Sa isang lambak ng bundok na nababalutan ng hamog sa buong taon, matatagpuan ang Tatlong Inner Hall ng Longmen.Isang batang babae na nakasuot ng puting damit, na tila isang inosenteng engkanto, ang dahan dahang lumabas sa lambak.Bawat hakbang niya sa ibabaw ng mga puno at bato. Kahit na nakatayo siya sa gilid ng bundok, para siyang nasa patag na lupa.Ang hangin ng lambak ng bundok ay mabangis, ngunit binilisan lamang nila ang kanyang mga paggalaw at hindi siya naabala kahit kaunti.Habang inaabot niya ang isang asul na lotus sa gilid ng bundok, nagsimulang mag-vibrate ang kanyang telepono sa loob ng kanyang maliit na backpack.Isang malambing na boses ang maririnig nang sinagot niya ang tawag."Mayroon kaming balita mula sa Longmen Headquarters.""Kailangan nila ang iyong tulong para mabawi ang reputasyon ng Longmen."“Dapat pumunta ka. Tandaan, huwag magmadali sa iyong mga kalaban.""Ang mga Indian ang ating mga kaaway sa pagkakataong ito, hindi ang iyong mga kapatid."Is
Kasabay nito, sa loob ng Martial Hall. Binuga ni Harvey ang tsaa niya kina Fisher at sa isa pang taong nasa harapan niya. Ang isa sa kanila ay ang vice branch leader ng Longmen branch ng Flutwell. Ang isa naman ay isang elder na nagpasyang lumaban kasama niya na si Damian Steele, si Elder Steele mismo. "Hindi ba parang wala naman tong maitutulong? "Kaya kong labanan ang mga Indian nang mag-isa! Bakit kailangan kong magsama ng tatlong bata?" Nagpunta ang dalawang elites para batiin si Harvey para sa kanyang katapangan, pero hindi man lang siya naghinay-hinay. Nakahanda sa harapan niya ang tatlong sets ng dokumento. Nanginig ang mga mata ni Harvey nang nakita niya ang mga edad ng mga bata kasama ng iba pang mga impormasyon. Magiging madali para sa kanya na tapusin ang mga Indian. Ang kailangan niya lang gawin ay sampalin ang mga Indian hanggang sa makatulog… Gayunpaman, magdadala ito ng gulo kung isasama niya ang mga batang ito. Kung kaya't nagpasya si Harvey na tan
Hindi na matanggihan ni Harvey sina Fisher at Damian sa puntong ito. Bumuntong-hininga siya. "Naiintindihan ko ang pag-aalala niyo, pero wala talaga akong oras para alagaan ang tatlong yun." "Hay! Hindi ka namin sinasabihang alagaan mo sila, Harvey." Mainit na ngumiti si Fisher sa kanya. "Ituring mo lang silang kagaya ng mga instructor na kinuha mo." "Hawak mo na ang Martial Hall. Sigurado ako kulang ka pa sa instructors para sa negosyo mo." "Mga top talents ang tatlong to! Kapag nandiyan sila, tiyak na lalago ang negosyo mo!" Ngumiti si Damian. "Kahit na ganun, kailangan mo pa rin silang isama." "Magagaling ang mga batang to; biniyayaan sila ng mahuhusay na kakayahan." "Yun nga lang, kulang pa sila sa karanasan. Mapapasok sila sa gulo kapag naloko sila ng mga Indian." "Iyon ang dahilan kung bakit kailangan namin ang tulong mo; ituring mo lang silang mga backup. Hindi ko sila kailangang gamitin, pero siguraduhin mo lang na palagi mo silang kasama." Bumuntong-hin
Binawasan ni Harvey ng isa o dalawang oras ang tulog niya para basahin ang impormasyon ng tatlong top talents. Pagkatapos nito, hindi niya napigilang mamangha sa kanila. Maski siya ay gugustuhing magpalaki ng isa o dalawang estudyanteng may ganitong talento. Kahit na ganun, nakasalalay pa rin ito sa swerte; hindi na siya ang Head Coach ng Sword Camp. Hindi rin niya mga sundalo ang mga batang ito. Sa sumunod na araw, maagang nag-eehersisyo si Harvey nang lumapit si Layne nang may natatarantang ekspresyon. "Ano yun?"Kumunot ang noo ni Harvey. 'Nagsisimula na dapat ang mga estudyante sa oras na'to. Meron bang gumagawa ng gulo ngayon?'"Sir York, may sinabi ba si Vice Branch Leader Benett tungkol sa tatlong top talents kamakailan?" Kinuha ni Layne ang phone niya bago pinakita kay Harvey ang surveillance footage ng Martial Hall. Nakikita sa screen ang tatlong taong para bang wala pa sa dalawampung taong gulang. Ang babae ay parang diwata; ang isa sa mga lalaki ay para b
Pagkatapos bumuntong-hininga, tinawagan ni Harvey si Rachel para ipadala niya ang tatlong top talents sa backyard. Nang gagawin na ito ni Rachel, isang Toyota Alphard ang umandar papunta sa entrance bago kaagad na huminto. Hindi nagtagal, isang dosenang taong nakasuot ng tradisyonal na kasuotan ang bumaba mula sa kotse. Mayabang at mapagmataas sila .Kaagad nilang tinulak sa tabi ang madla at sumugod nang walang pakialam sa security na sumisigaw sa kanila. “Young masters!”Isang babaeng may magaspang na ugaling nasa tatlompung gulang ang hindi pumansin sa mga taong nagrereklamo sa kanya nang naglakad siya sa harapan. Tinulak niya ang isang dalaga habang kinokonsulta niya si Amber tungkol sa kaalaman sa martial arts. "Nakita ko online na may ilang magagaling na young masters na nagpunta sa Martial Hall!" sigaw ng babae. "Narinig ko na napakalakas at napakatalentado mo…""Pero ang mas mahalaga, hindi ka naghihinay-hinay kapag nagtuturo ka! Hindi mo man lang kinukuha ang pera
“M’lady! M’lady!”Natataranta ang mga tao sa likod ng babae. Humakbang paharap ang isang lalaking mukhang butler at pinisil ang nguso ng masungit na mayamang babae. "Wag mo hahayaang may mangyari sa sarili mo, M'lady!" "Nakasalalay sa'yo ang buong pamilya natin!" "Bw*sit ka! Hindi mo ba alam na sapat ang respeto sa'yo ng M'lady para turuan mo ang anak niya?!" "Ang lakas ng loob mong tanggihan ang pakiusap niya!" "Magbabayad ka kapag may nangyari sa kanya!" Humakbang paharap ang butler at sinampal ang mukha ni Amber. Malakas at malutong ang sampal. Sa takot pagkatapos makita ang babaeng sumuka ng dugo, nakalimutan ni Amber ang katotohanang isa siyang martial artist; hindi man lang siya nakakibo sa sampal. Tulalang-tulala siya. Noon, magalang siyang papakiusapan ng mga tao na gumawa ng isang bagay…Ito ang unang beses niyang makakita ng ganito kawalanghiyang tao sa gitna ng publiko. Ganoon din sina Philip at Albus; mga top talents sila na may nakakamanghang lak
“Harvey York?”"Ikaw ang may-ari ng Martial Hall?" Tinitigan ng butler si Harvey bago malamig na tumawa. "Ikaw ang maalamat na lalaking naghahabol sa kasikatan, ang tinatawag na master na gagawin ang lahat para sa pera?" "Narinig ko na ang tungkol dito. Tinaas mo ang bayad nang labing-apat na libong dolyar para sa mga mag-e-enroll dito!" "Nilimitahan mo pa ang bilang ng taong makakapasok kada semester!" "Kinukuha mo lang ang mga pwesto para mukha itong mas mahal kumpara sa tunay nitong halaga!" "Pumipiga ka ng pera sa mga tao!" "Bilang isang master, hindi mo lang hindi iniisip ang mga tao—hindi mo lang hindi pinapakalat sa buong mundo ang martial arts mo…" "Nag-iisip ka pa nang maigi para lang kumita nang malaking pera!" "Nakakadiri kayo!" Lumura ang butler sa lapag. "Kilala mo ba kung sino ang M'lady?!" "Kamag-anak siya ni Young Master Bierstadt ng Golden Palace, ang sacred martial arts training ground!""Kapag may nangyari kay M'lady, hahabulin kayo ni Young
"Tumatanggi ako," direktang sabi ni Harvey. "Anong sabi mo?!" Kaagad na tinaas ng babae ang tono niya pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. "Anong karapatan mong tumanggi?!""May sasabihin ako sa'yo! Wala kang magagawa kundi magbayad kahit na anong mangyari! Kung hindi, may mga taong susugod sa'yo!" Nanggagalaiti ang babae pagkatapos niyang makitang bastusin siya ni Harvey. Pagkatapos ay galit niyang tinuro sina Amber, Philip, at Albus habang umuubo ng dugo. "At kayong tatlo!" "Aminin niyo na lang na mahina kayo!" "Akala niyo ba pwede na kayong magturo ng iba dahil may kaunti kayong alam sa martial arts?!" "Ang totoo, wala lang kayo!" "Tinuturuan niyo nang walang kakwenta-kwentang bagay ang mga estudyante. Napakamapili niyo rin sa kabila!" "Sino ba kayo sa tingin niyo?!""Kung ako sa inyo, iuuntog ko ang ulo ko sa lapag at papatayin ko ang sarili ko ngayon!" "Irereport ko kayo sa Martial Arts Alliance paglabas ko rito!" "Manloloko kayo! Sisiguraduhin kon