Muntik nang mapagsamantalahan ni Jace si Ellen pagkatapos siya nitong piliting lasingin, pero niligtas siya ni Harvey. Simula noon, hindi pa sila nagkitang muli. Kahit na kasing si Ellen noon, sigurado siyang si Harvey ang nagligtas sa kanya. Iba na ang tingin ni Ellen kay Harvey ngayon; hindi na niya siya minamata. Ang babae sa tabi niya ay nakasuot ng pormal na kasuotan at gintong salamin. Mukha siyang nasa apatnapung taong gulang, pero malinaw pa rin ang balingkinitan niyang katawan at maganda niyang mukha. Kahit na ganun, mukha siyang malayo sa tao. Hindi man lang makakatingin sa kanya ang mga pangkaraniwang lalaki sa harapan niya. “Hello.”Tumango si Ellen sa dalawang pulis bago naglakad papunta kay Harvey nang may nagtatakang ekspresyon. "Bakit ka nandito, Harvey?""Mamá, siya si Harvey. Siya ang bumugbog sa mga taong yun para iligtas ako."Hindi nakausap ni Ellen si Katy pagkatapos niyang makalabas sa ospital kaya hindi niya alam ang lahat ng nangyari sa Cobb fami
‘Boyfriend?’‘Fiance?’Muntik masamid si Harvey sa kape niya pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. Tumingin ang dalawang mapagmataas na pulis kay Harvey nang gulat na gulat. Patuloy nila siyang tinitigan pero wala silang makitang espesyal sa kanya. Hindi rin nila inisip na may karapatan si Harvey na kumapit sa Cobb family at sa Moreno family. Nanigas si Noemi. Pagkalipas ng isang segundo, isang nanlulumong ekspresyon ang lumitaw sa mukha niya. "Wala akong pakialam kung kasintahan o kaibigan mo siya. Hindi mo pwedeng protektahan ang isang taong sinasampahan ng krimen!"Natural na medyo hindi matibay ang posisyon ni Noemi sa pamilya. Mukha siyang napakatibay sa labas, ngunit napakamaingat niya sa lahat ng ginagawa niya. Hindi niya hahayaang makahanap ang ibang tao sa pamilya niya ng kahit na ano para pagalitan siya. Galit na tinignan si Ellen sa nanay niya. Pagkatapos, lumingon siya kay Harvey. "Harvey! Sabihin mo sa kanila na pinagbintangan ka! Hindi mabubugbog ng i
Kalmadong tiningnan ni Harvey ang imbestigador na bilugan ang mukha. "Kung wala ang dalawang binibini dito, nasiguro mo kayang walang sisira ng ebidensya dito?"Nanigas ang imbestigador na bilugan ang mukha. Pagkatapos nito, kusa siyang napatingin sa kalbong imbestigador. Tinitigan nang masama ng kalbong imbestigador si Harvey at yumuko ito. Nagpakita si Harvey ng matibay na patunay na inosente siya, kasama ng tulong ng Moreno family, hindi na siya pwedeng ikulong ng pulisya. Makalipas ang kalahating oras, umalis si Harvey nang walang galos. Kaya ni Harvey na makaalis nang madali doon nang wala ang tulong ng mag-ina, ngunit tiningnan niya pa rin nang mataimtim ang mga ito bilang pasasalamat.“Mrs. Moreno, Ellen, thank you.”"Tatandaan ko ang naging tulong niyo sa akin. Papakainij ko kayo kapag may oras ako!" Nginitian siya ni Ellen. "Ako na ang magiging kalasay mo sa Blackburn City magmula ngayon, Harvey!" "Ang nanay ko ang second lady ng Moreno family, isa sa great
Natutukoy ni Harvey ang nasa isip ni Noemi, pero hindi niya ito masyadong inisip. Natural lamang para sa isang ina na protektahan ang anak nito. Tinanggap niya ang name card at itinabi ito sa kanyang bulsa. Sa sandaling iyon, biglang umubo si Noemi. Kusang napatingin si Harvey sa dibdib niya. Nagalit si Noemi nang makita niya kung saan nakatingin si Harvey. 'Ang kapal naman ng mukha ng isang batang tulad niya na umasta nang ganito?! Sino ba ako sa tingin niya?' Kung hindi sinagip ni Harvey ang anak niyaz sinampal na sana siya nito"Dahil masyado kang mabait sa akin, Mrs. Moreno, may kailangan akong sabihin." Nagdalawang-isip sandali si Harvey bago magpatuloy sa pagsasalita. *Hindi ko alam kung anong martial arts ang sinasanay mo, pero may malaking problema sa pagsasanay mo." "Mas mabuti pa at tumigil ka sa pagsasanay o bitawan ang lahat ng pinagsanayan mo. Hindi ka tatagal kung hindi mo ititigil 'yan." “Harvey!”Nanigas si Ellen; pagkatapos ay naalala niya "S
"Maraming salamat sa malasakit mo sa aking kalusugan. Magpapasuri kaagad ako kapag may oras ako." "Pero kailangan muna nating tapusin ang usapan natin dito. Kailangan naming umalis ni Ellen!" Mukhang seryoso si Noemi. “I wish you all the best.”Natutukoy ni Harvey na hindi naniwala sa kanya si Noemi pagkatapos makita ang nagdududang mukha nito. "Bakit hindi mo ako bigyan ng oras? Titingnan ko ito para sa'yo…" "Tama na Harvey! Sinusubukan kong iligtas ang kahihiyan mo para kay Ellen!" "Huwag kang sumosobra!" Umabante si Noemi at kinausap si Harvey sa boses na siya lamang ang makakarinig. Suminghal si Harvey at umalis nang hindi nagsasalita. Galit na suminghal si Noemi bago dalhin ang kanyang anak papasok ng Toyota Alphard. Nagdalawang-isip si Ellen; may gusto siyang sabihin, ngunit hindi niya masuway ang kanyang ina. "Totoong niligtas ka ng lalaking iyon. Binugbog niya rin sila Eden at ang mga Cobb…" "Pero hindi ka makakasiguro kung nakikipagtulungan ba siya sa
Samantala, hindi alam ni Harvey na talagang nagpunta si Noemi para magpasuri. Pag-alis niya ng estasyon ng pulis, tinawagan niya si Katy. Pagkatapos ay tumawag siya ng isang cab patungo sa villa ng Cobb family. Kampante si Katy na makakalabas siya; kaagad siyang pumunta sa chef para maghanda ng maraming pagkain para ipagdiwang ang pagbabalik nito. "Anong binabalak mong gawin?" Nagsalin si Katy ng isang baso ng red wine para kay Harvey nang nakangiti. Interesado siya nang sobra sa pangako nito na bumuo ng pamilya para sa kanya. Ito naman ang pinakamagandang gawin niya. Sa isang banda, hindi niya kailangang mapwersa nila Grandma Cobb at ng ibang mga Cobb. Sa kabilang banda, may pagkakataon nang maayos ang pamilya niya. "Simple lang naman talaga. Dahil gusto ng Cobb family na kumapit sa Blackburn City Martial Arts Alliance, kailangan lang natin silang buwagin." "Ipapalaban ko sa kanila ang organisasyon. Hindi magtatagal, magsisilbi sila sa atin." "Hanggat nasa pani
Nanigas si Harvey pagkatapos makita ang gulat na mukha ni Katy. Masyado itong malaking pagkakataon. Gayunpaman, magagamit ni Katy ang pormula na ito para muling buksan ang negosyo ng kanyang pamilya. Kaagad na niyang maibabalik ang dangal ng kanyang pamilya. Habang nag-uusap ang dalawa kung paano gagamitin ang pormula, biglang tumunog ang phone ni Katy. Nagdilim ang mukha ni Katy sa sandaling sagutin niya ang tawag. "Ikinalulungkot ko na mabibigo kita, Sir York," sinabi niya nang nakayuko. "Nagawa ni Gael na i-freeze ang bawat asset na mayroon ako sa South Sea sa pamamagitan ng pagdemanda sa akin." "Ngayong wala na ang mga asset…" Malungkot na ngumiti si Katy; hindi niya inakalang magiging ganito kasama ang Cobb family. Kung walang nag-utos kay Gael mula sa Cobb family, hindi sana nito kinasuhan kaagad si Katy. "Si Gael at ang Blackburn City Martial Arts Alliance…" Ngumiti si Harvey at tinapik ang malambot na kamay ni Katy. Pagkatapos nito, tumawag siya sa isang
Hindi na nagsalita si Irene nang makitang desidido si Julian. Inutusan sila ni Harvey na kunin si Gael para kausapin. Kapag nanghingi sila ng tulong, siguradong pagdududahan ni Harvey ang kakayahan nila. Hindi nagtagal, limang tao ang umupo sa loob ng kwarto. Ang kwarto ay hindi masyadong malaki ngunit maganda itong tingnan; ang dance floor ay makikita nang malinaw mula dito. Ang mga tao sa labas ng bintana ay parang mga langgam. Ang pag-inom ng masarap na wine habang pinapanood ang mga babaeng magwala ay parang hari sa pakiramdam; talagang isa ito sa pinakamatinding kasiyahan sa buhay. "Mga mahal kong panauhin, anong gusto niyo?"Hindi nagtagal mula noong makaupo sila Julian ay lumitaw ang isang waitress na nakasuot ng damit ng isang nars; nakabalot ng fishnet ang kanyang manipis na binti at nakakaakit itong tingnan. "Kapag nag-order ako ng Dragon Set, sasamahan mo ako dito buong gabi, tama?" Mukhang mahalay ang mukha ni Julian habang nakatitig siya sa binti ng nars.