Kumunot ang noo ni Sienna. Wala siyang masasabi kung gusto ni Colton na gamutin siya ni Harvey. Si Ansel lang ang nasasabik, na para bang mapapagaling na ang ama niya. "Handa ka na ba, Elder Torres?" Hindi pinansin ni Harvey ang tingin ng lahat at itinaas niya ang kanang hintuturo at hinlalato niya na para ba itong isang kutsilyo. "Magsimula ka na." Ngumiti si Colton, ngunit kahit ang isang kalmadong lalaking kagaya niya ay medyo kakabahan. Medyo nanigas ang mga kalamnan niya. Swoosh!Humakbang paharap si Harvey at inihampas ang kaliwang palad niya sa mukha ni Colton. Pak! Kaagad na nagalit si Colton pagkatapos matanggap ang sampal. “Sir York!”Kaagad na nagbago ang ekspresyon ni Ansel. "Ang kapal ng mukha mo!" Lumamig ang mukha ni Sienna. "Anong ginagawa mo?!" Nagagalit na rin si Rudolph! Kung makakapagligtas si Harvey ng tao sa ganitong paraan, mapupunta sa wala ang lahat ng karanasan ni Rudolph sa medical school. Nang nagalit ang lahat… Diniin ni Ha
Hindi naniwala si Rudolph na may tao sa mundo na mayroong ganito kamangha-manghang galing sa panggagamot. Lalo na't sinampal lang ni Harvey si Colton sa mukha at dinutdot ang dibdib niya nang ilang beses. Ngunit, sapat na iyon para mailigtas si Colton sa kamatayan… Nakakamangha ito! Isa itong milagro! "Anong nangyari?!" "Bakit mo gustong nakatali si Elder Torres?" "Bakit mo siya sinampal sa mukha?!" "Kailangan mong sabihin sa'kin!" Halos parang nagmamakaawa na si Rudolph kay Harvey na sabihin sa kanya kung anong ginawa niya. Hindi niya gustong mamatay nang hindi nalalaman ang ganito kahalagang kaalaman. Nanigas sina Sienna, ang mga assistant, at ang mga nars pagkatapos makita ang nababaliw na ekspresyon sa mukha ni Rudolph. Natural na ito ang unang beses nilang makita siyang kumilos nang ganito. Lalo na't palagi siyang mapagmataas. "Simple lang talaga to." Balak ni Harvey na ipaliwanag kung paano ito gumana para kay Ansel kaya wala siyang balak na magtago ng k
Nabalot ng pagkabigla ang magandang mukha ni Sienna. "Sir York. Sa husay mo, malaki ang maiaambag mo sa bansang ito. Hayaan mong anyayahan kita…" "Masyado kang mabait, Mr. Rudolph." "Sinabi ko na sa'yo, hindi ako doktor. Ang alam ko lang ay pumaslang." "Laging mayroong taong mas magaling sa isang larangan." "Maswerte lang ako. Nailigtas ko si Elder Torres sa isang larangan kung saan magaling ako."Bago pa matapos si Sienna sa pagsasalita, inangat ni Harvey si Rudolph. "Maraming taon nang nagdudusa si Elder Torres. Gumagaling na siya ngayon, pero kailangan pa niya ng pahinga.""Ikaw na ang bahala dito, Deathbuster." Tumalikod si Harvey at umalis. Walang balak si Harvey na mapalapit sa anak ng pinakamalakas na pamilya. Higit sa lahat, masyadong maraming prinsipe at mga young master ang nakapila sa kanya. Ayaw ni Harvey na kalabanin ang bawat isa sa mga ito. Pag-alis niya sa Number One Manor, tumaas nang sobra ang koneksyon ni Harvey sa Flutwell. Noon, sa Torres
"Lalaki ba ang nag-imbita sa'yo?" kusang tanong ni Harvey. "Hindi! Babae 'yun ah!"Natawa si Xynthia. *Matanda na ako! Alam ko na ang mga ganyang bagay!""Kung lalaki 'yon, tatanggihan ko kaagad 'yun!" "Oo nga pala, narinig ko na ang ilan sa mga magagaling na young master at lady ng business circle ng Flutwell ay pupunta ngayon." "Ang kaibigang nakipagnegosyo sa kompanya natin ay ang organizer sa pagsasalo na ito. Siya ang nag-imbita sa akin." "Hindi ko matanggihan ang alok. Gusto kong tulungan si Ate sa negosyo niya!" "Kaya tinanggap ko." "Pero hindi ako pamilyar sa lugar…" "Kaya wala akong magawa mundi makiusap na samahan ako!" Mukhang kawawa si Xynthia. "Kaunti lang naman nakakakilala sa'yo dito." "Atsaka, hindi naman dapat puro laban lang gawin natin para umangat diba?" "Sabi ng mga tao ang negosyo ay nabubuo sa pamamagitan ng koneksyon. Tingin ko tama sila!" "Lumaban tayo para sa kinabukasan ni Ate nang magkasama. Ayos ba?" Sinimulan ni Xynthia na iwa
Dahan-dahang tinanggal ni Diana ang kanyang salamin, nakita ang kanyang kaakit-akit nan mata.Ngunit makikita ang pagiging mailap niya at tinitigan niya nang masama si Harvey.Ang katotohanang nagpunta siya dito ay parang natatakot siyang baka hindi sumama si Xynthia sa pagsasalo.Nang mapagtanto ito, nagkaroon ng ngiti sa labi ni Harvey.“Inimbitahan kita sa pagsasalo para sa atin, Xynthia.” “Paano mo nagawa ‘to?”Lalong sumama ang mukha ni Diana nang makita niyang nakakapit si Xynthia sa braso ni Harvey nang malambing.“Kapag nalaman ni Young Master Burton na nagdala ka ng isang tagalabas…”“Hindi siya matutuwa!”“May parusa ‘yan, alam mo!”‘Young Master Burton?’Napatingin si Harvey kay Diana nang marinig ang pangalang ito, nagtataka.Napagtanto niyang gusto siyang isama ni Xynthia para maging panangga nito.Ngunit hindi siya nagalit dito.Sinabi sa kanya ni Ansel na ang mga tao mula sa India ay maaaring may kinalaman sa pagkakabilanggo niya.Ngunit mukhang si Xynthi
Hindi lamang gwapo at matangkad si Eli, ngunit nakakaramdam pa ng kakaibang aura si Diana mula sa kanya. Sa unang tingin pa lang ay alam niya nang isa itong elite.Ang pamilya ni Eli ay tinuring din na isang mayamang pamilya sa India. Ang pamilyang ito ay kilala sa paggawa ng mga gamot. Si Eli ay isang henyo na sumunod sa yapak ng kanyang pamilya.Sinasabing sa lakas at galing ni Eli, mas marami sana siyang nakamit kung hindi siya pinipigilan ng caste system.Maging si Frankie ay tinitingala si Eli.Si Frankie ang vice chairman ng Bharata Business Council. Ang isang taong tulad nito na tumitingala kay Eli ay malaki ang ibig-sabihin. Kahit anong mangyari, si Harvey ay walang laban kay Eli. Ibang-iba si Eli!Naniniwala si Diana na walang karapatang si Harvey na lumapit kay Eli, kahit gaano pa kagaling talaga si Harvey.Ngunit pagkatapos makitang pursigido talaga si Xynthia na sumunod kay Harvey, wala siyang magawa kundi isama silang dalawa.“Pasok na tayo, Brother-In-Law.” M
“Dinala ko si Xynthia dito para makita niya ang isang young master mula sa India!”“Pumayag din dito si Auntie Yates!”“Magagalit nang sobra ang young master kapag nagpakita ka dito!”Ang sama ng mukha ni Diana.“Wala ka dapat dito!”“Heto oh 15 dollars! Kumuha ka ng cab at pagkain!”“Ituring mo na lang ito na parang pasalubong!” Pagkatapos ay inilabas ni Diana ang pera mula sa kanyang pitaka at winasiwas ito nang mayabang.Sumama ang tingin ni Harvey. Isasaksak na sana niya ang pera sa bibig ng nakakairitang babae nang bigla siyang napigilan. Hindi nagtagal ay dumating si Xynthia kaya hindi niya ito nagawa.“Hindi ka pa papasok, Harvey?”Hinawakan niya ang braso ni Harvey, natatakot na baka tumakas ito kapag nagkaroon ng pagkakataon.“Sabi ni Harvey masama daw ang pakiramdam niya, at aalis na sana siya.”Akala ni Diana natakot si Harvey sa kanya nang makita niyang hindi ito kumibo sa pagbabanta niya.Pagkatapos ay bumunot pa siya nang pera at hinagis ito kay Harvey.“
Ngumiti nang malambing si Diana, para bang handa na siyang humiga sa ibabaw ni Eli.“Pasensya na at nagulo ko ang kasiyahan niyo at nahuli ako, Young Master Burton.”“Heh, heh, heh! Anong sinasabi mo, Diana?”“Kinalulugod kong makita ka dito!”“Hindi na mahalaga kung mahuli ka.”Uminom si Eli bago ibaling ang kanyang titig kay Xynthia.“At ito naman si Xynthia, tama?”“Tama. Siya nga,” sagot ni Diana.“Si Xynthia Zimmer ng ninth branch ng Jean family.”“Bukod sa pagiging kilala sa internet, isa rin siyang university student! Para siyang isang batang walang kamuwang-muwang!”“Magiging masaya ka ngayong gabi, Young Master Burton.”“Ganoon. Kinalulugod kong makilala ka, Ms. Zimmer.”Masayang inabot ni Eli ang kanyang kamay, habang mukhang determinado.“Ako si Eli Burton. Mula ako sa pamilya ng Vaishyas.”“Maaaring hindi mo naiintindihan ang caste system sa bansa ko. Ipapaliwanag ko…”“Kaming mga Vaishya ay pinanganak upang maging negosyante at magkaroon ng malaking yaman. N