Ng si Fabian ay isusuko na ang kanyang sarili…Binaba ni Harvey ang bintana ng kotse at sinabi, “Kaming lahat ay mabuting mamamayan dito. Kami ay binigyan din ng award para diyan.”“Tutal ang pulis ay nandito para tumingin, hayaan na lang natin sila. Meron tayong malinis na konsensya, kung sabagay.”“Bilang mabait na mamamayan, natural lang para sa atin na makipagtulungan sa pulis.”Nahinto si Fabian ng makita niya ang mukha ni Harvey mula sa bintana. Hindi niya naisip na si Harvey ay handa na suriin.Pero nagtiwala siya kay Harvey, alam niya na si Harvey ay hindi gagawa ng bagay tulad nito ng walang rason. Kaya, tumango siya ng kaunti at walang sinabing kahit ano.“Pero kung susuriin niyo kami, kailangan ko muna kayong balaan.”“Ano ang paliwanag na ibibigay niyo sa amin kung ang tinatawag na espada ng Head Coach ay wala dito?”Lumabas si Harvey sa kotse habang nakaekis ang kanyang braso na may kalmadong ekspresyon.“Kung sabagay, ako ay mahalagang bisita ng mga York ng Hong
Ang Rolls Royce ay sinuri sa loob ng ilang minuto.Ang masayang mga tingin ng mga inspector ay naging sobrang takot.Ang namunong inspector ay bumalik pagkatapos.“Young Master Evans, kami… Kami ay walang nahanap na kahit ano!”Ang mukha ni Murphy ay nagbago bago sumigaw, “Imposible!”Sumugod siya paharap at hinablot ang calligraphy painting ni Harvey.Matapos tumingin sandali, sumigaw si Murphy kay Harvey gamit ang buo niyang lakas, “Nasaan ang espada?!”“Nasaan ito?!”“Hindi natin ito pwedeng mawala ng ganito!”Ang espada ng Head Coach ay masyadong mahalaga. Meron pa din ilang gamit ito matapos na iframe up si Harvey gamit ito.Kung ang espada ay mawala, si Murphy ay hindi magagawang mabayaran ito kahit na gamit ang buhay niya.“Sinabi ko sayo. Wala akong alam tungkol sa espada o kaya interesado dito.”“Sa tingin mo talaga na tinatago ko ito sa calligraphy painting? Anong klaseng biro ang sinusubukan mong gawin dito? Huh?”Nakatitig si Harvey kay Murphy, naka poker face.
”Tumigil ka diyan, g*go ka!”Ng si Harvey ay palakad na sa red carpet papasok, lumitaw si Lexie sa magarang damit.Dala niya ang grupo ng mga tao kasama niya para harangan ang daanan ni Harvey.“Huwag tayong magusap tungkol sa dating mga alitan, Harvey.”“Subalit, kaarawan ngayon ni Grandma York.”“Bilang bisita, kalimutan mo na magingat, masyado kang gumawa ng gulo sa aming teritoryo!”“Ang mga tao na malinaw na kilala ka ay naiintindihan na nandito ka para sa pagdiriwang…”“Pero sa mga tao na hindi ay maaaring isipin na nandito ka lang para gumawa ng malaking gulo!”“Wala akong pakialam bakit at paano mo nagawang makuha ang karapatan na pumunta dito ngayon, o may pakialam bakit ka kumilos laban sa ibang tao.”“Pero tutal wala kang respeto sa pamilya, hindi ka din namin kailangan bigyan ng respeto!”“Blacklisted ka! Umalis ka na dito!”“Ang mga York ng Hong Kong ay hindi ka tinatanggap!”Nagbigay ng mapanlait na ekspresyon si Lexie. Ang mga tao na mula sa head hous at seco
Ng isang laban ay mangyayari, naglakad paharap si Queenie na may ngiti sa kanyang mukha.“Kinatatakot ko na hindi mo siya magagawang pigilan, Tita.”“Simula ngayon, siya ay magiging son-in-law ng pamilya at magiging bagong young lord.”Ang lahat ay nahinto ng biglaan. Walang nagawang huminahon.“Son-in-law ng pamilya?! Ang bagong young lord?!”Galit na nanginginig ang mata ni Lexie. Ang mundo sa paligid niya ay nagsimulang umikot.Hindi niya naisip na si Marcel ay gagawa ng ganitong bagay sa araw ng kaarawan ni Grandma York!May mahabang usapan ang head house tungkol sa pagmana ni Vince noong isang gabi!Ang head house ay inisip na si Marcel ay kailangan sumuko kung siya ay mabibigyan ng sapat na benepisyo.Pero pagkatapos…Si Vince at Elijah, na ang mukha ay nanlumo matapos ang ginawa ni Harvey sa kanila dati, ay nakaramdam ng hindi mailarawang bahid ng peligro matapos marinig ang sinabi ni Queenie.Si Julian, Quinton, Matthew at iba pa ay natigilan. Sila ay tumitig kay Har
Napahinto si Harvey pagkatapos niyang marinig ang mga salitang iyon. Ang dahilan kung bakit siya nanatili sa Hong Kong at Las Vegas nang ganito katagal ay para mapanatili niyang ligtas ang mamamayan ng Country H. Sa ganoong paraan, hindi magbubunga ang mga ambisyon ng Island Nations at ng The Empire. Ito ang hustisya. Iyon ang dahilan bakit walang pagsisisi si Harvey sa konsensya niya at sa mga mamamayan sa kabuuan. Pero nang sinabi sa kanya ni Queenie na mas magiging ligtas ang Country H kung uupo siya sa trono… Natulala si Harvey. Talagang pabago-bago ang kapalaran! Tinignan ni Queenie ang nakatulalang ekspresyon ni Harvey bago naningkit ang mga mata niya sa higher-ups ng mga York ng Hong Kong na nakatulala rin. Maraming taon nang naghihintay ang mga York ng Hong Kong para sa isang nararapat na tagapagmana," panimula niya nang may maliit na ngiti. "At ikaw ang pinakakwalipikadong tao para sa posisyong iyon, Harvey." Pagkatapos ay lumapit si Queenie kay Harvey at n
Napakabigat ng sitwasyon sa loob ng ilang sandali. Kuminang ang pagmamataas sa mga mata ni Cory nang nakita niyang sapat na ang mga salita niya para magulat ang madla. Malamig siyang tumawa at kumaway. "Para sa ngalan ng ama mo, ni Grandma York, at ng katotohanan junior kita…" "Palalampasin kita ngayon." "Bibigyan kita ng sampung segundo para umalis dito!" "Kung hindi, wag mo kong sisihin sa pagpatay ko sa'yo gamit ng dalawa kong mga kamay kahit na magkadugo pa tayo!" Kumaway ulit si Cory. Kusang napatayo ang mga tao mula sa head house at handang kumilos paharap. Si Julian na nakatayo sa harapan ng madla ay malamig na tumawa sinama ang mga tao niya para humakbang paharap kasama niya. Dahil nasa panig na siya ni Harvey, wala siyang magagawa kundi lumaban hanggang sa huli. Nagulat siyang makita na maloko si Harvey na maging son-in-law ng pamilya, ngunit naintindihan niya kung bakit gagawa ng ganitong bagay si Marcel. Kung aangat sa kapangyarihan si Queenie, malamang
"Ikaw…" Sa sobrang galit ni Cory ay wala siyang nasabi. Nang magsasalita sana siya, isang kalmado at madignidad na boses ang pumutol sa kanya. "Bakit hindi ko alam ang tungkol sa ganito?" "Hiningi mo ba ang permiso ko?" "O sinasabi mong walang kahulugan ang mga salita ko para sa'yo?"Lumipat ang lahat sa magkabilang gilid sa isang iglap. Sa pinakaloob na bahagi ng hall, nakita si Grandma York na nakaputing balabal at napapalibutan ng isang dosenang tao. Mapayat ang mukha niya ngunit mukha siyang elegante. Nakikita pa rin ang kagandahan niya noong kabataan niya kahit na sa kasalukuyan niyang edad. Mayroon rin siyang nakakatakot na aura na lumalabas mula sa kanya. Nagbibigay ito sa iba ng kagustuhang lumuhod pagkatapos lang ng isang tingin sa kanya. Sa mga taong kasama ni Grandma York, mayroon ring isang kalmadong lalaking nakaberdeng balabal. Siya ay walang iba kundi si Walter York, ang second lord ng pamilya. Humaling siya sa martial arts, ngunit hindi pa niya pi
Pak! Sinampal ulit ni Grandma York si Noah sa mukha at dumugo ang bibig niya. Napaatras siya. Natauhan si Julian at tinulungan ang ama niya bago siya bumagsak. Kahit na ganun, hindi magtatangkang manumbat ni Noah kay Grandma York, at hindi rin niya susubukang manlaban. Sa kabila ng lahat, ang babae sa harapan niya ay ang sarili niyang ina. Hindi siya magtatangkang sumuway sa kanya kahit na nasa kanya ang lahat ng tapang sa mundo. Pak! "Kaarawan ko ngayon! Ang lakas ng loob mong gumawa ng gulo sa pagitan nina Marcel at Cory sa harapan ng lahat ng mga bisita at ng pamilya?!""Sa tingin mo wala sa pamilya ang kayang pumigil sa'yo?! O iniisip mo na malapit na akong mamatay?!"Pak! "Kailan ka pa nagkaroon ng karapatang sigawan ang kuya mo sa harap ng publiko?!" Pak! "Hindi mo ba alam kung paano rumespeto sa nakatatanda sa'yo?!" Pak! "Tinuruan ba kitang kumilos nang ganito noong bata ka pa?!" Pak! "Anong nagbigay sa'yo ng tapang na maging ganito kayabang sa hara