Tahimik na umalis si Harvey sa Flutwell Peak pagkatapos nito. Para sa kanya, hindi masyadong masama ang paglabas nina Rhea at iba pa sa ganito ka-importanteng sandali. Kahit papaano, sa wakas ay nakahanap na siya ng oras para iligtas sina Amber at ang iba pang mga batang talento. Ang Life Elixir ay isang pambihirang medisina, pero hindi ito maituturing na lason. Ang pinakamasamang paraan para iligtas silang tatlo ay ang gumising sila nang natural. Ayon sa kalkulasyon ni Harvey, kahit na buong araw na sinawsaw ng babae ang mga daliri niya sa Life Elixir, kakaunti lang ang magiging epekto nito. Pero dahil may oras na siya ngayon, natural na susubukan niyang gisingin sina Amber nang mag-isa. At dahil dito, inutusan niya sina Rudolph at ang team niya na tanggalan ng laman ang sikmura ng tatlong talento bago sila bigyan ng IV. Pagkatapos ay pinindot niya ang ilang parte ng mga katawan nila para gisingin ang sigla nila. Lumipas ang isang buong araw. Iniwan ni Harvey ang m
Sa loob lang ng isang araw, bumagsak ang reputasyon ni Harvey at hindi siya naiba sa isang daga. Maraming tao ang nagtipon sa paligid ng Martial Hall at nagbato ng mga bulok na gulay at itlog sa buong lugar. Kung hindi pinadala ni Ansel ang mga pulis, nasira na ang buong lugar. Kahit na ganun, ininsulto pa rin si Harvey nang walang-humpay. Pinagbabantaan siyang pagpunit-punitin ng mga tao o di kaya ay sinasabihan siyang umalis na kaagad sa Country H. Sa madaling salita, sinisisi nila si Harvey sa bawat isang pagkatalo simula nitong nagdaang apat na araw. Ang mga provincial champions na nabugbog at ininsulto noon ay ang tinatawag na ngayon ng mga tao na tunay na bayani. Naniniwala sila na alam ng mga champions na wala silang kalaban-laban kina Zoe at iba pa… Na alam ng mga champions na nilason ni Harvey ang mga batang talento… Pero lumaban ang mga champion gamit ng buong lakas nila sa kabila nito!Ito ang katapangang gustong makita ng lahat. Nagalit sina Layne, Kayd
Naningkit ang mga mata ni Regan nang hindi nagsasalita. Bigla niyang sinipa ang pinto ng Martial Hall.Dalawang magagandang babaeng disipulo ang nakatayo sa tabi niya. Kaagad nilang nakita si Harvey. "Siya yun, Senior Green! Siya si Harvey York!" "Siya ang lumason sa junior natin at dalawa pang batang talento!" "Nasira ang reputasyon natin dahil sa kanya!" "Kapag patuloy tayong matalo, magiging traydor ang Longmen sa buong bansa!" "Ang h*yop na'to ang nagsanhi ng lahat ng ito!" Patuloy na nilait ng mga disipulo si Harvey habang nagngingitngit ang mga ngipin nila; gustong-gusto nilang pagpunit-punitin si Harvey. Nagpakita ng tuwa ang mga tao sa labas nang nakita nila ang nangyayari. 'Paanong nagawa ng h*yop na'to na makipagsabwatan sa kalaban para sa sarili niya?! Nararapat siyang tapusin ng Longmen Warband!'Nanonood nang may maaaliwalas na mga mata ang mga pulis na nagpapanatili ng kaayusan sa lugar; hindi sila nagtangkang pigilan ang kaguluhan. Nakikita roon si Ha
Nagtatakang tumingin si Harvey sa mga disipulong nagalit para sa mga junior nila nang hindi nagbibigay ng diretsong sagot. Magandang bagay para sa kanila na ipaglaban si Philip. Kahit papaano ay puno sila ng sigla…Kahit na ganun, sapat na ito para makita kung gaano sila katanga para magamit sila nang ganito kadali. Sumama ang ekspresyon ni Regan pagkatapos makita ang nangmamatang tingin ni Harvey. "Kung ayaw mong mamatay dito, ipaliwanag mo nang maayos ang sarili mo!" sigaw niya pagkatapos humakbang ng isa pang beses. "Kung hindi, hindi ka makakalabas dito nang buhay!" "May sasabihin ako sa'yo! Ang Longmen Warband lang ang magiging ganito kamakatwiran ngayon!" "Ang Dark Hall at Five Outer Halls, papatayin ka na lang nila nang walang sabi-sabi!" "Binibigyan ka namin ng pagkakataon na ipaliwanag ang sarili mo! Naiintindihan mo ba ako?" "Kahit na ganun, hindi ibig sabihin nito ay pwede ka nang magyabang!" "Wag ka nang magpanggap na pipe't bingi! Magsalita ka na!" "Lu
Hindi pinsanin ni Layne ang disipulo at kalmadong naglakad papunta kay Harvey. "Hindi mo ba ako naintindihan?!" Nagalit ang disipulo. Ang Longmen Warband ay may pinapanatiling reputasyon! Kahit na ganun, binabastos sila ng mga taong ito. "Senior Green! Ang babaeng ito ay disipulo ng outer circle ng Golden Palace, si Layne Naiswell. Siya ang bodyguard ng h*yop na'to!" “Layne Naiswell?”Malamig na tumawa si Regan. "Ang maalamat na disipulo ng outer circle ng Golden Palace?" "Magaling! Sisiguraduhin kong lulumpuhin kita sa pagiging kakampi ni Harvey!" “Sir York.”Nagsalin si Layne ng tsaa sa tasa ni Harvey nang hindi pa rin pinapansin sina Regan. "Naimbestigahan na namin ang sitwasyon. Mag-isang nagpunta rito ang mga batang to." "Baka hindi alam ng master ng Longmen Warband ang tungkol dito.""Sa huli, pinaglalaban lang nila ang junior nila. Medyo mapusok sila, pero hindi nila ito kasalanan." "Palampasin na lang natin sila." Sinubukang pakiusapan ni Layne si H
Nagngitngit ang ngipin ni Regan. Hindi niya gustong maniwala na kay Harvey talaga ang Longmen Law Enforcement Badge. "Iniisip mo talagang peke to?" Kalmadong ngumiti si Harvey habang itinulak ni Harvey ang tasa niya sa badge. Pagkatapos ay dumulas ang badge papunta kay Regan nang may nakakasilaw na kinang. "Sa tingin ko dapat mo tong tignan nang maayos, dalaga." "Wag mo kong masamain." Seryoso siyang tiningnan ni Regan, pagkatapos ay lumingon sa badge. Sumabog ang isipan niya sa sandaling nakita niya ang ilang nakatagong marka para mapatunayang tunay ang badge. Kaagad siyang lumuhod at ibinagsak ang mga tuhod niya sa lapag. Hindi na niya kayang manatiling kalmado. Walang dudang tunay ang badge na iyon!" Maski ang isang dominanteng babaeng kagaya ni Regan ay hindi napigilang manginig. Hindi niya alam kung sino ba talaga si Harvey, pero sapat na ang badge para patunayan ang makapangyarihan niyang katayuan; si Harvey ay hindi isang taong kayang banggain ni Regan. Ku
Paulit-ulit na tumango si Damian. "Nagkamali ako sa'yo, Sir York." "Alam namin kung paano mo trinato sina Regan." "Naging makitid ang pag-iisip ko!" "Paanong makikipagsabwatan sa kalaban ang isang lalaking kagaya mo para lang sa maliit na halaga?" "Para na rin sa Eight Inner and Outer Halls, humihingi ako ng tawad sa'yo. Umaasa akong gagalingan mo bukas!"Ngumiti si Harvey. "Masyado kayong mabait." "May responsibilidad din ako sa mga batang talento. Hindi ko sila naalagaan taliwas sa pinangako ko." "Natural lang na pagdudahan niyo akong lahat at pigilan akong sumali sa laban." "Lalo na't kailangan nating tumingin sa buong sitwasyon. Hindi lang ito para sa sariling pakinabang." "Pero dahil nasa kakaibang sitwasyon tayo ngayon, magkukusa ako ulit." "Umaasa akong pagkakatiwalaan niyo na akong lahat sa ngayon." "Sa huli, lahat tayo ay mga mamamayan ng Country H. Hindi na natin kailangang mag-away-away. Pagtatawanan tayo ng mga kalaban natin kapag nalaman nila ang t
Tinitigan sila nang maigi ni Rhea. "Sa puntong ito, hindi na talaga mahalaga kung manalo tayo o hindi." "Pero kapag nabansagan tayong mga traydor pagkatapos natin papasulin si Harvey dito, lagot na tayo!" "Mas alam niyo dapat ang susunod na mangyayari!" Nagdilim ang mukha ni Fisher at Damian sa isang iglap. Si Bryce na kanina pa tahimik ay nagsalita na. "Tama. Mukhang matatalo tayo, pero may pag-asa pa tayo!" "Gayunpaman, nakiusap si Harvey na sumama sa laban kahit na isa siyang malaking suspect." "Sa madaling salita, sadyang wala akong tiwala sa kanya!" "Mas gusto ko pang matalo ang natitirang dalawang champion…" "...kaysa hayaan siyang lumaban." "Tingin ko hindi niya mababaligtad ang laban; siguradong ipapahiya niya rin tayong lahat." "Mas pipiliin kong matalo ang Longmen kaysa magpakita siya." Naningkit ang mata ni Harvey; tinitigan niya nang masama ang nagmamatigas na si Bryce at Rhea. Para protektahan ang kanilang reputasyon… Upang pigilan ang mga tag