. Marahil isa lang siyang mahirap na tao na gustong makapasok at bolahin tayo?"Ngumiti si Tyler at sinabi, "Tama iyan. Baka swerte lang siyang nakakita ng isang invitation card, iniisip na qualified siyang pumunta sa party natin at pwede siyang sumali sa circle natin. Nakakatawa iyon!""Ang ganitong klaseng mga tao, sino ba sila sa palagay nila? Iniisip lamang nila na kapag nakapasok na sila, wala nang makakakaalam ng kanilang totoong pagkatao. Napakaliit ng circle natin. Walang out of reach.""Paano mo siya paglalaruan?""Tara na. Ang basurang ito, dahil naglakas-loob siyang pumasok sa circle natin, kailangan natin siyang turuan ng leksyon. Sa una ay nag-aalala akong wala akong gagawin ngayong gabi!" Ngumiti si Tyler."Paano kung mauna akong pumunta sa kanya, Brother Zane?" Nakangisi namang sinabi ng lalaki. Siguradong nirerespeto niya si Tyler.Umirap si Tyler at tumango. I
Pumasok nang may paggalang ang Dakilang Tagapangalaga at ang iba pa niyang mga nasasakupan. Agad silang tumayo sa tabi ni Harvey, nakatupi ang kanilang mga braso.“Ang mga tagapagtanggol ay hindi kailanman kakampi sa isang kasuklam-suklam na tao tulad niya!"Kami ang may pananagutan sa pagprotekta sa buong Heaven’s Gate, at hindi lang sa ilang mga random na tao!" ang Great Protector ay sumigaw. “Dahil nandito ka upang ipaglaban ang katarungan, tiyak na susuportahan ka ng mga tagapagtanggol!”"Ang Law Enforcement Hall ay palaging patas at makatarungan!" dagdag ni Kaysen nang malamig."Ang paggamit ng pangalan ng Law Enforcement Hall nang walang pahintulot upang takutin ang mga tao ay magkakaroon ng malubhang kahihinatnan!""Ang mga testimonya nina Ricky at Devon ay naitala na sa Imperial Prison!" Sigaw ni Ridge. “Ayon sa batas, lahat ng ebidensyang nakuha namin ay wasto!”‘Ano?!’Matapos makita ang tatlong kilalang tao ng Heaven’s Gate na nakatayo kasama si Harvey, na parang isan
Mabilis na ipinakita ni Rachel ang footage na inihanda niya nang maaga sa screen.Hindi lang ang mga testimonya nina Ricky at Devon ang ipinakita. Mayroon din silang nakatago sa kanilang manggas.Ipinakita nila ang ilan sa mga ebidensyang kanilang nakalap, kabilang ang mga recording ng pag-uusap tungkol kay Calvin na nagbibigay ng mga benepisyo sa lahat, bukod sa iba pang bagay.Sa mga ebidensya, malinaw na ang pagkamatay ni Quill ay isang masalimuot na balak na pinlano ng pamilyang Lowe.Hindi lang ang pamilya Lowe ang nagnanais ng teknik sa sirkulasyon ng enerhiya ni Quill, kundi gusto rin nilang mapabansot siya ng kasaysayan!Napakasama ng plano nila!Matapos makuha ang lahat ng ebidensyang iyon, mabilis na tumingin ang lahat sa paligid kay Calvin ng may kakaibang mga tingin.Si Ricky, ang tagapangalaga ng mental cultivation ng pamilya Lowe, ay nanumpa na ang kanyang pinangalagaan ay isang walang lamang na libro.Ibig sabihin nito na hindi nagmula sa pamilya Lowe ang teknik
Ngumiti si Harvey kay Calvin, pagkatapos ay walang pakialam na umupo sa malaking sofa sa gitna. Si Rachel ay mabilis na gumawa ng ilang itim na tsaa para sa kanya.Matapos uminom ng ilang lagok upang mapawi ang uhaw, nagsalita na si Harvey."Nandito lang ako para linawin ang ilang bagay kay Ginoong Calvin."Kapag tapos na tayo, tatayo ako at aalis.“Naiintindihan mo ba?"Number one: Sana may makapagsabi sa akin kung paano talaga na-frame up si Quill, at kung paano talaga siya namatay."Ikalawa: Gusto kong malaman kung sino ang nag-utos sa mga mamamatay-tao na hanapin sina Darwin at ang iba pa."Number three: Gusto ko ang pangalan ng taong nag-utos sa walang kwentang Devon na magdulot ng gulo sa mga Gibson!“Magkakaroon tayo ng mahaba at mabagal na pag-uusap tungkol dito…“At kapag tapos na tayo, maghihiwalay na tayo.“Pero kung hindi mo gagawin ‘yun, pasensya na…Ang lahat ay nagulat, pagkatapos ay nagpalitan ng mga naguguluhang sulyap. ‘So nandito nga siya para kay Quill!’
Bang, bang!Dalawang malalakas na putok ng baril ang narinig. Sumunod ang tunog ng mga basag na salamin.Si Cullan, na may mataas at makapangyarihang ekspresyon, ay biglang nagmukhang parang nakakaramdam siya ng matinding sakit. Ang kanyang katawan ay nanigas, at sumirit ang dugo mula sa dalawang butas.“Aaagh!”Sumigaw sa sakit si Cullan; siya ay bumagsak sa lupa, at naparalisa. Ang kanyang mukha ay maputla.‘Paano siya naparalisa?! Natukoy ba ni Harvey ang mga kahinaan ni Cullan? Iyon ba ang dahilan kung bakit nakalusot si Rachel sa kanya?’Ang mga eksperto, prinsipe, at mayayamang babae doon ay naguluhan.Ang mga nagsanay ng martial arts ay alam na ang mga technique na tulad ng Golden Shield at Iron Skin ay may mga kahinaan. Gayunpaman, ang mga kahinaan na ito ay madalas na isang lihim na mahigpit na itinago. Walang sinumang taga-labas ang makakaalam ng ganitong bagay sa unang pagkakataon.At sa kabila nito, madali pa ring natukoy ni Harvey ang mga ito…Ito ay…Bumuhos ang
Pinagkrus ni Harvey ang kanyang mga braso nang kalmado, tinitingnan si Cullan nang may pag-usisa, na para bang ang huli ay isang ordinaryong tao lamang.Samantala, si Rachel ay nakatayo sa harap ni Harvey na may seryosong ekspresyon. Inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang espada, handang ibuhos ang lahat kung sakaling may mangyaring masama.Tumawa ng malamig si Cullan nang makita niyang walang tunog si Rachel; mabilis siyang humakbang pasulong upang tapakan siya.Plano niyang dalhin siya sa labas tulad ng gagawin niya sa sinumang ibang tao.Bang, bang, bang!Nagpapaputok si Rachel ng sunud-sunod na bala, ngunit walang nangyari. Mabilis siyang umatras para mag-reload, mukhang natatakot."Kung ang baril lang ang kaya mong ipakita, iminumungkahi kong lumuhod ka at aminin ang iyong mga kasalanan. Hindi pa huli ang lahat. Ito ang aming malaking araw at kami ay mapagbigay, kaya't bibigyan ka namin ng pagkakataon," biglang sinabi ni Emory.Pinapanood niya ang palabas na nakakross a
Ikinulong ni Harvey ang kanyang mga braso habang lumalapit, hindi pinapansin ang mga elitista na nagwawala sa lupa.Ang kanyang mga galaw ay hindi mabilis, ngunit bawat hakbang na kanyang ginawa ay puno ng lakas.Lalong lumakas ang kanyang aura, humahawak sa mga puso ng lahat ng naroroon. Lahat ay nagtinginan; sa karaniwan, tanging isang eksperto sa martial arts lamang ang gagawa ng ganito.Gayunpaman, wala talagang kasanayan si Harvey! Isa lang siyang eksperto sa geomancy na nagmamalaki gamit ang isang badge!"Heh! Pinabagsak mo ang dose-dosenang mga tao ko gamit ang baril... Akala mo ba ay pwede mong ipagmalaki ang iyong lakas sa isang sagradong lugar ng pagsasanay sa martial arts dahil lang diyan?”Kumunot ang noo ni Calvin at malamig na tumawa."Ipapakita ko sa'yo kung ano ang ibig sabihin ng maging walang kapantay! Ipapaalam ko sa'yo na palaging may mas magaling pa sa'yo!”"Baliin mo ang mga binti nila, Cullan! Ipakain mo sila sa mga aso pagkatapos!”Ang mga tao sa paligid
Tumingin si Harvey kay Calvin, at bumuntong-hininga."Gaya ng inaasahan ko.""So hindi mo ako bibigyan ng paliwanag, 'yan ba ang sinasabi mo?"“Kung ganun, ako na lang ang kukuha.”Sabi ni Harvey nang kalmado, magkakrus pa rin ang kanyang mga braso.Biglang kumurap ang mga mata ni Calvin, kahit na puno siya ng kumpiyansa.Inisip niya na baka may nakatagong plano si Harvey. Sinumang may isip ay alam ang magiging kahihinatnan ng pagpasok sa isang lugar na ganito.Kung si Harvey ay naglakas-loob pa ring gawin iyon sa kabila ng lahat, tiyak na hindi lang siya isang taong nagpapakamatay!Kasabay nito, medyo hindi mapakali si Calvin; hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Harvey para magkaroon ng lakas ng loob na hingin ang kanyang paliwanag.“Sugod!” utos ni Calvin. "Pabagsakin niyo ang rebelde na ito!"Maraming mga elite ng pamilya Lowe ang humakbang paharap, hawak ang kanilang mga espada. Sa kabila ng lahat, ang pamilya Lowe ay isang pamilya ng mga martial artist na may mataas n
Sa huli, ang tinatawag na party ay isang di-pormal na pagpupulong.Lahat ay inayos upang malaman ng lahat na si Calvin ang magiging ganap na namumuno pagkatapos ng kasal sa pagitan ng pamilyang Lowe at Bowie.Siya ang magiging kinatawan ng Heaven’s Gate sa hinaharap.Sa madaling salita, ang kanyang reputasyon ay kumakatawan din sa reputasyon ng Heaven’s Gate.At sa kabila ng lahat, may naglakas-loob na lumaban sa kanya!Ito ay talagang nakakagulat.Ngunit hindi nagtagal, ang mga mukha ng mga tao ay napuno ng walang iba kundi paghamak. Sinumang maglakas-loob na lumaban kay Calvin noon ay tiyak na magdurusa ng isang kakila-kilabot na kapalaran!Nagbago ang mga ekspresyon nina Calvin at Emory; hindi nila akalain na may magdudulot ng problema sa kanila sa ganitong mahalagang sandali.Hindi lamang ito isang hamon sa kanila, kundi ito rin ay isang hayagang pagpapakita ng kawalang-galang sa parehong kanilang mga pamilya.Ang magandang mukha ni Calvin ay nagpakita ng bahid ng pagnanas
Sa gitna ng bulwagan, may isang guwapong lalaki na nakasuot ng balabal na may pinitas ng pulang agata.Mayroon siyang pambabaeng anyo, at nakangiti.Ang mga bato sa kanyang kamay ay walang gasgas; ito ay talagang isang tunay na pamana. Ang pulseras ay nagkakahalaga ng daan-daang milyon at milyon-milyong dolyar kung ito ay lumabas sa isang auction, ngunit nilalaro-laro lang niya ito sa kanyang kamay.Ang lalaking ito ay walang iba kundi ang young master ng Lowe family, si Calvin Lowe!May isang babae ring nakasandal sa kanya.Nakasuot siya ng Chanel na evening dress habang ipinapakita ang kanyang malalim na cleavage. Isang kwintas na diyamante na hindi bababa sa sampung karat ang nakasabit sa kanyang magandang leeg. Ito ay talagang kapansin-pansin.Ang babae ang pangunahing tauhan ng stag party, si Emory Bowie.Ang dalawa ay talagang bagay na bagay!“Halika! Mag-toast tayo, Young Master Calvin!"Hindi ko akalain na ang pinakamaliwanag na hiyas ng Heaven’s Gate ay kukunin mo! Na