"Bukod sa pagiging mahina niya…""May iba pang dahilan kung bakit hindi namin siya pinalaban. Sadyang masyado siyang kahina-hinala!" "Hindi namin pwedeng isugal na ilagay siya sa pronta." "Kapag nagkamali siya, hihilahin niya kaming lahat pababa!" "Kasama ka na dito, Princess Wright!" sigaw ni Rhea. Kasabay nito, may ibang kahulugan ang sinasabi niya; nagpapanggap siyang nagigipit, para bang walang aako ng responsibilidad kapag hindi naging maganda ang sitwasyon. Ngumiti si Sienna at kinumpas ang kanyang kamay at hinudyatan ang kanyang mga tao na isara ang pinto. Pagkatapos ay sumulyap siya kay Rhea. "Dahil matalino tayong lahat dito, lilinawin ko lang ang lahat." "May kailangan muna akong siguruhin…" "Hindi mo naman pinipigilang lumaban si Harvey dahil sa problema ng pamilya mo ano?" Nanigas kaagad si Bryce at Rhea. Hindi nila inakalang talagang sasabihin ito ni Sienna. Huminga sila nang malalim bago sumagot, "Syempre naman hindi!" "Buti naman." Ngumiti si
"Ang mga tao?" Tinitigan nang masama ni Sienna si Bryce pagkatapos nitong sumagot. "Hindi ba kasama dito si Harvey?" "Sobrang tapat niya sa bansa. Kahit na pinagbintangan siya nang walang dahilan, nakiusap pa rin siya na lumaban!" "Anong inaalala niyo?" "Kahit matalo siya, mawawala lang ang posisyon niya bilang young master ng Longmen. Anong kinakatakot niyo?" "Paunahin niyo na lang siya at ilagay niyo ang tiwala niyo sa dalawang huling kampeon!" "Atsaka, tingin hindi na kailangan 'yan. Siguradong mananalo si Harvey!"Nagdilim ang mukha ni Rhea. "Princess Wright. Sasang-ayon sana ako kung sinabi mo nitong nakaraang mga araw, o kung hindi gumagawa ng gulo ang mga tao…" "Pero sa puntong ito, walang magagawa si Harvey kundi manalo dito!" "Kapag natalo siya o tinalikuran niya tayo…" "Lagot na tayo!" "Kung ganoon, may tiwala ako sa kakayahan niya!" Tumingin si Sienna kay Rhea nang desidido. "Siguradong mananalo siya!" "Sigurado?!" Natawa si Rhea. "Saan mo
Nang makitang galit na galit si Rhea, gustong ikumpas ni Harvey ang kanyang kamay para pigilan si Sienna na magsalita. Tumingin siya nang kalmado kay Rhea ngunit nang may panghahamak. Nang makita ang mukha niya, nagkamali ang pagkakaintindi ni Rhea dito at akala niya natatakot si Harvey. "Aminin mo nang wala kang kwenta!" Sigaw niya habang umaabante. "Mabuting bagay ang pagkilala sa sarili." "Ang paglaban sa ring ay ibang-iba sa pagyayabang, alam mo ba!" "Pwede kang umasa sa malakas mong bodyguard at banggain ang kahit sino…" "Pero dapat alam mong lumugar kung wala kang lakas para lumaban!" Patuloy na tinitigan ni Harvey si Rhea. "Huwag na muna nating pag-usapan ang patakaran ng Longmen Summit. Dahil ako ang provincial champion, natural na may karapatan akong lumaban sa ring." "Simula pa noong unang panahon, sobrang dalas na ng tagumpay at pagkatalo." "Isa lang ang tanong ko sa inyo: bakit sigurado kayong matatalo ako sa mga Indian?" "O puro lang talaga kayo sal
Pak! "Kahit ang vice master ay hindi ako tatawaging mahina. Tingin ba ng isang tagalabas na tulad mo patay na siya?" Pak! "Hindi mo man kang makita nang maayos ang lakas ko, tapos tinatawag mo pa rin ang sarili mo na representative ng Martial Arts Alliance sa northwest? Pinapahiya mo ang buong organisasyon mo!" Pak! "Hindi mo man lang mapigilan ang isang atake ko! Diba dapat lumuluhod ka na ngayon?!" Kasinlamig ng yelo ang mukha ni Harvey. Walang-awa niyang nilalait si Rhea habang sinasampal ito. Namaga nang husto ang mukha ni Rhea; umiikot na ang paningin niya. Hindi siya makapagsalita. Pak! Pagkatapos ng huling sampal, nagkapasa ang mga mata ni Rhea. "Tandaan mo, mag-ingat ka sa susunod. Tumingin ka muna sa sarili mo kung ayaw mong turuan ka ng leksyon." Naglabas si Harvey ng tissue para punasan ang kanyang daliri. Pagkatapos ay nginitian niya si Bryce. "Excuse me, Vice Master Kennedy. Ayos lang naman sa'yo kung magtuturo ako ng leksyon sa ngalan ng Longmen,
Apat na araw na ang nakalipas mula noong magsimula ang paligsahan. Hindi nagbago ang entablado, hindi rin nagbago ang patakaran, at ang host ay iisang tao pa rin. Ang naiba lang ay ang morale ng dalawang panig sa ring. Kaunting tao lamang ang nakaupo sa kanluran noon, pero ngayon libu-libo na. Ang mga taong iyon ay nagmula pa sa India para suportahan ang kanilang mga talento. Pagkatapos ng sunud-sunod nilang panalo, sobrang kampante ang mga Indian na madudurog nila ang Country H. Bukod sa ibang higher-ups ng Longmen at mga malalaking tao sa Flutwell, mas maraming mga mamamahayag at galit na tao sa panig ng Country H. Si Bryce, Rhea, Fisher, Damian, Sienna, Colton, Nelson, Ansel, at ang iba ay nandoon. Naningkit ang mata ni Harvey nang makita niya ang tatlong binata. Ang prinsipe ng Osborne family, si Clyde Osborne. Ang ika-pitong young master ng Bauer family, si Harold Bauer. At ang young master ng John family, si Elliot John. Ang tatlong ito ang tinuturing na m
Para kay Harvey, ang hidwaan sa pagitan niya at ng Osborne family ay hindi na maaayos. Dahil nagtapang pa rin si Clyde na banggain siya, ayos lang sa kanyang ipahiya ni Clyde ang kanyang sarili. Nanigas si Clyde nang makita niya ang kalmadong mukha ni Harvey. Pagkatapos, nagdabog siya sa galit; pagkatapos titigan nang masama si Harvey, bago tumalikod at umalis. Hindi niya gagalawin si Harvey sa ganitong lugar. Kahit gaano pa kalakas ang kanyang pamilya, wala siyang magawa kundi lunukin ang kanyang galit! Natahimik ang lahat sa ginawa ni Harvey. Nabigla silang lahat. Gayunpaman, kahit paano wala na munang manggugulo kay Harvey sa ngayon. Si Harold, Elliot at ang iba ay nakatitig kay Harvey nang seryoso. Basta lamang ininom ni Harvey ang tsaa na dinala ni Rachel at tumingin sa mga Indian na parang walang nangyari. Nakita niya si Zoe na nakatingin sa kanya. Sa sandaling magkatinginan sila, yumuko si Zoe nang mukhang nanghihina. Si Axel, Danny, at Ryland ay nakatiti
Humalakhak si Harvey York kay Axel Garcia.“Sigurado ka bang gusto mong gawin ito?”"Kung ang lahat ng iyong nangungunang talento ay mamatay sa aking kamay…”"Paano mo ito ipapaliwanag kapag bumalik ka sa India?”"Hindi mo lang puputulin ang iyong tiyan tulad ng mga tao mula sa mga Island Nations, hindi ba?""Ikaw…"Kumukulo sa galit si Axel.“T*rantado ka!” Sabi niya habang nagngangalit ang mga ngipin.“Matulis na dila!”"Medyo masyadong masungit siya, 'no?!""Ang tinatawag na mga nangungunang talento mula sa Country H ay ganap na nadurog nitong mga nakaraang araw! Anong karapatan niyang kumilos ng ganito?!""Mayroong isa pang bastos na katulad niya ilang araw na ang nakalipas!""Agad din siyang nasampal!""Huwag kang magpigil, Ryland Burlowe!""Ipakita sa kanya ang tunay na anyo ng martial arts ng India!"Walang pigil na naghiyawan ang mga Indian na parang nanalo na sila.Sa kabilang banda, lahat ng mga tao sa panig ng Country H ay nagpapakita ng malungkot na itsura.
“Hindi mo kailangang mag alala tungkol dito. Hindi mananalo si Harvey York."Umupo si Harold Bauer sa tabi mismo ni Sienna Wright na may malabong ngiti.Kumunot ang noo ni Sienna."Ano ang dahilan kung bakit mo nasasabi iyan?"“Simple. Hindi siya kalmado gaya ni Ryland Burlowe!" Sagot ni Harold.“May isang bagay na tama si Rhea. Hindi lahat tungkol sa pakikipaglaban at pagpatay sa ring. Ang tanging taong mapagkakatiwalaan mo ay ang iyong sarili.”"Kung may kakayahan si Harvey, hindi na niya kailangang sampalin sa mukha si Clyde Osborne."Ang sampal ay nagpapatunay lang na siya talaga ang may kasalanan!""Ganoon ba?”Isang matamis na ngiti ang ipinakita ni Sienna."Kahit na, hindi ko iniisip.”“Sa tingin ko sinampal niya si Clyde sa mukha kasi alam niyang mananalo siya.”"Basta manalo siya, pipiliin ng lahat na kalimutan ang ginawa niya, gaano man ito kalala."Malamig na tumawa si Harold matapos marinig ang sinabi ni Sienna. Obviously, hindi niya sineseryoso ang mga sinabi