Tumawa si Colton. "Buhay at kamatayan, mahirap at mayaman, nakatadhana ang lahat ng iyan." "Dahil mababa lang ang tyansang mabubuhay siya, kalimutan na natin to." "Mahirap para kay Mr. Rudolph na pumunta rito. Bigyan mo siya ng 1.5 million dollar na tseke."Natural na hindi gusto ni Colton na malagutan ng hininga sa kama. Mapait na ngumiti si Rudolph. "Salamat, Elder Torres…" "Pero hindi ko to kayang tanggapin."Hindi pa balak ni Sienna na sumuko. "Ikaw ang pinakabatang direktor ng International Medical Federation, Mr. Rudolph! Isa kang talentadong lalaki! Ikaw ang Deathbuster! Wala ka ba talagang ibang paraan para tulungan si Uncle Torres?" "Wala nang ibang paraan!" Huminga nang malalim si Rudolph. "Kukunin natin ang pagkakataon, o hahayaan natin siyang mamatay pagkatapos ng tatlong buwan.""Hindi lang ako, wala ring maitutulong maski ang chairman ng federation!" Nanahimik si Sienna pagkatapos marinig ang mga salita ni Rudolph. Kalmadong ngumiti si Harvey at
Naniniwala si Rudolph na walang makakapantay sa galing niya sa medisina. Nanggagamot siya ng mga tao mula sa royal family o ng nobility sa Northern Europe sa loob ng maraming taon. Kasama ng titulo niya bilang direktor ng International Medical Federation, masasabing maimpluwensya siya sa mundo ng medisina. Walang ibang makakapagligtas sa isang pasyente na hindi niya mismo matutulungan! Hindi na nga siya masaya sa pagsabi ni Harvey ng sikreto niya… Natural ay mas lalo siyang nagalit pagkatapos siyang bastusin sa larangang kilalang-kilala niya. Nakatitig nang masama kay Harvey ang mga assistant at nars na nasa tabi ni Rudolph. Inisip nila ay masyadong arogante si Harvey. 'Di porket nalaman niya ang sikreto ni Mr. Rudolph, ibig sabihin nun ay pwede na siyang magyabang!' 'Hindi niya ito kayang gamutin, pero walang kapantay ang medical skills niya!' "Gusto mo bang subukan, Elder Torres?" Hindi pinansin ni Harvey ang pang-iinsulto ni Rudolph at sa halip ay kalmadong tumin
Kumunot ang noo ni Sienna. Wala siyang masasabi kung gusto ni Colton na gamutin siya ni Harvey. Si Ansel lang ang nasasabik, na para bang mapapagaling na ang ama niya. "Handa ka na ba, Elder Torres?" Hindi pinansin ni Harvey ang tingin ng lahat at itinaas niya ang kanang hintuturo at hinlalato niya na para ba itong isang kutsilyo. "Magsimula ka na." Ngumiti si Colton, ngunit kahit ang isang kalmadong lalaking kagaya niya ay medyo kakabahan. Medyo nanigas ang mga kalamnan niya. Swoosh!Humakbang paharap si Harvey at inihampas ang kaliwang palad niya sa mukha ni Colton. Pak! Kaagad na nagalit si Colton pagkatapos matanggap ang sampal. “Sir York!”Kaagad na nagbago ang ekspresyon ni Ansel. "Ang kapal ng mukha mo!" Lumamig ang mukha ni Sienna. "Anong ginagawa mo?!" Nagagalit na rin si Rudolph! Kung makakapagligtas si Harvey ng tao sa ganitong paraan, mapupunta sa wala ang lahat ng karanasan ni Rudolph sa medical school. Nang nagalit ang lahat… Diniin ni Ha
Hindi naniwala si Rudolph na may tao sa mundo na mayroong ganito kamangha-manghang galing sa panggagamot. Lalo na't sinampal lang ni Harvey si Colton sa mukha at dinutdot ang dibdib niya nang ilang beses. Ngunit, sapat na iyon para mailigtas si Colton sa kamatayan… Nakakamangha ito! Isa itong milagro! "Anong nangyari?!" "Bakit mo gustong nakatali si Elder Torres?" "Bakit mo siya sinampal sa mukha?!" "Kailangan mong sabihin sa'kin!" Halos parang nagmamakaawa na si Rudolph kay Harvey na sabihin sa kanya kung anong ginawa niya. Hindi niya gustong mamatay nang hindi nalalaman ang ganito kahalagang kaalaman. Nanigas sina Sienna, ang mga assistant, at ang mga nars pagkatapos makita ang nababaliw na ekspresyon sa mukha ni Rudolph. Natural na ito ang unang beses nilang makita siyang kumilos nang ganito. Lalo na't palagi siyang mapagmataas. "Simple lang talaga to." Balak ni Harvey na ipaliwanag kung paano ito gumana para kay Ansel kaya wala siyang balak na magtago ng k
Nabalot ng pagkabigla ang magandang mukha ni Sienna. "Sir York. Sa husay mo, malaki ang maiaambag mo sa bansang ito. Hayaan mong anyayahan kita…" "Masyado kang mabait, Mr. Rudolph." "Sinabi ko na sa'yo, hindi ako doktor. Ang alam ko lang ay pumaslang." "Laging mayroong taong mas magaling sa isang larangan." "Maswerte lang ako. Nailigtas ko si Elder Torres sa isang larangan kung saan magaling ako."Bago pa matapos si Sienna sa pagsasalita, inangat ni Harvey si Rudolph. "Maraming taon nang nagdudusa si Elder Torres. Gumagaling na siya ngayon, pero kailangan pa niya ng pahinga.""Ikaw na ang bahala dito, Deathbuster." Tumalikod si Harvey at umalis. Walang balak si Harvey na mapalapit sa anak ng pinakamalakas na pamilya. Higit sa lahat, masyadong maraming prinsipe at mga young master ang nakapila sa kanya. Ayaw ni Harvey na kalabanin ang bawat isa sa mga ito. Pag-alis niya sa Number One Manor, tumaas nang sobra ang koneksyon ni Harvey sa Flutwell. Noon, sa Torres
"Lalaki ba ang nag-imbita sa'yo?" kusang tanong ni Harvey. "Hindi! Babae 'yun ah!"Natawa si Xynthia. *Matanda na ako! Alam ko na ang mga ganyang bagay!""Kung lalaki 'yon, tatanggihan ko kaagad 'yun!" "Oo nga pala, narinig ko na ang ilan sa mga magagaling na young master at lady ng business circle ng Flutwell ay pupunta ngayon." "Ang kaibigang nakipagnegosyo sa kompanya natin ay ang organizer sa pagsasalo na ito. Siya ang nag-imbita sa akin." "Hindi ko matanggihan ang alok. Gusto kong tulungan si Ate sa negosyo niya!" "Kaya tinanggap ko." "Pero hindi ako pamilyar sa lugar…" "Kaya wala akong magawa mundi makiusap na samahan ako!" Mukhang kawawa si Xynthia. "Kaunti lang naman nakakakilala sa'yo dito." "Atsaka, hindi naman dapat puro laban lang gawin natin para umangat diba?" "Sabi ng mga tao ang negosyo ay nabubuo sa pamamagitan ng koneksyon. Tingin ko tama sila!" "Lumaban tayo para sa kinabukasan ni Ate nang magkasama. Ayos ba?" Sinimulan ni Xynthia na iwa
Dahan-dahang tinanggal ni Diana ang kanyang salamin, nakita ang kanyang kaakit-akit nan mata.Ngunit makikita ang pagiging mailap niya at tinitigan niya nang masama si Harvey.Ang katotohanang nagpunta siya dito ay parang natatakot siyang baka hindi sumama si Xynthia sa pagsasalo.Nang mapagtanto ito, nagkaroon ng ngiti sa labi ni Harvey.“Inimbitahan kita sa pagsasalo para sa atin, Xynthia.” “Paano mo nagawa ‘to?”Lalong sumama ang mukha ni Diana nang makita niyang nakakapit si Xynthia sa braso ni Harvey nang malambing.“Kapag nalaman ni Young Master Burton na nagdala ka ng isang tagalabas…”“Hindi siya matutuwa!”“May parusa ‘yan, alam mo!”‘Young Master Burton?’Napatingin si Harvey kay Diana nang marinig ang pangalang ito, nagtataka.Napagtanto niyang gusto siyang isama ni Xynthia para maging panangga nito.Ngunit hindi siya nagalit dito.Sinabi sa kanya ni Ansel na ang mga tao mula sa India ay maaaring may kinalaman sa pagkakabilanggo niya.Ngunit mukhang si Xynthi
Hindi lamang gwapo at matangkad si Eli, ngunit nakakaramdam pa ng kakaibang aura si Diana mula sa kanya. Sa unang tingin pa lang ay alam niya nang isa itong elite.Ang pamilya ni Eli ay tinuring din na isang mayamang pamilya sa India. Ang pamilyang ito ay kilala sa paggawa ng mga gamot. Si Eli ay isang henyo na sumunod sa yapak ng kanyang pamilya.Sinasabing sa lakas at galing ni Eli, mas marami sana siyang nakamit kung hindi siya pinipigilan ng caste system.Maging si Frankie ay tinitingala si Eli.Si Frankie ang vice chairman ng Bharata Business Council. Ang isang taong tulad nito na tumitingala kay Eli ay malaki ang ibig-sabihin. Kahit anong mangyari, si Harvey ay walang laban kay Eli. Ibang-iba si Eli!Naniniwala si Diana na walang karapatang si Harvey na lumapit kay Eli, kahit gaano pa kagaling talaga si Harvey.Ngunit pagkatapos makitang pursigido talaga si Xynthia na sumunod kay Harvey, wala siyang magawa kundi isama silang dalawa.“Pasok na tayo, Brother-In-Law.” M