Napahinto si Harvey pagkatapos niyang marinig ang mga salitang iyon. Ang dahilan kung bakit siya nanatili sa Hong Kong at Las Vegas nang ganito katagal ay para mapanatili niyang ligtas ang mamamayan ng Country H. Sa ganoong paraan, hindi magbubunga ang mga ambisyon ng Island Nations at ng The Empire. Ito ang hustisya. Iyon ang dahilan bakit walang pagsisisi si Harvey sa konsensya niya at sa mga mamamayan sa kabuuan. Pero nang sinabi sa kanya ni Queenie na mas magiging ligtas ang Country H kung uupo siya sa trono… Natulala si Harvey. Talagang pabago-bago ang kapalaran! Tinignan ni Queenie ang nakatulalang ekspresyon ni Harvey bago naningkit ang mga mata niya sa higher-ups ng mga York ng Hong Kong na nakatulala rin. Maraming taon nang naghihintay ang mga York ng Hong Kong para sa isang nararapat na tagapagmana," panimula niya nang may maliit na ngiti. "At ikaw ang pinakakwalipikadong tao para sa posisyong iyon, Harvey." Pagkatapos ay lumapit si Queenie kay Harvey at n
Napakabigat ng sitwasyon sa loob ng ilang sandali. Kuminang ang pagmamataas sa mga mata ni Cory nang nakita niyang sapat na ang mga salita niya para magulat ang madla. Malamig siyang tumawa at kumaway. "Para sa ngalan ng ama mo, ni Grandma York, at ng katotohanan junior kita…" "Palalampasin kita ngayon." "Bibigyan kita ng sampung segundo para umalis dito!" "Kung hindi, wag mo kong sisihin sa pagpatay ko sa'yo gamit ng dalawa kong mga kamay kahit na magkadugo pa tayo!" Kumaway ulit si Cory. Kusang napatayo ang mga tao mula sa head house at handang kumilos paharap. Si Julian na nakatayo sa harapan ng madla ay malamig na tumawa sinama ang mga tao niya para humakbang paharap kasama niya. Dahil nasa panig na siya ni Harvey, wala siyang magagawa kundi lumaban hanggang sa huli. Nagulat siyang makita na maloko si Harvey na maging son-in-law ng pamilya, ngunit naintindihan niya kung bakit gagawa ng ganitong bagay si Marcel. Kung aangat sa kapangyarihan si Queenie, malamang
"Ikaw…" Sa sobrang galit ni Cory ay wala siyang nasabi. Nang magsasalita sana siya, isang kalmado at madignidad na boses ang pumutol sa kanya. "Bakit hindi ko alam ang tungkol sa ganito?" "Hiningi mo ba ang permiso ko?" "O sinasabi mong walang kahulugan ang mga salita ko para sa'yo?"Lumipat ang lahat sa magkabilang gilid sa isang iglap. Sa pinakaloob na bahagi ng hall, nakita si Grandma York na nakaputing balabal at napapalibutan ng isang dosenang tao. Mapayat ang mukha niya ngunit mukha siyang elegante. Nakikita pa rin ang kagandahan niya noong kabataan niya kahit na sa kasalukuyan niyang edad. Mayroon rin siyang nakakatakot na aura na lumalabas mula sa kanya. Nagbibigay ito sa iba ng kagustuhang lumuhod pagkatapos lang ng isang tingin sa kanya. Sa mga taong kasama ni Grandma York, mayroon ring isang kalmadong lalaking nakaberdeng balabal. Siya ay walang iba kundi si Walter York, ang second lord ng pamilya. Humaling siya sa martial arts, ngunit hindi pa niya pi
Pak! Sinampal ulit ni Grandma York si Noah sa mukha at dumugo ang bibig niya. Napaatras siya. Natauhan si Julian at tinulungan ang ama niya bago siya bumagsak. Kahit na ganun, hindi magtatangkang manumbat ni Noah kay Grandma York, at hindi rin niya susubukang manlaban. Sa kabila ng lahat, ang babae sa harapan niya ay ang sarili niyang ina. Hindi siya magtatangkang sumuway sa kanya kahit na nasa kanya ang lahat ng tapang sa mundo. Pak! "Kaarawan ko ngayon! Ang lakas ng loob mong gumawa ng gulo sa pagitan nina Marcel at Cory sa harapan ng lahat ng mga bisita at ng pamilya?!""Sa tingin mo wala sa pamilya ang kayang pumigil sa'yo?! O iniisip mo na malapit na akong mamatay?!"Pak! "Kailan ka pa nagkaroon ng karapatang sigawan ang kuya mo sa harap ng publiko?!" Pak! "Hindi mo ba alam kung paano rumespeto sa nakatatanda sa'yo?!" Pak! "Tinuruan ba kitang kumilos nang ganito noong bata ka pa?!" Pak! "Anong nagbigay sa'yo ng tapang na maging ganito kayabang sa hara
Mapait na tumawa si Noah. "Kahit na tatanggalin mo sa'kin ang posisyon ko, kailangan kong sabihin sa'yo ang lahat!" "Kinalimutan na ni Fourth Brother ang nangyari sampung taon ang nakaraan. Handa na siyang magsimula ng bagong buhay!" "Maganda ito para sa mga York ng Hong Kong!" "Ang gusto niya lang ngayon ay ikasal ang anak niya sa isang mabuting lalaki—na may hindi mapapantayang talento!" "Natural lang ito!" "Hindi mo ba pwedeng tuparin na lang ang nag-iisang hiling ni Fourth Brother?" "Manahimik ka!" Humakbang paharap si Grandma York nang may malamig na mukha. "Walompung taon na ako, pero hindi ako tanga!" "Wala akong pakialam kung gusto niya ng maaasahang son-in-law!" "Pero iniisip mo ba talaga kaya mo siyang paakyating sa ranggo ng pamilya sa ganitong paraan?" "Managinip ka na lang!" "Mga direktang descendant lang ang tatanggapin mga York ng Hong Kong!" "Ito ang pamana natin!" "Isa itong hindi maitatangging katotohanan!" "Iyon ang patakaran na itinag
Swish, swish, swish!Sabay-sabay na tumalon ang mga babaeng naka-simpleng kasuotan kay Harvey. Ang mga mata nila ay nakatitig nang maigi, na para bang gusto nilang mamatay si Harvey. Nang papalapit na sila, isang anino ang nakitang lumipad mula sa likod ng hall. Isang nakatagong patalim ang tumalsik mula sa anino sa isang hawi. Nanginig ang mga babaeng naka-simpleng kasuotan habang kumislap sa harapan ng lahat ang kulay pilak na liwanag. Nakita ang matitingkad na pulang sugat sa bawat isang pulso nila. "Sino ang magtatangkang saktan ang son-in-law ko?" Nakikita ang malamig na mukha ni Selena habang galit niyang tinitigan ang lahat. Mukhang napakadominante niya. “Lady Judd?”“Sister-In-Law?!”"Anong binabalak mong gawin?!" Pagkatapos makitang protektahan ni Selena si Harvey sa sandaling iyon, sobrang natulala ang mga higher-up ng pamilya. Ang Hamilton family, ang Mendoza family, at ang Clarke family, pati na rin ang iba pa ay nagulat. Hindi inasahan ng lahat na m
Nanginig ang mga tao sa mga salitang iyon. Naalala ng lahat na may karapatan nga si Marcel na pumili ng kahit na sinong gusto niya para maging bagong young lord. Kahit na si Vince ang kilalang young lord ng pamilya, hindi siya kailanman kinilala ni Marcel simula sa umpisa. Ito ang dahilan kung bakit gusto ni Vince na maging anak ni Marcel. Hindi magkakatotoo ang pangarap ni Vince kung hindi siya kikilalanin ni Marcel. Makukuha niya lang ang pagkakataong umangat kapag kinuha siya ni Marcel. Kamakailan, pakiramdam ni Vince ay ginagamit ni Marcel si Queenie para labanan siya. Ilang beses siyang natalo noon, pero hindi siya masyadong nag-alala. Lalo na't sa mga mata niya, hindi hahayaan ni Grandma York ang isang babae na makuha ang posisyon ng young lord. Hindi lang si Grandma York, pati rin ang higher-ups ng pamilya ay hindi papayag sa desisyong iyon. Pero sandaling iyon, idineklara ni Selena na gusto niyang maging son-in-law si Harvey at umakyat siya sa ranggo. Napu
Alam ni Harvey na ginagawa ni Marcel ang lahat ng ito para pigilan ang ambisyon ni Vince at mawalan siya ng pag-asa na umakyat sa ranggo….Pero naitulak sa harapan si Harvey sa biglaang desisyong ito. Mula sa araw na iyon, hindi titigil si Vince at ang head house para tapusin si Harvey. Kahit na naiintindihan ni Harvey ang dahilan at nararamdaman ni Marcel sa paggawa niya nito, pakiramdam niya pa rin ay tinaga siya nang patalikod. Handa nang umalis si Harvey at ianunsyo na hindi siya magiging son-in-law ni Marcel… Ngunit tumingin sina Selena at Queenie sa kanya na para bang nagmamakaawa sila na manatili siya. Natural na alam ni Harvey na pupuntiryahin siya ng lahat sa araw na iyon. Pero para pigilan si Vince na umakyat ng ranggo sa pamilya at pigilan ang Empire at ang Island Nations sa pangingialam sa mga usapin sa Hong Kong at Las Vegas, wala silang ibang magagawa. "Manahimik kayo!" "Manahimik kayo ngayon din!" Galit na idinabog ni Grandma York ang tungkod niya sa l