Kalmado ang tono ni Kaitlyn, ngunit ang mga sinabi niya ay tagos sa puso ni Julian na parang mga patalim. Sa sandaling ito, naipit si Julian. Hindi niya aamining gusto niyang agawin ang pwesto ni Vince sa harapan nito. Gayunpaman, hindi niya masabing natatakot siya kay Vince sa harapan ng ganito karaming tao. Sa huli, nanahimik na lang siya at hindi na nagsalita. Masyadong mabigat ang ihip ng hangin sa pagitan nila, sa sobrang kapal pwede na itong hiwain. Nagtitigan si Matthew at Quinton, nakangiti sa isa't isa habang pinapanood nila ang nangyayari. Alam nilang walang epekto kay Vince ang kanilang maliliit na pakulo, pero… Umaasa pa rin sila sa maliit na pag-asang mangyayari ito. Kapag nagulo ni Julian ang grupo ni Vince at nagkagulo ang lahat, maaari nilang makuha ang posisyon ni Vince. Huminga nang malalim si Julian at pinilit na pakalmahin ang kanyang sarili. Tinitigan niya nang maigi si Vince bago sabihin, "Mali ko na bigla akong pumasok dito, Young Lord York."
Kahit na nasiguro na ni Julian na si Vince ang may pakana ng balitang ito… Sa loob niya, umaasa pa rin siya. Ang tingin niya pa rin kay Vince ay isang malaking taong malawak ang isipan. Hindi gagawa si Vince ng bagay na ganito kababaw! Kahit na si Vince ang posibleng gumawa nito, umaasa pa rin si Julian na itatanggi ni Vince ang bagay na ito. Ngunit si Vince, na tinititigan nang masama ni Julian, ay umiling at basta na lang hinagis ang laptop sa lamesa. "Tama. Ako ang gumawa nito." "Ako ang nagsabi ng lahat sa Hong Kong Daily News, hanggang sa pinakamaliit na detalye." "Pati ang manuscript at title ay ako ang tumingin." "Oh, may sasabihin pa pala ako sa'yo. Binila ko na ang lahat ng mga papel ngayon. Alam na ito ng buong Hong Kong sa ngayon." "Pero natural lang naman ito diba. Hindi naman kailangang itago ang katotohanan, diba?" Nang makita ang matagumpay na ngiti ni Vince, nagkaroon ng pagkamuhi sa mga mata ni Julian. "Bakit mo ito ginagawa, Vince?" seryosong tan
Makikita ang kampanteng ngiti sa labi ni Vince. Sa itsura niya ay parang ginagawa niya ang tama. Gustong-gustong sampalin ni Julian si Vince sa mukha, ngunit napigilan niya ang kanyang sarili. Natawa si Ellis sa likuran nila. "Bibigyan kita ng isa pang impormasyon, Julian." "Kanina lang, ang Five Royal Gates at ang natitirang Five Schools of Martial Arts ay nagtipon na sa Kyoto upang magsagawa ng oath-taking rally sa royal palace." "Balak nilang hanapin ang mga taong may kinalaman sa nangyari sa Shindan Way. Sa pagkakataong ito, hindi talaga sila magpipigil!" "Sa pagkakataong ito, niligtas ng mga plano ni Young Lord York ang buhay mo!" "Mabuti pa at magpasalamat ka nang maayos sa kanya! Patay ka na sana kung hindi dahil sa kanya." "Ang malala pa dito, ang mga York ng Hong Kong ay hahabulin ng mga Islander!" "Kailangang linisin ni Young Lord York ang kalay mo! Ang laki ng ginawa niya para sa'yo…" "Pero anong ginawa mo, pinagdudahan mo siya." "Nakakadismaya ka, Juli
"Atsaka, hindi naman sa siniraan ka ni Young Lord York. Sinabi lang niya ang totoo. Para rin ito sa kapakanan mo, alam mo ba." "Malaking bagay ang paghuli kay Akio." "Pero si Harvey lamang ang makakagawa ng ganitong bagay." "Kapag nahuli kang nang-aagaw ng tagumpay ng iba, mapapahamak ka!" "Ibubuwis mo na baka maghiganti sa'yo ang mga Islander at baka kamuhian ka ng mga tao!" "Hindi mo ba naiisip na delikado 'yan?" "Pinagtatakpan ka lang ni Young Lord York dahil bata ka pa, Julian. May mga bagay na hindi mo pa kayang asikasuhin nang mag-isa." "Huwag mong isipin na ibinababa ka niya " "Para sa kapakanan mo ang lahat ng ito!" Tiningnan ng lahat si Julian nang mukhang kampante, para bang sila ang nasa tama. Sa puntong ito, natali na nila si Julian. Bago lumitaw si Queenie, ang ilan sa mga taong ito ay may sariling motibo. Ngunit nang lumitaw ito, nakuha niya ang buong Hong Kong at Las Vegas. Bukod sa pagtatrabaho sa ilalim ni Vince, wala nang ibang paraan para sa
Sa Hong Kong, sa garden villa.Si Harvey York at iba pa ay nagaalmusal ng magkasama.Matapos tumingin sa laptop, merong pumukaw sa interes ni Harvey.“Hindi ko alam kung dapat kong tanungin ito o hindi, Lord York…”“Pero, sira ba ang utak ni Vince York o kung ano pa man?”“Bakit pinili siya ng pamilya para maging young lord sa umpisa pa lang?”“Gusto ba patayin ng pamilya ang kanilang sarili o kung ano pa man?”Matapos na tumingin sa balita, ng hindi man lang sinisigurado, nadetermina ni Harvey na si Vince ang may pasimuno sa lahat ng ito.Ang tanging tao na maglalarawan ng ganitong kwento at itulak si Harvey sa ilaw at hamunin ang marupok na mga Islandeer ay walang iba kung hindi si Vince.Akala niya na ang mga Islander ay gagamitin ang pagkakataon para habulin si Harveeeey habang sinisira din ang pagkakataon ni Julian York na umangat sa ranggo. Pwede niya pang bigyan ng malaking pabor ang mga Islander dahil dito.Ito ay three birds with one stone! Isang mahusay na taktika,
Matapos mapansin ang katapatan sa mga sinabi ni Selena Judd, nagpakita ng mainit na ngiti si Harvey.“Huwag kang magalala, Lady Judd.”“Ang Shindan Way ay puno ng mga trick, pero kaya ko ito.”“Inasikaso ko na ang dalawang Sword Saint. Sigurado ako na kaya kong asikasuhin ang iba pa.”“Wala akong pakialam na pumunta sa Kyoto kung magdesisyon sila na asarin ako muli.”“Ito ay magiging magandang palabas.”“Bakit mo siya tinatrato bilang sarili mong anak, Mother?” Sabi ni Queenie York.“Ako ay halatang mas nasa peligro sa ngayon!”Ngumiti lang si Selena.“Hindi ako nagaalala sayo kahit kaunti! Ang Guardians ng Lord ay patuloy na nagbabantay sayo kung sabagay.”“Kung nagkakaproblema ka pa din matapos iyon, kailangan kong tanungin ang awtoridad ng ama mo bilang lord ng pamilya.”Pumalakpak si Marcel habang tumatawa siya.“Sige. Tutal sinabihan ko si Harvey na asikasuhin ang mga Islandeer, ibig sabihin nito na kumbinsido ako sa kanyang lakas.”“Maliban na lang kung itapon nila a
Habang si Marcel York at Selena Judd ay hinahangaan ang kanilang potensyal na future son-in-law, si Harvey York ay mabilis na tumakas.Pwede siyang tumakbo pansamantala, pero hindi siya makakatakas mula sa dalawa.Para sa kanyang sariling kaligtasan, kailangan niya na manatili sa garden villa para sa susunod na mga araw.Sa sumunod na araw, kinaumagahan, ang ere sa labas ay preesko matapos umulan kagabi.Habang naglalakad lakad, nakasalubong ni Harvey si Queenie York, na naghahanda para sa kanyang morning exercise. Tapos sumakay siya sa kanyang four-wheeled scooter bago dumating sa private golf course hindi malayo sa likod ng garden villa.Suot ni Queenie ang kanyang golf shirt na may maiksing skirt, kasama ang sunglasses at knee socks, pinagmukha siyang sobrang nakakaakit.Ng dinala niya si Harvey sa golf course, isang hininga ng sariwang hangin ang dumaan sa kanila.Pinulot ni Harvey ang golf club na may maliit na ngiti sa kanyang mukha.“Nasa harapan na ako sa puntong ito, p
Clap clap clap!“Tulad ng inaasahan mula sa eksperto tulad mo, Sir York.”“Hindi nakakapagtaka na maglalakas loob ka na kontrahin si Grandma York mismo.”“Hindi ko talaga alam kung ikaw ay talagang mahusay na binata o tanga lang talaga.”Isang mapanlait na tono ang maririnig.Ilang tao ang makikitang lumabas mula sa gubat.Ang mga tao ay lahat nakasuot ng green long sleeve na shirt habang nagpapakita ng mga ekspresyong kasing lamig ng yelo.Isang mapayat na lalaki ang nakatayo sa gitna.Ang lalaki ay may maputla at inahit na mukha. Pinaglalaruan niya ang mga walnut habang nanliliit ang mata kay Harvey, puno ng panlalait.Isang mayabang at dominanteng aura ang malinaw na mararamdaman mula sa kanya!“Manager York?!”Ang ekspresyon ni Queenie ay nagbago kaunti matapos makita ang lalaki.“Sino?” Tanong ni Harvey. Hindi niya inasahan ang isang tao sa Hong Kong ay maglalakas loob na kumilos ng mapagmataas sa harapan niya.Iyon ang dahilan bakit siya naging interesado.Isang si