Nagkatinginan sina Fisher Benett at ang iba pa sa ilalim ng paningin ng iba. Sabay-sabay silang tumangong lahat nang may paghangang nakikita sa mga mukha nila. "Tama siya?" "Imposible! Ang bata-bata pa niyang tignan!" "Hindi niya malalaman ang tungkol dito kahit na nagsanay siya ng martial arts sa sinapupunan ng nanay niya!""Pambihira!" "Baka nakasagot na siya ng tanong na kagaya nito kanina? Baka nagkataon lang?"Hindi makapaniwala ang mga examinee. "Tama! Tama! Malamang nasagutan na niya ang tanong na'to noon! Nagkataon lang talaga!" Kaagad na nahimasmasan si Wilbur Lee. Hindi matatanggap ng isang taong may makitid na pananaw kagaya niya na mas magaling sa kanya ang kasing edad niya lang. "Tanungin mo siya, Vice Branch Leader!" sigaw ni Wilbur habang nagngingitngit ang ngipin. Tumingin ang lahat kay Harvey York para tignan ang reaksyon niya. "Gawin niyo na. Wag niyo nang sayangin ang oras ko," kalmadong sagot ni Harvey. May malalim na ekspresyon si Fisher nang
"Syempre! Syempre!" Mabilis na tumango si Fisher Benett. "Isa kang tunay na henyo sa martial arts, Harvey York! Isa kang pambihirang talento!" "Kung ganun, tanggap na ba ang scores ko?" kalmadong tanong ni Harvey. "Oo! Syempre! Ikaw ang pinakamagaling sa test!" Naglakad paharap si Fisher nang may determinasyon sa mga mata niya. Sa isang henyong kagaya ni Harvey, tiyak na magiging kapanapanabik ang Longmen Summit! "Ikaw ang karangalan ng buong martial arts sa Country H! Walang duda, isa kang top talent! "Mula ngayon, pwede mong hingiin ang tulong ko kung may kailangan ka! "Gagawin ko ang lahat para suportahan ka kung nasa sakop ito ng kapangyarihan ko!"Ang pormalidad ni Fisher ay tuluyang napalitan ng determinasyon at init. "Hindi na kailangan ng pormalidad sa pagitan natin, Harvey! "Ituring mo na lang akong kabilang sa'yo!" Pinupuri rin ng iba pang eksperto si Harvey. Alam ng lahat na ang isang lalaking kagaya ni Harvey ay madaling makakausad sa qualifiers, o
Nilumpo ni Fisher Benett si Wilbur Lee, ngunit nanghinayang siya nang sobra. Kung hindi siya nagpakita noon, siguradong masisira ang reputasyon ng isang sacred martial arts training ground. Masama kapag nalaman ito ng bagong head ng Law Enforcement ng Longmen! Nang walang alinlangan, naniwala si Fisher na tama ang ginawa niya. Huminga nang malalim si Jori John at nahimasmasan bago nahihiyang lumapit kay Harvey. "Magaling, Harvey!" masiglang sinabi ni Kori. "Congratulations! Karapat-dapat kang sumailalim sa akin!"Bibigyan kita ng pagkakataon ngayon! Pwede mo akong ilibre ng pagkain!"Kapag maganda ang naipakita mo, baka maging boyfriend kita isang araw! "Tama! Gusto kong kumain sa kung saan may tatlong Michelin star ngayon! Bakit hindi natin…"Tinitigan nang masama ni Harvey si Kori na parang nakatingin siya sa isang payaso. "Wala ka bang utak?"Alis!" Kaagad na umalis si Harvey pagkatapos. Ayaw niyang mag-abalang makipag-usap sa isang taong tulad ni Kori. Hin
Si Sienna Wright ang anak na babae ng Big Boss.Paano siya nalasing nang ganito? Hindi makapaniwala si Harvey sa sandaling ito. Ngunit wala siyang oras para mag-isip. Lumingon siya at humakbang paharap. "Sandali!" seryosong sigaw ni Harvey. Huminto ang mga lalaking nakaitim bago mayabang na tingnan si Harvey. "Ang kapal naman ng mukha mo?!" "Hampas-lupa ka!" Itinaas ng Indiano ang kanyang tingin habang mukhang nanghahamak. "Isa akong maharlika mula sa India! Ang kapal naman ng mukha mong pigilan ako?! "Kung nandoon ka sa bansa ko, napugutan ka na ng ulo!"Bibigyan kita ng isang pagkakataon! Lumuhod ka at humingi ng tawad ngayon na, kung hindi lagot ka na!""Kaibigan ko ang babaeng ito. Bitawan niyo siya," seryosong sagot ni Harvey. Natukoy ni Harvey na hindi lasing si Sienna nang tingnan niya ito nang maigi. Malinaw na pinainom ito ng gamot. "Asa ka!" Tumingin nang masama ang lalaking Indiano. "Nagustuhan ni Young Master Garcia ang babaeng ito! Wala akong p
Mukhang arogante si Young Master Myers. Natural na ganito siya umasal sa Flutwell dahil kinatatakutan siya dito. Ito ang dahilan kung bakit ginagawa niya ang kahit anong gusto niya at nananamantala siya ng iba. Sa sandaling ito, wala siyang respeto kay Harvey York. Isang mababang tao ng Country H ay katumbas ng mga Shudra sa India! Ang kapal naman ng mukha niyang sumagot sa isang Kshatriya?! Malinaw na gusto niyang mamatay! Kalmadong lumapit si Harvey. "Bitawan niyo siya." Pak! Sinampal ni Young Master Myers ang mukha ni Sienna Wright bago tumawa. "Bitiwan siya?! Imposible! "Paglalaruan namin siya kung paano namin gusto! Wala kang magagawa dito!" Huminga nang malalim si Harvey at umabante, naghahandang bawiin si Sienna. Ayaw niyang mag-abala na magsalita sa sandaling ito. Nanginig saglit si Young Master Myers bago umatras nang nakangiti. "Sugurin niyo siya, kalbo! Dadalhin ko ang babaeng ito kay Young Master Garcia!" Hindi nagtagal, dinala niya palayo si Sie
"Akala mo ba kaya mo na akong kalabanin dahil lang may martial arts ka? "Hindi mo ba naiisip na ang martial arts ay nagsimula sa India? "Kapag binangga mo kami, hindi ka mananalo kahit may sampung buhay ka pa! "Balak mong iligtas ang babae sa harapan ko? "Kalokohan… "Kahit ang Diyos di na siya maliligtas! Sinasabi ko na! "Hindi ako mag-aabala sa'yo ngayon! Manood ka lang diyan! Hindi magtatagal, ipapakita ko sa'yo kung paano paglaruan ni Young Master Garcia ang isang babae! "Pagkatapos namin, papatayin namin siya at ipapasa namin ang sisi sa'yo! "Mababansagan ka bilang isang mamamatay-tao! “Hahaha!”Napakayabang ni Young Master Myers kanina. Naniniwala talaga siyang panalo na siya. Lumapit siya kay Harvey York, balak rin itong hilahin palayo. Pak! Ngunit bago pa mahawakan ng maduming kamay niya si Harvey, kaagad siyang sinampal. Hindi nakakibo si Young Master Myers. Ilang ngipin ang tumalsik mula sa kanyang bibig habang tumatalsik siya bago bumangga sa pader.
"Ang John family?" tanong ni Harvey York. Narinig na niya nang ilang beses ang tungkol sa John family. Nagiging magalang ang mga tao kapag nababanggit ito. Hindi niya mawari kung bakit mas malakas ang pamilyang ito kaysa sa Bauer family. Huminga nang malalim si Kayden Balmer. "Bukod-tangi ang John family, Sir York! "Sila ay isa lamang normal na mayamang pamilya noong una, ngunit nagkaroon sila ng isang henyo sa martial arts na nakapasok sa Golden Palace. "Nitong nakaraang dalawampung taon, natalo pa ng henyong ito si Colton Torres mismo at umangat siya bilang head ng Golden Palace. "Mula noong araw na iyon, patuloy nang umangat ang John family! "At dahil sa Golden Palace, halos walang makapalag sa kanila. Kahit na hindi sila isang top-rated family, para na silang ganito. "Ang kulang lang nila ay isang malakas na pinagmulan na mayroon ang ibang top-rated family." "Ang Overlord Gang at ang John family…" Tumango nang bahagya si Harvey. Naintindihan niya kung bakit mu
"Ayaw kong magpakasal, at ayaw kong maging alipin ng isang tao. Kaya umalis ako at inayos ko ang makeup ko."Nagpunta ako dito para uminom ng alak at magsaya… "Pagkatapos kong makainom, isang binata ang gustong makipag-usap sa akin. Sinabi niya interesado daw siya sa akin at ako daw ang babae niya ayon sa batas ng India. "Imposibleng matiis ko ang tangang 'yun, kaya sinampal ko siya at sinabihan kong lumayas! "Akala ko isa lang itong maliit na insidente, pero di ko inakalang babalik ang taong 'yun! "Nagdala siya ng ilang mga tao kasama niya at sinabihan akong manilbihan sa isang taong pangalan ay Young Master Garcia. "Sinabihan ko siyang umalis ulit pagkatapos kong tumawag ng security, pero hindi sila nagtapang na lumapit. "Pagkatapos, tumakbo palapit sa akin ang ga*ong 'yun at binuhusan ng alak ang bibig ko. "Kaagad akong nanghina. Hindi man ako makahingi ng tulong. "Gayunpaman, salamat sa pagsagip sa akin sa kabila ng nangyari sa atin dati! "Sisiguradduhin kong iba
Alas diyes ng umaga.Sa pangunguna nina Harvey York at Kade Bolton, nakarating sila sa isang antigong stone gambling site.Ang lugar ay nirenovate bilang isang stadium na kayang maglaman ng libu-libong tao.Makikita ang mga nagtataasang balkonahe sa buong lugar.Ang stadium ay hinati sa tatlong bahagi.Dalawang seksyon ang puno ng mga bato sa lahat ng dako, pero kakaunti lamang ang mga taong naglalakad-lakad. Halos walang kabuhay-buhay sa lugar.Ang natitirang bahagi ng stadium ay may mga manggagawa na naglalagay ng mga bato kasama ang kani-kanilang mga presyo.Malinaw na dito papunta ang ikatlong batch.Maraming tao ang nagtipun-tipon dito habang masayang nagkukwentuhan.Para sa mga bihasa sa ganitong bagay, tanging mga tiyak na uri ng bato lamang ang makakakuha ng kanilang atensyon.Si Harvey at ang iba pa ay pumunta sa VIP area, at tumingin sila sa harapan.Isang grupo ng mga tao na nakasuot ng tradisyonal na damit ang nakatayo hindi kalayuan mula sa kanila.Nakatayo sil
”Gayunpaman, isang babae na nakasuot ng tradisyonal na damit ang dumating sa lugar isang hapon.“Madali niyang nahanap ang labindalawang tempest-type gem, pagkatapos ay inannounce na wala nang natira pa sa unang batch."Walang naniwala sa kanya sa simula, pero ang mga sumunod na customer ay hindi man lang makahanap ng batong kasing laki ng kanilang hinliliit!"Pagkatapos noon, tumigil na ang mga customer.“Kinabukasan—kahapon, bumalik ang babae nang dumating ang pangalawang batch ng mga bato.“Madali siyang nakahanap ng labindalawa pang mga gem bago niya sinabi ang parehong bagay."Wala nang naglakas-loob na hamunin siya."Pitumpung porsyento ng mga batong maaaring gawing bundok ng ginto ay agad na itinuring na basura na walang sinumang mag-aaksaya ng oras upang suriin."Ngayon ang ikatlong araw.“Ayon sa plano, ilalabas na namin ang aming huling batch."Kung darating ulit ang babaeng iyon, ikinalulungkot ko na…”Walang magawa si Arlet Pagan.Walang problema kung kaunti lan
Nang umalis si Blaine John kasama ang badge, nagpatuloy si Harvey York sa kanyang trabaho bilang isang dalubhasa sa geomancy sa Fortune Hall.Si Castiel Foster ay nag-papanik na dahil siya lang ang nag-aasikaso sa mga customer.Sa pagbabalik ni Harvey, agad na tumaas muli ang morale ng buong lugar.Pagkatapos ng tatlong araw ng kapayapaan at katahimikan, nagpakita si Kade Bolton ng isang nakakatakot na ekspresyon nang dumating siya sa Fortune Hall mula sa punong-tanggapan ng Heaven’s Gate."Masama ito, Sir York," sabi niya, mabilis na naglakad patungo kay Harvey."Normal lang na may mangyari sa lungsod ngayon, di ba?"Nagsalita si Harvey habang gumuguhit ng isang talisman para sa isang customer.“May naghamon ba sa pamilya mo?"Umiling si Kade."Wala, pero may naghanap ng gulo sa pamilya Pagan."Nagtigilan si Harvey. Mabilis niyang pinunasan ang kanyang kamay gamit ang wet wipes bago dalhin si Kade sa likuran."Magsalita ka lang."Agad dumiretso sa punto si Harvey."Mayroo
”Mananatili ka dito.”Tumawa ng malamig si Master Morgraine.“Isa akong tagalabas, pero mula pa rin sa mundo ang pamilya ko.“Hindi ako umalis mula noong sumali ako sa sacred martial arts training grounds dahil hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.“Kayo ang mga hadlang sa’kin!“Natural lang na may gawin ako para sayo sa pagkakataong ito.“Ipapakita ko kay Representative York kung gaano kakomplikado ang mga bagay sa Golden Sands!“Maging ang sacred martial arts training grounds ay walang magagawa kundi magpakumbaba!“Anong silbi ng buhay ng lalaking ‘yun kung ang tanging kaya niyang gawin ay gamitin ang pangalan ng Martial Arts Alliance para magmalaki?“Sisiguraduhin kong magkakaroon siya ng magandang leksyon!”Nagpakita ng masamang ekspresyon si Blaine John.“Hindi pwede ‘yun…“Maraming taon kang hindi lumaban.“Nagawang patayin ni Harvey York si Layton Surrey!“Sinasabi sa mga alamat na kasing lakas siya ng isang God of War…“Ito ay…”Suminghal si Master Morgraine.“S
"Sana magamit mo ang iyong katayuan para makausap si Representative York. Makakahingi ako ng tawad nang personal pagkatapos noon."Seryoso ako, Tita! Kaya kong tiisin ang anumang parusa!"Sana lang na tumigil na si Representative York sa pagpapahirap sa mga John... Hindi ko pwedeng hilahin pababa ang pamilya dahil sa aking pagkakamali..."Mukhang handa nang magbago si Blaine.Dahan-dahang umupo si Master Mograine bago ininom ang kanyang tsaa."Si Representative York? Ang lalaking tumalo sa lahat ng mga nangungunang talento ng India sa Flutwell? Nasa Golden Sands siya?"Bumuntong-hininga si Blaine.“May mga bagay na hindi mo alam, dahil nag-iisa ka."Hindi lang siya nandito, kundi nagdudulot din siya ng gulo sa buong siyudad."Ang Heaven's Gate ay nagkaroon ng ganap na pagbabago ng kapangyarihan dahil sa kanya."Pinatay pa niya si Layton dahil dito."Ipinaliwanag ni Blaine ang lahat ng ginawa ni Harvey sa ilang pangungusap lamang. Hindi siya nagbigay ng anumang pahiwatig, at h
Si Blaine ay huminga ng malalim na para bang upang kalmahin ang hindi pangkaraniwang pag-uga ng kanyang katawan, bago magalang na humakbang pasulong."Nandito ako para makita ka ulit, Tita.""Sabi ko na sa'yo ng maraming beses, Blaine. Monghe na ako ngayon. Maaari mo akong tawaging Master Mograine.”Lumingon ang monghe bago sumulyap kay Blaine na may inis na ekspresyon.Tinititigan niya nang masama, pero ang kanyang mga mata ay nananatiling kaakit-akit.Ngumiti si Blaine."Tiyahin pa rin kita. Wala akong pakialam kung monghe ka o hindi. Ang lugar na ito ay para sa iyo hangga't gusto mo.”Tumawa si Master Morgraine, pagkatapos ay hinaplos ang ulo ni Blaine.“Matagal na mula nang huli kang pumunta dito. Mayroon bang bumabagabag sa iyo?""Hindi ka lang isa sa apat na matatanda ng Immortal Pavilion, kundi isa ka ring himalang doktor na kahit ang hindi mabilang na mayayamang pamilya ay hindi makuha," sabi ni Blaine."Hindi ito labis na pagpapahayag kung sasabihin kong mataas ang iyon
Lumapit si Kairi kay Harvey at tiningnan siya bago bumuntong-hininga.Salamat sa lahat sa mga nakaraang araw."Sa wakas kumilos na si Blaine, pero nakuha mo siyang pabagsakin ng dalawang beses.Mahirap na kayong magkasundo sa puntong ito."Ang laban namin ni Blaine ay magiging ganap na pampubliko na rin ngayon.""Kasama niya si Westley. Isa lang siyang utusan ni Emery, pero isa pa rin siyang kilalang tao na maaaring gawin ang kahit anong gusto niya sa Wolsing."Dalawang sampal para sa dalawang tao. May bagyo nang paparating sa Golden Sands sa lalong madaling panahon…”Inilapag ni Harvey ang kanyang tasa."Di ba ito mismo ang inaasahan mo?"Ang sitwasyon ng lungsod ay kasing linaw ng araw."Ang mga mayayamang pamilya ng Golden Sands ay kailangan nang pumili ng panig ngayon.O mananatili sa kontrol ang mga Johns, o ang mga Patels ay pagsasamahin ang buong lungsod."Maganda ito para sa'yo, di ba? Mas mabuti talagang maging tiyak."Ang mga bagay ay maaari lamang ayusin sa ganung para
Huminga ng malalim si Blaine.“May kasabihan… Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Hindi kailanman huli ang lahat para maghiganti. Hindi ko ito basta-basta palalampasin. Titiyakin kong makakakuha si Harvey ng leksyong nararapat sa kanya.”Inirapan ni Alani si Blaine matapos niyang marinig na binalewala ni Blaine ang tungkol dito."Bakit hindi mo na lang siya harapin, Young Master John? Kung palihim mo siyang aatakihin, hindi niya alam kung anong tumama sa kanya!"Syempre, kung ayaw mo siyang patayin, dapat yung mga tao na lang sa paligid niya ang puntiryahin mo! Hindi lang siya magdurusa, kundi may posibilidad pang bumagsak siya!"Sa ganitong paraan, mananalo tayo nang hindi lumalaban! Sisiguraduhin kong malalaman ng mga nakatataas ang mga achievement natin! Siguradong…”Pak!Sinampal ni Blaine ang mukha ni Alani.Sumigaw siya sa sakit, at bumangga sa sulok ng kotse. Ang kanyang katawan ay nanginginig nang labis. Isang hindi maipaliwanag na puwersa ang nakatago sa tila si
Patawarin mo ako, Mr. Quill! Kasalanan ko ito!“Humihingi ako ng tawad! Sana ay mapatawad mo ako bago ka mamaalam!”Hindi gaya ng dati, ang kayabangan ni Blaine ay napalitan ng pagpapakumbaba. Hindi siya mukhang isang young master noong sandaling iyon.Ang lahat ay nagulat, pero kinailangan nilang aminin na talagang kahanga-hanga na siya ay napaka-flexible. Tanging isang tunay na elite tulad niya ang makakapagtiis ng ganitong kahihiyan.Pati si Harvey ay nagpakita ng mapaglarong ekspresyon nang tumingin siya kay Blaine.Ang isang mapagmataas at mayabang na lalaki ay madaling harapin, ngunit… Ang isang flexible na lalaki na handang tiisin ang anumang hirap ay tiyak na magiging mahirap kalabanin.Nang matapos na si Blaine sa paghingi ng tawad, tumayo na siya.“Aalis na tayo!”Umalis siya ng nakatingin nang masama sa grupo ng mga taong dumating para magdulot ng gulo sa simula pa lang."Sinabi ko bang maaari silang umalis?" sumigaw nang malamig si Harvey.“Ano pa bang gusto mo?!”