Malamig na naningkit ang mga mata ni Wilbur Lee kay Harvey York nang nakahalukipkip. "Alam mo na dapat, Harvey! "Ang Longmen Summit ay hindi lugar para gumawa ka lang ng kalokohan! Ang exam na'to ay kasing importante ng kahit na aling university entrance exam!" "Hindi ka lang nandaya sa exam, pinagsususpetsahan ka ring nagnakaw ng answer sheet! Hinahanap mo lang ang kamatayan mo rito!" "Naghihintay sina Vice Branch Leader Bennet at ang iba pa para sa'yo sa meeting room! "Pumunta ka na roon at huminga ka na ng tawad! Kung hindi, masaklap ang mangyayari sa'yo! "Baka pakawalan ka pa ni Vice Branch Leader Bennet kapag katanggap-tanggap ang pag-uugali mo! "Pero kung hindi ka maging tapat, irereport ko to sa Law Enforcement ng Longmen ngayon din! "Mas masaklap kaysa sa pagkakakulong ang mangyayari sa'yo!" Tumuro si Wilbur sa labas nang may mapagmataas na ekspresyon sa mukha niya. "Nandaya siya?!" Nagulat sina Kori John at ang iba pa bago nila tinitigan nang masama si Ha
Pagkatapos marinig ang mga salita ni Harvey York, bumuntong-hininga si Kori John sa dismaya bago nagpakita ng namumuhing ekspresyon. "Wag ka nang magpanggap, Harvey! "Gaano ba kahirap na aminin ang mga kasalanan mo?! "Iniisip mo ba di ka namin naiintindihan?! "Akala mo ba di kita kilala?! "Kaklase mo ko sa university! Imposibleng may alam ka sa martial arts!" Nagpakita ng selos si Wilbur Lee sa mga mata niya pagkatapos marinig na magkaklase noon sina Harvey at Kori sa university. Tinitigan niya nang masama si Harvey at sumigaw, "Narinig mo ba yun, Harvey?!"Maski si Kori, sinasabi niyang wala kang alam sa martial arts! Bakit nagpapanggap ka pa rin?!"Aminin mo na lang kasi!"Masaklap ang mangyayari sa'yo kapag hindi ka umamin!"Nanatiling kalmado ang mukha ni Harvey. "Pinipilit mong nandaya ako at ninakaw ko pa ang answer sheet, pero nasaan ang pruweba? "Tinignan mo naman siguro ang surveillance camera sa buong lugar, tama? "Nakita mo ba akong nagpasok ng kahit
Kaagad na dumilim ang mukha ni Wilbur Lee bago niya tinitigan nang masama si Harvey York. "Tinatanong mo ba ang husga ko, Harvey?!" Nagpakita rin ng masamang ekspresyon si Kori John. "Paano mo nagawang tanungin si Examiner Lee nang ganyan?!"Kahit na anong mangyari sa pa rin siyang outer disciples ng Flutwell Branch ng Longmen! "Nakakamangha ang kaalaman niya sa martial arts! Mapapatunganga ka kapag siya ang nagsulat ng mga tanong!"Sobrang nadismaya si Kori kay Harvey. Hindi lang siya naniniwala na mahirap at mahina si Harvey, naniniwala rin siya na hindi niya lang inaamin na nandaya siya! Ang isang lalaking kagaya niya ay hindi nararapat na tawagin ang atensyon niya! Tinitigan nang masama ni Wilbur si Harvey bago siya tumawag. Malinaw na inasahan na niya itong mangyari habang balak niyang durugin ang tinatawag niyang karibal. "Dahil sinabi mong may kakayahan ka… "Kung ganun, bibigyan kita ng pagkakataong patunayan ang sarili mo! Bumunot siya ng isang piraso ng
“Ahahaha!”Natawa nang malakas sina Kori John at ang iba pa pagkatapos makitang itapon ni Wilbur Lee ang mga sagot ni Harvey York sa bintana. Natural na maniniwala ang lahat na nagsisinungaling lang si Harvey. Kagaya ng inaasahan, sapat na ang tatlong tanong ni Wilbur para ibuking ang kakayahan ni Harvey. Pagkatapos makita ang eksena, kalmadong tumingin si Harvey kay Wilbur. Nakikita na niyang isang walang hiya at kurakot na lalaki si Wilbur. Pero hindi niya inasahan na ganito siya kawalanghiya. Sa puntong ito, nagalit si Harvey. Magiging masaklap ang kahihinat nito…"Ano to?! "Ano tong kaguluhan na'to?!" Isang malaking grupo ng tao ang pumasok sa hall sa sandaling ito. Ang taong nangunguna sa grupo ay walang iba kundi si Fisher Benett mismo. Ilang eksperto ang nakasunod sa likuran niya habang taas-noong naglalakad. Maliban sa mga taong iyon, marami ring disipulo ng Longmen. Lahat sila ay may hawak sa security. Malamig na sumigaw si Fisher sa madla sa harapan
"Gusto mong ikaw mismo ang magsulat ng tanong para sa'kin! Sasagutin ko to sa harapan ng lahat! "Kung mali ako, ibig sabihin nun ay ninakaw ko ang answer sheet! "Pero kung tama ako, gusto kong maging responsable ang lahat ng staff dito! "Syempre, kung iniisip niyong walang punto sa exam na'to, pwede niyo rin akong papasukin. "Kikilos na rin naman ang Longmen Summit." May marangal na ere ang kalmadong mga salita ni Harvey York. Ngunit sa mga mata ng lahat, walang utak si Harvey. 'Hindi pa ba siya nagsasawa?! Naghahanap pa rin siya ng hustisya ngayon?!''Anong problema niya?!''Iniisip ba niya siya ang hari ng mundo?!' 'Bakit magsasayang ng oras sa kanya ang isang taong kagaya ni Vice Branch Leader Benett?!'"Binigyan ko na siya ng tatlong tanong kanina, Vice Branch Leader. Mali ang lahat ng sagot niya, pero nagyayabang pa rin siya!"Napatalon ang puso ni Wilbur Lee bago siya humakbang paharap. "Hindi na natin kailangang magsayang ng oras sa isang langgam na kagaya
"Lalo na't ang mga tao ng Longmen ay palaging nakakakuha ng loob ng tao sa pamamagitan ng kawastuhan!"Kapag natalo ka, aaminin mo ang lahat ng ginawa mong kasalanan at magpapaliwanag ka kung paano ka nandaya! "Pero kapag nanalo ka, mapapatunayan ang kawalan mo ng sala! Hihingi ako ng tawad para sa Longmen at pananagutin ko ang kung sinomang responsable sa sitwasyong ito!" Kagaya ng inaasahan mula sa isang martial artist, napakadesido ni Fisher Benett. "At kapag nanalo ka, isasali rin kita sa Longmen!" May mapagmataas na ekspresyon si Fisher. Sa mga mata niya, magiging malaking karangalan para sa kahit na sino na makasali sa Longmen. "Sige. Gawin na natin," kalmadong sumagot si Harvey York. "Hindi ako umaatras sa pangako ko." Nanginig ang mga mata ni Wilbur Lee nang may sasabihin sana siya, ngunit bigla siyang pinigilan ni Fisher. "Wag ka nang magsalita, Wilbur. Mas mabuting pabagsakin siya kaysa magsayang ka ng hininga."Base sa patakaran ng underworld, mas mabuti ku
Nagkatinginan sina Fisher Benett at ang iba pa sa ilalim ng paningin ng iba. Sabay-sabay silang tumangong lahat nang may paghangang nakikita sa mga mukha nila. "Tama siya?" "Imposible! Ang bata-bata pa niyang tignan!" "Hindi niya malalaman ang tungkol dito kahit na nagsanay siya ng martial arts sa sinapupunan ng nanay niya!""Pambihira!" "Baka nakasagot na siya ng tanong na kagaya nito kanina? Baka nagkataon lang?"Hindi makapaniwala ang mga examinee. "Tama! Tama! Malamang nasagutan na niya ang tanong na'to noon! Nagkataon lang talaga!" Kaagad na nahimasmasan si Wilbur Lee. Hindi matatanggap ng isang taong may makitid na pananaw kagaya niya na mas magaling sa kanya ang kasing edad niya lang. "Tanungin mo siya, Vice Branch Leader!" sigaw ni Wilbur habang nagngingitngit ang ngipin. Tumingin ang lahat kay Harvey York para tignan ang reaksyon niya. "Gawin niyo na. Wag niyo nang sayangin ang oras ko," kalmadong sagot ni Harvey. May malalim na ekspresyon si Fisher nang
"Syempre! Syempre!" Mabilis na tumango si Fisher Benett. "Isa kang tunay na henyo sa martial arts, Harvey York! Isa kang pambihirang talento!" "Kung ganun, tanggap na ba ang scores ko?" kalmadong tanong ni Harvey. "Oo! Syempre! Ikaw ang pinakamagaling sa test!" Naglakad paharap si Fisher nang may determinasyon sa mga mata niya. Sa isang henyong kagaya ni Harvey, tiyak na magiging kapanapanabik ang Longmen Summit! "Ikaw ang karangalan ng buong martial arts sa Country H! Walang duda, isa kang top talent! "Mula ngayon, pwede mong hingiin ang tulong ko kung may kailangan ka! "Gagawin ko ang lahat para suportahan ka kung nasa sakop ito ng kapangyarihan ko!"Ang pormalidad ni Fisher ay tuluyang napalitan ng determinasyon at init. "Hindi na kailangan ng pormalidad sa pagitan natin, Harvey! "Ituring mo na lang akong kabilang sa'yo!" Pinupuri rin ng iba pang eksperto si Harvey. Alam ng lahat na ang isang lalaking kagaya ni Harvey ay madaling makakausad sa qualifiers, o