Hindi lang dekorasyon ang titulo ni Rudolph. Sinasabing nag-aral siya ng sinaunang panggagamot mula India at Island Nations, pati na rin western at eastern medicine. Itinuturing na walang kapantay ang galing niya sa medisina. Nagawa niya ring tanggalin ang mga hindi kailangang impormasyon at iwan ang mahahalagang parte ng mga medical skills na iyon, na lalong nagpaangat sa kanya. Sinasabing maski ang mga royal family ng Northern Europe ay kukunin siya paminsan-minsan para gamutin sila, na nagpapahaba naman sa mga buhay nila. Gayunpaman, napakataas ng presyo ni Rudolph; naniningil siya ng milyon-milyong dolyar bawat isang beses. Kung kailangan niyang mag-opera ng tao, mas lalong mataas ang magiging halaga nito. Sa kabila nito, buhay na buhay ang negosyo niya. Narinig na ni Ansel ang maalamat na Deathbuster noon. Kahit na kilala ang Torres family sa Flutwell, hindi pa rin sila ganun kagaling para papuntahin dito ang isang taong kagaya ni Rudolph. Kung hindi dahil kay Sien
Nang nakita niya ang namumuhing ekspresyon ni Rudolph… Kalmadong nagsabi si Harvey, "Hindi ako doktor." "At ikaw ang maalamat na Deathbuster." "Kung ganun ka talaga kagaling, bakit hindi mo malunasan ang sarili mong sakit?" "Sa bawat isang beses na subukan mo itong gawin, wala kang lakas na ipagpatuloy ito. Naging miserable ka tungkol dito, di ba?" Nanigas kaagad ang mapagmataas na ekspresyon ni Rudolph. Tinignan niya si Harvey nang hindi makapaniwala. Hindi niya inakalang alam ni Harvey ang tungkol sa pinakatinatago niyang lihim! Masisira ang reputasyon niya kapag kumalat ang tungkol dito! Nagbago ang ekspresyon ni Rudolph. "Inimbestigahan mo ko?!" Tumingin sina Colton at Ansel kay Rudolph nang may kakaibang tingin nang napansin nila ang pagbabago ng ekspresyon niya. Natural na alam nila kung ano ang binabanggit ni Harvey. Medyo natulala si Sienna, pero napagtanto niya kung tungkol saan ang usapan. Hindi niya napigilang mapalunok ng laway nang may namumulan
Pinagpatong ni Rudolph ang mga braso niya habang naglabas ang mga assistant niya ng lahat ng klase ng precision instruments. "Hindi mo pa nakikita ang lahat ng to, ano?" "May sasabihin ako sa'yo: ito ay mga espesyal na equipment na makikita lang sa Switzerland! Kailangan mong magtrabaho buong buhay mo para lang makakuha ng isa sa mga to!" "Gumagamit ng tunay na medical skills ang mga doktor sa bansa ko para magligtas ng mga pasyente nila!" "Ipapakita ko sa'yo kung gaano ako kagaling ngayon din!" Nagtatakang tinignan ni Harvey sandali ang equipment. "Walang sakit si Elder Torres, pero malamang ay sasabihin mong mayroon siyang heart failure." "Hindi ako doktor pero alam ko na kaagad." "Wag mong sabihing gagamitin mo ang lahat ng equipment na'to para gawin mismo ang sinabi ko." Nagtaka si Sienna. "Alam mo kung anong problema kay Uncle Torres?" "Hindi ka naman siguro nagsisinungaling lang, di ba?"Tumawa si Harvey nang hindi nagbibigay ng sagot. Malamig na sumingha
Tumawa si Colton. "Buhay at kamatayan, mahirap at mayaman, nakatadhana ang lahat ng iyan." "Dahil mababa lang ang tyansang mabubuhay siya, kalimutan na natin to." "Mahirap para kay Mr. Rudolph na pumunta rito. Bigyan mo siya ng 1.5 million dollar na tseke."Natural na hindi gusto ni Colton na malagutan ng hininga sa kama. Mapait na ngumiti si Rudolph. "Salamat, Elder Torres…" "Pero hindi ko to kayang tanggapin."Hindi pa balak ni Sienna na sumuko. "Ikaw ang pinakabatang direktor ng International Medical Federation, Mr. Rudolph! Isa kang talentadong lalaki! Ikaw ang Deathbuster! Wala ka ba talagang ibang paraan para tulungan si Uncle Torres?" "Wala nang ibang paraan!" Huminga nang malalim si Rudolph. "Kukunin natin ang pagkakataon, o hahayaan natin siyang mamatay pagkatapos ng tatlong buwan.""Hindi lang ako, wala ring maitutulong maski ang chairman ng federation!" Nanahimik si Sienna pagkatapos marinig ang mga salita ni Rudolph. Kalmadong ngumiti si Harvey at
Naniniwala si Rudolph na walang makakapantay sa galing niya sa medisina. Nanggagamot siya ng mga tao mula sa royal family o ng nobility sa Northern Europe sa loob ng maraming taon. Kasama ng titulo niya bilang direktor ng International Medical Federation, masasabing maimpluwensya siya sa mundo ng medisina. Walang ibang makakapagligtas sa isang pasyente na hindi niya mismo matutulungan! Hindi na nga siya masaya sa pagsabi ni Harvey ng sikreto niya… Natural ay mas lalo siyang nagalit pagkatapos siyang bastusin sa larangang kilalang-kilala niya. Nakatitig nang masama kay Harvey ang mga assistant at nars na nasa tabi ni Rudolph. Inisip nila ay masyadong arogante si Harvey. 'Di porket nalaman niya ang sikreto ni Mr. Rudolph, ibig sabihin nun ay pwede na siyang magyabang!' 'Hindi niya ito kayang gamutin, pero walang kapantay ang medical skills niya!' "Gusto mo bang subukan, Elder Torres?" Hindi pinansin ni Harvey ang pang-iinsulto ni Rudolph at sa halip ay kalmadong tumin
Kumunot ang noo ni Sienna. Wala siyang masasabi kung gusto ni Colton na gamutin siya ni Harvey. Si Ansel lang ang nasasabik, na para bang mapapagaling na ang ama niya. "Handa ka na ba, Elder Torres?" Hindi pinansin ni Harvey ang tingin ng lahat at itinaas niya ang kanang hintuturo at hinlalato niya na para ba itong isang kutsilyo. "Magsimula ka na." Ngumiti si Colton, ngunit kahit ang isang kalmadong lalaking kagaya niya ay medyo kakabahan. Medyo nanigas ang mga kalamnan niya. Swoosh!Humakbang paharap si Harvey at inihampas ang kaliwang palad niya sa mukha ni Colton. Pak! Kaagad na nagalit si Colton pagkatapos matanggap ang sampal. “Sir York!”Kaagad na nagbago ang ekspresyon ni Ansel. "Ang kapal ng mukha mo!" Lumamig ang mukha ni Sienna. "Anong ginagawa mo?!" Nagagalit na rin si Rudolph! Kung makakapagligtas si Harvey ng tao sa ganitong paraan, mapupunta sa wala ang lahat ng karanasan ni Rudolph sa medical school. Nang nagalit ang lahat… Diniin ni Ha
Hindi naniwala si Rudolph na may tao sa mundo na mayroong ganito kamangha-manghang galing sa panggagamot. Lalo na't sinampal lang ni Harvey si Colton sa mukha at dinutdot ang dibdib niya nang ilang beses. Ngunit, sapat na iyon para mailigtas si Colton sa kamatayan… Nakakamangha ito! Isa itong milagro! "Anong nangyari?!" "Bakit mo gustong nakatali si Elder Torres?" "Bakit mo siya sinampal sa mukha?!" "Kailangan mong sabihin sa'kin!" Halos parang nagmamakaawa na si Rudolph kay Harvey na sabihin sa kanya kung anong ginawa niya. Hindi niya gustong mamatay nang hindi nalalaman ang ganito kahalagang kaalaman. Nanigas sina Sienna, ang mga assistant, at ang mga nars pagkatapos makita ang nababaliw na ekspresyon sa mukha ni Rudolph. Natural na ito ang unang beses nilang makita siyang kumilos nang ganito. Lalo na't palagi siyang mapagmataas. "Simple lang talaga to." Balak ni Harvey na ipaliwanag kung paano ito gumana para kay Ansel kaya wala siyang balak na magtago ng k
Nabalot ng pagkabigla ang magandang mukha ni Sienna. "Sir York. Sa husay mo, malaki ang maiaambag mo sa bansang ito. Hayaan mong anyayahan kita…" "Masyado kang mabait, Mr. Rudolph." "Sinabi ko na sa'yo, hindi ako doktor. Ang alam ko lang ay pumaslang." "Laging mayroong taong mas magaling sa isang larangan." "Maswerte lang ako. Nailigtas ko si Elder Torres sa isang larangan kung saan magaling ako."Bago pa matapos si Sienna sa pagsasalita, inangat ni Harvey si Rudolph. "Maraming taon nang nagdudusa si Elder Torres. Gumagaling na siya ngayon, pero kailangan pa niya ng pahinga.""Ikaw na ang bahala dito, Deathbuster." Tumalikod si Harvey at umalis. Walang balak si Harvey na mapalapit sa anak ng pinakamalakas na pamilya. Higit sa lahat, masyadong maraming prinsipe at mga young master ang nakapila sa kanya. Ayaw ni Harvey na kalabanin ang bawat isa sa mga ito. Pag-alis niya sa Number One Manor, tumaas nang sobra ang koneksyon ni Harvey sa Flutwell. Noon, sa Torres