Nanginig ang mga tao sa mga salitang iyon. Naalala ng lahat na may karapatan nga si Marcel na pumili ng kahit na sinong gusto niya para maging bagong young lord. Kahit na si Vince ang kilalang young lord ng pamilya, hindi siya kailanman kinilala ni Marcel simula sa umpisa. Ito ang dahilan kung bakit gusto ni Vince na maging anak ni Marcel. Hindi magkakatotoo ang pangarap ni Vince kung hindi siya kikilalanin ni Marcel. Makukuha niya lang ang pagkakataong umangat kapag kinuha siya ni Marcel. Kamakailan, pakiramdam ni Vince ay ginagamit ni Marcel si Queenie para labanan siya. Ilang beses siyang natalo noon, pero hindi siya masyadong nag-alala. Lalo na't sa mga mata niya, hindi hahayaan ni Grandma York ang isang babae na makuha ang posisyon ng young lord. Hindi lang si Grandma York, pati rin ang higher-ups ng pamilya ay hindi papayag sa desisyong iyon. Pero sandaling iyon, idineklara ni Selena na gusto niyang maging son-in-law si Harvey at umakyat siya sa ranggo. Napu
Alam ni Harvey na ginagawa ni Marcel ang lahat ng ito para pigilan ang ambisyon ni Vince at mawalan siya ng pag-asa na umakyat sa ranggo….Pero naitulak sa harapan si Harvey sa biglaang desisyong ito. Mula sa araw na iyon, hindi titigil si Vince at ang head house para tapusin si Harvey. Kahit na naiintindihan ni Harvey ang dahilan at nararamdaman ni Marcel sa paggawa niya nito, pakiramdam niya pa rin ay tinaga siya nang patalikod. Handa nang umalis si Harvey at ianunsyo na hindi siya magiging son-in-law ni Marcel… Ngunit tumingin sina Selena at Queenie sa kanya na para bang nagmamakaawa sila na manatili siya. Natural na alam ni Harvey na pupuntiryahin siya ng lahat sa araw na iyon. Pero para pigilan si Vince na umakyat ng ranggo sa pamilya at pigilan ang Empire at ang Island Nations sa pangingialam sa mga usapin sa Hong Kong at Las Vegas, wala silang ibang magagawa. "Manahimik kayo!" "Manahimik kayo ngayon din!" Galit na idinabog ni Grandma York ang tungkod niya sa l
Ang mga miyembro ng third at fourth house ay nagtinginan, para bang balak nilang tumakas. Natural matatakot sila sa galit ni Grandma York. Nakahinga nang maluwag sila Vince sa naging reaksyon niya. Basta nasa panig nila si Grandma York, sigurado na ang posisyon ni Vince. Kalaunan ay humupa rin ang kaguluhan. Suminghal ang lahat; ang daming ginawa ni Marcel para gumawa ng isang malaking palabas, ngunit napakadali nitong natapos. Ang galing talaga ni Grandma York!Sa sandaling ito, humakbang paharap si Marcel at tumayo sa harap ni Harvey. Kaagad na nagbago ang ekspresyon ni Grandma York. Galit niyang ihinampas ang kanyang tungkod sa sahig. "Marcel!" galit niyang sigaw. "Anong ibig-sabihin nito?!" "Sinusubukan tayong kalabanin ng iba, pinipilit ang isang tagalabas na maging young lord at tapusin ang pamilya natin!" "Ngunit bilang ang lord ng family, bukod sa nangyayari ngayon, ginagawa mo pa ang gusto nila!" "Nababaliw ka na ba?!" "Kung ganoon, dapat pumili na a
Nagulat ang lahat sa mga salitang iyon. Hindi inakala ng lahat na sobrang determinado si Grandma York na makuha ni Vince ang posisyon ng bagong young lord. Mamimigay pa siya ng bilyon-bilyong dolyar para lang mangyari ito! Isa talaga itong nakakagulat na eksena. Pero pagkatapos itong pag-isipang muli, inaasahan lang ito. Ano naman kung magbabayad si Grandma York ng maliit na halaga para umakyat sa ranggo si Vince? Ang dominanteng babaeng ito ay tahimik na nagbibigay respeto kay Marcel at patuloy na nagkokompromiso para kay Vince. Nang inisip ng lahat na papayag si Marcel sa kasunduan, kumunot ang noo ni Marcel. "Pasensya ka na at hindi ko matutupad ang hiling mo, Mama."Sumabog sa galit si Grandma York "Binabalak mo bang suwayin ako sa kaarawan ko?!" "Hindi ko magagawang tanggihan ang hiling mo dahil handaan mo ito…" "Pero kung madadamay dito ang kinabukasan ng pamilya, ng lungsod, at pati ng buong bansa, kailangan ko itong labanan!" "Hindi pwedeng umangat si Vince
Mabilis si Selena; hindi naiiba ang mga kilos niya sa bilis ng kidlat. Sa isang sandali lang, papunta na sa mukha ni Walter ang blade bago pa siya makakibo. Nagbago kaagad ang ekspresyon ni Grandma York. Hindi niya naisip na ang anak niyang humaling na humaling sa martial arts ay hindi man lang kayang sumalo ng isang atake laban kay Selena. Pagkatapos nito, mabilis siyang humakbang paharap at inihampas ang tungkod niya. Nabigla si Selena at nakatanggap ng malakas na hampas sa likod. Hindi niya inasahan na ganito kawalanghiya si Grandma York para atakihin siya nang patalikod. Nilunok ni Selena ang dugo na nagbabantang tumulo sa bibig niya at pinabilis ang kilos niya, naging mas mabilis siya kumpara kanina. Hindi nagtagal ay natamaan si Walter sa mukha gamit ng blade niya. May respeto pa si Selena para sa pamilya niya kaya ginamit niya lang ang likod ng blade nang inatake niya siya. Ngunit tumalsik pa rin si Walter bago bumagsak sa lapag. Isa itong nakakangiwing eksena. H
Nang makitang inaalay ni Marcel ang kanyang buhay para sa kapakanan ni Harvey, sumama ang mukha ni Vince. Binasag niya ang basong hawak niya sa galit.Natutukoy nila Matthew na nasa tabi ni Vince ang nararamdaman nito.Kapag kumampi si Marcel kay Harvey, isa itong malaking hadlang sa posisyon ni Vince.Nasa matinding sandali ang labanang ito.Tinitigan nang masama ni Grandma York si Marcel nang matagal. Sa huli, suminghal ito.“Sige! Dahil gusto mo siyang protektahan, hahayaan na lang kita.”“Dahil ikaw ang kasalukuyang lord ng family, hahayaan kong manatili dito ang importanteng panauhin mo.”“Pero, ganito pa rin ang sasabihin ko sa’yo. Kailangan mong tuparin ang pangako mo ngayon na!”“Pinag-usapan na natin ito noon. Si Vince dapat ang maging bagong young lord sa kaarawan ko ngayong taon!”“Sumang-ayon ka dito noon.”"Kung ganun, para sa kinabukasan at katatagan ng mga York ng Hong Kong…" "Dapat tapos ka na rito ngayong nandito ang lahat!" "Alam mo dapat na hindi lang a
“Balak mo bang kalabanin ang buong pamilya, Fourth Brother?”“O hindi kaya simula pa lang hindi mo na talaga gustong makuha ni Vince ang posisyon ng young lord?”“Kung ganoon, bakit hindi mo sinabi noong simula pa lang?”“Hindi mo naman siguro inaakalang malulutas ng pagpipilit mo kay Harvey ang mga problema ng pamilya, ano?”“Mula sa sitwasyon ngayon, hindi lamang makokompromiso ang posisyon mo kapag hindi ito naayos…”“Baka gumuho ang pamilya natin dahil dito!”“Talaga bang kokontra ka sa kagustuhan ng pamilya natin, Fourth Brother?”Tinitigan nang masama ni Lexie si Harvey habang nagsasalita.Sa totoo lang, napakagaling ni Harvey sa paggawa ng gulo.Maging ang buong pagsasalo ay nasira dahil sa kanya.Isang nakakatakot na tao!Nagsisisi na si Lexie na hindi niya pinatay si Harvey nang buong-lakas kanina.Kung patay na sana si Harvey, hindi sana mangyayari ang ganito.Ngunit huli na para dito.Kumunot ang noo ni Marcel sa sinabi ng kanyang kapatid. Makikita ang sakit at
Pagkatapos marinig ang pangalan ni Akio, kumirot ang mata ng madla. Nagmadali silang tumingin kay Harvey nang mukhang seryoso.Napakatalim ng titig nila.Nagbago rin kaagad ang ekspresyon ni Cory at Walter.Natural, alam nila ang ibig-sabihin nito.Sadyang may mga bagay na hindi nila pwedeng sabihin.Lalo na sa harap ng marami. Kapag ginawa nila ito, magkakagulo!“Anong binabalak mo, Harvey?!”Hindi alam ni Grandma York ang mangyayari, ngunit may masama siyang kutob.“Hindi ka naman mula dito, pero ang lakas ng loob mong hamunin ako nang paulit-ulit?!”“Tingin mo ba hindi kita papatayin?!”“Kahit ikaw pa ang son-in-law ni Marcel…”“Hinding-hindi kita hahayaan na maging young lord ng pamilya ko!”“Ang isang tagalabas na tulad mo, nagbabalak na umangat sa pamilya ko?!”“Asa ka!”“Mother, walang balak si Harvey na maging young lord noong simula pa lamang,” kalmado siyang sinabihan ni Marcel.“Hindi ko sinabi sa kanya na mangyayari ito.”“Tingin ko isa siyang karapat-dapat