”Huwag kang mag-alala. Ngayong nandito ako, hindi magtatagal ay magiging sa'yo rin ang Flutwell," kalmadong sinabi ni Harvey. "Pero bago 'yan, kailangan ko munang makita ang halaga mo, diba!?" "Pwede kong iangat ang kahit sinong gusto ko, pero hindi naman pwedeng basta na lang ako pumili ng susuportahan ko, tama?" Nanginig si Kayden pagkatapos marinig ang sinabi ni Harvey. Nakita na niya ang tunay na lakas ni Harvey. Kapag tinulungan ng lalaking ito na umangat si Kayden… Baka ang Hatchet Gang ang maging pinuno ng Gang of Six. Kaagad na nasabik si Kayden. "Tama. Dahil wala pa dito ang second-in-command…""Bakit hindi mo muna sabihin sa akin kung sino ba ang taong ito?" Inutusan ni Harvey si Rachel na magsalin ng tsaa at sumandal siya pagkatapos. Nang makitang hindi galit si Harvey, magalang na sumagot si Kayden, "Ang pangalan niya ay Logan Bowie, Sir York." "Bowie? Malayong kamag-anak ba siya ng Bauer family?" tanong ni Harvey, napukaw ang interes niya. "Tama. Siy
"Ang Bauer family?" Natawa si Harvey. Hindi niya inakalang ang isang tao mula sa Bauer family ay lantarang ilalagay ang sarili nito sa ganitong sitwasyon. "Nasaan na sila ngayon?" kusang tanong ni Kayden. "Sa tapat ng pinto. Mukhang medyo galit si Director Bowie, at sinasabi niyang masyado ka daw bastos para hindi siya salubungin sa labas.""Mukhang galit din ang isang tao mula sa Bauer family…" Kumunot ang noo ni Kayden. "Sir York. Kung tama ang hula ko, ang taong nandito ngayon ay si Elder Mac Bauer," mahinang sinabi ni Kayden. "Isa siyang kilalang tao sa panig ni Joseph." "Maganda rin ang ugnayan niya sa maraming government official ng Flutwell." "Sa pagkakataong ito, sa ilalim ng utos ng thirteenth young master." "Magiging mas magulo ito sa inaasahan natin." Itinaas ni Harvey ang kanyang baso at kalmadong sinabi, "Wala akong pake kung sino sila. Hindi ko sila bibigyan ng respeto kapag naisipan nilang magyabang sa harapan ko." "Sabihan mo sila na pumasok." "
"Hayop ka!" "Sino ka ba?!" "Ang kapal ng mukha mong kausapin si Elder Bauer nang ganyan kung ganito ka nga kabata?" "Sinong nagbigay sa'yo ng lakas ng loob?!" Tinitigan nang masama ng babae si Harvey pagkatapos marinig ang sinabi niya kay Mac. "Gusto mo bang mamatay?!" Tinitigan nang masama ng iba si Harvey at Kayden. Magkakaroon na ng away anumang oras. "Huwag kang bastos, Lydia!" Tinitigan ni Mac si Harvey bago siya matulala. Nang makitang nanatiling nakaupo si Harvey at magalang itong sinasamahan ni Kayden sa gilid, nagsimulang magbago ang tingin ni Mac kay Harvey. Kasabay nito, naunawaan niyang ito ang taong gustong makita si Logan. Pagkatapos pagalitan si Lydia, tinitigan ni Mac nang maigi si Harvey… "Hindi ko alam kung saan ka galing…" "Pero nagawa mong mapasunod ang pinuno ny Hatchet Gang." "Siguradong malakas ka!" "Masyado ka bang malakas? O habang tumatagal ay nawalan na ng kwenta si Kayden kaya natalo siya?" Pagkatapos marinig na si Harvey an
"Elder Bauer, Director Bowie. Pakiusap kumalma kayo…"Kumikirot nang husto ang mata ni Kayden nang makita niyang nagiging magulo na ang pagtatagpong ito. Pagkatapos masangkot sa underworld sa loob ng maraming taon, ito ang unang pagkakataong nakita niya ang ganitong pangyayari. "Pakiusap! Magbigay naman kayo ng respeto!" sigaw niya nang mukhang nagmamakaawa. "Lawakan niyo ang isip niyo!" Bam!"Respeto?!" "Ang kapal naman ng mukha mong gamitin sa akin ang salitang respeto?!" Tumayo si Mac at sinampal si Kayden sa mukha. Kaagad na namaga ang mukha ni Kayden. Makikita ang galit sa mata ni Kayden, ngunit wala siyang magawa kundi pigilan ito nang maalala niya ang pagkatao ni Mac. Higit sa lahat, ang thirteenth young master at ang Bauer family ay nakasuporta kay Mac. Kahit gaano pa kalakas si Kayden, wala siyang laban sa mga ito. Pinigilan niya ang kanyang galit at sa halip ay ngumiti na lamang. "Elder Bauer, Director Bowie. Nagpunta kayo dito para makipag-usap, tama?
"Gusto mo ba akong maging state witness?"Maliit na ngiti ang nakasulat sa mukha ni Harvey York."Talagang nagkakamali ka, Director Bowie.""Hindi ko gagawin ang bagay na iyan.""Pero, siguradong palalayain ko sila.""Bibigyan kita ng isang oras."Tinaas ni Harvey ang kanyang kamay para tumingin sa kanyang Rolex na may kalmadong tingin sa kanyang mukha."Kung hindi ko sila makita matapos iyan…""Kung gayon, gagawin kong katotohanan ang ang kontratang ito."Pumalakpak si Harvey pagkatapos noon.Naglabas si Rachel Hardy ng ilang litrato ng kontrata at hinampas ito sa harap ni Logan Bowie at iba pa.Ang mukha ni Logan ay biglang nandilim matapos makita ang mga litrato.Ito ang parehong kontrata na dala ni Lilian Yates.Pero ito ay dapat hawak ng pulis. Paano ang tulad mo nagawang ipuslit ang mga litratong tulad nito?Ng walang pagdadalawang isip, nanlalamig na tumitig si Logan kay Kayden Balmer.Tanging siya lang ang may kakayahang gumawa ng ganitong bagay sa panig ni Harve
"Ikaw…"Halos magsuka si Logan Bowie ng dugo mula sa kanyang bibig dahil sa mga sinabi ni Harvey York.Napagtanto niya na naglakas loob na lumaban sa Flutwell Police Station ay isang makapangyarihang taga labas…Pero hindi niya inasahan na ang taong iyon ay ganito mapagmataas.Wala siyang pakialam na tignan man lang si Logan!Ng si Logan ay kikilos, si Mac Bauer ay nagpakita ng mainit na ngiti at sinabi, "Harvey, tama?""Mas mabuti makipagkaibigan dito, alam mo ba?""May alam din ako tungkol sayo. Kung sabagay, nabasa ko ang iyong dossier…""Ang live-in son-in-law ng pamilya Jean, si Prince York ng Sky Corporation at pinuno ng Law Enforcement ng Longmen. Mali ba ako?"Nagbuntong hiniga si Logan matapos marinig ang pagkatao ni Harvey. Siya ay hindi makapaniwala, lalo na matapos marinig ang pagkatao bilang pinuno ng Law Enforcement.Hindi niya inakala na si Harvey ay talagang ganito makapangyarihan.Sumenyas si Mac sinasabihan si Logan na kumalma."Pero Sir York, dapat malama
Tumawa si Harvey York matapos kumumpas ang kanyang kamay, pinigilan si Rachel Hardy na gumawa ng kahit ano.Tapos, ngumiti siya ng maliit habang nakatingin kay Logan Bowie.“Huwag natin pagusapan kung tatanggapin ko ang iyong mga kondisyon o hindi.”“Kahit na gawin ko, ano ang punto ng pagbibigay sa akin ng perang ito?”“Sinusubukan mo ba akong bastusin? Sa tingin mo kaya mo akong bastusin ng ganito?”“Ano? Hindi pa ba sapat ang labing limang dolyar para say?”Mayabang na tumingin si Logan.“Nagbibigay galang na ako para sa isang alipin ng Longmen tulad mo!”“Hindi mo ba alam na ang lahat ng mula sa Longmen ay alipin lang para sa pamilya Bauer?!”“Lahat kayo ay mga aso lang!”“Binigyan na kita ng sapat na respeto! Tumigil ka na sa pagabuso nito!”“Hayaan mong sabihin ko sayo! Kung hindi dahil kay Elder Bauer dito, hindi ka makakakuha ng bwisit na pera mo!”“Kailangan mo pa akong bayaran ng isang daan at limampung milyong dolyar bilang mental anguish fee!”Tumawa ng masama
“Aaaaagh!”Isang pangit na sigaw ang lumabas sa bibig ni Logan Bowie.Ang nasirang kahoy na lamesa at kanyang mukha na puno ng salubsob ay nagpamukhang miserable sa itsura ng second-in-command.Sinubukan niya ang lahat ng kanyang makakaya, pero si Harvey York ay nakahawak pa din sa kanyang buhok. Walang paraan para sa kanya na makaalis. Magagawa niya lang na tahimik na tanggapin ang kanyang kapalaran.Ang lahat ng manonood ay nagulat sa nangyari.Maraming tao ay nakatunganga. Hindi nila lubos maisip ang nangyari.Walang nagakala na si Harvey ay ganito kawalang awa!Hindi lang sa wala siyang pakialam sa pagkatao ni Logan, pero naglakas loob din siya na ihampas ang ulo ni Logan sa lamesa sa harap ng mga tao!Siya ay talagang binabastos si Logan sa puntong ito!Si Mac Bauer ay huminahon at nagsimulang sumigaw, “Ikaw g*go ka!”“Ano ang ginagawa mo?!”“Ang lakas ng loob mo na hawakan si Director Bowie?!” Sabi ni Lydia Bauer.“Papatayin kita!”Bumunot si Lydia ng longsword bago