"Lalo na't ang mga tao ng Longmen ay palaging nakakakuha ng loob ng tao sa pamamagitan ng kawastuhan!"Kapag natalo ka, aaminin mo ang lahat ng ginawa mong kasalanan at magpapaliwanag ka kung paano ka nandaya! "Pero kapag nanalo ka, mapapatunayan ang kawalan mo ng sala! Hihingi ako ng tawad para sa Longmen at pananagutin ko ang kung sinomang responsable sa sitwasyong ito!" Kagaya ng inaasahan mula sa isang martial artist, napakadesido ni Fisher Benett. "At kapag nanalo ka, isasali rin kita sa Longmen!" May mapagmataas na ekspresyon si Fisher. Sa mga mata niya, magiging malaking karangalan para sa kahit na sino na makasali sa Longmen. "Sige. Gawin na natin," kalmadong sumagot si Harvey York. "Hindi ako umaatras sa pangako ko." Nanginig ang mga mata ni Wilbur Lee nang may sasabihin sana siya, ngunit bigla siyang pinigilan ni Fisher. "Wag ka nang magsalita, Wilbur. Mas mabuting pabagsakin siya kaysa magsayang ka ng hininga."Base sa patakaran ng underworld, mas mabuti ku
Nagkatinginan sina Fisher Benett at ang iba pa sa ilalim ng paningin ng iba. Sabay-sabay silang tumangong lahat nang may paghangang nakikita sa mga mukha nila. "Tama siya?" "Imposible! Ang bata-bata pa niyang tignan!" "Hindi niya malalaman ang tungkol dito kahit na nagsanay siya ng martial arts sa sinapupunan ng nanay niya!""Pambihira!" "Baka nakasagot na siya ng tanong na kagaya nito kanina? Baka nagkataon lang?"Hindi makapaniwala ang mga examinee. "Tama! Tama! Malamang nasagutan na niya ang tanong na'to noon! Nagkataon lang talaga!" Kaagad na nahimasmasan si Wilbur Lee. Hindi matatanggap ng isang taong may makitid na pananaw kagaya niya na mas magaling sa kanya ang kasing edad niya lang. "Tanungin mo siya, Vice Branch Leader!" sigaw ni Wilbur habang nagngingitngit ang ngipin. Tumingin ang lahat kay Harvey York para tignan ang reaksyon niya. "Gawin niyo na. Wag niyo nang sayangin ang oras ko," kalmadong sagot ni Harvey. May malalim na ekspresyon si Fisher nang
"Syempre! Syempre!" Mabilis na tumango si Fisher Benett. "Isa kang tunay na henyo sa martial arts, Harvey York! Isa kang pambihirang talento!" "Kung ganun, tanggap na ba ang scores ko?" kalmadong tanong ni Harvey. "Oo! Syempre! Ikaw ang pinakamagaling sa test!" Naglakad paharap si Fisher nang may determinasyon sa mga mata niya. Sa isang henyong kagaya ni Harvey, tiyak na magiging kapanapanabik ang Longmen Summit! "Ikaw ang karangalan ng buong martial arts sa Country H! Walang duda, isa kang top talent! "Mula ngayon, pwede mong hingiin ang tulong ko kung may kailangan ka! "Gagawin ko ang lahat para suportahan ka kung nasa sakop ito ng kapangyarihan ko!"Ang pormalidad ni Fisher ay tuluyang napalitan ng determinasyon at init. "Hindi na kailangan ng pormalidad sa pagitan natin, Harvey! "Ituring mo na lang akong kabilang sa'yo!" Pinupuri rin ng iba pang eksperto si Harvey. Alam ng lahat na ang isang lalaking kagaya ni Harvey ay madaling makakausad sa qualifiers, o
Nilumpo ni Fisher Benett si Wilbur Lee, ngunit nanghinayang siya nang sobra. Kung hindi siya nagpakita noon, siguradong masisira ang reputasyon ng isang sacred martial arts training ground. Masama kapag nalaman ito ng bagong head ng Law Enforcement ng Longmen! Nang walang alinlangan, naniwala si Fisher na tama ang ginawa niya. Huminga nang malalim si Jori John at nahimasmasan bago nahihiyang lumapit kay Harvey. "Magaling, Harvey!" masiglang sinabi ni Kori. "Congratulations! Karapat-dapat kang sumailalim sa akin!"Bibigyan kita ng pagkakataon ngayon! Pwede mo akong ilibre ng pagkain!"Kapag maganda ang naipakita mo, baka maging boyfriend kita isang araw! "Tama! Gusto kong kumain sa kung saan may tatlong Michelin star ngayon! Bakit hindi natin…"Tinitigan nang masama ni Harvey si Kori na parang nakatingin siya sa isang payaso. "Wala ka bang utak?"Alis!" Kaagad na umalis si Harvey pagkatapos. Ayaw niyang mag-abalang makipag-usap sa isang taong tulad ni Kori. Hin
Si Sienna Wright ang anak na babae ng Big Boss.Paano siya nalasing nang ganito? Hindi makapaniwala si Harvey sa sandaling ito. Ngunit wala siyang oras para mag-isip. Lumingon siya at humakbang paharap. "Sandali!" seryosong sigaw ni Harvey. Huminto ang mga lalaking nakaitim bago mayabang na tingnan si Harvey. "Ang kapal naman ng mukha mo?!" "Hampas-lupa ka!" Itinaas ng Indiano ang kanyang tingin habang mukhang nanghahamak. "Isa akong maharlika mula sa India! Ang kapal naman ng mukha mong pigilan ako?! "Kung nandoon ka sa bansa ko, napugutan ka na ng ulo!"Bibigyan kita ng isang pagkakataon! Lumuhod ka at humingi ng tawad ngayon na, kung hindi lagot ka na!""Kaibigan ko ang babaeng ito. Bitawan niyo siya," seryosong sagot ni Harvey. Natukoy ni Harvey na hindi lasing si Sienna nang tingnan niya ito nang maigi. Malinaw na pinainom ito ng gamot. "Asa ka!" Tumingin nang masama ang lalaking Indiano. "Nagustuhan ni Young Master Garcia ang babaeng ito! Wala akong p
Mukhang arogante si Young Master Myers. Natural na ganito siya umasal sa Flutwell dahil kinatatakutan siya dito. Ito ang dahilan kung bakit ginagawa niya ang kahit anong gusto niya at nananamantala siya ng iba. Sa sandaling ito, wala siyang respeto kay Harvey York. Isang mababang tao ng Country H ay katumbas ng mga Shudra sa India! Ang kapal naman ng mukha niyang sumagot sa isang Kshatriya?! Malinaw na gusto niyang mamatay! Kalmadong lumapit si Harvey. "Bitawan niyo siya." Pak! Sinampal ni Young Master Myers ang mukha ni Sienna Wright bago tumawa. "Bitiwan siya?! Imposible! "Paglalaruan namin siya kung paano namin gusto! Wala kang magagawa dito!" Huminga nang malalim si Harvey at umabante, naghahandang bawiin si Sienna. Ayaw niyang mag-abala na magsalita sa sandaling ito. Nanginig saglit si Young Master Myers bago umatras nang nakangiti. "Sugurin niyo siya, kalbo! Dadalhin ko ang babaeng ito kay Young Master Garcia!" Hindi nagtagal, dinala niya palayo si Sie
"Akala mo ba kaya mo na akong kalabanin dahil lang may martial arts ka? "Hindi mo ba naiisip na ang martial arts ay nagsimula sa India? "Kapag binangga mo kami, hindi ka mananalo kahit may sampung buhay ka pa! "Balak mong iligtas ang babae sa harapan ko? "Kalokohan… "Kahit ang Diyos di na siya maliligtas! Sinasabi ko na! "Hindi ako mag-aabala sa'yo ngayon! Manood ka lang diyan! Hindi magtatagal, ipapakita ko sa'yo kung paano paglaruan ni Young Master Garcia ang isang babae! "Pagkatapos namin, papatayin namin siya at ipapasa namin ang sisi sa'yo! "Mababansagan ka bilang isang mamamatay-tao! “Hahaha!”Napakayabang ni Young Master Myers kanina. Naniniwala talaga siyang panalo na siya. Lumapit siya kay Harvey York, balak rin itong hilahin palayo. Pak! Ngunit bago pa mahawakan ng maduming kamay niya si Harvey, kaagad siyang sinampal. Hindi nakakibo si Young Master Myers. Ilang ngipin ang tumalsik mula sa kanyang bibig habang tumatalsik siya bago bumangga sa pader.
"Ang John family?" tanong ni Harvey York. Narinig na niya nang ilang beses ang tungkol sa John family. Nagiging magalang ang mga tao kapag nababanggit ito. Hindi niya mawari kung bakit mas malakas ang pamilyang ito kaysa sa Bauer family. Huminga nang malalim si Kayden Balmer. "Bukod-tangi ang John family, Sir York! "Sila ay isa lamang normal na mayamang pamilya noong una, ngunit nagkaroon sila ng isang henyo sa martial arts na nakapasok sa Golden Palace. "Nitong nakaraang dalawampung taon, natalo pa ng henyong ito si Colton Torres mismo at umangat siya bilang head ng Golden Palace. "Mula noong araw na iyon, patuloy nang umangat ang John family! "At dahil sa Golden Palace, halos walang makapalag sa kanila. Kahit na hindi sila isang top-rated family, para na silang ganito. "Ang kulang lang nila ay isang malakas na pinagmulan na mayroon ang ibang top-rated family." "Ang Overlord Gang at ang John family…" Tumango nang bahagya si Harvey. Naintindihan niya kung bakit mu