”Ang daldal mo masyado. Ang mga expert ay hindi madaldal.”Humakbang paharap si Harvey at hinampas ang kanyang espada bigla.Ang kanyang hampas ay kasing bilis ng kidlat, hindi binigyan si Akio ng oras para makakilos.Ang husay ni Harvey sa espada ay iba kumpara kay Akio. Ang kanyang atake ay mabilis at mapanganib.Sa sumunod na sandali, naramdaman ni Akio ang atakee.Si Akio, na sobrang kampante dati, ay kinabahan. Masasabi niya kung gaano katindi ang lakas na meron sa mga atake ni Harvey.Malamig na pawis ang tumulo mula sa katawan ni Akio at galit na sumigaw at pinilit ang kanyang sarili na hatakin ang espada niya at salagin ang atake ni Harvey.Clang!Ang espada ni Harvey ay tumusok na parang makinang na ilaw.Isang malakas na pwersa ang bumugso papunta kay Akio. Wala siyang pagkakataon na protektahan ang kanyang sarili sa mukhang kapansin pansin na atake.Hindi niya inakala na ang simpleng atake ni Harvey ay sobrang nakakamatay.Nabigla si Akio. Mabilis niyang napagtant
”Ano?! Ikaw si Rin?”Nanigas si Julian. Isang miserableng tingin ang lumitaw sa kanyang mukha.“Ikaw ang sovereign ng Shindan Way at isa sa mga pinakamagaling na Sword Saint ng Island Nations!”“Paano ka magiging pinuno ng Misfortune?!”Mapait na tumawa si Akio.“Kung ako ay hindi si Rin, paano ko malalaman bakit ka nandito?”Sumimangot si Harvey. Nahulaan niya ito kahit papaano, pero siya pa din ay nalaman na ito ay medyo hindi kapanipaniwala matapos na malaman ang kanyang pagkatao.“Sige. Kung ikaw talaga si Rin, sasagutin mo ang ilan sa aking mga katanungan.”Na may nanlalamig na ekspresyon, kung gayon tinanong ni Julian, “Ikaw ba ang siyang pumatay sa anak ni Lord York?”Nanginig ang mata ni Akio ng tuloy tuloy.“Julian York, tama?”“Ano ang gusto mong marinig? Oo o Hindi?”Bang!Kinalabit ni Julian ang gatilyo sa kamay ni Akio ng walang pagdadalawang isip.Kumalat ang dugo sa paligid. Umungol lang si Akio, pero walang sigaw ang maririnig mula sa kanya.Natural kaya
Natigilan si Julian sa sinabi ni Akio.“T*rantado ka! Paanong hindi mo alam ang nagbayad sayo?!” Sigaw niya.“Paanong hindi mo malalaman kung ikaw si Rin?!”“Ikaw…”Slap!Bago pa magwala si Julian, kaagad na hinampas ni Harvey ang palad niya sa ulo ni Akio, pinatulog si Akio.Tapos pinunasan ni Harvey ang kanyang kamay gamit ang ilang tissue.“Ngayon ay hindi oras para tanungin siya.”“Marami tayong oras kapag nakabalik tayo sa Hong Kong.”“Inuubos niya lang ang oras natin.”“Tara na!”Kumalma na si Julian ng marinig ang mga sinabi ni Harvey.Ang mga elite ng Shindan Way ay tuluyang napaligiran ang lugar, si Harvey at Julian ay nakaatras na papunta sa likod ng bundok kasama ang Sentries ng York.Sa parehong oras, ang mga patibong na nilagay ni Yoana at kanyang mga tauhan bago sila umalis ay magagamit ng ayos.Sa sandali na si Harvey at iba pa ay nakatakas, ang mga pampasabog ay kaagad ginamit.Ng ang Shindan Way ay nagtipon sa bangin, si Harvey at iba pa ay matagal ng wa
Kuminang ang mata ni Julian. Tapos, tinaas niya ang kanyang ulo.“Sir York, paano kung sabihin ko sayo na kaya kong siguruhin ang katatagan ng Hong Kong at Las Vegas kung ako ay maging lord?”“Sisiguruhin ko na walang makakahawak sa lugar na ito! Ang Empire at Island Nations ay hindi exception!”“Meron ba akong pagkakataon na umangat kung iyon ang kaso?”Si Harvey ay medyo nagtataka matapos makita ang masigasig na tingin ni Julian.“Ano ang nagbibigay ng tapang na sabihin mo iyan? Ano ang naisip mo na meron ka para magawa ito?”“Kahit si Vince ay maaaring hindi magawa ang ganitong bagay.”Sumimangot si Julian.“Iba ako!”“Gusto ni Vince na magplano ng maaga.”“Gusto niya ang lahat na nasa ilalim ng kanyang buong kontrol. Iyan ang dahilan bakit kailangan niya ang tulong mula sa panlabas na pwersa!”“Kahit sino na nagtaas ng kanilang boses laban sa kanya ay mabilis na pinapatahimik gamit ang mga pwersang iyon.”“Ang kanyang pagangat ay magdudulot sa mga York ng Hong Kong na b
Nanigas kaagad ang ngiti sa mukha ni Julian. Napalingon siya. "Vince?!" sigaw niya nang may piyok sa boses niya. Tumingin rin si Yoana sa likod ni Harvey. "Oo, siya nga yan.""Anong ginagawa niya rito?" Ngumisi si Harvey. "Hindi mahalaga yun. Dahil gusto mong kunin ang posisyong niya…" "Bakit di mo gawin ngayon?" "Ipakita mo sa'kin ang tapang mo." "Kapag sinabi mo sa kanya na hindi siya nararapat na maging Lord ng pamilya…" "Baka maisipan kong tulungan ka." Nagbago ang matapang na ekspresyon ni Julian. Nagngitngit ang ngipin niya. "Welcome, Young Lord York! Halika, dito kayo!" Hindi siya nagsayang ng oras at kaagad na nambola. Nang marinig niya ang mga salita ni Julian, lumitaw ang pagkamuhi sa mukha ni Harvey. Sobrang mapagmataas at determinado niya kanina lang, nagsasalita siya kung paano niya aagawin ang posisyon ni Vincent at mas kaya raw niyang kontrolin ang pamilya… Ngunit malalim nang nakaukit ang pangalan ni Vince sa mga puso ng nakababatang heneras
"Hindi, hindi, hindi. Wag kang magsabi ng ganyan!" "Bilang Young Lord ng mga York ng Hong Kong, natural lang na patnubayan mo ang nakababatang henerasyon ng pamilya!" "Mag-uulat naman sana ako sa'yo tungkol sa sitwasyon kapag tapos na akong magligpit!" "Hindi ko inasahan na alam mo na ang tungkol dito…" "Paano kung ganito? Ikekwento ko sa'yo ang tungkol dito pagkatapos kong mag-ulat kay Lord York!" Malambing na ngumiti si Vince sa pambobola ni Julian na para bang puno siya ng saya. Humakbang siya paharap at tinapik ang balikat ni Julian. "Wag mong kalimutan, Julian," sabi niya. "Hindi lang ako ang young lord mo. Nakakatanda mo rin akong pinsan.""Hindi naman sa alam ko ang mga balita. Pero ang galing mong itago ang misyon mo." "Bakit di mo muna sinabi sa'kin ang ganito kadelikadong misyon?" "Kahit na hindi kita masamahan, kahit papaano ay makakapagdala ako ng ilang eksperto para panatilihin kang ligtas." "O sinasabi mo bang nagtatago ka sa'kin?" "Natatakot ka
Tumawa si Harvey. "Bakit di ka lumuhod para sa'kin?" "Kapag ginawa mo yun, baka palampasin kita." Napahinto kaagad ang lahat pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. May gustong sabihin si Julian, ngunit sa sandaling binuksan niya ang bibig niya, napagtanto niyang walang maitutulong ang kahit na anong sabihin niya. Sa panlabas, mukhang magalang at marespeto sina Vince at Harvey sa isa't-isa… Pero sa sandaling may masabing mali si Harvey, masasabak ang dalawang panig sa isang matinding giyera. Sabihan si Harvey na huwag galitin si Vince?Imposible! Sandali pa lang nakakasama ni Julian si Harvey pero malinaw na niyang naiintindihan. Ang isang lalaking kagaya ni Vince ay wala lang sa mga mata ni Harvey. Kung magpapatuloy nang ganito ang sitwasyon, tiyak na magkakamatayan ang dalawang ito. Natulala si Quinton na nakatayo sa likuran ng mga tao. Hindi niya inakalang lalabanan pa rin ni Harvey si Vince ngayong nandito si Vince. Sa Hong Kong at Las Vegas, tanging si H
"Dating Young Lord ba ang sabi mo?" "Sarili na lang ang pakialaman ko?" May maliit na ngiti si Vince nang tumingin siya kay Harvey. "Oh, Sir York! Nagsasalita ka na para bang ayaw mong makipag-usap sa'kin." "Nagpunta ka sa Island Nations kasama ni Julian at nahanap ang salarin sa likod ng nangyari sa anak ni Fourth Uncle sampung taon ang nakaraan…" "Tinapos mo rin si Jason pati na rin ang krisis sa Hong Kong at Las Vegas dahil sa pagbabalik niya.""Sa madaling salita, hindi lang sa marami ka nang ginawa sa lugar…""Ang bawat isa ring bagay na ginawa mo ay para sa ikabubuti ng bansa at ng mga tao sa kabuuan!" "Kung kaya't nagpasya ako na ilista ka bilang importanteng panauhin para sa social circle ko." "Walang kahit na sinong magpapahirap sa'yo." "Basta't umalis ka sa loob ng bente-kwatro oras…" Tumingin si Vince sa Patek Philippe niyang relo at ngumiti ulit. "Oh, nagkamali ako! May labindalawang oras ka na lang ngayon…" "Kapag umalis ka sa lugar na'to sa loob ng