"Hindi, hindi, hindi. Wag kang magsabi ng ganyan!" "Bilang Young Lord ng mga York ng Hong Kong, natural lang na patnubayan mo ang nakababatang henerasyon ng pamilya!" "Mag-uulat naman sana ako sa'yo tungkol sa sitwasyon kapag tapos na akong magligpit!" "Hindi ko inasahan na alam mo na ang tungkol dito…" "Paano kung ganito? Ikekwento ko sa'yo ang tungkol dito pagkatapos kong mag-ulat kay Lord York!" Malambing na ngumiti si Vince sa pambobola ni Julian na para bang puno siya ng saya. Humakbang siya paharap at tinapik ang balikat ni Julian. "Wag mong kalimutan, Julian," sabi niya. "Hindi lang ako ang young lord mo. Nakakatanda mo rin akong pinsan.""Hindi naman sa alam ko ang mga balita. Pero ang galing mong itago ang misyon mo." "Bakit di mo muna sinabi sa'kin ang ganito kadelikadong misyon?" "Kahit na hindi kita masamahan, kahit papaano ay makakapagdala ako ng ilang eksperto para panatilihin kang ligtas." "O sinasabi mo bang nagtatago ka sa'kin?" "Natatakot ka
Tumawa si Harvey. "Bakit di ka lumuhod para sa'kin?" "Kapag ginawa mo yun, baka palampasin kita." Napahinto kaagad ang lahat pagkatapos marinig ang mga salitang iyon. May gustong sabihin si Julian, ngunit sa sandaling binuksan niya ang bibig niya, napagtanto niyang walang maitutulong ang kahit na anong sabihin niya. Sa panlabas, mukhang magalang at marespeto sina Vince at Harvey sa isa't-isa… Pero sa sandaling may masabing mali si Harvey, masasabak ang dalawang panig sa isang matinding giyera. Sabihan si Harvey na huwag galitin si Vince?Imposible! Sandali pa lang nakakasama ni Julian si Harvey pero malinaw na niyang naiintindihan. Ang isang lalaking kagaya ni Vince ay wala lang sa mga mata ni Harvey. Kung magpapatuloy nang ganito ang sitwasyon, tiyak na magkakamatayan ang dalawang ito. Natulala si Quinton na nakatayo sa likuran ng mga tao. Hindi niya inakalang lalabanan pa rin ni Harvey si Vince ngayong nandito si Vince. Sa Hong Kong at Las Vegas, tanging si H
"Dating Young Lord ba ang sabi mo?" "Sarili na lang ang pakialaman ko?" May maliit na ngiti si Vince nang tumingin siya kay Harvey. "Oh, Sir York! Nagsasalita ka na para bang ayaw mong makipag-usap sa'kin." "Nagpunta ka sa Island Nations kasama ni Julian at nahanap ang salarin sa likod ng nangyari sa anak ni Fourth Uncle sampung taon ang nakaraan…" "Tinapos mo rin si Jason pati na rin ang krisis sa Hong Kong at Las Vegas dahil sa pagbabalik niya.""Sa madaling salita, hindi lang sa marami ka nang ginawa sa lugar…""Ang bawat isa ring bagay na ginawa mo ay para sa ikabubuti ng bansa at ng mga tao sa kabuuan!" "Kung kaya't nagpasya ako na ilista ka bilang importanteng panauhin para sa social circle ko." "Walang kahit na sinong magpapahirap sa'yo." "Basta't umalis ka sa loob ng bente-kwatro oras…" Tumingin si Vince sa Patek Philippe niyang relo at ngumiti ulit. "Oh, nagkamali ako! May labindalawang oras ka na lang ngayon…" "Kapag umalis ka sa lugar na'to sa loob ng
Nagkibit-balikat si Harvey. Wala siyang pakialam. "Nasa ilang daang dolyar din ang inuming to. Hindi ko naman to pwedeng itapon na lang nang basta-basta di ba?" "Ano? Hindi to tungkol sa champagne!" Malapit nang masuka ng dugo si Julian. "Nakatanggap ako ng balita!" "Binigay na ni Grandma York ang utos na palayasin ka rito kagabi! Hindi ka na makakabalik!" "May labindalawang oras ka pa bago ang time limit!" "Kung hindi ka aalis dito bago yun…" Masama ang mukha ni Julian. Nagkainteres si Harvey. "Anong mangyayari?" “Si Jacknife!”"Kung hindi ka aalis dito bago yun, hahabulin ka ni Jacknife—ang pinakamagaling na tauhan ni Grandma York na sinasabing mas malakas kaysa kay Lord York!" "Kung hindi ka umalis dito, may ibang taong maghahatid sa'yo!" "Sa kamatayan mo, syempre…!" “Jacknife?”Tumawa si Harvey bago tinapik si Julian sa balikat. "Magpadala ka ng salita para sa'kin." "Sabihin mo kay Jacknife na dalian niya kung balak niya akong patayin." "May iba
Pagkaalis ni Vince, sumakay si Harvey sa convoy ni Yoana, balak niyang makahanap ng lugar na mapagpapahingahan habang inaayos ang insidente. Sa sandaling nagsimula ang makina, tumakbo papalapit si Julian. Tinapik niya ang bintana malapit kay Harvey. "Hinahanap ka ng tatay ko, Sir York," sabi niya. "Para saan?" Kumunot ang noo ni Harvey. Nakita na niya noon si Noah… Pero malinaw na ayaw ng dalawang lalaki ang isa't-isa. Hindi naisip ni Harvey na kailangan nilang magkita. "Sabi ng tatay ko, gusto ka daw niyang pasalamatan para sa nangyari kagabi." "At saka nagtatanong siya kung kailangan mo raw ba ng kahit na anong tulong." "Kung kailangan mo raw, gagawin niya ang lahat." "Umaasa ako na makikipagkita ka sa kanya…" Mukhang nagtataka si Julian sa mga salita niya. Kahit siya mismo ay hindi makapaniwala na ganito kagalang ang ama niya kay Harvey. May interesadong ekspresyon sa mukha ni Harvey habang nakikinig siya kay Julian. Kinaway niya ang kamay niya para senya
Kalmadong nagsalita si Harvey. Nanatili ang maliit na ngiti sa mukha niya. Sandaling napahinto si Noah bago natawa nang malakas. "Magaling! Napakagaling!" "Nakalimutan ko! Maski ako ay natalo nang malaki sa mga kamay mo!" "Kung iniisip ni Vince na kaya ka niyang pabagsakin gamit lang ng pagkuha ng mas malakas na tao sa tabi niya…" "Mukhang medyo minamaliit ka niya.' "Habang nasa paligid ka, magiging madali lang para kay Queenie na umangat." "Nangangarap lang siya kung gusto ka niyang paalisin sa lugar na'to nang ganun kadali." Pagkatapos ay binigyan niya ng tsaa si Harvey habang nakatulala sa paghanga. Ngumiti si Harvey. "Masyado kang mabait. Dahil sinusuportahan ni Grandma York si Vince…""Kailangan ko ring magbigay respeto." "Kung ganun, kailangan kong mag-isip ng paraan para labanan siya.""Hahaha! Sigurado ako kayang-kaya mong gawin yan." Makahulugang naningkit ang mga mata ni Noah. "Labanan mo lang sila kagaya ng ginawa mo sa'kin noon." "Hinihintay ko
Kaagad na dumilim ang mukha ni Noah sa mga salita ni Harvey. "Nagbibiro ka siguro, Sir York," sagot niya pagkatapos pilit na tumawa. "Hindi mag-iisip nang ganito kalayo ang isang lalaking kagaya ko!" "Sinabi ko na kay Julian na wag mag-isip ng ganito pagkatapos malaman na sinusuportahan ni Fourth Brother si Queenie." "Wala akong ibang intensyon nang pinatawag kita rito ngayong araw." "Nandito lang ako para hilingin ang maayos na pamumuhay mo sa Hong Kong at Las Vegas." "Lalo na't kumakampi ang third house kay Fourth Brother sa puntong ito." "Mali ba ako?" Tumayo si Harvey at binato ang tasang hawak niya. Narinig ang isang malakas na ingay, pagkatapos ay lumitaw kaagad ang isang nakatagong baril sa bubong ng kabilang building. May kumokontrol sa baril mula sa malayo gamit ng high-tech na equipment. Nagbago kaagad ang ekspresyon ni Noah nang napansin niya ang nangyari. Wala talaga siyang maitatago kay Harvey! Bahagyang ngumiti si Harvey kay Noah bago lumapit par
Uminom si Noah sa kanyang tasa bago magpatuloy sa pagsasalita. "Sa sitwasyon ngayon, kalaban na ng mga York ng Hong Kong ang isa't isa sa puntong ito." "Ang isang panig ay kumakatawan sa pwersa ng Fourth Brother. Sa buong pamilya, sila ang may pinakamalaking yaman. Sila rin ang may pinakamalaking kapangyarihan sa ngayon." "Ginagamit lamang nila ang insidente noong nakaraang sampung taon para ibagsak si Vince." "Doon lamang makakaangat si Queenie." "Ang Fourth Brother ang mananatiling lord ng pamilya sa ilang mga taon." "Samantala, ang kabilang panig ang kumakatawan sa mga nasa ilalim ni Grandma York." "Tingin mo ba talaga may pakialam talaga siya kay Vince?" "Hindi ito totoo." "Ang pinakamatandang tito mo ang pinakamahal ni Grandma York, pero bakit niya hinayaan ang fourth uncle mo na makuha ang posisyon ng pagiging lord ng pamilya?" "At kahit mahal ni Grandma York si Vince, hindi talaga kahanga-hanga ang kakayahan niya para sa akin." "Dahil lang ito sa siya ang pin