Uminom si Noah sa kanyang tasa bago magpatuloy sa pagsasalita. "Sa sitwasyon ngayon, kalaban na ng mga York ng Hong Kong ang isa't isa sa puntong ito." "Ang isang panig ay kumakatawan sa pwersa ng Fourth Brother. Sa buong pamilya, sila ang may pinakamalaking yaman. Sila rin ang may pinakamalaking kapangyarihan sa ngayon." "Ginagamit lamang nila ang insidente noong nakaraang sampung taon para ibagsak si Vince." "Doon lamang makakaangat si Queenie." "Ang Fourth Brother ang mananatiling lord ng pamilya sa ilang mga taon." "Samantala, ang kabilang panig ang kumakatawan sa mga nasa ilalim ni Grandma York." "Tingin mo ba talaga may pakialam talaga siya kay Vince?" "Hindi ito totoo." "Ang pinakamatandang tito mo ang pinakamahal ni Grandma York, pero bakit niya hinayaan ang fourth uncle mo na makuha ang posisyon ng pagiging lord ng pamilya?" "At kahit mahal ni Grandma York si Vince, hindi talaga kahanga-hanga ang kakayahan niya para sa akin." "Dahil lang ito sa siya ang pin
"Sige! Tama na ang dada." Suminghal si Noah. Pagkatapos pangaralan si Julian, iniba niya ang usapan. "Kahit na ang fourth uncle mo ang nagbigay ng utos para sugurin ang Island Nations…" "Ikaw at ang Sentries of York ang nakikipaglaban sa harap." "Malaking pakinabang sa'yo kung ikaw ang mapapangaralan para sa misyon na ito." "Ikinalulungkot ko na kailangan mong kausapin si Harvey tungkol dito." "Kung handa siyang hayaan na ikaw ang makakuha ng parangal para dito, magkakaroon ka ng malaking tagumpay." "Syempre, kung ayaw niya, huwag mo siyang pilitin." "Dahil napili nating kumampi sa fourth uncle mo sa ngayon, hindi rin dapat natin galitin si Harvey. Naiintindihan mo?" "Naiintindihan ko, Father. Huwag kang mag-alala," nakangiting sinabi ni Julian. "Sa totoo, napag-usapan na namin ito noon.""Sinabi ni Sir York na isa lamang siyang supervisor, at ako ang pinakakumikilos." "Wala siyang pakialam dito. Akin na ang lahat ng credit." Ang laki ng ngiti ni Julian, mukhan
Tinitigan nang masama ni Noah ang taong pumasok. "Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo?!" "Kailangan nating maghintay para makakuha ng magagandang bagay!" "P-Pero…" Natataranta ang lalaki. "Wala kang kwenta!" sigaw ni Noah. "Ano 'yun? Magsalita ka!" Kaagad na binuksan ng lalaki ang kanyang phone at ipinakita sa kanila ang balita. "Ang mahalagang panauhin ng mga York ng Hong Kong at ang city's man of the hour, si Harvey York, ay sumalakay sa Island Nations at itinumba ang salarin sa malalang insidente noong nakaraang sampung taon!"Ang pamagat ay kulay itim lamang, ngunit sapat na ito para mabigyang liwanag ang mga problema sa kasalukuyang sitwasyon ng Hong Kong at Las Vegas. Kaagad na nagdilim ang mukha ni Julian dahil dito. "Ang hayop na 'yun!" "Sa akin dapat 'yun!" "Ngayon sira na ang lahat!" "May nagbabalak na panatilihin akong nasa baba sa buong buhay ko!" "Magsalita ka! Sinong gumawa nito?!" Nanggigigil sa galit si Julian, umaapaw ang galit sa kanyang
Kalmado ang tono ni Kaitlyn, ngunit ang mga sinabi niya ay tagos sa puso ni Julian na parang mga patalim. Sa sandaling ito, naipit si Julian. Hindi niya aamining gusto niyang agawin ang pwesto ni Vince sa harapan nito. Gayunpaman, hindi niya masabing natatakot siya kay Vince sa harapan ng ganito karaming tao. Sa huli, nanahimik na lang siya at hindi na nagsalita. Masyadong mabigat ang ihip ng hangin sa pagitan nila, sa sobrang kapal pwede na itong hiwain. Nagtitigan si Matthew at Quinton, nakangiti sa isa't isa habang pinapanood nila ang nangyayari. Alam nilang walang epekto kay Vince ang kanilang maliliit na pakulo, pero… Umaasa pa rin sila sa maliit na pag-asang mangyayari ito. Kapag nagulo ni Julian ang grupo ni Vince at nagkagulo ang lahat, maaari nilang makuha ang posisyon ni Vince. Huminga nang malalim si Julian at pinilit na pakalmahin ang kanyang sarili. Tinitigan niya nang maigi si Vince bago sabihin, "Mali ko na bigla akong pumasok dito, Young Lord York."
Kahit na nasiguro na ni Julian na si Vince ang may pakana ng balitang ito… Sa loob niya, umaasa pa rin siya. Ang tingin niya pa rin kay Vince ay isang malaking taong malawak ang isipan. Hindi gagawa si Vince ng bagay na ganito kababaw! Kahit na si Vince ang posibleng gumawa nito, umaasa pa rin si Julian na itatanggi ni Vince ang bagay na ito. Ngunit si Vince, na tinititigan nang masama ni Julian, ay umiling at basta na lang hinagis ang laptop sa lamesa. "Tama. Ako ang gumawa nito." "Ako ang nagsabi ng lahat sa Hong Kong Daily News, hanggang sa pinakamaliit na detalye." "Pati ang manuscript at title ay ako ang tumingin." "Oh, may sasabihin pa pala ako sa'yo. Binila ko na ang lahat ng mga papel ngayon. Alam na ito ng buong Hong Kong sa ngayon." "Pero natural lang naman ito diba. Hindi naman kailangang itago ang katotohanan, diba?" Nang makita ang matagumpay na ngiti ni Vince, nagkaroon ng pagkamuhi sa mga mata ni Julian. "Bakit mo ito ginagawa, Vince?" seryosong tan
Makikita ang kampanteng ngiti sa labi ni Vince. Sa itsura niya ay parang ginagawa niya ang tama. Gustong-gustong sampalin ni Julian si Vince sa mukha, ngunit napigilan niya ang kanyang sarili. Natawa si Ellis sa likuran nila. "Bibigyan kita ng isa pang impormasyon, Julian." "Kanina lang, ang Five Royal Gates at ang natitirang Five Schools of Martial Arts ay nagtipon na sa Kyoto upang magsagawa ng oath-taking rally sa royal palace." "Balak nilang hanapin ang mga taong may kinalaman sa nangyari sa Shindan Way. Sa pagkakataong ito, hindi talaga sila magpipigil!" "Sa pagkakataong ito, niligtas ng mga plano ni Young Lord York ang buhay mo!" "Mabuti pa at magpasalamat ka nang maayos sa kanya! Patay ka na sana kung hindi dahil sa kanya." "Ang malala pa dito, ang mga York ng Hong Kong ay hahabulin ng mga Islander!" "Kailangang linisin ni Young Lord York ang kalay mo! Ang laki ng ginawa niya para sa'yo…" "Pero anong ginawa mo, pinagdudahan mo siya." "Nakakadismaya ka, Juli
"Atsaka, hindi naman sa siniraan ka ni Young Lord York. Sinabi lang niya ang totoo. Para rin ito sa kapakanan mo, alam mo ba." "Malaking bagay ang paghuli kay Akio." "Pero si Harvey lamang ang makakagawa ng ganitong bagay." "Kapag nahuli kang nang-aagaw ng tagumpay ng iba, mapapahamak ka!" "Ibubuwis mo na baka maghiganti sa'yo ang mga Islander at baka kamuhian ka ng mga tao!" "Hindi mo ba naiisip na delikado 'yan?" "Pinagtatakpan ka lang ni Young Lord York dahil bata ka pa, Julian. May mga bagay na hindi mo pa kayang asikasuhin nang mag-isa." "Huwag mong isipin na ibinababa ka niya " "Para sa kapakanan mo ang lahat ng ito!" Tiningnan ng lahat si Julian nang mukhang kampante, para bang sila ang nasa tama. Sa puntong ito, natali na nila si Julian. Bago lumitaw si Queenie, ang ilan sa mga taong ito ay may sariling motibo. Ngunit nang lumitaw ito, nakuha niya ang buong Hong Kong at Las Vegas. Bukod sa pagtatrabaho sa ilalim ni Vince, wala nang ibang paraan para sa
Sa Hong Kong, sa garden villa.Si Harvey York at iba pa ay nagaalmusal ng magkasama.Matapos tumingin sa laptop, merong pumukaw sa interes ni Harvey.“Hindi ko alam kung dapat kong tanungin ito o hindi, Lord York…”“Pero, sira ba ang utak ni Vince York o kung ano pa man?”“Bakit pinili siya ng pamilya para maging young lord sa umpisa pa lang?”“Gusto ba patayin ng pamilya ang kanilang sarili o kung ano pa man?”Matapos na tumingin sa balita, ng hindi man lang sinisigurado, nadetermina ni Harvey na si Vince ang may pasimuno sa lahat ng ito.Ang tanging tao na maglalarawan ng ganitong kwento at itulak si Harvey sa ilaw at hamunin ang marupok na mga Islandeer ay walang iba kung hindi si Vince.Akala niya na ang mga Islander ay gagamitin ang pagkakataon para habulin si Harveeeey habang sinisira din ang pagkakataon ni Julian York na umangat sa ranggo. Pwede niya pang bigyan ng malaking pabor ang mga Islander dahil dito.Ito ay three birds with one stone! Isang mahusay na taktika,