“Harvey!”Ang ekspresyon ni Ozzy ay nagbago bigla, siya ay naging parehong galit at takot, pero kaya niya lang na magngitngit ang kanyang ngipin tutal ayaw niyang yumuko para sa isang hindi kilalang tao.Siya ay tuluyang nagulat ni Harvey, na pumasok at gumawa ng lahat ng kaguluhang ito ng wala man lang babala.Alam niya ng maigi na siya ay masama ang kalalagyan kung labanan niya si Harvey sa sandaling ito.Gayunpaman, hindi siya makalusot paalis.Kung gagawin niya, papatayin siya ni Joseph!Huminga ng malalim si Ozzy at nanlalamig na sinabi, “Matapang ka, Harvey!”“Hindi ka umalis matapos na bastusin ang pang labing tatlong young master…”“At ngayon, nandito ka gumawa ng gulo sa Hearthstone Corporation?!”“Ano kung meron kang pitumpung porsyento ng shares ng kompanya?”“Hayaan mong sabihin ko sayo! Hindi ito Mordu at hindi din ito Buckwood!”“Nasa Flutwell ka ngayon!”“Ang mataas at magiting na Flutwell!”“Malalim ang tubig dito. Hindi mo pwedeng gawin na lang basta ang
Kinumpas ni Ozzy ang kanyang kamay ng mayabang para paalisin ang mga nakakataas at mga shareholder sa kwarto.“Sandali,” Sabi ni Harvey.Nagbago ang ekspresyon ni Ozzy at galit na sumigaw, “Ano pa ba ang gusto mo?”“Lumuhod ka at humingi ng tawad,” Tugon ni Harvey.“Hindi mo kailangan gawin ito, pero kung hindi, babaliin ko ang bawat isa sa paa’t kamay mo at ipakain ka sa mga aso.”Tutal si Ozzy ay pinagbantaan si Harvey bago umalis, natural lang para kay Harvey na turuan si Ozzy ng leksyon, ano pa man ang kaso hindi niya alam kung sino ang nagdedesisyon.Nagalit si Ozzy. Galit na nakatitig siya kay Harvey. Pero inisip ang ideya ng paglaban kay Harvey, nagawa niyang pigilan ang kanyang galit.Matapos ang isang buong minuto, pinilit niyang ngumiti at binagsak ang tuhod niya sa sahig.“Pasensya na, Sir York. Mali ako!”“Pakiusap! Magpanggap ka na hindi ito nangyari!”Sinampal niya pa ang sarili niya sa mukha ng ilang beses bago tumayo at umalis pagkatapos.Pero sa sandaling iy
Habang hinahawakan pa rin ni Rachel ang mga usapin ukol sa Hearthstone Corporation, nakaupo si Harvey sa opisina ng CEO at umiinom ng tsaa habang pinaplano niya ang susunod niyang hakbang. Malapit nang matapos ang mga problema ni Mandy kaya hindi na kailangang alalahanin iyon. Ngunit kailangang bantayan nang maigi ni Harvey si Joseph. Lalo na't sinasabing ang thirteenth young master ang isa sa tatlong tagapagmana ng Bauer family. Hindi pwedeng maliitin ni Harvey ang ganitong klase ng lalaki. Binuksan ni Harvey ang TV para manood ng balita sa Flutwell habang inisip niya ang kasalukuyang sitwasyon. Nanatili siyang kalmado hanggang sa nakita niya ang unang balita. "Alas-nuwebe ng gabi, magsasagawa ang Law Enforcement ng Longmen ng isang private martial arts tournament…" "Sinasabing ang kasalukuyang head ng Law Enforcement ng Longmen ay hindi pa nagpapakita at malubha namang nasugatan ang vice head na si Ezra." "Kung kaya't nagpasya ang elders ng Law Enforcement ng Longmen
Kinuha ni Harvey ang phone niya at binuksan ang news app. Ang headline ay natural na kapareho ng pinapakita sa TV. Nabigla si Rachel; hindi niya inasahan na mag-iisip nang ganito kalayo si Joseph tungkol sa private martial arts tournament. "Hindi mo pa nakikita si Joseph, di ba?" "Bakit ang dami niyang ginagawa para labanan ka?" Uminom si Harvey ng kanyang Black Tea. "Isa siyang masamang lalaki." "Nasa listahan na niya ako sa sandaling ako ang naging head ng Law Enforcement ng Longmen…" "Sinusubukan ng thirteenth young master na gamitin ang pagkakataong ito para ipilit ang sarili niya sa trono." "At ang presensya ko ay isang hadlang sa layunin niya." "Ang pagsira ko sa hinaharap niya ay halos kasing sama ng pagpatay sa buong pamilya niya." "Natural lang para sa kanya na labanan ako." Kumunot ang noo ni Rachel. "Kung ganun, ang pinakamalalaking kalahok dapat ay sina Jeff at Harold Bauer!" "Nasa likuran ni Jeff ang Elder Group. Sa tatlomput-anim na branch lead
Vroom!Isang Maybach ang lumitaw sa harapan ng mansyon ng Law Enforcement ng Longmen alas-nuwebe ng gabi. Bantay-sarado ang mansyon. Isandaang bihasang disipulo ng Law Enforcement ang nagbabantay sa buong mansyon at maingat na tinitignan ang pagkatao ng lahat. Maliban sa pigilan ang mga kung sino na makapasok, gusto rin nilang siguraduhing walang makakapagdala ng baril sa loob para pigilan ang kahit na anong pagdanak ng dugo. Dumaan si Harvey sa front door kasama ni Rachel Nang pinakita niya ang Law Enforcement Badge ng Longmen, hinayaan silang dumaan ng mga disipulo. Pagkatapos dumaan sa ilang checkpoints at maglakad sa loob ng malaking mansyon ng ilang minuto, narinig ni Harvey ang mahinang sigawan, palakpakan, at pagsipol na umaalingawngaw mula sa malayo. Sapat na ang sigawan para masabik ang mga tao para sa tournament. Hindi nagtagal, nakita ni Harvey ang isang tansong pinto na may walong disipulo ng Law Enforcement ng Longmen na may mga hawak na sandata na nagbabant
Pagkatapos pag-isipan sandali ang sitwasyon, tumingin si Harvey sa VIP area sa harapan niya. Isang hilera ng tao ang nakaupo roon. May ilang matatandang taong nakaupo sa tabi. Lahat sila ay mukhang mapagmataas sa unang tingin. Sila siguro ang elders ng Law Enforcement ng Longmen. Kung tama ang hula ni Harvey, nasa kalahati na sa kanila ang nabili na ni Joseph. Kung hindi, hindi sila lumitaw sa tournament sa simula pa lang. Hindi niya nakita si Joseph. Sa halip, ang lumpo nang si Ezra ang pumalit sa posisyon niya sa pinakagitnang upuan. Sa likuran ni Ezra ay may ilang matatangkad at malalakas na taong nakatayo nang taas-noo. Tumingin sa kanila si Harvey. Si Lydia lang ang nakilala niya. Sinampal siya sa mukha at tuluyang pinahiya nang nagpakita siya sa base camp ng Hatchet Gang. Gayunpaman, nagawa niyang kumalma ulit sa gabing iyon. Kasama ng maganda niyang makeup at gown na pinapakita ang kanilang maputi at mapayat na binti, sobrang nakakaakit niyang tignan. Maramin
Pagkatapos marinig na tinawag ni Harvey ang sarili niya na head ng Law Enforcement, suminghal ang mga tao sa likod ni Lydia. Sa parehong grupo, isang babaeng may maikling buhok na nakasuot ng Chanel brand mula sa ulo hanggang paa at may Omega Constellation na relo ang tumitig nang masama kay Harvey. Hinigpitan niya ang kamao niya at aroganteng tumawa. "Wag na tayong magsayang ng oras sa lalaking kagaya niya, Lydia!" "Iniisip ng mga taong kagaya niya na nasa tuktok sila ng mundo sa sandaling mapuri sila!""Tignan mo, iniisip pa niyang sumali sa martial arts tournament!" "Iniisip niya kaya niyang maging head ng Law Enforcement at pasunurin ang lahat sa kanya!" "Sinusubukan niyang maging maging elite Flutwell!" Tinitigan niya ulit nang masama si Harvey nang may mukhang puno ng pagkamuhi. "Ang isang lalaking kagaya niya ay walang magagawang kahit na anong responsable!" "Kaya bakit ka pa nagsasayang ng oras sa kanya?" "Wala akong pakialam kung papasok siya sa ring o hin
Pak! Sa sandaling ito, inihampas ni Rachel, na kanina pa nananahimik, ang likod ng kamay niya sa mukha ni Lydia at sinampal siya nang malakas. "Sabihin mo ulit yan! Hinahamon kita." "Ikaw…"Takot si Lydia kay Rachel. Sinampal siya sa mukha, ngunit hindi rin siya nagtangkang manlaban. Ang nagawa niya lang ay takpan ang mukha niya habang umatras siya sa takot. "Bakit di ka pumasok sa ring at magtago rin sa likod ng babaeng ito, Harvey?!" sigaw niya. "Tignan natin kung paano makukuha ng isang mahinang lalaking kagaya mo ang respeto ng lahat!" Hindi na gustong magsayang ng oras ni Harvey kay Lydia kaya simple siyang naglakad paharap nang walang pakialam sa mundo. "Wag mo siyang pansinin, Lydia!" "Iniisip niya kaya niyang magyabang sa Flutwell dahil lang nasa likod siya ng isang malakas na babae!" "Ang laking biro!" "Malalaman niya ngayong gabi kung anong mangyayari kapag lumaban siya sa taong mas malakas sa kanya!" sabi ng kaninang babaeng maikli ang buhok nang may n